CHAPTER FORTY SEVEN

1040 Words
Mikaella's P.O.V. Pagkapasok namin ay nakita naming wala si Nathan sa kama n'ya. Mabilis na nagpunta si Chase sa Bathroom at binuksan iyon pero wala rin dito si Nathan. Agad naman akong napatingin sa bintana at nakitang sarado naman ito. Nasaan si Nathan? "Sht," rinig kong mahinang sabi ni Chase. Pinagmasdan ko s'ya at nakita kong nakatayo lang ito habang malalim ang iniisip. Tumingin s'ya sa akin at agad akong hinawakan sa wrist tapos ay hinila papalabas ng hospital room ni Nathan. Napakunot ang noo ko at tinignan s'ya. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko dito. "Rooftop," tipid nitong sagot. Napatingin ako sa mga nadadaanan namin na pasyente at nakatingin lang ang mga ito sa amin. Nagtungo kami sa hagdan at umakyat rito. Hindi kasi connected ang elevator sa rooftop. "Paano kung wala s'ya sa rooftop?" Tanong ko kay Chase habang umaakyat kami. "Then we'll lose. He's the only clue I have right now," sagot n'ya sa akin. "Clue?" Nakakunot noo kong tanong. "We're here." Huminto na s'ya sa isang tapat ng pinto kaya naman napahinto rin ako. Nakita kong nakabukas ito. Nakaawang ang pinto ng kaonti at naaninag ko ang liwanag mula sa labas. Napatingin ako sa kamay ni Chase na nakahawak sa wrist ko nang bitawan n'ya ito at sumilip. "He's here," mahina nitong sagot kaya naman agad akong sumilip. Nakita ko si Nathan na nakatayo lang at nakatingala sa araw. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa o iniisip nito. Maaga pa kaya naman kahit nakalabas na ang araw ay hindi mainit at presko ang hangin. "What are we going to do?" Tanong ko kay Chase. "We need to get him. Hindi na s'ya pwedeng makawala," sagot nito sa akin at dahan-dahan na binuksan ang pinto. Tumingin s'ya sa akin ng seryoso at pinatong nito ang index finger n'ya sa labi para sabihing huwag ako gumawa ng ingay. Tumango naman ako at sumunod ako sa kan'ya. Nakatalikod sa amin si Nathan at mukhang may iniisip s'ya kaya hindi n'ya kami naririnig o nararamdaman. "Nathan," tawag ni Chase sa kan'ya nang makalapit na kami rito. Nakita kong napayuko si Nathan at dahan-dahan itong tumingin sa amin. Seryoso lang ang mukha nito at hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip n'ya. "Bakit kayo nandito?" Tanong nito sa amin. "Alam na ng mga police ang totoo. The least you can do is to give up. Sumuko ka na lang," sagot ni Chase sa kan'ya. "Who are you to tell me what to do?" Galit na tanong ni Nathan. "Hinding hindi ko ibibigay ang sarili ko sa mga police! Hindi ako makukulong." "Pinapatay mo si Stella. Ang ex-girlfriend mo pati na rin si Vince. Hindi kaba nakokonsensya sa mga pinagaggawa mo?" Tanong ko rito. "I thought you're a good person!" Bigla s'yang tumawa at finold ang sleeves ng hospital gown. Nakita ko ang mga mahahaba at malalim na hiwa nito sa wrist. Tinaas n'ya ang mga iyon. "I'm a great actor, right?" Tanong nito. "Napaniwala ko kayong lahat na inosente ako at ako ang victim." Naiyukom ko ang palad ko dahil sa mga sinasabi n'ya. Napatingin ako kay Chase nang tumingin s'ya sa akin at umiling. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. Bigla nalan kaming may narinig na tunog ng mga kotse ng police at nakita kong nanlaki ang mata ni Nathan. Agad s'yang umatras hanggang sa railings na ang likod nito na hanggang baiwang n'ya. "Nathan," mahinahon na tawag ni Chase sa kan'ya at humakbang ito nang dahan-dahan. "No! Wag kayong lalapit sa akin!" Sigaw nito at humawak sa railings tapos ay nagpunta sa kabilang side. "Nathan!" Sigaw ko dito dahil isang malinag galaw lang n'ya ay maaari na s'yang malaglag. Mapabitaw lang s'ya sa railings ay katapusan na n'ya. "Nathan, calm down," mahinahon na sabi ni Chase at pamsimpleng lumalapit kay Nathan. Hindi ako makagalaw at hindi ko alam ang dapat kong gawin. Alam kong papunta na sa amin ang mga police. Natatakot rin ako sa kung anong kayang gawin ni Nathan sa sarili n'ya. "How can I calm down?" Tanong ni Nathan at yumuko. "My mom was right. I am a psycho." Tumingin sa amin si Nathan at natigilan ako nang makitang tumulo ang luha n'ya. "She wanted me to transfer school para magsimula ng bagong buhay. She knows what I did." Mas lalo akong natigilan sa narinig ko. "Alam n'yang ako ang may kagagawan kung bakit patay na si Stella. Totoong na-depressed ako dahil sa pangloloko sa akin ni Stella at nang matauhan ako sa nagawa ko sa kan'ya," huminto s'ya saglit at huminga nang malalim. "But after a few weeks? Nawala rin iyon agad. Mas pumaibabaw ang galit sa akin. Gusto kong gumanti kay Vince. Gusto ko s'yang patayin." Nakarinig ako ng mga footsteps sa loob at sa tingin ko ay nasa pinto na ang mga police. Mukhang nakikinig ang iba sa kanila at humahanap ng stempo kung kailan lalabas dito sa rooftop. "Nakipagkasunduan ako sa mga killers na tinatawag na Ckillers." "Sino sila?" Hindi ko napigilan ang sarili ko at naitanong ko ito. Matagal na ako naghananap ng clue para malaman kung sino sila. Matagal ko nang gustong malaman ang pangalan ng mga iyon. Marami silang kasalanan sa amin ni kuya at sa iba pang tao. "I'm sorry, Mika. A deal is a deal. Hindi ko pwedeng sabihin kung sino sila. They helped me with my revenge at kapalit non ay pera at katahimikan ko." "Tell me who they are!" Galit kong sigaw at nang lalapit ako rito ay agad na hinarang ni Chase ang braso n'ya. Tinignan ko si Nathan at hindi ko napigilan ang luha ko. "May kasalanan sila sa akin! I need to know who they are! I need to know their names!" Sinagi ko ang braso ni Chase pero hinawakan ako nito sa braso ko ng madiin at hindi ako pinalapit kay Nathan. "Mr. Nathan, napapalibutan ka na namin, sumuko kana!" Agad na naglabasan ang mga police sa loob at mabilis silang pumalibot dito sa rooftop habang may hawak na baril ang mga ito. Nakita kong tumingin sa akin si Nathan. Ngumiti s'ya at tumulo ang luha. Agad akong napailing. "No.." mahina kong sabi. Pagkapikit n'ya ay bumitaw ito sa railings at tuluyan nang nalaglag. "No!" Galit kong sigaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD