CHAPTER FORTY EIGHT

1116 Words
Mike Anderson's P.O.V. "Mika!" Tawag ko sa kapatid ko nang makaakyat ako sa rooftop. Nakita ko s'yang nakaupo sa sahig habang nakayuko. Napatingin ako sa paligid at nakita ang mga police rito. Ang ilan sa kanila ay nakatingin sa baba. "Mika," tawag ko ulit kay Mika at nilapitan s'ya. Lumuhod ako sa harap nito para makapantay s'ya at nakita kong nakayukom ang mga palad nito. Hahawakan ko sana ang braso n'ya pero tumingin ito sa akin. Natigilan ako nang makita ang pamilyar na titig nito. Ito ang mga mata n'ya nang mamatay ang mga magulang namin. Ito ang mga titig n'ya sa akin noon. Galit na may halong lungkot. Hindi s'ya nagsalita at yumuko lang ito ulit. Mas lalo n'yang niyukom ang palad n'ya at nakita kong nagdudugo na iyon. Gusto kong hawakan ang kamay n'ya at yakapin pero hindi ko magawa. Alam kong ipagtatabuyan lang ako nito. Alam kong hanggang ngayon ay may galit pa ito sa akin. Hindi ko s'ya pwedeng lapitan dahil mas lalo lang n'ya ilalayo ang sarili sa'kin. Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa gilid n'ya. Napakunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na mukha nito. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang naghatid sa kan'ya sa bahay na kasama n'ya mag group study. Hindi ko alam na ito pala ang lalaking si Chase. Hindi ko na kasi s'ya nakita kagabi dahil bigla na lang may tumawag sa akin at pinapunta ako sa hospital. Dumiretso ako sa hospital room ni Mika at hindi na muna ako umalis rito para bantayan s'ya. Kinokwento sa akin ng mga police ang alam nila. Natagpuan nila sila Mika, Chase at Nathan sa rooftop ng resort. May lalaking hinulog rinnsa rooftop doon at nagulo ang birthday party. Iyon pa lang ang sinasabi sa'kin ng mga police dahil limited pa lang ang alam nila at ang dapat kong malaman. Umiling si Chase at naglakad na ito papasok sa loob. Tumayo ako at lumapit sa mga police na nakatingin sa baba. "Sir, bawal po kayo dito," pagpigil sa akin ng isa sa mga bantay rito pero tinabig ko ang kamay nito at sumilip. Nanlaki ang mata ko nang makitang may lalaking duguan roon. Mukhang tumalon ito mula rito sa itaas. Napatingin ako sa ambulansya sa baba habang kinukuha nila ang bangkay ng lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang isa pang kasama nila Mika at Chase. Si Nathan. Pero bakit s'ya nasa baba? Tumalon ba s'ya o may tumulak sa kan'ya? "Sir, it's the best kung umalis na po muna kayo rito," sabi sa akin ng lalaking police habang seryoso ang mukha nito. "Anong ginagawa nong babaeng 'yon?" Tanong ng kasama nito habang nakatingin kay Mika. "Tumawag kayo ng nurse para ibalik s'ya sa hospital room n'ya at kailangan pa s'ya i-interview kasama ang lalaking pasyente rin na nandito kanina." "I'm her older brother. Ako na bahala sa kan'ya," sabi ko sa kanila. "Kailangan namin s'yang makausap mamaya dahil saksi sila ng kasama n'yang lalaki sa pagkamatay ni Nathan at related din sila sa krimen na naganap kagabi sa resort," paliwanag nila sa akin. "I understand," sagot ko rito at tumango. Naglakad na ako papunta kay Mika. "We need to go, Mika," mahina kong sabi rito. Hahawakan ko sana s'ya para alalayan tumayo pero kusa itong tumayo at naunang naglakad. Napabuntong hininga na lang ako at sumunod sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaakto n'ya. Hindi ko alam kung bakit galit na galit na naman ito sa akin. Parang bumalik na naman sa gabing iyon ang lahat. Ang expression ng mukha n'ya, kilos at aura. Parang nandoon kami ulit sa ganing iyon. Nang makababa kami ay nakita ko si Chase na papunta sa exit door. Agad kong hinabol si Mika at tumayo sa harapan n'ya. Napatingin naman s'ya sa akin at nakita ko ang walang ekspresyon nitong mukha. "Susunod ako agad. May gagawin lang ako," paalam ko sa kan'ya. Hindi s'ya sumagot o tumango at naglakad na ito agad na para bang walang narinig. Napatingin na lang ako sa likod n'ya na naglalakad. Napabuntong hininga ako at binalik ang tingin sa pinto ng exit. Mabilis akong nagpunta rito at pumasok. Nakita ko si Chase na nakasandal sa sahig at nakayuko. Nang maramdaman n'ya ang presensya ko ay napatingin s'ya sa akin. "Alam mo ba kung bakit ganito ang inaakto ni Mika?" Seryoso kong tanong rito at naglakad papunta sa harapan nito. Pinagmasdan ko ng maigi ang lalaking ito. Itim ang buhok n'ya at mas matangkad lang ito ng kaonti sa akin. "Why don't you ask Mika?" Tanong n'ya sa akin at tumayo ng maayos. "Believe in your sister, Mr. Mike Anderson Evergreen." Naglakad na ito papunta sa parking area at pinabayaan ko na lang. Konektado kasi ang building na ito sa parking area. Malaki rin kasi ang hospital na ito dahil ito lang naman ang nag-iisang hospital sa Moonbridge Town. Mataas at malawak ang parking area nito dahil dito. Naglakad na lang ako papalabas at binilisan na lang ang pagpunta sa hospital room ni Mika. Narinig kong tumunog ang phone ko kaya naman kinuha ko ito sa bulsa ko. Nakita kong nag-text sa akin si Shiela at tinatanong kung nasaan ako ngayon. Tinawagan ko ito at sinagot naman n'ya. "Hindi ako makakapasok ngayon, Shiela. Nasabihan ko naman na ang Team leader natin tungkol dito." "Bakit?" Tanong n'ya sa kabilang linya. "Nasa hospital kasi si Mikaella," sagot ko rito at lumabas na nang elevator. "Bakit na hospital si Mika? Is she okay? What happened?" Sunod-sunod nitong tanong. "I'll tell you everything tomorrow or later pag may time na. Medyo busy lang ngayon, sorry," sabi ko rito. "Oh, okay. I understand. Ingat kayo lagi, okay?" "We will. Thank you," sabi ko rito at binaba na ang tawag. Sakto namang nasa harap na ako ng pinto ng hospital room ni Mika. Hinawakan ko ang door knob at dahan-dahan itong binuksan. Pagkabukas ko ay nakita ko s'yang nakaupo sa kama habang nakatulala. Naglakad ako papalapit sa kan'ya. Kinuha ko ang binatalan kong apple kanina at inabot sa kan'ya. "You need to fill your stomach," sabi ko rito. Tinanggap n'ya naman ang apple nang hindi tumitingin sa akin. "Mika, tell me everything. What happened?" Tanong ko rito. Napatigil s'ya sa pagkagat sa apple nang marinig ang tanong ko. "Kakausapin kayong dalawa ni Chase ng mga police. Kailangan n'yong sabihin ang totoong nangyari." "I told you before, Kuya," mahinang sabi ni Mika at tumingin sa akin. "They're here." Napakunot ang noo ko. Bigla kong naalala ang gabing naabutan ko s'yang sumisigaw sa takot sa bahay. Pinagtutulakan n'yang nandito ang mga killers na pumatay kila Mommy at Daddy. "Nandito ang mga pumatay kina Mommy at Daddy. Patuloy parin silang pumapaslang."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD