CHAPTER SIXTY ONE

2968 Words
Mikaella's P.O.V. "We're here," sabi ni kuya sabay hinto sa harap ng Willton's Academy. Hinatid n'ya ako ngayon dito dahil maaga ito papasok sa trabaho n'ya. Sinuot ko na ang bag ko at binuksan ang pinto. Bago lumabas ay hinawakan ni kuya sa braso kaya naman napahinto ako at napalingon sa kan'ya. Napakunot ang noo ko nang abutan ako nito ng pera. "Extra allowance mo," sabi nito at kinuha ang kamay ko tapos ay pinatong dito ang pera. "Pwede kang gumala or kumain sa kung saan mo gusto after school. Always enjoy okay?" Napaiwas na lang ako ng tingin at tumango. Lumabas na ako sa kotse at kumaway s'ya sa akin. Nakatingin lang ako sa kan'ya nang umalis na ito. Napatingin ako sa pera na binigay n'ya. Napabuntong hininga na lang ako at nilagay ito sa bag. Hindi ko alam kung bakit binigyan n'ya pa ako ng extra allowance. Alam ko namang sakto na lang ang kinikita n'yang trabaho. Kailangan ko na talaga maghanap ng part time job. Nagsimula na akong maglakad papasok sa gate ng Willton's Academy. Habang naglalakad ay naalala ko ang katangahan ko kagabi. Naiwan ko ang itlog na niluluto ko dahil kinuha ko ang phone ko sa kwarto at saktong tumatawag si Kross non. Dahil don ay nakalimutan ko ang niluluto ko. Naamoy ko na lang na may sunog kaya nagmadali akong bumaba at nakita ko ang usok na kumakalat sa kusina at si kuya na binuksan ang bintana. Napasapo ako sa noo ko. Buti na lang ay naamoy agad ni kuya yung niluluto ko. Muntik pa ako maging dahilan ng sunog. Pagkaharap ko sa babaeng guard ay pinakita ko sa kan'ya ang I.D. ko at binuksan ang bag para ipakita rin sa kan'ya ang loob. Matapos n'ya itong tignan ay kinapa nito ang baiwang ko para siguraduhin na wala akong dala na labag sa batas ng paaralan. Matapos nito ay tumango na s'ya at pinapasok ako sa loob. "Ate Mikaaa!' Agad kong rinig ang boses ni Chaz kaya napalingon ako at nakita s'yang kakapasok lang dito sa loob. Tumakbo ito papunta sa akin at nang makitang paakbay ito ay agad kong iniwasan ang braso at kamay n'ya. Nakita kong ngumuso ito kaya ngumiti lang ako sa kan'ya. "Good morning!" bati nito. "Morning," sagot ko dito at nagpatuloy na sa paglalakad. Sumunod naman ito sa akin at tumabi. Napatingin ako sa mga estduyanteng nadadaanan namin ni Chaz na napapatingin sa aming dalawa. Napasimangot na lang ako dahil ayoko talagang napapansin ako. Gusto kong maging invisible na lang hanggang sa makapagtapos ng pag-aaral. "Kamusta, Ate Mika?" tanong ni Chaz habang naglalakad kami. "Ayos lang naman," sagot ko sa kan'ya. "May bago sa arcade na pinuntahan natin dati. Just Dance, alam mo 'yon?" tanong pa nito. Umiling ako kahit alam ko naman kung ano iyon. Hindi ako mahilig sa just dance na iyon dahil hindi naman ako marunong at magaling sumayaw. Baka ma-awkwardan pa ang mga manonood sa akin dahil parehas kaliwa ang paa ko. "Eh? talaga?" tanong nito at huminto sa harap ko. Nakita kong ngumiti ito at hindi ko gusto ang nasa isip nito. "Gusto mo i-try natin mamaya?" "Nope, nope and nope," sagot ko rito at naglakad na. "Ate Mika!" tawag nito at tumabi sa akin. "Pleasee? gusto ko ma-try 'yon ulit." "You can invite your other friends or classmate, Chaz," sagot ko dito at huminto na nang makitang nasa tapat na kami ng building ng classroom ko. Nakita kong ngumuso ito at nawala ang lively at friendly n'yang aura. "Okay," sagot nito at ngumiti sa akin. "Pasok kana baka ma-late kapa." "Yeah," sagot ko rito. "Ikaw rin." Naglakad na ako papasok at hindi s'ya nilingon. Alam kong nagtatampo s'ya pero bakit ako pa kasi yung niyayaya n'ya? hindi ako mahilig sa mga ganun. Napabuntong hininga na lang ako at naglakad na lang papunta sa hagdan. Napatigil ako saglit nang makita si Earl at Chase na nakaupo doon. Napatingin sila sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin at binilisan ang paglalakad para makaakyat nang hindi sila kinakausap. "Mika!" Napangiwi na lang ako at natigilan sa pag-ayat nang marinig ang tawag sa akin ni Earl. Umakyat ito at huminto sa tapat ko kaya napatingin ako sa kan'ya. "Can you help us?" tanong nito. Napakunot ang noo ko at tinignan si Chase na nag-iwas ng tingin at nanatiling nakaupo lang sa baitang ng hagdan. "Magkagrupo kami ni Chase sa project naming miniature house pero nasira namin kaninang umaga dahil sa bad temper ng lalaking 'yan," humina ang boses ni Earl sa huling sinabi n'ya at sumimangot. "Bukas na pasahan at ayaw kaming tulungan ng mga kaklase namin dahil masyadong competetive silang lahat." Tinignan ko ang mukha ni Earl at kitang kita ko sa itsura n'ya na kailangan n'ya ng tulong. Naalala ko rin bigla ang pagtulong nila ni Chase sa akin noon. Huminga ako nang malalim at tumango. "Fine," mahinang sagot ko dito. "Ano na lang ba natira sa nagawa n'yo?" tanong ko sa kan'ya. Nakita kong ngumiti si Earl. "Wala," sagot nito. "Seryoso?" gulat kong tanong. "Tapos bukas na pasahan?" "Ganun na nga," sagot n'ya habang nakangiti lang. "Anong oras mamaya?" tanong ko. "Friend na ba kita sa social media account mo?" tanong n'ya. "Message kita mamayang uwian. Thank you Mika!" masayang sabi nito. "Sure," sagot ko dito. "Una na ako." Tumango naman s'ya habang nakangiti at kumaway sa akin. Napatingin ako kay Chase at nakitang nakatingin ito sa amin tapos ay mabilis na nag-iwas ng tingin. Pinagpatuloy ko na ang pag-akyat at paglalakad hanggang sa makapunta na ako sa classroom ko. "Good morning, Mika!" nakangiting bati sa akin ni Cara pagkapasok na pagkapasok ko. "Good morning, Ms. Evergreen," bati naman sa akin ni Kael. "Morning," sagot ko sa kanilang dalawa at dumiretso sa upuan ko. Napatingin ako kay Loui na nakaupo lang at nagbabasa ng libro n'ya. Nang mapatingin s'ya sa akin ay nilapag ko na ang bag ko sa gilid at umupo. Nginudngud ko rin ang mukha ko sa lamesa at pinikit ang mata. "Good morning, Class!" rinig kong bati sa amin ng professor namin. Napangiwi ako at napadilat na lang rin. Kakapikit ko pa lang at saktong dumating na ang professor. "Everyone, stand up," utos ni Kael sa amin. Tumayo naman kaming lahat at binati si Professor Hanji, "Good morning, Professor Hanji!" tapos ay nag-bow kami rito. "Maupo na kayo," utos nito sa amin at ngumiti. Umupo naman na kaming lahat. "Ilabas n'yo na ang libro n'yo. 10 minutes review and we will be having a quiz later." Narinig ko ang mga mahihinang reklamo ng classmates ko at mukhang narinig din ito ni Professor Hanji dahil tumingin ito sa kanila at sinamaan ng tingin. Agad naman silang napatigil at nilabas na lang ang mga libro nila. Kinuha ko na lang rin ang libro ko at binuksan ito para magbasa at maghanda sa quiz mamaya. Napangiwi ako nang makita ang mga numbers na naggagalawan. Pumikit ako saglit at huminga ng malalim. Kailangan kong mag-concenrate. Pagkadilat ko ay nakita kong ganon parin ang paningin ko sa mga numbers at napasimangot na lang ako. Bakit ba kasi ang hirap ng math at bakit kailangan naming pag-aralan 'to? hindi naman namin to magagamit sa trabaho. Napalingon ako kay Loui para tignan kung nagre-review ba ito. Nakita ko ang libro namin sa math na nakatayo at nakayuko sya. Napakunot pa ang noo ko nang makita ang itim na cover ng librong binabasa n'ya sa loob ng libro namin sa math. ××× Lunch time na ngayon at kumakain ako sa cafeteria mag-isa. Niyaya ako nila Cara at Kael kanina pero bigla silang pinatawag at mukhang may ipapagawa kaya ang ending ay mag-isa ako ngayon sa cafeteria na kumakain. Napatingin ako sa carbonara at garlic bread na inorder ko. Hindi ko alam kung bakit wala akong ganang kumain ngayon. "Ate Mika, pwedeng pasabay kumain?" Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ang boses ni Chaz. Nakita kong may bitbit itong isang tray. Nakita ko ring puno na ang mga table dito. "Sure," sagot ko sa kan'ya kaya umupo ito sa upuan na kaharap ko. Tinignan ko ang inorder n'ya at isa itong cheese burger, fries at strawberry shake. "Gusto mong fries, Ate Mika?" alok n'ya sa akin. Actually, ang tagal ko na rin palang hindi nakakain ng fries. Hindi pa ako nakakasagot nang ibigay at ilapit n'ya sa'kin ang fries n'ya. "No, I'm fine," tanggi ko pero agad s'yang nagsalita. "Accept it, Ate Mika. I felt bad earlier kasi mukhang nakukulitan ka sa akin. Napipilit kita palagi kahit hindi mo naman gusto. I'm sorry," sincere nitong sabi at yumuko. "It's fine, Chaz. Nag-eenjoy din naman ako na kasama ka," sagot ko rito at ngumiti. Nang tumingala s'ya at tumingin sa akin ay nakita kong lumiwanag ang mukha nito at ngumiti rin s'ya. "Thank you, Ate Mika." Hindi na ako nagsalita at tumango lang ako. Nagsimula na akong kumain dahil ilang minuto na lang at matatapos na rin ang lunch break namin. Tahimik lang kami ni Chaz hanggang sa maubos na namin ang pagkain namin. "Basta Ate Mika, whenever you feel sad or lonely, I'm here. Kung stress ka rin or depress, I'm here. Pwede mo akong pagsabihan ng problems mo and pwede mo rin akong yayain lumabas para maglabas ng stress. Okay?" sabi nito habang nakataas-baba ang kilay. "Okay," sagot ko sa kan'ya at ngumiti. Hindi ko alam kung bakit mabait si Chaz sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao ay ako pa ang kinakaibigan n'ya. Gusto kong i-try na suklian lahat ng ginagawa n'ya pero hindi ko dapat hayaan ang sarili ko na magtiwala sa iba, lalo na't sa Willton's Academy nag-aaral ang mga killers na hinahanap ko. "Una na ako. Malapit na ma-start ang klase ko," sabi ko sa kan'ya at tumayo na. "Okay, Ate Mika. Bibili pa ako ng juice and snacks para may makain ako mamaya." Tumayo na rin ito at kumaway sa akin tapos ay naglakad na pabalik sa counter para bumili ng pagkain n'ya. Naglakad naman na ako papalabas ng cafeteria. Nakasalubong ko si Jaxe Dean na may kaakbayan na babae. Napatingin s'ya sa akin at napangisi pero iniwasan ko na lang ito dahil ayoko ng gulo. Binilisan ko na lang ang paglalakad ko pero napahinto ako nang makita si Liam na suot-suot ang bag na kakalabas lang sa building namin. Napakunot ang noo ko dahil maaga pa at hindi pa naman uwian. Nakita kong naglakad ito papunta sa direksyon ng back garden. Hindi ko alam kung ano ang nagtulakan sa'kin para sundan s'ya. Maingat ang hakbang ko para hindi n'ya ako maramdaman o mapansin. Nang makarating kami sa back garden ay nakita kong papalingon ito. Agad akong tumakbo papunta sa likod ng puno at pumikit. "Stop hiding. Kitang kita ka d'yan," rinig kong sabi nito kaya naman napadilat ako at napangiwi. Dahan-dahan akong umalis sa likod ng puno at napayuko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kan'ya. "Pano mo nalaman na sinusundan kita?" tanong ko sa kan'ya. "So, I'm right na sinusundan mo nga ako?" tanong nito. Napapikit ako saglit. Hiyang hiya na ako at gusto ko na lang mag-teleport papunta sa bahay at magkulong doon. Bakit hindi ko man lang naisip na gumawa ng ibang excuse? "Don't worry, you're safe. Hindi ka nadamay sa gulo sa police station kahapon," sabi nito at naglakad papunta sa bakod. Hindi ako sumagot at nakatingin lang sa kan'ya. Bakit pa s'ya magcu-cutting? para saan? hindi ba dapat inaayos n'ya ang pag-aaral n'ya para makahanap s'ya ng trabaho at bayaran ang utang sa mga loan sharks na iyon? Hinagis n'ya ang bag n'ya sa kabilang bakod at kumapit doon. Tumingin s'ya sa akin at napakunot ang noo. "Why are you still here?" tanong nito sa akin. "Gusto mo bang mag-cutting din?" Umiling ako at tumalikod na. Bakit nga ba parang pinapakialaman ko mga desisyon n'ya sa buhay? Nang makarinig ako ng ingay ay agad akong napalingon at nakitang wala na s'ya. Mukhang nakatalon na ito papunta sa kabilang bakod. ××× Nandito na kami ngayon ng mga kaklse ko sa gymnasium para sa physical fitness test namin. Ka-partner ko si Cara habang si Kael ay ka-partner naman nito si Loui. Tapos na namin ni Cara ang Curl up at trunk lift, at ngayon ay nagpu-push up na ako habang si Cara naman ang nagrerecord ng scores ko. "19," mahina at nahihirapan kong sabi tapos ay pilit na inangat ang katawan ko gamit ang dalawang kamay. Bumaba ako ulit at napangiwi nang parang bibigay na ako. Pinilit ko pa ang sarili na buhatin at naramdaman ko kung gaano ako kabigat na bigat sa katawan ko. "20," sabi ko at hiniga ang buong katawan sa sahig tapos ay hinabol ang hininga ko. Narinig kong natawa si Cara dahil sa reaksyon ko kaya napatingin ako dito. "Don't worry, konti lang rin kaya kong push up," sabi nito at inabot sa akin ang paper ko at paper n'ya. Tinignan ko ang mga scores ko at nakitang mababa ang mga ito. Mas mataas sa akin si Cara ng mga lima at sa iba naman ay sampu. Napabuntong hininga na lang ako at umupo na para bilangin kung ilang push up ang kaya n'ya. Kinuha ko na ang ballpapen ko sa gilid at nagsimula na itong mag-push up. "25," sabi nito at nag-give up na. Sinulat ko naman ang score n'ya dito at binalik na sa kan'ya ang papel n'ya. Napatingin ako sa mga classmates namin at nakitang tapos na rin halos ang lahat sa push up. "The last one is 60 meters run," sabi ni Professor Quan sa amin. Napatulala na lang ako dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Napatingin naman ako kay Cara nang tapikin n'ya ang braso ko. "We can do it. Konti na lang," sabi nito at ngumiti. "Yeah, konti na lang," mahinang sagot ko rito at tumayo na. Nagtayuan na ang lahat at nilabas ni Cara ang phone para gawing timer. Naghanda na rin ang lahat at napatingin ako kay Loui na katabi ko at nasa gilid n'ya si Kael na hawak-hawak na rin ang timer. Kumaway ito sa amin ni Cara at ngumiti. Inalis ko naman ang tingin sa kanila ni Loui at nag-focus sa daanan. Huminga ako nang malalim at pagkasabi ng Go ni professor Quan ay mabilis kaming nagsitakbuhan. ××× "That's all for today, good bye class!" masayang paalam ni Professor Quan sa amin. Nandito na kami ngayon sa classroom at halos lahat kami ay wala ng lakas at pagod na pagod. Tumayo naman na kaming lahat, "Goodbye Professor Quan!" halata mo sa boses ng mga classmates ko na pagod na sila. Ngumiti si Professor Quan at tuluyan na itong lumabas ng classroom. Napaupo naman ako at naramdaman ang ngalay sa hita ko. Pakiramdam ko bukas ay sasakit ang buong katawan ko. Bakit ba kasi hindi ako mahilig mag-exercise o workout? "Goodjob Everyone!" masayang sabi ni Kael na nasa pisara at pumalakpak. "Ingat kayong lahat pauwi. Magpahinga na at huwag nang gumala, okay?" "Okay, Mr. President!" sagot nila at sinuot na ang mga bag tapos ay naglabasan na. Halos karamihan sa amin ay hindi na nagpalit ng suot na P.E. uniform at isa ako sa mga ito. Gusto ko na lang umuwi at matulog. Sobrang nakakapagod ang araw na 'to. "Kael," rinig kong tawag ni Cara kay Kael. "Susunduin pala ako ngayon nila Mommy and Daddy. Hindi kita masasamahan kay Professor Quan para ibigay tong mga papers. Okay lang ba?" "Sure, no problem," sagot ni Kael sa kan'ya. "Thank you!" sagot ni Cara at lumabas na sa classroom. Sinuot ko naman na ang bag ko at nakitang konti na lang ang mga naiwan dito sa classroom. Naglakad na ako papalabas nang tawagin ako ni Kael. "Mika!" Lumingon ako dito at hindi nagsalita. "Take care," sabi nito at ngumiti. Tumango lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Mukhang magta-taxi ako ngayon dahil sa pagod. Nakita ko ang mga iilang classmates ko na mga walang lakas na naglalakad. Nakita ko rin si Chaz na nakaupo sa isang bench kasama ang tatlong lalaki na hindi ko alam kung kaibigan ba n'ya o kaklase. "Ate Mika!" malakas na tawag nito sa akin nang makita n'ya ako. Hindi ako nagsalita at ngumiti lang sa kan'ya. Nakita ko namang napatingin rin sa akin ang mga kasama n'ya kaya nag-iwas na ako ng tingin at mabilis na naglakad. Baka mamaya ay ipakilala n'ya pa ako sa mga iyo. Pagkalabas ko ng Willton's Academy ay naghanap na ako ng taxi at sumakay dito. Nilapag ko sa tabi ko ang bag ko at sumandal. Naramdaman ko rin ang malamig na aircon dito kaya naman napapikit ako ng mata. Ilang minuto na ang lumipas nang bigla kong maalala ang usapan namin ni Earl kanina. Agad kong kinuha ang phone ko at tinignan ito. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang wala pang message sa akin si Earl. Sabi naman n'ya ay magme-message na lang s'ya. Hintayin ko na lang ito. Pagkahinto ng taxi sa tapat ng bahay ay binigay ko na ang bayad ko rito at pumasok sa loob. Uminom ako ng maraming tubig at dumiretso sa kwarto. Nagpalit rin ako ng damit dahil pawisan na ako at ang P.E. uniform ko. Matapos kong makapagpalit ay tumalon ako sa malambot kong kama at niyakap ang unan. Napahinga ako nang malalim nang maramdamang nabawasan ang sakit ng katawan ko. Kinuha ko ang phone sa bag at nilagay ito sa gilid ko para magising ako pagnag-message na sa akin si Earl. Pinikit ko na ang mata ko at matutulog sana nang mapakunot ang noo. Napadilat ako at napatingin sa bintana ko. "Pano nalaman ng taxi driver ang address ko?" mahina kong tanong sa sarili at nagsimulang kilabutan. Nakalimutan kong sabihin sa kan'ya iyon dahil sa pagod na nararamdaman ko kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD