CHAPTER SIXTY

1026 Words
Mikaella's P.O.V. Nakauwi na ako sa bahay at nakahiga ako ngayon sa kama. Nakahinga na rin ako ng maluwag dahil hindi ko na kasama ngayon sila Cara at Kael. Tinignan ko ang oras at nakitang malapit pa lang mag 6 p.m. Napapikit ako at sinubukang matulog na muna pero naalala ko lang ang nangyari kanina. Kung hindi dumating si Liam ay siguradong may nagawa na masama sa akin ang mga lalaking iyon. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa kan'ya dahil tinulungan n'ya ako o magalit dahil nadamay ako sa gulo n'ya. Napabuntong hininga ako at dinilat ang mga mata. Naalala ko ang paghawak n'ya sa kamay ko at paghila. Dahil first time lang sa akin na mangyari ang ganon ay hindi ko maigalaw nang maayos ang mga paa ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni kuya pagnalaman n'yang nasali ako sa gulo at pagpupuntahan ako nito sa police station para sunduin. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Liam makatakas pero bakit hinayaan n'ya yung sarili n'ya mahuli? May time pa non para sumunod s'ya sa akin at tumakas. Napailing na lang ako at umupo. Bakit ko ba s'ya iniisip? Tumayo na lang ako at nagbihis na lang pangbahay. Naka-uniform pa pala ako at hindi ako nakapagpalit agad kanina dahil gusto ko sanang matulog pero nahihirapan naman ako. Matapos kong magpalit ng damit ay bumaba na ako at tinignan ang laman ng ref. May mga lulutuin pa dito. Tinignan ko ang oras at nakitang may dalawang oras pa bago makauwi si Kuya. Kailangan namin magtipid kaya naman nagluto na lang ako ng ulam. Nagluto ako ng paborito naming pagkain noong bata pa lang kami na tonkatsu. Matapos kong magluto ay kakain na sana ako pero naramdaman at naalala kong may sugat nga pala ako sa magkabilang tuhod. Hinahanap ko ang first aid kit namin ni kuya at nakitang wala ng band aid dito. Napabuntong hininga na lang ako at lumabas ng bahay para bumili ng band aid. Nang makapunta na ako sa pinakamalapit na convenience store ay agad akong pumunta sa tapat ng first aid kit section. Napatingin ako dito at naalala ko si Liam. Dito kami bumili noon ng panggamot sa sugat n'ya. Umiling na lang ako at nagbayad. Pagkalabas ko naman ay bumungad sa akin ang table na nakapwesto sa labas kung saan ko ginamot ang sugat ni Liam at kung saan kami kumain ng noodles. "Stop it, Mika," mahinang sabi ko sa sarili at mabilis nang naglakad pauwi. Kung pwede lang sumigaw na hindi ako mapagkakamalan na baliw ng mga tao ay kanina pa ako sumigaw. Hindi ko alam kung bakit puro si Liam ang naiisip at naalala ko ngayong araw. Nasisiraan na ata ako ng ulo. Mike Anderson's P.O.V. Tapos na ang shift namin ni Shiela at naglalakad na kami ngayon papunta sa parking area. Dinala n'ya ang kotse n'ya ngayon kaya naman hindi ko ito maihahatid sa kanila. "By the way, Mike," sabi sa akin ni Shiela nang nasa lobby na kami. Napatingin ako dito at hinihintay ang susunod n'yang sasabihin. "Gusto mo bang sumama sa overnight natin?" Tanong nito. "Overnight?" Nakakunot noo kong tanong dahil wala naman akong maalalang may napag-usapan kami tungkol dito. "Yep. Kaninang wala ka nagkaayaan ang lahat para mag-overnight sa isang resort," sagot nito sa akin at ngumiti. "I think I'll pass on this one," sabi ko at nagsimula na ulit maglakad. "Eh? Why?" Tanong ni Shiela at sumabay sa kan'ya. "Dahil ba kay Mika?" "I can't leave my sister, Shiela," sagot ko sa kanya. "Mika is already 18 years old, Mike. Hindi mo dapat tinatali yung sarili mo sa kan'ya. May sarili na s'yang pag-iisip. Malaki na s'ya," sabi nito nang makalabas na kami sa building at malapit na sa parking area. Huminto ako saglit at tinignan s'ya ng seryoso. "Mika is just 18 years old. Yes, may sarili na s'yang pag-iisip but I still need to guide her. Iyon ang hiling sa akin ng parents namin bago sila mamatay. And besides, may sakit si Mika." Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Natigilan s'ya saglit at doon ko lang na-realize na iba ang tono ng pagkakasagot ko sa kan'ya at napataas ang boses ko ng kaonti. "I understand you. But If ever magbago isip mo, tell me. Okay? Saturday and Sunday ang resort overnight," mahinang sabi nito at naglakad na papunta sa kotse n'ya. Napabuntong hininga ako at wala akong nagawa kung hindi ang panoodin s'yang umalis na lang. Pumikit ako saglit at sumakay na rin sa kotse ko. Napatingin ako sa litratong nakasabit sa ilalim ng mirror ko. Litrato namin ito ni Mika kasama sila Mom and Dad. Binuksan ko na ang makina ng kotse at pinaandar ito. Habang nagda-drive ay napaisip ako sa sinabi ni Shiela. Tama naman s'yang malaki na si Mika pero hindi ko ito pwede iwan lalo na't hindi pa rin s'ya nakaka-moved on sa nangyari. Tama rin si Shiela na hindi ko dapat tinatali ang sarili ko kay Mika. Sa totoo lang ay naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Nang makarating na ako sa bahay ay nag-park na ako. Lumabas ako ng kotse at napatingin sa paligid. Nakita kong patay na ang ilaw ng mga iilang bahay at sobrang tahimik na dito. Sobrang weird dito sa Moonbridge town dahil kahit maaga pa lang ay tulog at kulong na sa bahay ang mga tao. Bihira lang rin ako makakita ng mga bata. Pumasok na lang ako sa loob ng bahay at binuksan ang ilaw dahil nakapatay ito. "Mika?" Tawag ko kay Mika at nang makaamoy ako ng nasusunog na pagkain ay agad akong nagpunta sa kusina. Nakita ko ang pritong itlog na nasusunog at umuusok na rin dito sa kusina. Agad kong pinatay ang apoy at sinabuyan ng tubig ang lutuan. Napatingin ako sa lamesa at nakitang may konkatsu dito. Napaubo ako nang masinghot ko ang usok. "Mika?" Tawag ko kay Mika. Binuksan ko ang bintana dito sa kusina para makalabas ang usok. Napakunot ang noo ko nang makitang may taong nakasuot ng itim sa labas at tumakbo iyon ng mabilis. "Kuya?" Agad akong napalingon at nakita si Mika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD