CHAPTER SIXTY TWO

2947 Words
Mikaella's P.O.V. "Mika." Naalimpungatan ako nang marinig ang boses ni Kuya. "I want to sleep," sabi ko sa kan'ya at hinila ang kumot papunta sa aking mukha dahil nakakasilaw ang pagbukas n'ya ng ilaw dito sa loob ng kwarto. "Mika, wake up. May dalawang lalaking nag-aantay sa'yo sa labas." Agad akong napadilat at napaupo sa kama. "Anong sabi mo?" Tanong ko kay Kuya dahil baka mali ako ng narinig. "Nasa labas si Chase Javier at Earl Seven," sagot nito. Mabilis kong kinuha ang phone ko at binuksan ang social media account ko. Nakita ko ang napakaraming message sa akin ni Earl. Tumawag rin ito at napasapo na lang ako sa noo ko nang maalalang naka-mute nga pala ang phone ko. "Bakit pala sila nandito?" Tanong ni Kuya. "Nagpapatulong sila sa school project nila," sagot ko sa kan'ya at tumayo. "Are you and Chase Javier close?" Tanong pa nito kaya agad akong napatingin sa kan'ya. "No way," sagot ko dito at mabilis na sinuklat ang buhok ko dahil gulo-gulo ito at halatang bagong gising ko lang. "The first time I met him, he's carrying you on his back and you're sleeping that time. Second time naman ay magkasama kayo sa crime scene noong birthday ni Vivian and now this?" Matapos kong magsuklay ay huminto ako sa harap ni kuya. "Think whatever you want. He's just a schoolmate of mine." Hindi ko na s'ya hinintay na magsalita at lumabas na ako ng kwarto. Alam kong nagiging protective lang sa akin si Kuya pagdating sa mga ibang lalaki at alam kong ganito rin naman ang iaakto ni Daddy kung buhay pa s'ya. Babae ako at naiintindihan ko naman sila. Pagkababa ko ay huminto muna ako saglit sa harap ng pinto. Bakit ba kasi kailangan nilang pumunta dito? Hindi ba sila makapaghintay sa reply ko? Tinignan ko ang oras sa phone at nakitang 8:30 p.m. na nga pala. Wala na ring oras dahil maaga pa bukas ang pasok at kung hihintayin pa nila ang reply ko ay wala na kaming magagawa. Huminga na lang ako nang malalim at hinawakan ang door knob. Pinihit ko na ito at binuksan. "Mika!" Nakangiting tawag sa akin ni Earl nang makita n'ya ako at tinaas nito ang hawak n'yang dalawang box ng pizza. Napatingin naman ako kay Chase na nakatayo sa tabi n'ya at tahimik lang ito na nakatingin sa akin. May hawak s'yang pagkain rin na nakalagay sa paper box at mukhang chicken wings ito dahil nakasulat sa labas. "Sorry napahaba ang tulog ko," sabi ko sa kanila. "It's fine. Pwede na ba kami pumasok?" Tanong ni Earl at sumilip sa loob. Napakunot naman ang noo ko. "Pumasok?" Tanong ko dito. "Oo?" Tanong n'ya. "Hindi ka na ata papayagan ng kuya mo kila Chase kaya we decided na dito na lang natin gawin yung project," paliwanag nito. Napakagat ako sa labi ko. Bakit kasi hindi ako nagising? "We bought pizza and chicken wings," nakangiti pa nitong sabi at tinaas ang hawak na pizza box n'ya. "Mika?" Narinig ko ang tawag ni kuya sa akin sa likuran kaya lahat kami ay napatingin sa kan'ya. "Goodevening, Mr. Evergreen," bati ni Earl at Chase kay kuya. Lumapit si kuya at tumabi ito sa akin habang nakatingin sa dalawa. "Magpapatulong po sana kami para sa school project kay Mika, kung okay lang?" tanong ni Earl kay kuya. "Oh, okay lang naman," agad na sagot ni kuya at tumango. "Anong project ba kailangan n'yong gawin? baka makatulong ako," pag-volunteer ni kuya. "Miniature house po. Magsisimula pa lang po kami ngayon dahil accidentally pong nasira ang project na gawa namin ni Chase. Bukas na rin po 'yung pasahan kaya.." huminto saglit si Earl at ngumiti kay kuya. "Baka dito rin po makitulog para matapos namin, kung okay lang?" Nakita kong napatingin sa akin si kuya pero hindi ko sinalubong iyon. Nakatingin lang ako kila Earl. Kita ko sa mukha nila na medyo natatakot sila kay Kuya. "Bakit naman hindi kung okay lang kay Mika?" sagot ni kuya kaya napatingin ako dito. Napakunot ang noo ko at nakita kong ngumiti ito. "I'm glad mayroong bagong kaibigan si Mika," sabi nito at ngumiti kila Earl. "May dala rin po pala kaming pagkain. Baka hindi pa kayo nagdi-dinner ni Mika," sabi ni Chase at inangat nito ang hawak n'yang paper bag at ngumiti nang pilit kay Kuya. Nakita ko ang kamay ni Earl na nasa braso ni Chase at muntik na akong matawa nang makitang nakakurot s'ya rito. Kaya pala nagsalita si Chase at ngumiti. "Tamang tama, hindi pa kami nakakain ni Mika. Kakagising n'ya lang kasi. Nagluto rin ako ng ulam," sabi ni Kuya at nilawakan ang pagkakabukas ng pinto. "Yun, sabay-sabay na po tayo mag-dinner lahat," sabi ni Earl. Pinapasok na sila ni kuya sa loob at dumiretso kami sa kusina para kumain. Nakita ko ang niluto ni kuya na sizzling tofu at buttered shrimp. Nagtimpla rin ito ng iced tea. "Mukhang magaling magluto kuya mo, Mika ah," sabi sa akin ni Earl na katabi ko. "Nanalo ako noon sa cooking contest sa school," sagot ni kuya at binigyan kami ng iced tea. "Kaya po pala," natatawang sagot ni Earl. Umupo na si kuya at nagsimula na kaming kumain. Napatingin naman kami ni Earl kay Chase na nakaupo sa tabi ni kuya at tahimik lang iyon na kumakain. Halata ko rito na uncomfortable s'ya pero wala naman akong magagawa dahil sa kan'ya tumabi si Kuya. "Pwede na pang international cooking contest," biro ni Earl pagkasubo nito ng sizzling tofu na luto ni kuya. Narinig ko namang natawa si Kuya. Kumuha ako ng chicken wings pati na rin ng buttered shrimp at sizzling tofu. Mukhang mapapadami na naman ang pagkain ko ngayon. Sabagay, hindi ko naman kailangan mag-diet dahil kahit anong kain ko ng madami ay hindi naman ako tumataba. "Kamusta naman si Mika sa school?" tanong ni kuya pagtapos nito uminom ng iced tea. "Hindi ko sila classmate kaya sobrang bihira ko lang sila makita at makasama," agad kong sagot kay kuya. "Uhmn, Actually pansin kong introvert tong si Mika," sagot ni Earl. Napangiwi na lang ako. Sabi ko na nga ba at itatanong ito ni kuya sa kanila. "May pagkamasungit rin s'ya pero mabait naman talaga s'ya," sabi pa ni Earl at ngumiti sa akin. Sumimangot lang ako at narinig kong natawa ito ng mahina. "Kasama ka rin ba nung nag-group study si Chase at Mika nung nakaraan?" tanong ni kuya. Agad akong natigilan sa pagkain at napatingin kay Chase. Nakita kong natigilan rin s'ya at napatingin sa akin. Sinenyasan ko s'yang tignan si Earl para alam nito ang isasagot n'ya pero sa akin lang ito nakatingin at napataas pa ang kilay ng isang ito kaya naman sinipa ko ang paa nito dahil tinatarayan ako nito. "Ah," napaatras ito ng kaonti kaya napatingin sila Earl at kuya sa kan'ya. "Masarap," agad n'yang sabi at tinaas ang kutsarang may sizzling tofu tapos ay sinubo iyon. Bumalik naman na ang tingin nila kuya at Earl sa isa't isa. Tumingin sa akin si Chase at nakita kong sumimangot ito sa akin kaya tinaasan ko rin s'ya ng kilay. "Opo. Kasama ako nung group study," rinig kong pagsisinungaling ni Earl kay kuya. "Actually, magkaiba kami ng strand ni Mika. ABM kami parehas ni Chase pero may mga subject kaming parehas at sunod-sunod ang quiz kaya naman naisipan naming mag-group study non." Nakahinga naman na ako ng maluwag dahil sa sagot ni Earl. Mabuti na lang at nakisabay ito. Kung hindi ay bistado kami ni Chase at hindi ko alam kung ano ang sasabihin kay Kuya. Hindi ko pa naman kayang mag-open ulit kay kuya. "Ohh." Tumango si kuya. "Pano n'yo pala nakilala si Mika?" tanong ni kuya at sumubo ng chicken wings. Natigilan ako ulit at naalala kung paano ko nakilala sila Chase at Earl. Umuulan non at tumatakbo ako. Muntik na nila akong masagasaan pero parehas naman kaming may kasalanan non. "Ah, actually outside ng school namin nakilala si Mika," sagot ni Earl kaya napatingin ako rito. "Pauwi na s'ya at napansin namin ni Chase na naliligaw s'ya. Mukhang nahihiya s'ya kasi hindi s'ya nagtatanong sa mga tao sa paligid kaya Chase and I decided na lapitan s'ya at doon namin nalaman na naliligaw nga si Mika." Narinig ko namang natawa ng mahina si Kuya. "That's Mikaella. Mabuti na lang tinulungan s'ya non. Hindi talaga s'ya hihingi ng tulong sa iba dahil may pagkamahiyain ang isang 'yan." Napasimangot na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko alam kung bakit mukhang parang nakikipag-close na agad si kuya sa kanila. Ngayon n'ya lang naman nakilala at nakasama ang dalawang ito. "Ako na ang maghuhugas ng pinggan. Simulan n'yo na ang project para marami pa kayong oras," sabi ni kuya. Tapos na kaming lahat kumain kaya naman tumayo na kami. "Okay lang po. Marunong naman si Chase maghugas ng pinggan. S'ya na lang maghuhugas," agad na sabi ni Earl. Nakita kong napatingin si Chase kay Earl habang nakakunot ang noo nito. Agad naman akong nakaisip ng dahilan para si Chase na ang maghugas ng pinggan. "Wala ka na bang kailangan gawin? maaga pa pasok mo bukas, di'ba?" tanong ko kay kuya. Nakita ko naman agad itong may naalala. "Oo nga pala. May pinapagawa pa sa akin 'yung team leader ko," mahinang sabi nito at napatingin kay Chase. "Ako na po maghuhugas," sabi ni Chase. Ngumiti naman si kuya at lumapit sa kan'ya. "Thanks, Chase. Una na ako ah?" sabi nito at tinapik ang braso ni Chase. Hindi nagsalita si Chase. Nakangiti lang ito at tumango kay kuya bilang sagot. Nagpaalam na rin si kuya kay Earl at sa akin tapos ay umakyat na ito papunta sa kwarto n'ya. Napatingin naman kami ni Earl kay Chase na masama ang tingin sa amin. Tumawa si Earl at tinaas ang kamay. Agad akong nakipag-high five dito. "Tulungan n'yoko dito--" magsasalita pa sana si Chase nang isuot na sa kan'ya ni Earl ang apron namin sa kusina. Napakunot ang noo nito lalo. "Sisimulan na namin ni Mika 'yung project, enjoy!" sabi ni Earl habang suot-suot na nito ang bag nila na naglalaman ng mga gagamitin namin at kinuha nito ang isang box ng pizza. "Tara na Mika. Saan tayo gagawa?" tanong nito sa akin. "Sa taas," sabi ko rito. Nang paakyat na kami ni Earl ay tinignan si Chase nagsisimula nang ipunin ang mga plato. Napatingin s'ya sa akin at ngumiti lang ako tapos ay dumila. "Let's go," aya ko kay Earl at mabilis na kaming umakyat. Pagkaakyat namin ay natigilan ako nang maalalang magulo nga pala sa kwarto ko. "Okay lang ba kung sa balcony natin gawin?" tanong ko kay Earl. "Sure, okay lang. Malamig naman ang hangin at presko," sagot nito. Tumango ako at nagsimula nang maglakad. SUmunod naman s'ya sa akin. Binuksan ko ang pinto sa balcony at bumungad sa amin ang malamig na hangin. "Woah, malaki naman pala dito," sabi n'ya at agad na lumabas. "Malamig din. Bigla tuloy akong inantok," sabi nito. Lumabas na rin ako at pinatong na n'ya ang isang box ng pizza sa lamesa at ang bag. Ginala ko ang paningin rito sa balcony. Pangalawang beses ko pa lang nakapunta dito dahil hindi ako mahilig tumamay dito. Mas gusto ko sa kwarto at sa kama ko. Isang malaking lamesa ang nandito at apat na upuan. May mga pot rin na may iba't ibang halaman. Inaalagaan ni kuya ang mga halaman dito. Halos halaman ni Mommy ang mga nandito. Namiss ko ang mga ito. Isa sa rason kung bakit hindi ako tumatambay dito ay dahil nami-miss at naalala ko lang si Mommy tuwing nakikita ko ang mga halaman n'ya. "Mika?" Nabalik ako sa sarili ko nang marinig ang pagtawag sa akin ni Earl. Napatingin ako sa kan'ya at nakitang nilabas na nito ang mga maliliit at maninipis na woods para sa miniature house na gagawin namin. Agad namang lumapit sa kan'ya. "Nasan na pala yung design n'yo?" tanong ko sa kan'ya. "Sht," rinig kong mahinang sabi nito at kinalkal ang bag na dala nila ni Chase. Natigilan s'ya at napatingin sa akin. "Naiwan ko," nakanguso nitong sabi. Napabuntong hininga ako at tinignan ang mga pieces ng woods na dala nila. "Pwede namang gumawa na lang tayo ng bagong design pero sana ay matugma ang mga pieces na 'to," sabi ko sa kan'ya. "Tapos na kaya si Chase maghugas ng pinggan?" tanong ko dahil ilang minuto na rin ang lumipas. "Ay oo nga pala si Chase. Sunduin ko na sa baba, ah?" paalam nito sa akin at tumango na lang ako. Bumababa na s'ya at umupo na ako. Tinignan ko ang mga wood pieces. Maliliit lang ito. Nakagawa na ako nito noong grade 11 ako sa former school ko. Napatayo ako nang maalalang nasa akin pa ang design ko non. Agad akong nagpunta sa kwarto at hinanap ang sketch pad ko. Nang makita ko ito sa ilalim ng cabinet ay napangiti ako. Dinala ko na ito at mabilis na bumalik sa balcony. Nakita ko si Chase na nakasandal sa railings at nakatingin sa madilim na langit. Napatingin s'ya sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Napansin kong wala si Earl. Baka nag-cr lang ito. Umupo na lang ako at binuklat ang sketch pad ko. Palihim kong tinignan si Chase at nakitang nakatingin na ito ulit sa langit. Ngayon ko lang napansin ang itim nitong suot na longsleeve. Pinagmasdan ko ang tinitignan n'ya sa langit at nakita ang buwan. Marami ring stars sa langit. Agad akong napangiti nang makita ang mga iyon. Bata pa lang ako ay mahilig na ako sa mga stars. Kaya binilhan ako ni mommy ng glow in the dark stars at moon para sa kisame ko. "Why are you helping us?" rinig kong tanong ni Chase. Napatingin ako sa kan'ya at nakitang deretso ang tingin nito sa akin. Biglang umihip ang malakas na hangin. Nakita ko kung paano hanginin ang itim nyang buhok at damit. Hindi ako nakasagot dahil sa totoo lang ay hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit nga ba ako pumayag na tulungan sila. "I don't know," mahina kong sagot. Naalala ko bigla ang pagtulong n'ya sa akin noon. Nag-break down ako sa lugar na maraming tao. Inalok n'ya ang kamay n'ya sa akin at binuhat ako hanggang sa makauwi. Hindi ko alam kung bakit n'ya iyon ginawa. Hindi ko alam kung bakit n'ya ako tinulungan non. "Heyo!" Agad kaming napalingon kay Earl na kakarating lang dito sa balcony. "Bakit ang awkward ng aura n'yong dalawa?" tanong nito. Hindi ako sumagot at binalik na lang ang tingin sa sketch pad ko. "Woah, gawa mo 'yang design na 'yan?" tanong sa akin ni Earl at tumango ako. "Pwede nating gawin itong sa akin," sabi ko sa kan'ya. Nakaupo na kaming tatlo at sinisimulan ang miniature house na project nila. Sinaksak ko na rin ang glue gun na gagamitin natin. Nagtulong tulong kami rito hanggang sa magawa na namin ang first floor. "Nakakapagod pala to gawin," nag-uunat na sabi ni Earl. Habang gumagawa ay kumakain kami ng pizza. "Hey," napalingon kaming tatlo sa pinto nang marinig ang boses ni kuya. "It's already 12 A.M. Hindi n'yo parin ba tapos 'yan?" tanong nito habang humihikab at halata mong bagong gising. "Hindi pa po, Mr. Evergreen," sagot ni Earl. "Call me kuya Mike insted of Mr. Evergreen," sabi ni kuya sa kan'ya. "Matutulog na ako, maaga pa pasok ko." "Goodnight kuya Mike!" sabi ni Earl sa kan'ya. "Goodnight rin guys," sagot ni kuya at pumasok na sa loob dahil antok na antok na ito. "12 a.m. na pala," sabi ni Earl. "Wala pa tayo sa kalahati." nagkunwari itong umiiyak at natawa na lang ako rito. "Salamat talaga sa tulong Mika," sabi nito at tumingin sa akin. "Without you, sigurado akong mawawalan kami ng project ni Chase. 30% pa naman 'to ng grade. Mapupuyat kapa tuloy dahil sa amin." "Okay lang, I'm glad to be able to help you guys," sabi ko rito at ngumiti. ××× Nang matapos na namin ni Chase ang miniature house ay napahikab ako at unat. Tinignan ko si Earl na tulog habang nakaupo. Napatingin ako sa relo ko at nakitang 3:30 A.M. na pala. Bumibigat na rin ang talukap ng mata ko. Nagsisimula na akong makaramdam ng antok. Napatingin ako kay Chase na tahimik lang at nililigpit na ang mga gamit. Pinatong ko ang braso ko sa lamesa at pinatong dito ang ulo ko. SObrang lamig dito ngayon sa balcony. Pakiramdam ko ay nasa freezer ako kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng antok. "Why did you helped me back then, Chase? Nung nag-breakdown ako sa harap ng maraming tao." mahinang tanong ko habang nakatingin lang sa kan'ya. Natapos na n'yang iligpit ang mga gamit at umupo ito sa tabi ko. Nakita kong tumingin s'ya sa akin at seryoso lang ang mukha nito. Hindi ko mabasa ang nasa isip n'ya. "Because I felt like I need to," sagot nito. "Why?" Mahina kong tanong. "I don't know, Mika," sagot nito. Pilit kong pinipigilan ang antok ko. Napapapikit na ako pero pinipigilan ko lang ito at tinitignan si Chase. Ayoko pa matulog. Marami pa akong gustong itanong sa kan'ya. "Bakit nandon ka ng gabing may pinapatay si Nathan?" mahinang tanong ko rito. "Bakit nasa rooftop ka rin ng Resort?" Nakita kong natigilan s'ya at hindi ito sumagot. "Bakit niligtas mo ako non?" tanong ko pa rito. "Alam mong malaki ang chance na mahuhuli nila tayo at madadamay ka pero you still helped me and in the end nadamay nga kita." "Hindi mo ako dinamay sa gulo, Mika," rinig kong sagot nito. "Tell me Chase.." mahina kong sabi at hindi ko na napiligilan ang pagpikit ng mga mata ko. "Are you one of them?" Tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD