CHAPTER NINETY SEVEN

1994 Words
Earl's P.O.V. "Everything went messed up everytime we're with Mikaella," sabi ni Vivian pagkatapos ayusin ang mga hiniwang mangga ni Chase. Nagpunta si Chase sa lababo at hinugasan ang mga ginamit namin. "Hey, you don't need to wash them. That's why we have maid here. Let's leave this work to them," saway ni Vivian kay Chase. "It's fine," tipid na sagot ni Chase at pinagpatuloy ang paghuhugas. Inayos ko na lang ang watermelon na bagong hiwa ko. Pa-cubes ito at nilagay ko sa malaking bowl at naglagay rin ng mga toothpick para sa gustong kumuha at kumain. "If you say so," mahinang sagot ni Vivian. "So anyways, as I was saying, trouble is with Mikaella." "How could you say that?" Tanong ko sa kan'ya. Napalingon naman s'ya sa akin at narinig kong napabuntong hininga s'ya. "Remember my 18th birthday party?" Tanong n'ya. Tumango naman ako at sumandal sa lamesa. "Someone died on my birthday date and same location sa pinag-celebrate ko ng birthday ko," nakakunot noo n'yang sabi. "Maybe it's just a coincidence," sagot ko sa kan'ya. "No," madiin na sabi ni Vivian. "All of my birthday celebrations before was fine and perfect. Everything is perfect until Mikaella moved here and started studying at Willton's Academy." Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa kan'ya. Ayokong magkaroon ng misunderstanding sa amin. Gusto ko sanang ipagtanggol si Mika pero parang may pumipigil sa akin at nanatiling tahimik na lang ako. "Those killers who murdered her family.." mahinang sabi ni Vivian habang nakatingin sa kawalan. "They're following her. Hangga't nandito si Mikaella, our lives will be in danger as well." Parehas kaming napalingon kay Chase nang makaramdam kami ng ingay. Nakita kong nalaglag ni Chase ang isang transparent na baso. Kumalat rin ang bubog nito sa kusina. "Omygod!" Gulat na sabi ni Vivian. "Yaya!" Tawag ni Vivian sa maid. "Yes, Ms. Vivian?" Agad na lumapit sa amin ang isang maid. "Can you clean this up for us?" Tanong ni Vivian. "Pupunta na kami sa pool." "Opo, Ms. Vivian," sabi ng maid at mabilis na kumuha ng daspan at walis. Nang wawalisin na ng maid ang mga bubog ay inagaw ni Chase ang walis at daspan. "What are you doing Chase?" Naguguluhang tanong ni Vivian. "I'm the one who caused this mess," sagot ni Chase at winalis ang mga bubog. "Sir, ako na po," pilit ng maid. "Whatever." Narinig kong napabuntong hininga na lang si Vivian. Kinuha n'ya ang plato na may mga mangga at ang bowl na may watermelon. "Can you bring this sa pool area?" Tanong n'ya dito. "Opo." Kinuha ng maid ang mga prutas at naglakad na papunta sa pool. "Are you okay, Chase?" Tanong ni Vivian. "I'm fine. Don't worry about me," mahinang sagot ni Chase at nang matapos n'ya ang pagwalis sa mga bubog ay lumabas ito para itapon iyon. "Chase is really cold and mysterious," sabi ni Vivian at sumandal din sa table. "Your friend is hard to tame." I knew it. May gusto si Vivian kay Chase. That's why lagi itong nakabuntot at nakatabi kay Chase ngayon. Ininvite n'ya ako dito at sinabi n'yang isama ko si Chase dahil mas masaya kung mas madami daw. But the truth is, si Chase ang gusto n'yang ayain. "Yeah," sagot ko kay Vivian at kumuha ng tubig. Elementary pa lang ay kilala na namin ni Chase sa Vivian. Naing classmate pa nga namin ito pero hindi naman namin s'ya close. Alam kong spoiled brat ito at may ugali. "I'm scared, Earl." Napatingin ako kay Vivian na ngayon ay nakayuko. "Especially sa nangyari kagabi. Mikaella's life was in danger last night. Nadamay pa si Liam. I'm just glad na dito ako nagtago sa resthouse." Huminto s'ya saglit at tumingin sa akin. "Kung sa labas siguro ako nagtago ay nadamay ako. Worst, baka kung ano pa nangayri sa'kin since nandito lang rin pala ang mga killer." Hindi ako sumagot at ininom na lang ang malamig na tubig na kinuha ko. "How about you and Chase?" Tanong ni Vivian. Napahinto ako sa pag-inom ng tubig at napatingin sa kan'ya. "Saan kayo nagtago last night ni Chase?" Tanong ni Vivian. "Sa labas kayo diba? Mabuti na lang at hindi kayo nadamay. Buti na lang walang nangayring masama sa inyo." Nilapag ko ang baso at huminga ng malalim. "I'm done." Magsasalita sana ako nang marinig ko ang boses ni Chase. "Punta na tayo sa pool," yaya n'ya at nauna na itong lumabas. "Why did you invite Mika here, Vivian?" Tanong ko kay Vivian nang maglalakad na ito. Napahinto s'ya saglit dahil sa tanong ko. Lumingon s'ya sa akin. Seryoso ang mukha nito. "Because I'm Vivian. I want to be friends with everyone. I need to be kind to keep my image good. You should know that, Earl," sabi n'ya at nauna nang maglakad. Napatingin ako sa sahig at nakitang may isa pang piraso ng bubog. Umupo ako para kuhain ito. Nang mahawakan ko ito ay agad na nagdugo ang kamay ko. Hindi ako nakaramdam ng sakit o hapdi. Maliit lang naman ito at mababaw pero maraming dugo ang lumabas dito. Kinuha ko na lang ang bubog at pinatong ito sa gilid ng sink tapos ay hinugasan ang sugat sa kamay ko. Matapos na tumigil ang dugo ay pinunasan ko na ito at naglakad na papunta sa pool. "Yow Earl!" Tawag sa akin nila Rea. Nakita kong nasa pool sila ni Kevin, Rea, Sera, Pauline at Vivian habang nakaupo naman sa tig-isang itim na beach chair si Chase at Liam. "Yow guys!" Malakas kong sabi at tumakbo nang mabilis papunta sa pool. "Earl! Noo!" Rinig kong sigaw nila Pauline at Rea. Hindi ako tumigil at nang malapit na ako sa pool ay tumalon ako rito at pinikit ko ang mga mata ko. Naramdaman kong lumubog ako sa malamig na tubig at narinig ko ang pagtalsik ng tubig pati na rin ang sigawan nila Pauline. "Earl! Dude!" Rinig kong natatawang tawag sa akin ni Kevin. Dinilat ko ang mata ko at nakita ang mga katawan nila dito sa tubig ng pool. Nanatili akong nakalubog sa pool habang pinipigilan ang hininga. Ilang minuto na rin ako dito at pakiramdam ko ay nauubusan na talaga ako ng hininga. "Check Earl!" Rinig kong sigaw ni Vivian. "Earl! Okay ka lang ba?" Rinig kong tanong nila Pauline at sunod kong naramdaman ay agad paghawak nila sa akin para iahon sa tubig. Pagkaahon ko ay tinignan ko sila at ngumiti. "It's a prank!" Malakas kong sigaw habang tumatawa dahil kanina ay mukhang nag-aalala ang mga ito at ngayon ay mga nakasimamgot na. "What the hell dude!" Sigaw ni Kevin at malakas akong tinasikan ng tubig. Tawa lang ako nang tawa dahil sa mga reaksyon nila. Alam kong napakaba ko sila ng sobra. Nakita ko si Liam na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin habang si Chase na nakatayo at mukhang tatalon dito sa pool para lang iahon ako. Mike's P.O.V. Ilang oras na ako nagda-drive. Malapit na rin ako sa address na sinend sa akin ni Mika. "Is she okay?" Tanong ni Kross. Habang nagda-drive ay kausap ko si Kross sa phone. Nakasuot ako ng Bluetooth earphone para less hassle. "Yes," sagot ko kay Kross. Tumawag s'ya sa akin dahil nag-aalala s'ya kay Mika. Hindi pa kasi tumatawag sa kan'ya si Mika o kahit text man lang. Mukhang busy talaga si Mika at ako lang ang nakausap nito. "Bakit pinapapunta ka n'ya sa police station?" Tanong ni Kross. "I still don't know, Kross. I will tell you everything later pagkatapos ko pumunta doon at kausapin si Mika para malaman ang nangyari," sagot ko kay Kross. "I just hope na walang nangyaring masama," rinig kong mahinang sabi ni Kross sa kabilayng linya. "I hope so too." Lumiko ako at mas binilisan ang pagda-drive. "I still have something i need to do," paalam ni Kross. "Tell Mika later that I'm going to call her. She needs to tell me everything. Just beacuse I'm far away from her doesn't mean I'm not her friend anymore." Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Kross. Nagtatampo ito kay Mika dahil marami na s'yang hindi naku-kwento o nasasabi sa kan'ya. Dati kasi ay lagi silang magkasama at nagsasabihan ng mga sekreto o nangyayari sa buhay nila. Pero ngayon ay iba na. Dahil sa nangyari at dahil lumipat kami, napalayo si Mika kay Kross at sa iba n'ya pang kaibigan. Wala rin naman kaming ibang choice kung Hindi lumipat Dahil kinailangan namin ibenta ang bahay para bayaran ang utang nila Mom at Dad at para narin ibalik ang shares ng mga katrabaho nila. Wala rin akong kaalam-alam na marami na silang utang para lang i-save ang business namin. Walang nakwento sila Mom sa akin pati na rin kay Mika. Ang akala namin ay maayos lang ang lahat tulad ng dati. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa litrato namin ni Mika dito sa kotse. Tama lang rin ang ginawa naming lumipat. Alam kong kung hindi kami lilipat sa bahay na yon, mas lalo kaming hindi makaka-move on na dalawa. Mas lalo lang kaming mahihirapan. Maalala lang namin ang nangyari at hindi namin itl makakalimutan. Napatingin ako sa gilid at hininto saglit ang kotse. Nadaanan ko na ang beach kung saan nagpunta sila Mika at ang mga classmates n'ya. Mukhang malapit na nga talaga ako sa police station na kailangan ko puntahan. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-drive at nagpatugtog ako ng kanta. Tinignan ko din ang phone ko at nakitang limang minuto na lang at makakarating na ako kay Mika. Habang nagda-drive ay may nadaanan akong isang coffee shop rito. Dahil puro puno lang dito ay hindi ko iyon ine-expect. Nakita kong maraming kotse ang naka-park at maraming tao. Mukhang masarap ang kape dito at dinadayo ng mga tao. Bigla ko tuloy naalala ang coffee shop nila Mom at Dad. Halos magdadalawang months na ang huling punta ko don. Pinasarado ko lang iyon pero hindi ko ito binenta dahil alam ko ang paghihirap at ang tuwang naramdaman ng parents ko nang ipatayo nila iyon. Nakakamiss pumunta doon. Dinadayo rin iyon ng maraming tao dahil sa relaxing at calming nitong lugar at view. Nakatayo ang coffee shop namin sa isang bundok. Hindi naman ito nakatayo sa pinakatuktok pero mataas parin ang pwesto nito kaya maganda ang view rito. Nakaka+miss ang amoy ng mga kape at tinapay doon. Nakaka-miss ang tumambay doon habang kasama ang mga kaibigan ko. Nakaka-miss ang mga memories ko sa lugar na iyon kasama ang buong pamilya. Napabuntong hininga na lang ako at lumiko. Kahit medyo malayo pa ay kita ko na ang police station na sinend ni Mika sa akin. May mga buiding na store na dito sa lugar na ito. Nag-park na ako ng kotse at sinuot ang bag ko. Tinignan ko ang oras at nakitang 8:30 a.m. na. Mahigit isang oras na nandito si Mika. Kinuha ko ang phone ko at minassage si Mika na nandito na ako sa tapat ng statio. Sinara ko na ang kotse at binalik ang phone sa bag ko tapos ay naglakad na papasok. Bumungad sa akin ang bantay sa entrance. "Ano pong concern n'yo?" Tanong nito. "I'm with Mikaella Evergreen. She's a student at Willton's Academy. I'm her older brother," paliwanag ko rito. Agad naman s'yang tumango at pinagbuksan ako ng glass door. Mukhang medyo mahigpit dito. Pagkapasok ko ay agad akong lumapit sa isang police. "Good morning, Sir," bati ko rito. Napatingin s'ya sa akin at napakunot ang noo. "I'm Mike Anderson Evergreen. Older brother or Mikaella Evergreen. May I know kung nasaan s'ya?" Tanong ko dito. "Oh," agad nitong sabi at tinuro ako. "Ikaw yung hinihintay ng babae." "Ako nga po," sagot ko rito at ngumiti. "Nasan po s'ya?" Tanong ko ulit dito. "Nandoon s'ya sa office ni Mr. Matrix. Kausap n'ya si Mr. Matrix at ang killer na nagtangka sa buhay n'ya kagabi." Natigilan ako sa narinig ko. Nanlaki ang mata ko at napatingin ng seryoso sa police na kausap ko. "What did you said?" Tanong ko sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD