CHAPTER NINETY EIGHT

2017 Words
Mike Anderson's P.O.V. Nagmadali akong pumunta sa office ni Mr. Matrix. Nang nasa tapat na ako nito ay hindi na ako kumatok pa at mabilis na hinawakan ang doorknob at binuksan ito. Pagkatulak ko nang pinto ay nakita ko si Mika na nakaupo at nakayuko. "Mika!" tawag ko sa kan'ya at lumapit. "What happened?" nag-aalalang tanong ko dito. Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa harap n'ya. Nakita ko ang pangalan nito na nakaukit sa isang mahabang kahoy. Si Mr. Matrix na ata ito. Nakapatong ang dalawa n'yang kamay sa kan'yang baba habang seryosong nakatingin sa akin at kay Mika. "What happened to her?" naguguluhan kong tanong. Hindi s'ya nagsalita at umiling lang habang tinignan si Mika. Binalik ko sa kapatid ko ang tingin ko at lumuhod para makita ang mukha nito. Nanlambot ako nang makitang umiiyak ito. "Mika, tell me. What the happened?" ulit kong tanong sa kan'ya. Hinawakan ko ang dalawang kamay n'ya. Nanginginig ito. Hinigpitan ko ang hawak rito at nakita kong napatingin na s'ya sa akin. Mukhang ngayon n'ya lang naramdaman ang presensya ko. "Kuya," mahinang tawag nito sa akin at agad akong niyakap. Niyakap ko rin s'ya nang mahigpit at narinig ko ang malakas n'yang pag-iyak. "Tell me what happened," sabi ko sa kan'ya habang hinahawi ang kan'yang likod. Tumingin ako kay Mr. Matrix. Tumango s'ya at tumayo tapos ay naglakad papalabas. Mukhang hahayaan n'ya munang magkausap kaming dalawa ni Mika. "Anong nangyari, Mika?" tanong ko at dahan-dahan na humiwalay sa pagkakayakap sa kan'ya. "Yung pumatay kila Mommy at Daddy.." mahina n'yang sabi at tinignan ako sa mga mata. "Sinugod nila ako kagabi." Parang nanglambot ako sa narinig ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Nangingibabaw ang pagkainis at galit ko sa sarili dahil wala ako sa tabi ni Mika kagabi para tulungan s'ya at ipagtanggol. "Naglalaro kami ng mga kaklase ko ng hide and seek. Hinahanap ko sila nang magpakita ang mga killers na 'yun sa'kin," mahina at umiiyak n'yang sabi. Ramdam na ramdam ko ang takot sa tono ng boses n'ya. Kitang kita ko rin ito sa mga mata n'ya. Naalala ko ang mga mata n'ya noong gabing namatay ang magulang namin. "Muntik na nila ako mapatay." Yumuko s'ya at pinunasan ang luha. "Pero nahuli namin ang isa sa kanila." Natigilan ako sa narinig ko. Napakunot ang noo ko at tinignan nang maigi si Mika. "What do you mean?" tanong ko sa kan'ya. "Nakakulong na ang isa sa kanila," sagot ni Mika at tinignan ako ng seryoso. Agad akong napatayo. "Bring me to him," sabi ko kay Mika. Tumayo si Mika at naglakad kami papalabas dito sa office. Pagkabukas namin ng pinto ay bumungad sa amin si Mr. Matrix na kausap ang isa sa mga police dito. Nakita n'ya kami ni Mika kaya naman naglakad ito papalapit sa amin. "Tapos na ba kayo mag-usap?" tanong nito sa amin. "Yeah," tipid kong sagot dito at tumango. "I want to see him," madiin kong sabi. "Nakakulong na s'ya ngayon. Kakatapos lang namin s'ya kausapin ni Mika pero pwede n'yo naman s'ya muntahan ng kapatid mo," sabi nito sa akin. "Sundan n'yo ako." Nagsimula na s'yang maglakad kaya naman sumunod kami ni Mika sa kan'ya. Ginala ko ang paningin rito sa police station. Medyo maraming tao dito. Napapatingin pa ang iba sa amin ni Mika dahil siguro ay ngayon lang nila kami nakita. Nang nasa tapat na kami ng isang pinto ay huminto si Mr. Matrix. "Mag-isa lang s'ya dito sa kulungan dahil ginagamot pa s'ya." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. "Ginagamot?" naguguluhan kong tanong. "See it yourself, Mr. Evergreen," sagot nito at binuksan ang pinto. "I'll give you both 10 minutes para kausapin ang lalaking 'yan. " Napatingin ako sa puting tiles na tinatapakan ko. Huminga ako nang malalim bago pumasok. Naramdaman kong sumunod sa akin si Mika at sinara ang pintuan. Inangat ko ang tingin ko hanggang sa makita ko ang mga bakal at ang lalaking nakaupo sa loob ng kulungan. Hindi ako makagalaw at naiyukom ko ang mga palad ko. Tumingin s'ya sa akin gamit ang mga itim nitong mata. Nakasuot s'ya ng orange na t-shirt at itim na short. Itim ang kan'yang buhok na maiksi. Naglakad ako dahan-dahan hanggang sa maramdaman ko ang bakal sa dibdib ko. Hindi ko magawang alisin ang tingin sa lalaking ito. Sa lalaking pumatay sa mga magulang namin ni Mika. Nakaramdam ako ng sakit at hapdi sa palad ko. Naramdaman ko ring may tumulo dito. Hindi ko namalayan na napadiin ang pagkakayukom ko hanggang sa masugatan ang palad ko. "You," mahina at madiin kong sabi sa lalaki. Hindi s'ya gumalaw at nanatiling nakaupo lang ito sa sulok, nakasandal sa puting pader at nakatingin sa akin. Medyo madilim dito sa kwarto ng kulungan n'ya dahil walang bintana at iisang ilaw lang ang mayroon. Dahil dito ay pakiramdam ko nauubusan ako ng hininga dagdagan pa ng nararamdaman ko. "Are you really one of them?" tanong ko dito. Hindi parin ito sumagot at nanatiling nakatingin lang sa akin. "Answer me!" galit kong sigaw at sinubukang buksan ang kulungan. "Sagutin mo ako!" "Kuya!" sigaw ni Mika at hinawakan ako sa balikat pero tinabig ko lang s'ya at pilit na binubuksan ang gate. Nakita ko ang padlock nito. Ginala ko ang paningin rito sa loob at nakita ang isang lamesa at upuan. Lumapit ako dito at binuhat ang bakal na upuan. "Kuya! anong ginagawa mo?" malakas na tanong ni Mika. "I just want to talk to him," seryoso kong sabi kay Mika at nagpunta sa pintuan ng kulungan. Malakas kong hinataw ang upuan sa padlock pero hindi parin ito sapat. Napasigaw ako at mas nilakasan ang paghataw dito. Ginawa ko ito ng paulit-ulit. Binaling ko rito ang lahat ng lakas ko hanggang sa marinig kong tumunog ang padlock. Napatingin ako rito at nakitang bumagsak ito sa sahig. Binitawan ko ang upuan at hinawakan ang pintuan papasok sa kulungan. "Kuya! stop!" sigaw ni Mika sa akin at mahigpit akong hinawakan sa balikat para pigilan pero tinabig ko lang ang kan'yang kamay. Nangdidilim ang paningin ko. Wala akong ibang makita kung hindi ang lalaking nasa loob ng kulungan ngayon. Binuksan ko ang pintuan at dinala ang bakal na upuan. "Ano?! sagot!" sigaw ko sa lalaking ito at huminto nang nasa tapat na n'ya ako. Pinagmasdan ko ito at hindi man lang ito gumalaw. Nakatingin lang s'ya sa akin habang tahimik. "Isa kaba sa kanila?" tanong ko dito at madiin na hinawakan ang upuan. Nakita kong ngumisi ito habang nakatingin sa akin. Napakunot ang noo ko dahil sa inakto nito. Narinig ko pang tumawa ito ng malakas. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa ngayon. Hindi ko alam kung ano ang nakita n'yang nakakataw o dahil baliw na ang isang ito kaya s'ya ganito. "I'm going to fcking kill you!" galit kong sigaw rito at nang ihahataw ko na sa kan'ya ang bakal na upuan ay naramdaman kong may humawak rito. Nakita ko si Mika na seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin. "Stop, please," mahina n'yang sabi habang umiiling. "He's already here. Nahuli na s'ya. You can stop now." Napalingon kami ni Mika sa pinto nang bumukas iyon. Nakita ko si Mr, Matrix na may kasamang ibang police na papunta rito ngayon. Agad kong binitawan ang upuan at ganun rin si Mika. "Anong nangyayari dito?" seryosong tanong ni Mr. Matrix habang nakatingin sa amin. Napatingin ako sa killer na ngayon ay tumatawa parin. Natigilan ako nang mapansing wala itong dila. "Sir Mike Anderson Evergreen, please calm down or else mapipilitan kaming ilabas ka rito sa police station pangsamantala," sabi sa akin ni Mr. Matrix at tinap nang malakas ang braso ko. Umiling ako at huminga ng malalim. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Masyado akong nadala ng nararamdaman ko kanina. Pakiramdam ko ay ibang tao ako. "Mika. Dun na muna kayo sa office ko," utos ni Mr. Matrix kay Mika. "Wait," mahina kong sabi. "Alam n'yo na ba kung sino pa ang tatlong killer?" tanong ko sa kanila. Nakita kong naging dismaya ang mukah ni Mr. Matrix at umiling. "Hindi parin sinasabi ng isang 'yan kung sino ang mga kasamahan n'ya but don't worry. Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin." "Kuya, let's go," tawag sa akin ni Mika at hinila ako papalabas sa kwarto. Dinala n'ya ako sa office ni Mr. Matrix at umupo. Umupo na lang rin ako at sinubukang kalmahin ang sarili. Piniki ko ang mata ko at sumandal. "You almost hit him," rinig kong sabi ni Mika. Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik lang. "Alam mo ba kung ano ang pwedeng mangyari kung wala ako kanina?" tanong ni Mika kaya napadilat ako at napatingin sa kan'ya. "You'll turn into monster. Just like them," mahina nitong sabi at umiwas ng tingin. Napayuko ako at napatingin sa kamay ko. Nanginginig ang mga ito gawa ng galit ko kanina. "I'm sorry," mahina kong sabi. Napalingon ako sa pinto nang bumukas iyon. Nakita ko si Mr. Matrix na pumasok dito sa loob ng office n'ya. Dumiretso ito sa table n'ya at umupo. Nanatiling tahimik lang ako habang nakatingin sa kan'ya at nag-aantay sa sasabihin n'ya. "What you did was not good, Mr. Evergreen," umiiling nitong sabi. "I.. lost my control," mahina kong sabi habang nakayuko. "Mabuti na lang at walang nasaktan sa inyo." Bigla kong naalala ang nakita ko kanina. Walang dila ang isang killer na iyon. Napatingin ako kay Mr. Matrix. "Can I ask you a question?" tanong ko dito habang may folder s'yang tinitignan. "Sure. Go ahead," sagot nito. "Bakit wala s'yang dila?" naguguluhan kong tanong. "Bakit putol ang dila n'ya?" Nakita kong napatigil s'ya sa pagtingin sa mga papers sa loob ng folder. Napatingin s'ya sa akin at narinig kong napabuntong hininga ito. "Hindi ko pa alam ang rason tungkol d'yan," sabi nito. "Kagabi pa namin s'ya kinakausap. Kagabi pa namin sinusubukang kumuha ng impormansyon sa kan'ya pero kahit na anong gawin namin ay hindi talaga s'ya nagsasalita." "Mukhang mahihirapan tayo pagsalitan s'ya," dagdag pa nito. Napatingin ako kay Mika na nakayuko lang. "He tried to kill Mika last night. Anong mangyayari sa kan'ya ngayon?" tanong ko dito. "We're still investigating. Dahil maraming witness kagabi, I'm sure mapapakulong n'yo ang lalaking iyon. And not just that." Nilapag nito ang folder na hawak n'ya at tinapat sa akin. "I did some research about him. His name is Cyrus Villarde. Patay na ang pamilya nito at mag-isa na lang s'ya sa buhay." Nakita kong napatingin rin si Mika sa papel na pinapakita sa amin ni Mr. Matrix. "Isa rin s'ya sa matagal nang hinahanap na killer at magnanakaw," sabi pa nito. "Can we send a copy of this sa former place namin ni Mika?" tanong ko dito. "The Police and investigator there was useless. Wala silang nagawa para sa case na'to." "Yes. We will do that," sagot nito at sinara na ang folder. "Write your name and number here. We will get in touch with you." Inabutan ako nito ng papel at isang notebook. Sinulat ko ang pangalan namin ni Mika rito at ang phone numbers namin para may contact sila sa amin. Matapos ay binalik ko na ito kay Mr. Matrix. "Thank you," sabi nito at tumayo. "We still have a lot of works here. Tatawagan ko na lang kayo pag may balita na ako." Tumayo na kami ni Mika at tumango ako rito bilang sagot. "Thank you, Mr. Matrix," magalang kong sabi rito. "Pasensya na rin po kanina." "It's fine. I understand you, but you need to control yourself." Hindi na ako sumagot at marahan na tumango na lang. Pinagbuksan n'ya kami ni Mika ng pinto at hinatid papunta sa exit ng police station. Nagpaalam na ako rito at naglakad na kami ni Mika papunta sa kotse ko. Pumasok na ako sa driver's seat habang sa likuran naman umupo si Mika. Nakita ko ang bag na dala nito na may mga lamang gamit n'ya. Pinatong n'ya iyon sa hita n'ya at niyakap. Binuksan ko naman na ang makina ng kotse at nagsimula nang paandarin ito. Nag-play ako ng kanta para kahit papano ay mawala ang heavy na aura dito sa loob ng kotse.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD