CHAPTER NINETY SIX

2038 Words
Mikaella's P.O.V. "Why?" Tanong ni Chase habang seryoso ang tingin sa'kin. "Mika! nasa entrance na daw sila ng beach." Napatingin ako sa loob nang marinig ko ang boses ni Vivian. Nakita kong nakatayo s'ya sa pintuan papasok sa rest house. Hawak-hawak n'ya rin ang phone n'ya habang nakatingin s'ya sa amin ni Chase rito sa gate. Tinignan ko si Chase na ngayon ay malayo ang tingin. Pinagmamasdan n'ya ang mahinahon na dagat. Nakakainis dahil hindi ko mabasa ang nasa isip nito. Naglakad na lang ako papalapit kay Vivian. "Okay. Dadalhin ko na mga gamit ko. Pa-send sa akin ng address ng police station malapit dito para makapunta na si Kuya. Sa kan'ya na lang rin ako sasabay pauwi kaya pwede na kayong umuwi kung gusto n'yo," mahaba kong sabi sa kan'ya. "Okay! will send the message na," nakangiti nitong sabi at binalik na ang tingin sa phone n'ya para i-message sa akin ang address na hinihingi ko. Nang mag-ring ang phone ko ay nakita kong ito na ang address. Unknown number ang nakalagay rito dahil wala naman akong number ni Vivian. Napakunot ang noo ko at napatingin sa kan'ya. Paano s'ya nagkaroon ng number ko? "May kailangan ka pa ba?" tanong n'ya sa akin habang nakataas ang dalawang kilay. "Wala na. Thank you sa address," mahina kong sabi at nag-iwas na ng tingin tapos ay naglakad na papasok sa loob. Baka kay Kael o kay Cara n'ya nahingi ang number. Nakakapagtaka lang dahil hindi naman kami close o laging magkausap ni Vivian para hingin n'ya ang number ko o magkaroon nito. Napabuntong hininga na lang ako at nang paakyat na ako sa hagdan ay nakita ko si Sera at Rea na nakaupo sa sofa sa living area. Nang makita nila ako ay agad silang napalayo sa isa't isa. Mukhang may gusto sila sa isa't isa pero tinatago lang nila. Umakyat na lang ako sa 2nd floor at nang nasa tapat na ako ng pintuan ng room namin ni Cara ay napahinto ako nang may marinig akong nag-uusap sa loob. Boses iyon ni Cara at ni Kael. Anong pinag-uusapan nila? Dahan-dahan kong tinapat ang tainga ko sa pintuan. "That's what I hate the most, Kael," rinig kong galit na sabi ni Cara. "Let me explain Cara! for pete's sake!" Halata na rin ang galit at frustation sa boses ni Kael. Napakunot ang noo ko dahil dito. Ito ang unang pagkakataon na narinig ko silang nag-aaway. Tungkol saan kaya ito? "Just tell me kung para saan to!" sigaw ni Cara sa loob. "I can't!" sagot ni Kael sa kan'ya. "Why?!" Nanlaki ang mata ko nang hindi ko sinasadyang maurong ang pintuan ng kaonti. Narinig kong natigilan silang dalawa at sigurado akong nakatingin sila ngayon sa pintuan. Napangiwi na lang ako at hinawakan ang doorknob tapos ay pumasok sa loob. Umakto ako na hindi ko alam na magkasama sila rito at wala akong narinig sa pinag-aawayan nila. "Naistorbo ko ba kayo?" tanong ko sa kanila at humakbang paatras. "No," sagot ni Kael at yumuko saglit. "Paalis na rin ako. May tinanong lang ako kay Cara about sa school," sabi pa ni Kael at naglakad na ito papalapit sa akin. "Aalis kana ba?" tanong n'ya at huminto nang nasa tapat n'ya na ako. "Yeah," tipid kong sagot. "Sa kuya ko na ako sasabay pauwi kaya pwede na kayo maunang umuwi kung gusto n'yo." "That's good he's coming with you." Ngumiti s'ya at hinawakan ang doorknob. "Una na ako. Liligpitin ko na rin mga gamit ko. Take care on your way there, Mika." "Will do," sagot ko sa kan'ya. Lumabas na s'ya kaya naman sinara ko na ang pinto at nagtungo sa kama ko. Kinuha ko sa ilalim ng kama ang bag ko at niligpit ang mga gamit ko na nasa table. Habang inaayos ito ay napatingin ako kay Cara na nakatulala lang sa isang halaman dito sa loob habang seryoso ang mukha. Hindi ko alam kung ano ang pinag-awayan nila pero mukha itong seryoso. Ngayon ko lang sila nakitang ganito at kanina ko lang rin sila narinig na nagsisigawan habang nag-aaway. Nang matapos ko na iligpit ang gamit ko ay sinend ko na kay kuya ang address. Sinuot ko na rin ang bag pack ko at tumayo na. Tinignan ko ulit si Cara na ngayon ay nakatingin na sa akin. "Una na ako, Cara," paalam ko sa kan'ya. Nakita kong napakunot ang noo n'ya at parang nalilito ito na ginala ang paningin rito sa loob ng kwarto. "Kung ano man pinag-awayan n'yo ni Kael, I'm sure maayos n'yo rin 'yan," mahina kong sabi at tumalikod na sa kan'ya para maglakad papunta sa pintuan at lumabas. Pagkabukas ko ng pinto ay lumabas na ako. Isasara ko na sana ito nang mapatingin ako kay Cara sa loob. Nakita kong tumayo s'ya at napatingin sa akin. Napakunot ang noo ko dahil parang iba ang kinikilos nito ngayon. Hindi s'ya nagsalita pero ngumiti s'ya sa akin. Sinara ko na lang ang pinto at sumandal dito saglit. Napatingin ako sa kwarto sa kabilang side na bukas ang pinto. Nakita ko si Kael na nakaupo sa kama n'ya habang may hawak na libro. Hindi ko makita kung tungkol saan iyon dahil masyado s'yang malayo. Nang makita kong papalingon s'ya sa akin dahil mukhang napansin n'ya ako ay mabilis na akong naglakad papunta sa hagdan at bumaba. Nakita ko sila Chase at Earl kasama si Vivian sa kusina habang naghihiwa ng yellow mango. "Mika!" tawag sa akin ni Earl. "Guso mo yellow mango?" alok n'ya at nilapit sa akin ang isang manga na hiwa na. "I'm already full." Umiling ako at ngumiti ng tipid. "Kailangan ko na rin umalis. Naghihintay na mga police sa entrance nitong beach." "Ah.. ganun ba?" tanong nito at binalik ang mangga na hawak sa puting plato. Napatingin ako kay Chase na nasa mangga lang ang tingin habang si Vivian na nakatayo sa tabi nito at inaayos ang mga mangga na hiniwa ni Chase sa plato. "Yeah," sagot ko kay Earl at pinagmasdan s'ya ng seryoso sa mukha. "Take care Mika!" sabi sa akin ni Vivian. Hindi na ako sumagot at ngumiti lang sa kan'ya. "Ingat Mika!" paalam rin ni Earl. Tumango ako at lumabas na ng resthouse. Nakita ko sila Kevin, Pauline, Rea at Sera sa pool. May mga pagkain sa table rito. "Ingat Mika!" sabi nilang apat sa akin. "Hatid na kita Mika!" alok ni Kevin at umahon sa pool tapos ay kinuha ang itim nitong polo at sinuot. "No need. Kaya ko naman mag-isa," tanggi ko sa kan'ya. "It's fine. Besides, dapat nga ihatid ka ni Vivian since s'ya ang nag-invite sa atin dito pero mukhang busy s'ya. Sinabiha n'ya ako kanina na ako na rin maghatid sa'yo kung okay lang sa'kin." Napasimangot na lang ako dahil mukhang hindi ito titigil hangga't hindi ako papayag. Napabuntong hininga na lang ako at tinignan s'ya. "Fine," mahina kong sabi at binilisan ang lakad palabas. Naramaman ko namang nakasunod ito sa likuran ko. Pagkalabas namin sa gate ay bumungad sa akin ang mahinahon na dagat. Medyo malakas na ang alon nito kaysa kanina na pagkagising ko. Marami ring grupo ng ibon ang lumilipad ngayon. Napansin kong nakatayo na si Kevin sa gilid ko at pinapanood in ang dagat gaya ko. "Ang ganda ng dagat, no?" tanong n'ya sa akin. hindi ako sumagot sa kan'ya at inalis ko na lang ang tingin sa dagat tapos ay naglakad na papunta sa exit o entrance ng beach dahil magkatabi lang naman iyon. Binilisan rin ni Kevin ang paglalakad hanggang sa maabutan n'ya ako. "You said you have a boyfriend in your first day in Willton's Academy but I know you don't have one," rinig kong sabi nito habang naglalakad kami. "I lied. Alam ko namang alam mo na ang reason ko bat ko ginawa 'yun," sagot ko sa kan'ya. Nang makita ko na ang exit ay nakita ko na rin ang isang kotse ng police doon. Alam kong iyon na ang sundo ko. Ilang minuto ko na rin sila pinag-aantay kaya nakaramdam ako ng hiya. "Why don't you try dating me?" tanong ni Kevin. Gusto kong huminto at sumimangot sa kan'ya pero hindi ko ito magawa. Kailangan kong bilisan. "I'm popular, I have the looks that most of the girls want, I'm tall and I'm friendly. Ano pa bang kulang sa'kin?" tanong n'ya. "If you date me, we'll become the perfect couple in our campus. You're not going to regret it." "It's simple. Because I don't like you. I'm not interested in you, Kevin," sagot ko sa kan'ya at mas binilisan ang paglalakad. Hindi na s'ya nagsalita pero nakasunod parin ito sa akin. Nang makapunta na kami sa exit ay huminto na ako sa paglalakad at ganun rin s'ya. Lumabas ang isang police at lumapit sa akin. "Ms. Mikaella Evergreen?" tanong nito sa akin. "That's my name," sagot ko sa kan'ya at pinakita ang I.d. ko. "This way, Miss." Naglaka ito papunta sa likod ng kotse at binuksan ang pinto. Nilingon ko si Kevin na tahimik lang at nakatingin sa akin. He's not lying sa mga sinabi n'ya sa akin. Yes, He's handsome, popular, tall and friendly. But he's not my type at hindi pa ako ready pumasok sa isang relationship. Ang dami ko pang kailangang gawin ngayon. "I need to go, Kevin," paalam ko sa kan'ya at lumapit na sa pinto para pumasok. Ngumiti s'ya sa akin at kumaway. "Take care," mahina n'yang sabi. Hindi na ako nagsalita at tumango na lang tapos ay pumasok na sa loob. Hinubad ko ang bag ko at tinabi ito sa akin sa upuan. Nang isara na ng police ang pinto ay napatingin ako sa passenger's seat. May police rin doon na nakaupo. Sumakay na sa driver's seat ang isang police at nagsimula nang paandarin ang kotse. Napatingin naman ako kay Kevin sa labas. Nakatingin lang s'ya at humakbang na ito paatras para makabalik sa rest house. Nang makita kong tumalikod na s'ya at naglakad na papasok ay inalis ko na ang tingin sa kan'ya. Sumandal ako at huminga ng malalim. Kinuha ko ang phone ko at nakitang may message na sa akin si kuya na papunta na s'ya sa police station. Noted. Kanina pa ako nakaalis. I'll call you pagnandyan n'ya ako sa address, okay? Always take care, Mika. Be mindful sa surroundings mo. - Kuya Mike. Nakita ko rin ang mga messages sa akin si Kross pero hindi ko na muna ito sinagot. Madami pa akong iniisip at wala pa akong oras para sabihin kay Kross ang nangyayari ngayon. Pagnagkita na lang kami ay doon ko na lang iku-kwento ang lahat sa kan'ya. Binalik ko na ang phone ko sa bulsa ng itim kong jacket at tumingin na lang sa bintana. Nakita ko ang mga punong nadadaanan namin. Matataas ang mga ito. Marami ring halaman at mga d**o ang nandito. Wala kang madadaanan na mga bahay dito at wala ring maingay kaya naman talagang magandang magtayo ng rest house sa beach dito. Wala ring ibang kotse ang dumadaan dito ngayon. Mukhang bihira lang din ang tao dito. "Nakakulong ngayon ang nahuli namin kagabi," sabi ng police na nakaupo sa passenger's seat. "Don't worry, he can't escape and hurt you." "What's his name?" tanong ko sa kan'ya. "Cyrus Villarde," sagot nito sa'kin. "We can continue the conversations once na nasa station na tayo," paalala nito sa akin. Hindi na ako sumagot at napatingin na lang ako sa dinadaanan namin. Napabuntong hinga ako at pinikit ang mga mata ko. SInubukan kong matulog na muna dahil hindi ako nakatulog ng maayos kaninang madaling araw. Limang minuto na ako nakapikit pero hindi parin ako nakakatulog. Sinubukan ko paring matulog pero bigla ko lang naalala ang itsura ng lalaki kagabi. Bigla akong napadilat at napalunok. Tinignan ko ang kamay ko na ginamit ko para alisin ang suot n'yang maskara kagabi. Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Naguguluhan ako at halo-halo ito. Ang dami kong tanong at gustong malaman ngayon pero alam kong pagdating pa sa police station masasagot ang mga ito. Kailangan ko pang maghintay. Naiyukom ko ang palad ko at pinagmasdan ang langit. Kailangan kong malaman kung sino pa ang tatlong killer. Hindi ako papayag na isa lang sa kanila ang makukulong at mapaparusahan. Kailangan nilang lahat magbayad sa kasalanan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD