CHAPTER NINETY THREE

1007 Words
Mikaella's P.O.V. Huminto kami ni Liam nang medyo makalayo na kami. Napahawak ako sa puno at hinabol ang hininga ko. Basang basa na rin kami ng ulan. "They're here," mahinang sabi ni Liam. Napatingin ako sa kan'ya na nakatayo sa gilid ko. Malayo ang tingin nito at seryoso ang mukha. "I warned you, Mika." Tumingin s'ya sa akin at naramdaman ko ang mahigpit n'yang paghawak sa kamay ko. "They're hunting you." Kumulog ng malakas kaya naman napapikit ako at napaatras pero naramdaman ko ang kamay ni Liam sa likod ko. Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at nakita ang malapit nitong mukha sa akin. Mas lalong lumakas ang ulan. Nakita ko kung paano mabasa ang buhok n'ya at tumulo ang ulan sa kan'yang mukha. Umihip ang malakas na hangin dahilan para makaramdam ako ng matinding lamig. Wala rin akong ibang marinig ngayon. Parang nabingi ako. "Sht." Agad na hinila ako ni Liam at umupo kami sa likod ng puno. Inalis n'ya na ang kamay n'ya sa likod ko pero nakahawak parin ito ng madiin sa kamay ko. Napatingin ako sa mukha nito. Seryoso ang mukha n'ya at parang may sinisilip ito. Napakunot naman ang noo ko at tinignan kung sino ang sinisilip n'ya. Napalunok ako nang makita ang dalawang killer na malapit sa amin. Nakasunod sila agad. "We need to escape, Mika," mahina at seryoso nitong sabi. Ginala ko ang paningin at naghanap ng maari naming armas. Isa lang ang maipagdadasal ko sa sitwasyon namin ni Liam ngayon. Ito ay ang sana wala silang dalang baril. Kung mayroon man ay sigurado akong katapusan na namin. "Kailangan natin bumalik sa resthouse. Papunta sa kalsada itong mga puno. Walang tutulong sa atin don. Gabi na at malakas ang ulan," sabi ni Liam habang sinisilip ang mga killer. "Pano?" Mahina kong tanong dito. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Halo-halo rin ang emosyon na nararamdaman ko. Bumabalik ang sakit at galit na nararamdaman ko sa mga killers na iyon. Agad akong nagkaroon ng ideya. Kinuha ko ang phone ko at sinubukang kuhaan sila ng litrato pero masyadong madilim. "Anong ginagawa mo?" Tanong ni Liam sa akin. "I need evidence para mapaniwala si Kuya na hindi ako nagsisinungaling at hindi ako nababaliw, because I'm right. Nandito ang mga killers na dahilan kung bakit nagulo ang buhay naming magkapatid," seryoso kong sagot kay Liam at sinubukang kuhaan ulit sila ng litrato pero katulad kanina ay madilim ito. Napakunot ang noo ko nang ibaba ni Liam ang kamay ko na hawak-hawak ang phone. "What are you doing?" Tanong ko rito. "We need to go now hangga't busy pa sila sa paghahanap sa atin at hangga't hindi pa nila tayo nakikita," seryosong sabi nito. Naramdaman kong tumutulo na ang ulan sa lugar namin at baliwala na ang dahon ng puno na tinataguan namin. Napangiwi na lang ako at mabilis na tinago ang phone ko dahil baka mabasa pa ito. "Follow me," mahinang utos sa akin ni Liam at nagsimula nang maglakad nang tahimik habang nakayuko. Ginaya ko ang ginawa n'ya. Nakatago kami sa mga halaman na matataas habang naglalakad na nakayuko. Pakiramdam ko ay mamaya lang at sasakit na agad ang likod ko dahil sa masyado nitong pagkaka-bend. Mas binilisan namin ni Liam ang paglalakad. Mas lalo ring lumalakas ang ulan at ang hangin. Naririnig ko rin ang malakas na kulog. Nagugulat ako paminsan minsan rito pero pinipigilan ko ang sarili ko na gumawa ng ingay dahil alam kong alisto ang mga killer na humahabol sa amin at konting ingay ko lang ay mahahanap na nila agad kami. Tinignan ko ang dindaanan namin ni Liam. Pabalik na ito sa resthouse. Kailangan namin bilisan bago pa nila kami makita. Nang huminto si Liam ay napatingin ako sa kan'ya. Nakita kong wala nang halaman ang bandang dinadaanan namin kaya kahit yumuko kami habang tumatakbo ay baliwala lang ito dahil makikita rin kami. Lumingon sa akin si Liam at nakita ko ang seryoso nitong mukha. Basang basa na kami ngayon ng ulan at ramdam na ramdam ko na ang lamig. "We have no choice, Mika," sabi ni Liam sa akin habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko. "We need to run fast now. Whatever happens, don't look back." Hindi ako nagsalita at marahan lang na tumango. Napalingon ako sa paligid at sinubukang hanapin ang mga killers pero wala pa ang mga ito. Mukhang nasa dulo pa sila at hinahanap kami. "Now," mahinang sabi ni Liam at nauna itong tumakbo habang higit-higit ako sa kamay. Binilisan ko rin ang takbo ko. Nakatingin lang ako sa daanan namin. Nakakatapak ako ng mga malalaking bato pero dahil mabilis ang takbo namin ay hindi ako natutumba o nadadapa. Naramdaman ko ang malakas na pagpatak ng ulan sa mukha ko. Napapapikit ako dahil rito. Masyadong malakas ito at natatamaan ang aking mga mata. "Malapit na tayo makabalik," rinig kong sabi ni Liam. DInilat ko ang mga mata ko at nakitang paunti na nang paunti ang mga puno sa paligid namin. Malapit na nga kami makalabas dito. Biglang kumulog ng malakas at lumiwanag ng kaonti dahil sa kidlat. Napapikit ako saglit dahil rito. Napahigpit rin ang hawak ko sa kamay ni Liam at naramdaman kong humigpit rin ang hawak n'ya sa akin. Habang tumatakbo ay napatingin ako sa kan'ya. Naalala ko ulit ang unang pagkikita namin. Ang pagtulong n'ya noon sa akin sa Moonbridge town sa gubat. Naalala ko rin ang paglapit ko sa kan'ya habang binubugbog s'ya ng mga loan sharks sa isang eskinita. Tinulungan ko s'yang gamutin ang mga sugat n'ya non. Sobrang tahimik at wala s'yang pakialam sa akin non. Naalala ko rin ang araw na kasama ko sila Cara at Kael kung saan hinigit ako ng mga loan shark at dinala sa isang maliit na eskinita. Hindi ko inaasahan na pupuntahan ako ni Liam non. Nakipagsuntukan s'ya sa mga iyon at hinila n'ya ako. Tumakbo kami sa mga police at iyon ang unang beses na nangyari ang ganon sa'kin. Napatingin ako sa kamay namin na mahigpit na magkahawak. Bakit nandito s'ya ulit? bakit tinutulungan n'ya ako ulit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD