CHAPTER NINETY TWO

2985 Words
Cara's P.O.V. "Are you sure we're hiding here?" Tanong ko kay Kael. Nandito kami ngayon sa likod ng isang coconut tree. Actually, nakita namin si Mika na pumasok sa loob ng rest house. Palipat lipat nga kami ng tinataguan at kinakabahan ako kay Kael dahil baka makita kami. "Yes," sagot ni Kael sa akin. "Nakalabas na si Mika?" Tanong n'ya habang sinisilip ang tapat ng rest house. Napairap na lang ako at sumandal sa coconut tree. "I don't know. Bakit ba kasi hindi na lang sa mga cabinet tayo nagtago," reklamo ko sa kan'ya dahil gusto kong magtago sa iisang lugar lang. "This is way more fun, Cara," sagot ni Kael at tumingin sa akin. "Don't you get the thrill?" Tanong n'ya pa. Napakunot namam ang noo ko dahil sa pinagsasabi ng isang ito. Minsan talaga ay hindi ko maintindihan si Kael. Parang nababaliw na lang ito. Siguro ang hirap pagsabayin maging class president at mga tambak na school works. "She's supposed to find us but we are the one who found her and watching her," mahinang sabi ni Kael at lumapit sa akin. "Mas may thrill ito kaysa maghintay ka lang sa isang place na mahuli ka." He's weird but sometimes, I got his point naman. "Well, you're right," pagsang-ayon ko sa kan'ya. Naalaerto ako nang mapansing may lumabas na sa rest house at nakatayo sa tapat non. Agad kong kinalabit si Kael at tinuro si Mika. "She's here now," Mabilis namang nagtago si Kael sa tabi ko. Pinagmasdan namin si Mika na naglalakad. Straight face lang s'ya at deretso ang tingin. Napatingin rin ako sa bonfire namin kanina. Medyo lumakas ang apoy non. "Quiet, Cara. Don't make a noise," sabi ni Kael sa akin. Napatingin ako sa buwan. Natatakpan s'ya ng makakapal na ulap pero kitang kita ko na bilog iyon at puti. "By the way, Kael," mahina kong tawag kay Kael at nilabas ang maliit na bote sa bulsa ng itim na jacket na suot ko. "Hm?" Tanong n'ya habang nakatingin sa bote na hawak ko. "What is this for?" Tanong ko sa kan'ya. "Sabi mo vitamins ito." Naging seryoso ang mukha n'ya kaya naman napakunot ang noo ko. "But nung ni-search ko ng gamot na nasa loob.." huminto ako saglit at tinignan s'ya ng deretso sa mga mata. "It's not a just a vitamins." Sinearch ko ang bote ng gamot na hawak ko at iba dapat ang itsura nito. Sinearch ko ang mga possible na gamot o vitamins na ganito ang itsura pero walang tumugma. "What are you talking about?" Tanong ni Kael sa akin. "Bigay sa'kin ng Mom mo 'yan. Yan yung pinapabili nila sa'kin na vitamins mo." "You're giving this to me every month dahil sa parents ko?" Tanong ko sa kan'ya. Hindi s'ya nagsalita at tumango lang. "Why? May mali ba sa lasa? Or any weird side effects?" Nag-aalala n'yang tanong. "No. Wala naman," sagot ko sa kan'ya at pinagmasdan ang maliit na boteng hawak. "How are you feeling, Cara?" Tanong ni Kael sa akin. "Nothing. I'm fine," sagot ko sa kan'ya at binalik na lang ang bote sa bulsa ng jacket ko. Ilang years ko na tinatake ang gamot na 'to. Junior High school pa lang ako ay binibigyan na ako ng gamot ng Mom ko. Hiwalay sila ni Dad. Nagpakasal si Dad sa ibang babae at lumayo. Ganun rin ang ginawa ng mom ko. Nagpakasal ito sa ibang lalaki. Bumukod ako at natutong mabuhay mag-isa. Nung una ay nahirapan ako. Susuko na rin sana ako pero nakilala ko si Kael. Naging kaibigan ko s'ya nung bumukod ako kay Mom. Tinulungan n'ya ako sa lahat. Hindi ko alam na nakakausap n'ya ang Mom ko. Hindi ko rin alam na nagpapaabot si Mom nitong gamot para ibigay sa akin. Wala akong alam. "Why didn't you told me?" Tanong ko sa kan'ya. "Cara," tawag n'ya sa akin. "It's a long story. I'm not planning to hide it from you. I was going to tell you everything but I'm just finding the right time." "What is this medicine for?" Tanong ko sa kan'ya. Hindi s'ya nagsalita at nakatingin lang ito sa akin ng deretso. "Answer me, Kael." Ito ang unang beses na mag-aaway kami ng seryoso sa tagal na naming magkaibigan. "Cara-" Hindi natapos ang sasabihin n'ya nang mapatingin ako sa kamay ko at nanlaki ang aking mga mata. Nakita ko ang isang malaking gagamba rito. Agad akong napatili at pilit na winawagayway ang kamay ko para ilaglag ang spider pero masyadong malakas ang kapit nito sa akin. Hinawakan ni Kael ang kamay ko at kinuha n'ya ng gagamba rito tapos ay pinatong sa isang sangga ng puno. "Kael and Cara." Napangiwi ko nang marinig ng boses ni Mika sa likuran ko. Nakita kong nakangiti ito sa amin. "Found you two," sabi pa nito. Narinig ko namang napa "tsk" na lang si Kael. "Narinig kong napasigaw ka. Anong nangyari?" Tanong pa ni Mika sa akin. "It's nothing serious," sagot ko a kan'ya at ngumiti. "May gagamba lang na napunta sa kamay ko." "Good job on finding us, Mika. Though it's Cara's fault," sabi ni Kael kay Mika. Natawa nang mahina ang dalawa. "Sila Liam, Chase and Earl na lang ang kailangan ko hanapin," rinig kong sabi pa ni Mika. Halata na ang pagod sa boses n'ya. Kahit ako ay mapapagod rin lalo na't ang laki ng lugar dito at konti lang kami. "Goodluck on finding them," sabi ni Kael kay Mika. "Will do," sagot naman n'ya. "By the way, nakita ko na sila Vivian, Puline and Kevin. Nasa resthouse na sila at hinihintay ang magiging result." "Alright. Mag-sstay na rin muna kami ni Cara doon," sabi ni Kael at hinawakan ako sa forearm. "Alam kong gusto na rin nitong maghugas ng kamay at mag-sanitize." "Sure," sagot ni Mika at kumaway na para hanapin pa sila Liam. Nag-start naman na kaming maglakad ni Liam papasok sa resthouse. Inalis ko ang pagkakahawak n'ya sa forearm ko at mas binilisan ang lakad kaysa sa kan'ya. I'm mad at Kael right now. "Cara, wait!" Sigaw sa akin ni Kael at hinabol. Hindi ko ako tumigil sa paglalakad at hindi ko s'ya pinansin. Naramdaman kong hinawakan ako nito sa braso pero tinabig ko lang iyon. Mas binilisan ko ang paglalakad pero nahabol n'ya agad ako. Naramdaman kong hinawakan ako nito ulit sa braso pero this time ay mahigpit ito. Huminto ako at nilingon s'ya. Nakita kong seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin. "Will you please let me go for now?" Madiin kong tanong sa kan'ya. "I want to be alone, Kael." Hindi n'ya parin ako binitawan at mas dumiin lang ang hawak n'ya sa braso ko. "You're hurting me." Pagkasabi ko nito sa kan'ya ay lumuwag ng kaonti ang pagkakakapit n'ya sa akin. "Cara. It's for your own good," mahinahon na sabi n'ya. "For my own good?" Tanong ko sa kan'ya. "May connection ka sa Mom ko while me, hindi ko alam. Wala akong kaalam alam. You know my story, Kael. You knew I hate my Mom!" Malakas kong inalis ang pagkakahawak n'ya sa braso ko at nagtagumpay na akong alisin ang kamay n'ya. Humarap ako sa kan'ya at tinignan ng seryoso. "Anong pinapainom n'yo sa'kin?" Tanong ko sa kan'ya. "Anong gamot tong pinapabigay n'ya sa'kin every month?" Nakita kong napalunok si Kael at napayuko. Hindi s'ya gumagalaw at hindi rin ito nagsasalita. Mukhang wala s'yang balak magsalita. "Fine. If you don't want me to know, I'll ask my Mom," madiin kong sabi at pumasok na sa loob ng rest house. "Cara!" Nakita ko sila Pauline, Vivian at Kevin sa pool. Nakaupo si Vivian at Pauline sa malalaking salbabida habang lumalangoy lang si Kevin at nag-uusap usap silang tatlo. "Oh, Kael!" Sunod pa nilang sabi nang makitang nakasunod si Kael sa akin. "Nakita na rin ba kayo ni Mika?" Nakanguso na sabi ni Vivian. "Ahh, Oo eh," sagot ni Kael at ngumiti. "Sabagay, marami pa naman tayong hindi nahuhuli. Sana may makatakas kay Mika at manalo tayo!" Optimistic na sabi ni Vivian. "Sali kayo samin dito sa pool!" Yaya ni Pauline. "I'm sleepy already," sagot ko sa kanila at naglakad na papasok sa loob. "What's wrong with Cara, Kael?" Rinig kong tanong ni Vivian. "Iniway mo si Cara no?" Sabi pa ni Rea nang mabuksan ko na ang pinto. "May lover's quarrel kayo nooo?" Rinig kong malakas na sabi ni Kevin. Agad ko namang sinara ang pinto at dumiretso na sa 2nd floor. Papasok sana ako sa kwarto ko nang mapatingin ako sa isa pang hagdan dahil may narinig akong ingay ron. Napakunot ang noo ko at naglakad papalapit rito. Walang ibang tao dito kung hindi ako lang. Nakabukas ang ilaw rito sa buong 2nd floor at malamig rin dahil nakabukas ang mga bintana at pumapasok ang malalamig na hangin. "Sera naman eh!" Nang makita ko kung sino ang pababa ay agad akong pumasok sa loob ng kwarto namin ni Mika. Hindi ko sinara ang pinto at sumilip ako ng kaonti. Nakita kong nakababa na sila Sera at Rea. Nakaakbay si Sera kay Rea habang nakayakap at nasa dibdib ni Sera ang kamay ni Rea. Nagbubulungan silang dalawang at naririnig ko ang tawanan nila. Kailan pa sila naging close? Napabuntong hininga na lang ako at umupo ako sa kama. Kinuha ko ang maliit na bote ng gamot sa bulsa ng jacket ko. Pinagmasdan ko ito. Alam kong hindi ito vitamins dahil halos lahat ng vitamins ay na-search ko na at walang tumugma sa itsura nitong gamot. "Para saan ka?" Tanong ko habang pinagmamasdan ito ng maigi. Mikaella's P.O.V. Habang naglalakad ay nililingon ko ang bonfire para siguraduhin na walang palapit doon na hindi ko pa nahuhuli. Actually, okay lang naman na matalo ako. Mas gusto ko pa nga iyon para matapos na ito agad. Habang naglalakad ay dumilim na dito kaya naman nilabas ko ang phone ko para gawing flashlight. Tinapat ko ito sa dinadaanan ko. Malapit na ako makapunta sa pang-apat na coconut tree. Nang may madaanan akong kubo ay napahinto ako. Para ito sa mga nagda-day tour dito sa beach. Malamang ngayon ay wala ng tao dito. Agad naman akong humarap dito. Baka may nagtatago dito. Tumuntong ako sa kubo. Hindi naman ito gaano maliit. Sakto lang ang lawak nito. Ginala ko ang flashlight ng phone ko sa loob. Upuan ang gilid nito na nakapalibot sa lamesa sa gitna. Nang mapunta ang ilaw sa isang pinto ay lumapit ako rito. May maliit na kwarto din siguro dito. Hinawakan ko ang door knob at sinubukang buksan ito. Pagkabukas ko nito ay madilim sa loob. Lumakas din ang tunog ng alon sa labas pati na rin ang hangin. Napalunok ako at nakaramdam ng takot pero binaliwala ko lang ito. Inilawan ko ang magkabilang gilid ko para hanapin kung saan nakalagay ang switch ng ilaw. Wala akong makitang bukasan ng ilaw rito kaya napangiwi na lang ako. Lalabas na sana ako pero may narinig kong parang may tumapak sa kahoy na sahig. Agad akong napahinto at nanigas ang buong katawan. Napalunok ako at naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko. Gusto kong tumakbo papalabas sa kubo na ito pero wala akong lakas para gawin iyon. Pakiramdam ko ay nakadikit ang paa ko sa sahig. Matapos ang ilang segundo ay nawala ang ingay na yon. Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang sarili. Nakaharap parin ako sa loob ng kwarto. Sobrang dilim sa loob kaya wala akong makita. Dahan-dahan kong inangat ang flashlight ng ilaw ko at nanlaki ang mata ko nang makita ang isang tao sa loob na may suot na maskara. Agad akong napatili at nabitawan ang phone. Mabilis akong tumakbo papalabas ng kubo. Papunta sana ako sa resthouse para sabihin kila Kael pero napahinto rin ako nang makita pa ang isang tao na nakamaskra na nakaharang sa daan papunta roon. Napalingon ako sa kubo at nakitang nakalabas na ang killer don. "Sht," mahina kong sabi sa sarili at napatingin sa gilid ko. Mabilis akong tumakbo papalayo sa kanila. Habang tumatakbo ay nilingon ko sila at nakitang nakasunod sila sa akin. May hawak silang baseball bat at straight lang ang lakad ng mga iyon. "Tulong!!" Malakas kong sigaw. "Tulungan nyo'ko!" Halos maiyak na ako kakasigaw. Papalayo na ako sa resthouse ni Vivian. Hindi ko alam kung naririnig ba nila ang sigaw ko. Malalayo ang agwat ng mga resthouse dito kaya sigurado akong hindi ako maririnig ng mga tao doon at tulog na sila dahil 1 a.m. na. Mas binilisan ko ang pagtakbo ko hanggang sa makapunta ako sa parte na puro puno. Kinalibutan ako nang maalala ang unang kita ko sa kanila sa Moonbridge town. "Tulong!! Please!" Umiiyak kong sigaw. Naalala ko ang sigaw ng babaeng pinatay nila noon sa gubat. Dati ay naririnig ko lang ang sigaw na iyon pero ngayon ay isinisigaw ko na rin ito. Sobrang bilis ng takbo ko at wala na akong pakialam sa mga natatapakan kong mga bato. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Grabe ang takot at kaba na nararamdaman ko. Nilingon ko silang dalawa at nakita ko ang isa sa kanila na tumatakbo papunta sa akin. Pinunasan ko ang luha ko at ginala ang paningin rito. Hindi ako gaano makakita dahil madilim. Nagtatago pa ang buwan sa makakapal na ulap. "Sht!" Sigaw ko nang matisod ako gawa ng bato na natapakan ko. Naramdaman kong malakas na tumama ang noo ko sa sahig. Napapikit ako sa sakit at napahawak rito. Nakita ko ang dugo ko. "Ms. Evergreen." Napahinto ako nang marinig na sobrang lapit ng boses sa akin. Dahan-dahan akong lumingon at nawalan ng pag-asa nang makitang nakatayo na ito ngayon malapit sa'kin. "It's nice to see you here." Lahat ng alala sa bahay ng gabing iyon ay bumalik sa akin. Ang itsura nila. Ang pagpatay nila sa mga kasambahay namin lalo na kay Mommy and Daddy. "What do you want?" Tanong ko rito. Pinigilan ko ang luha ko dahil hindi ko dapat ipakita sa kan'ya na natatakot ako. Tumawa s'ya at hinampas ang baseball bat sa palm n'ya. "What do we want?" Pagco-correct nito sa tanong ko. "Ano pang gusto n'yo?" Galit kong tanong dito at dahan-dahan na umupo. "Nanakaw n'yo na mga ari-arian at pera namin. Pinatay n'yo rin sila Mommy and Daddy. Sinira n'yo buhay namin ni Kuya!" Sigaw ko dito. "Ano pang gusto n'yo?" Halos wala na akong boses sa huling tanong ko. "We want to kill you and your brother," deretso nitong sagot sa tanong ko. Pinagmasdan ko s'ya. Itim ang hoodie n'ya at itim rin ang pants at sapatos nito. Tanging maskara ng clown lang ang may puti rito. Ang maskara na iyon ang kinakatakutan ko at kinagagalitan sa lahat. Naramdaman kong tumulo ang dugo ko sa noo. Malakas ang pagkakatama nito sa bato sa sahig. Ngayon ko lang rin naramdaman ang sakit nito. "Are you ready to die now?" Tanong nito. "Don't worry. Isusunod namin ang kuya mo para sama-sama na kayong lahat sa langit." Napatigil ito sa paghampas ng baseball bat sa palm n'ya. "Wait. Kayo lang pala ng kuya mo ang mapupunta sa langit dahil nasa impyerno si Ms. At Mrs. Evergreen." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko dito. "Your parents is the reason why you and your brother will die," sagot nito at nang makitang itinaas nito ang baseball bat n'ya ay agad akong naalerto. Nang ihahampas n'ya ito sa akin ay mabilis akong umatras. Hindi ako makatayo dahil pakiramdam ko ay wala akong lakas at malambot ang aking mga tuhod at paa. Kung tatayo man ako ay matutumba lang ulit ako. Napatingin s'ya sa akin at tumawa. "This time, you will not escape from my baseball bat, Mikaella Evergreen." Nakita kong itinaas nito ulit ang baseball bat. Agad akong dumampot ng mga bato. Nang ibabato ko sa kan'ya ang mga nakuha ko ay nakita kong malapit na tumama sa aking ulo ang baseball bat kaya napapikit ako. Hinihintay kong tumama ito sa ulo ko pero makarinig ako ng natumba at napadaing. Napadilat ako ng mata at nakita ko ang killer na nakatagilid at nakahiga sa sahig. Nakita ko ring tumalsik ang baseball bat n'ya. Agad kong tinignan kung sino ang may kagagawan nito. "Liam," mahina kong tawag sa pangalan n'ya. Agad n'ya akong hinawakan sa kamay. "Let's go," sabi nito sa akin at inalalayan tumayo. "You!" Agad kaming napatingin sa killer nang nakatayo na iyon at nakatingin sa amin. Mabilis s'yang sumugod kaya naman humarang si Liam sa akin at nakipagsuntukan ito sa killer. Napahawak naman ako sa puno para ipunin ang lakas ko. Napalingon ako kay Liam nang makita kong nakapaibabaw sa kan'ya ang killer at sinusuntok ito sa mukha ng sunod-sunod. Mabilis kong ginala ang paningin. Nakita ko ang baseball bat nitong killer. Kinuha ko iyon at nagpunta kila Liam. Hahampasin ko sana ang killer pero naramdaman ako nito. Hinarang n'ya ang kamay n'ya sa baseball bat at hinawakan ito. Sinubukan kong higitin ito sa kan'ya pero masyad s'yang malakas kaya napabitaw ako rito. Nang makuha n'ya ang baseball bat ay malakas naman s'yang nasungok ni Liam at ito na ang pumaibabaw ngayon. Hinawakan n'ya ang dalawang braso nito at nilagyan ng force para hindi makagalaw. "Liam! Yung mask!" Sigaw ko kay Liam. Nakita kong pumapalag ang killer kaya hindi magawa ni Liam alisin ang maskara. Napalingon kami sa pinanggalingan namin dito sa mga puno at nakita pa ang isang killer. "Sht," rinig kong mahinang sabi ni Liam. Kinuha n'ya ang baseball bat sa kamay ng lalaki at malakas na sinipa ang tyan dahilan para hindi ito makatayo. Lumapit sa akin si Liam at hinawakan ako sa kamay. "Let's run away from these monsters," sabi n'ya at hinila ako. Mabilis ang pagtakbo ni Liam kaya naman nadadala n'ya ako. Kahit na nanlalambot ang mga tuhod ko ay nadadala n'ya ako. Napalingon ako sa killers sa likuran namin. Nakatingin ang mga iyon sa amin. Naramdaman ko ring nagsimula nang pumatak ang ulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD