CHAPTER NINETY FOUR

2122 Words
Mikaella's P.O.V. "We're here-" Hindi natapos ang sasabihin ni Liam nang biglang may lumabas sa gilid namin na Killer. Nahampas nito ang tyan ni Liam gamit ang baseball bat. Narinig kong napadaing si Liam at nabitawan nito ang kamay ko. "Liam!" malakas kong sigaw sa pangalan n'ya at nakitang napadapa ito. Napaatras ako at napatingin sa killer. Tumabingi ang ulo nito habang nakatingin sa akin. Napalingon ako at nakita ang isang killer na malapit sa amin. Napakunot ang noo ko dahil isa na lang iyon at nandidito ang isa. Hindi ba dapat magkasama sila? Agad na nabalik ang tingin ko kay Liam na ngayon ay nakatayo na at hawak-hawak ang baseball bat ng killer na nakahanda nang ihataw sa ulo n'ya. Mabilis kong ginala ang paningin ko at naghanap ng pwedeng gamitin para tulungan si Liam. Nakita ko ang malaking bato at agad ko itong kinuha. Tumakbo ako papalapit kila Liam pero umatras ang killer at nakuha ang baseball bat n'ya. Agad na hinarang ni Liam ang kamay n'ya sa akin para senyasan ako na tumigil. Nakarinig kami nang pumapalakpak kaya napalingon kami sa likuran at nakitang nandito na ang isang killer. Hindi ito tumitigil sa pagpalakpak. Nakaipit ang baseball bat nito sa braso n'ya. Naglakad s'ya papunta sa kasama at tumabi dito. "Leave us alone!" sigaw ko sa kanila. Napatingin ako sa coconut tree. Malapit na lang kami rito. Sandaling takbo na lang at makakapunta na kami roon. Nakikita ko na rin ang makapal na usok ng bonfire sa sea shore. "Why, Ms. Mikaella Evergreen? tell us Why," sabi ng isa kanila. Tulad ng dati ay parang robot ang boses nito. "What did we do to you?" tanong ko rito at naiyukom ang palad. "We don't deserves this. My parents deserves justice." Hindi sila nagsalita at lumapit ang dalawang ito sa amin ni Liam. Agad akong pinaatras ni Liam sa likuran n'ya. Pasimple ko namang kinuha ang phone ko at agad na dinial ang number ni Kael. Wala ng oras para tawagan si Kuya dahil malayo s'ya. ANg kailangan kong tawagan ay ang malapit sa amin ni Liam ngayon para mabilis makahingi ng tulong. Narinig kong napasigaw si Liam kaya napatingin ako rito. Nakita kong tumalsik ang isang baseball bat at ang isa ay hahampasin na s'ya nito. "Liam sa gilid mo!" malakas kong sigaw sa kan'ya. Agad naman s'yang napatingin dito. Hinawakan n'ya ang baseball bat nito bago pa tumama sa kan'yang ulo. Nakita kong sinipa ng isa ang tuhod n'ya dahilan para mapaupo ito sa sahig. "Sht," mahina kong sabi at minabilis ang paghahanap sa number ni Kael. Kumulog ulit ng sobrang lakas pati ang kidlat ay parang malapit sa amin dahil sa liwanag nito panandalian. Dahil rito ay nabitawan ko ang phone ko at mabilis na hinanap sa lupa. Madilim masyado kaya naman lumuhod ako at kinapakapa ito. Habang hinahanap ang phone ay tinignan ko si Liam. Sinuntok n'ya sa tyan ang sumipa kaya napahiga iyon. Nabawi naman ng isa ang baseball bat at nakita ko ang malakas nitong paghampas kay Liam sa likuran n'ya. Dahil rito ay napahiga rin si Liam. "Liam!" malakas kong tawag sa kan'ya. Nakita kong pumaibabaw ang killer at sinuntok si Liam sa magkabilang pisnge. Naramdaman kong bumibigat ang dibdib ko dahil dito. Nang mahanap ko na ang phone ay agad ko itong kinuha. Saktong sa number na din ni Kael ang screen nito at nang tatawagan ko na s'ya ay biglang may naramdaman akong humawak sa balikat ko. Napatigil ako at bumilis ang t***k ng puso ko. Dumiin ang pagkakahawak nito sa balikat ko. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ang isang killer na nasa likuran ko. "Liam!" sigaw ko nang kuhain nito ang phone sa akin at ihagis sa malayo. Nagulat ako nang ilagay nito ang dalawang kamay sa leeg ko at inangat ako sa ere. Pilit kong inaalis ang kamay nito sa leeg ko. Pinagsusuntok ko na ang kamay nito at lahat ng kaya kong gawin pero parang bato ito at hindi natitinag. Nagsisimula na akong maubusan ng hininga. "Hmmm!" sigaw ko at sinubukang abutin ang mukha nito. Nang maabot ko ang face mask nito ay agad akong nagkaroon ng pag-asa. Hinawakan ko iyon at aalisin sana pero hinawakan ako nito gamit ang isa n'yang kamay. Napasigaw ako nang maramdaman ang mahigpit nitong hawak sa akin. Pakiramdam ko ay may pasa na ako rito at parang mababali ang buto ko. "Mika!" Napatingin ako sa sumigaw. Malakas nitong sinuntok ang killer dahilan para matumba ito. Napatingin s'ya sa akin at agad akong hinila. "Mika! are you okay?" nag-aalalang tanong ni Chase. "Chase.." mahina kong tawag sa kan'ya at naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko. Agad akong napayakap sa kan'ya ng mahigpit. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Pakiramdam ko ay kanina ay mamatay na ako at walang tutulong sa akin. "Is that Liam?" tanong n'ya. Agad akong napakalas sa pagkakayakap sa kan'ya at tinignan si Liam nang maalala s'ya. Nakita kong nakatayo na s'ya at sinusuntok sa tyan ang killer. "Oo. Liam Conner," sagot ko kay Chase. Nang makarinig kami ng sigaw ay napalingon kami sa killer na muntik na akong patayin. Nakatayo na ito at hawak-hawak ang baseball bat n'ya. "Die!" sigaw nito at susugurin sana kami ni Chase pero natigilan s'ya. Napatingin ako sa nilabas ni Chase. Isa itong kutsilyo na kulay itim. Tinignan n'ya ang kasamahan n'ya at nakita n'yang nakikipaglaban ito kay Liam. Mukhang pagod na rin iyon dahil kay Liam. Pinagmasdan ko ang killer na ito at napansin kong may kakaiba sa kinikilos nito. Hindi ko gaano makabisado ang hugis ng katawan n'ya dahil itim ang suot nito at madilim pero ang tangkad nito ay kitang kita ko. Sumigaw s'ya at malakas na binato sa amin ni Chase ang baseball bat n'ya. Bago ito tumama sa akin ay agad na humarang si Chase. Narinig ko ang pagtama nito sa likod n'ya. Nakaharap s'ya sa akin ngayon at nakita kong nakapikit ang mga mata nito gawa ng sakit ng pagtama ng baseball bat sa likod n'ya. "Nakatakas s'ya!" sigaw ni Liam habang hawak-hawak sa kwelyo ang killer na kaharap n'ya. Agad naming tinignan ni Chase ang isang killer at nakitang wala na iyon. Mabilis namang lumapit si Chase sa killer na hawak-hawak ni Liam. Sinipa ni Liam iyon sa tyan nang malakas at narinig namin ang pagdaing non. Napahiga rin ito sa lupa. Napalunok ako at dahan-dahan na naglakad papunta sa kanila. Nakatingin lang ako sa killer hanggang sa makalapit na ako sa kanila. Nakita kong sinipa ito ulit si Liam sa tyan. "You can stop now. He can't move now," sabi ni Chase kay Liam. "His mask," mahina kong sabi at lumuhod sa gilid nitong killer. Naramdaman kong humihina na ang ulan pero malakas parin ang hangin. Ramdam ko ang lamig pero wala akong pakiramdam dito. Nakatingin lang ako clown mask na suot ng killer na ito. Naiyukom ko ang kamay ko habang nakatingin rito. Naramdaman ko ring sunod-sunod na tumulo ang luha ko. "You.." mahina kong sabi sa kan'ya. "You're one of them. You're one of those killer who murdered my Mom and Dad," madiin kong sabi. "Mika.." rinig kong mahinang sabi ni Chase. Dahan-dahan kong nilapit ang kamay ko sa maskara nitong lalaki. Nang mahawakan ko na ito ay hindi na ito binitawan pa. "You're going to pay." Inalis ko ang maskarang suot n'ya at nakita ang mukha nito na nakatingin lang sa akin. Itim ang buhok n'ya at itim rin ang mga mata nito. Hindi pamilyar ang mukha nito. Ngayon ko lang s'ya nakita. "Anong pangalan mo?" tanong ko rito. Napakunot ang noo ko nang makitang may pula ito sa labi n'ya. "Sagutin mo ako," madiin kong utos sa kan'ya. Nang ibuka n'ya ang bibig n'ya ay agad na nanlaki ang mata ko at napaatras. Napatakip ako sa bibig ko. Nakita kong tumulo ang maraming dugo sa bibig n'ya. Putol ang kan'yang dila. "Chasee!" Narinig ko ang malakas na sigaw ni Earl habang tumatakbo papalapit sa amin. Naramdaman kong napatigil ito nang makalapit na sa amin. "What the hell?" rinig kong gulat nitong sabi nang makita ang lalaking nakahiga ngayon sa lupa. "Anong nangyari sa inyo?" Tanong n'ya pa. Napatingin ako kay Chase. Nakita kong hawak-hawak nito ang phone n'ya at hindi s'ya galing sa rest house o sa mga coconut tree. Galing rin s'ya rito sa mga puno. ××× "Mika, are you sure you're okay?" Pang limang tanong sa akin ni Cara. Nandito kami ngayon lahat sa tapat ng rest house ni Vivian. 2 a.m. na at nandito na rin ang mga police. Pinosesan nila ang lalaki at pinasok na sa kotse. "I'm okay," mahina kong sagot sa kan'ya. Kausap ngayon nila Liam, Chase at Earl ang mga police. Ine-explain nila ang nangyari. Hindi pa akk natatanong ng mga police at hindi ko alam kung may masasabi ba ako sa kanila ngayon na blanko ng isip ko. "I'm Andrei, the police chief here." Napatingin ako sa nagsalit. "It's already late. Narinig ko ang kwento ng mga kasama mo. If you don't want to talk right now, we can talk to you tomorrow." Hindi ako sumagot at tinignan ko lang ng kotse kung saan nakasakay doon ang isang killer na nahuli nila. "Mika is tired and sleepy. Bukas na lang po n'ya kayo kakausapin," sabi ni Cara sa Police Chief. "I understand," sagot nito. "I will go here at 7 a.m.. s Susunduin namin kayo dito. If you have a guardian, you can call them and come with you in the police station." Hindi ako nagsalita at tumango lang sa kan'ya. Naglakad naman na s'ya papunta sa mg kasamahan n'ya. Nakita ko ring tapos na kausapin ng mga ibang police sila Liam. "Here, Mika," sabi ni Kael at inabutan ako ng bottled water. Tinanggal ko na lang ito dahil ayoko namang masayang ang pagkuha ni Kael nito. Huminga muna ako ng malalim bago ito ininom. Hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang tubig. Napansin ko na lang ito nang wala na akong mainom. Hinigpitan ko ang pagkakabalot ng kumot sa katawan ko dahil hindi pa ako nakakapagpalit ng damit. Basang basa pa ang suot ko kaya sobrang lamig ngayon. Pakiramdam ko ay magiging yelo na ako. "Do you want to call your brother?" Tanong ni Kael. Agad akong umiling. Alam kong tulog na si kuya at ayoko namang magising s'ya. Makakapag-antay pa naman ito para bukas. Hindi na dapat muna ako mabahala. Hawak naman na ng police ang isang lalaking iyon. Hindi na iyon makakatakas at makakalapit pa sa akin o kay kuya. "It's fine," sagot ko kay Kael at tinignan s'ya ng seryoso. Hindi na s'ya nagsalita at tinignan n'ya na lang rin ang mga police. Pagkaalis ng mga iyon ay pumasok naman na sila Vivian sa loob ng rest house. "Let's go inside, Mika," sabi ni Cara sa akin at inalalayan ako pumasok sa gate ng rest house. "Mika!" Tawag sa akin ni Vivian. Ngayon lang ako nito nakausap dahil kanina ay tahimik lang s'ya at nagmamasid sa pangyayari. "Are you really okay?" Tanong n'ya. "I'm sorry, this happened to you. Akala ko mahigpit ang security dito." Umiling ako at ngumiti sa kan'ya. "It's fine, Vivian. I'm fine. You don't have to worry," mahinahon kong sabi sa kan'ya. "Is it true?" Tanong ni Rea. Napatingin ako sa kan'ya at nakitang malayo na si Sera na nakatayo sa kan'ya. "Na isa ang lalaking iyon sa mga magnanakaw at pumatay sa parents mo?" Tanong n'ya sa akin. Hindi ako sumagot at yumuko lang. Sa totoo lang ay wala na akong energy para makipag-usap k kwentuhan sa kanila. Gusto ko na lang umuwi at matulog. "I'm going to sleep now. Maaga nila akong susunduin at kakausapin," sabi ko sa kanila. Napatingin ako sa table sa gilid ng pool. May mga bote na doon ng alak at nire-ready na rin ng mga maid ang pagkain. "Okay, take a good rest," sabi ni Vivian at niyakap ako saglit. Pagkaalis n'ya sa yakap ay napatingin ako kila Chase at Liam. Nakita kong basang basa ang damit ng dalawa pero parang hindi man lang sila nakakaramdam ng ginaw. Napunta rin ang tingin ko kay Earl na may nakabalot na kumot sa kan'yang katawan. Naalala kong hindi galing sa rest house o coconut tree si Earl. Galing ito sa loob ng mga puno. Ganun rin si Chase. Pinagmasdan ko sila ng maigi. Kailangan ko silang matanong kung ano ang ginagawa nila doon. Kailangan kong alisin ang pagdududa sa kanila na matagal ko ng tinitiis. Naglakad na ako papasok sa loob. Dumiretso ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Dumiretso na rin ako sa kama at pinagmasdan ang puting kisame. "Maybe tomorrow, I'll ask them," mahina kong sabi at pinikit na ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD