CHAPTER FIFTY SIX

986 Words
Mikaella's P.O.V. "Good afternoon, Class," bati sa amin ni Professor Neo Quan pagkapasok na pagkapasok nito sa loob ng claasroom. Agad namang tumayo si Kael at sumunod kaming mga classmate sa kan'ya. "Good Afternoon, Professor Neo Quan," sabay-sabay nilang sabi at nag-bow kami rito. Sumenyas naman si Professor Quan na maupo na kami kaya lahat kami ay umupo na sa mga pwesto. Last subject na sa wakas. Pagtapos nito ay gusto ko ng umuwi ng deretso at matulog. Hindi ako agad nakatulog kagabi dahil dinadalaw na naman ako ng masamang panganib tungkol kila Mommy. Halos tatlong oras lang ata ang tulog ko. Napabuntong hininga na lang ako at kinuha na ang libro sa Physical Health. "We're going to have a physical fitness test for tomorrow. For now, kailangan kong kuhain ang weight, height at other information about you guys," sabi nito sa amin at nilapag ang itim na bag sa table n'ya. Binuksan n'ya iyon at naglabas ito ng pangsukat sa heights namin. May nilabas rin itong weighing scale para malaman ang weight namin. "Kael, ipapila mo na mga classmates mo. Hiwalay ang boys at girls," utos ni Professor Neo Quan at may nilabas itong record book. "Guys." Pumalakpak si Kael kaya naman lahat kami ay napunta ang atensyon sa kan'ya. "Pila ang mga girls sa right side at left side naman ang mga lalaki. Alphabetically din para mas mabilis mahanap ang names n'yo." "Buti naman bukas pa yung physical fitness test. Wala akong lakas ngayon," rinig kong sabi ng mga babaeng nadadanan ako. Naglakad na rin ako papunta sa pisara para pumila. Inayos namin ang pila namin at sinunod ang sinabi ni Kael na alphabetical. Panglima ako sa pila ng girls at nasa unahan ko si Deya. Hanggang baiwang ang buhok n'ya na brown at matangkad ito ng kaonti sa akin. "Let's start," sabi ni Kael habang nasa gilid n'ya si Professor Quan. Mukhang panghuli na si Kael na magsusukat ng height at weight nito dahil assistant s'ya ngayon ni Professor Quan. Nagsimula sila sa babae para isukat ang mga kailangan at pagtapos nito ay sa lalaki naman. Salit-salitan ang pagsukat nila sa babae at lalaki. Nang ako na ang susunod ay naglakad na ako papunta sa harap. Tumayo ako sa gilid ng pader at lumapit sa akin si Kael. Huminto ito sa tapat ko at dahil hindi ako komportable sa mga titig nito ay napayuko ako. "Stand straight, Mika. Gusto mo bang mabawasan yung height mo?" Tanong nito sa akin habang hawak-hawak ang ruler. Napangiwi na lang ako at tinaas ang ulo ko. Nakita kong ngumiti ito sa akin at nanatiling naka-poker face lang ako rito. Lumapit pa s'ya ng kaonti at tumingkayad pa ito para masukat nang maayos ang height ko. Agad kong naamoy ang pabango nito dahil kapantay ng ulo ko ngayon ang dibdib n'ya. Nakita ko ring sobrang linis at walang gusot ang school uniform nito. Sobrang organized at perfect ng suot n'ya. "5'5," sabi n'ya kay Professor Quan na nakatayo sa gilid ng table nito. Sinulat naman ni Professor ang height ko sa papel at dahan-dahan na lumayo na sa akin si Kael. Nakahinga naman na ako ng maluwag dahil dito. Ito pa ata ang magiging rason ba't ako mamatay. "Next, weight," sabi ni Professor Quan kaya naman naglakad na ako papunta sa weighing scale. Hinubad ko ang black shoes ko at tinira ang puting medyas. Tumuntong na ako dito at tinignan kung ilan ang weight ko. Alam kong mababa lang ito dahil payat ako at kahit anong kain ang gawin ko ay hindi ako tumataba. "45 kilo's," sabi ni Kael at sinulat naman iyon ni Professor Quan. "Okay, next." Bumababa na ako sa weighing scale at sinuot ang sapatos ko. Napatingin ako kay Kael na nakatingin sa akin. Hindi ko na s'ya pinansin at agad na akong naglakad. Nakita ko naman si Loui na s'ya na ang susunod. Nagpunta na ako sa upuan ko at naghalumbaba. Mabilis lang rin naman 'to matapos, ano kayang susunod na naming gagawin? Kinuha ko na muna ang phone ko at nakita kong may nag-add sa social media account ko. Agad ko itong tinignan kung sino ito at nakitang si Liam Conner ito. Napakunot ang noo ko dahil wala namang rason para i-add n'ya ako. "I think they're going to wait malapit sa Willton's Academy. Hindi ka nila pwede makita dahil baka madamay ka sa gulo ko." - Liam. Napangiwi ako nang maalalang meron nga pala. Dahil sa mga shark loans na humahabol kay Liam. Napabuntong hininga na lang ako. Paano ako ngayon uuwi n'yan mamaya? Halos 30 minutes na lang at uwian na rin pala. "I collected all of your weight and height. For now, free time muna kayo. May physical fitness test tayo tomorrow and I'll check your heart beatate din. Lahat ng may sakit, sabihin lang sa akin. Is that clear?" Tanong ni Professor Quan sa amin habang nililigpit nila Kael at Cara ang mga ginamit kanina. "Yes, Professor Quan!" Sagot ng mga classmates ko. Tinulungan n'ya sila Kael sa paglagay sa itim ng bag ng mga gamit at pinaupo n'ya na sila Cara. Umupo na rin naman s'ya habang nakatingin sa record book at siguro ay dino-double check n'ya ito. Binalik ko na sa bag ang phone ko at sumilip ako sa bintana. Walang mga estudyanteng naglalakad sa labas. Puro guard lang ito at mga ibang professor na napapadaan. 1 P.M. at 4 P.M. lang kasi ang oras ng uwian dito sa Willton's Academy. Depende sa strand ang schedule. "By the way guys." Tumayo na si Professor Quan habang bitbit ang bag nito. "We're also going to have a project soon. Dahil malapit na ang mid-term, nag-iisip na ako ng ipapa-project ko sa in'yo. I'll announce it soon and don't worry, madali lang naman ang ipapagawa ko sa inyo." Napabuntong hininga ako ulit nang marinig ang midterm. "That's all for today, Goodbye Class!" Nakangiting sabi nito. "Goodbye, Professor Neo Quan!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD