CHAPTER FIFTY SEVEN

1053 Words
Mikaella's P.O.V. Naglalakad na ako ngayon papalabas sa classroom nang tawagin ako nila Kael at Cara. "Ms. Evergreen!" Tawag sa akin ni Kael kaya naman lumingon ako sa kanilang dalawa. "P'wedeng patulong? Sobrang dami kasi ng dadalhin namin ni Cara. Hindi namin kaya," tanong nito. Tinignan ko ang mga librong nakalagay sa table sa likod. Madami iyon at makakapal. Mukhang hindi nga nila kayang dalawa. Napatingin naman ako sa ibang classmates namin na nagmamadaling umuwi. Napabuntong hininga na lang ako dahil mukhang wala nga sila Cara na ibang choice kung hindi sa akin magpatulong. Naglakad na lang ako papunta sa likod. "Pasensya na, wala na kasi sila Raf at Russ. Sa kanila sana kami magpapatulong ni Kael," sabi ni Cara sa akin at inayos na ang mga librong dadalhin namin. "Ililibre ka na lang namin ng meryenda, okay ba?" Tanong sa akin ni Kael at ngumiti. "Sure," sagot ko dito at kinuha na ang mga librong binigay sa akin ni Cara. Tutal kailangan ko rin namang magtipid at kailangan ko ng kasama pauwi dahil natatakot ako sa sinabi sa akin ni Liam kanina ay pumayag na ako. Nagugutom na rin naman na ako. Pagkabuhat ko sa anim libro ay napangiwi ako. Hindi ko inaasahan na ganito ito kabigat. Tinignan ko kung para saan ito at nakitang ito pala ang librong ginamit namin kanina. Hindi namin ito libro at hiniram lang ito sa library. Wala kasi ang isang topic dito sa libro namin. Kailangan daw ituro iyon kaya nanghiram na muna ang professor namin ng libro sa library. "Let's go. Ibalik na natin sa library," sabi ni Kael at nauna itong maglakad sa amin ni Cara. Agad naman kaming sumunod sa kan'ya. "Anong oras ba ang sara ng library?" Tanong ko sa kanila. "May 2 hours pa naman. 6 pm pa ang sara pero dahil nagugutom kami ni Kael ay gusto na namin agad ito isuli at makaalis na dito sa Willton's," sagot sa akin ni Cara. "Yup. Nakakagutom ang mga tinuro sa atin ngayon," sabi ni Kael at pumagitna sa amin ni Cara. "Ano palang gusto mong meryenda? Sabay kana sa amin ni Cara." Bakit nga pala ako ulit pumayag? Gusto kong mapag-isa pagtapos pumasok sa school pero mas gusto kong siguraduhin ang safety ko kaya pumayag ako. Napasimangot na lang ako. "Kahit saan," sagot ko sa kan'ya. "Doughnuts? Frappé?" Tanong ni Kael. "How about.. don tayo sa mga stall foods?" Suggest ni Cara pagkababa namin sa 1st floor. "Pwede naman. But the question is," tumigil saglit si Kael at tumingin sa akin. "Do you eat street foods?" Agad kong naalala ang mga nakain namin ni Kross dati na street foods. First time kong makakain ng mga ganon noong junior high. Hindi kasi ako palalabas at palakaibigan kaya si Kross lang talaga ang nakakasama ko non. "Yun ba 'yung mga kwek-kwek? Fishball?" Tanong ko sa kanila. Nakita ko namang natawa ang dalawa dahil sa tanong ko. "What's funny?" Tanong ko sa kanila at napansin kong nakalabas na kami sa building ng classroom namin at papunta na kami sa library. "Don't tell me hindi kapa nakakakin ng mga ganon?" Tanong sa akin ni Kael. "No," agad kong tanggi. "Nakakain naman na ako ng ganon. Minsan nga lang," sagot ko dito. "Yun naman pala. So what's your answer? Yay or nah?" Tanong ni Cara habang nakangiti sa akin. "Sure," sagot ko dito at nakitang malapit na kami sa building ng library. "It's settled then." Pumasok na kaming tatlo sa library at binalik na ang mga librong hiniram. ××× "We're here!" Masayang sabi ni Cara at huminto kami sa isang street na maraming stall foods. Halos kaparehas lang din ito ng lugar na pinuntahan namin ni Chaz dati. Speaking of Chaz, hindi ko na s'ya nakikita at nakakausap ulit. "Let's go! Libre tayo ni Kael!" Agad akong hinila ni Cara papunta sa unang stall. "Sampung stick po ng kwek-kwek," sabi nito sa nagtitinda. Pagkakuha n'ya ng sampung sticks at inabot n'ya sa akin ang limang sticks. "Anong gagawin natin dito?" Nakakunot noo kong tanong. "Itutusok n'yo yung mga maliliit na kwek-kwek," sabi ni Kael na ngayon ay nasa gilid ko na. Napatingin ako sa lutuan ng kwek-kwek at nakita ang mga iyon na madami. Humihingi rin si Kael ng sticks at nagsimula na kaming kumuha. Bawat isang stick ay apat na kwek-kwek lang ang pwedeng itusok dito. Matapos naming kumain ng kwek-kwek ay bigla naman akong hinila ulit ni Cara papunta sa bilian ng mga fishballs. Kumain rin kami dito at tigdadalawang cup kaming tatlo. Matapos naming maubos ito ay lumipat kami sa susunod na stall na may tindang dynamite, siomai at french fries na maraming flavors. "Natikman mo na 'to?" Tanong ni Kael sa akin at inabot ang green na sili na naka-wrapper. Napakunot ang noo ko at tinanggap ito. "Masarap ba 'to?" Tanong ko sa kan'ya. Hindi pa ako nakakatikim nito pero naririnig ko to ibang tao. May laman raw ito na cheese at ang iba ay sinasawsaw pa sa suka. Ano kayang lasa non? Iniisip ko pa lang ay parang masusuka ako. "There's only one way for you to find out," sabi ni Kael at sinubo ang dynamite na hawak n'ya. "Eat it." Napahinga ako nang malalim dahil sa sagot nito. Kinain ko na lang ito at nagsimulang ngumuya. Habang ngumunguya ay naramdaman ko ang kaonting anghang nito at may cheese nga ito sa loob at may iba pang masarap na palaman. "See? Masarap?" Tanong nito sa akin. "Omygod." Agad kaming napalingon kay Cara nang marinig na mapadaing s'ya. Nakita naming namumula ito at naluluha. "Anong nangyayari sa'yo?" Naguguluhan kong tanong. "Bakit kasi kumain ka nito? Alam mong mahina lang tolerance mo sa mga maaanghang na foods," nakasimangot na sabi ni Kael dito. Agad kaming nagtanong ng tubig sa food stall sa harap namin pero wala silang tinda. "Bibili muna ako ng tubig, dito lang kayo," sabi ni Kael at tumango naman ako. Napatingin naman ako kay Cara na nakatayo lang at tinitiis ang anghang na nararamdaman n'ya. Kumuha ako ng isa pang dynmaite at nang isusubo ko na ito ay agad akong nagulat nang may humawak sa wrist ko. Naramdaman ko ang matigas at mahigpit nitong pagkakahawak sa akin. Dahan-dahan akong napalingon sa humawak sa akin at napalunok nang makita kung sino ito. Bakit sila nandito? Sinusundan ba nila ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD