CHAPTER FIFTY FIVE

984 Words
Earl's P.O.V. "Bakit parang iniiwasan mo si Mika?" Tanong ko kay Chase habang nagda-drive s'ya. Nasa kotse na kami at papunta kami sa bahay nila. Doon na muna ako natutulog dahil doon din nag-sstay ang mama ko at papa ko. Galing kasi sila sa America. Lumipat sila doon at doon na rin sila nagta-trabaho. Nag-leave lang sila sa work nila ng 2 weeks at sa sabado ay uuwi na sila. Binenta nila mama ang bahay namin dito dahil buo na ang desisyon nilang tumira sa America. Sinasama nila ako sa kanila pero nagmakaawa ako sa kanila na hindi na muna ako sasama sa kanila. Pagka-graduate ko na lang ng senior high ay tsaka ako doon pupunta at magco-college. Mabuti na lang at pinayagan ako nila Mama. Binibigyan din nila ako ng allowance monthly at nagbabayad ako ng dorm ko. Magho-hotel sana kami pero dahil matalik na magkaibigan rin ang mga magulang namin ni Chase ay pina-stay na lang muna nila kami sa kanila. Binisita lang ako nila Mama dito para siguraduhing wala akong ginagawang kalokohan at dahil nami-miss na rin nila dito. "I'm not avoiding her," sagot ni Chase sa akin at kumaliwa. "You are, dude," sabi ko rito at sumubo ng french fries na binili namin drive thru. Hindi s'ya nakasagot kaya nanliit ang mata ko at tinignan s'ya na parang suspicious ako sa kan'ya. "Don't tell me.. you like her-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang tumingin ito sa akin ng masama. Agad akong napahawak sa puso ko at nagkunwaring napadaing. "Stop it, Earl," iritang utos nito sa akin. Tumawa na lang ako at tinignan s'ya. "Just kidding. Inaasar lang kita para sabihin mo sa'kin yung reason, pero kung ayaw mo talaga, edi don't," sabi ko dito at tumingin na lang sa bintana. Narinig kong napabuntong hininga s'ya. "Fine," pilit nitong sagot. "I'm avoiding her dahil alam kong marami s'yang itatanong sa akin." "Itatanong? Like what?" Nakakunot noong tanong ko at uminom ng iced coffee. "Dahil nasa rooftop din ako that night sa 18th birthday party ni Vivian. Alam kong suspicious ako para sa kan'ya. Alam kong itatanong n'ya kung bakit ako nandon," sagot nito sa akin. "Why don't you tell her, Chase?" Seryoso kong tanong sa kan'ya. "You know, I can't," madiin nitong sagot at huminto na sa pagda-drive. "A secret is a secret, Earl Seven." Naging seryoso at mabigat ang aura dito sa loob ng kotse kaya naman agad akong pumalakpak. "Nice, nandito na tayo," sabi ko at binuksan na ang pinto para lumabas. Narinig ko namang lumabas na rin si Chase at nauna itong maglakad sa akin. "Teka lang!" Sigaw ko rito at mabilis na tumakbo para mahabol s'ya. Pagkapasok namin sa loob ng bahay nila ay nakita ko ang parents ko at parents n'ya na nasa sala at nanonood ng movie habang kumakain ng mga prutas. Lahat sila ay napunta ang tingin sa amin ni Chase. Agad na tumayo si mama at lumapit sa akin. "Mabuti naman nandito na kayo," sabi nito sa amin ni Chase. "Magpalit na kayo at samahan n'yo kami manood ng movie ng parents mo, Chase," sabi pa nito habang nakatingin kay Chase. "Opo, Tita," sagot ni Chase at naunang umakyat papunta sa kwarto n'ya. "Bakit parang mukhang wala sa mood si Chase?" Tanong ni mama. "Nag-away ba kayo?" "No. Pagod lang kami dahil sa maraming school works," sabi ko sa kan'ya at ngumiti. "Ganun ba?" Paninigurado nito at tumango lang ako. "O s'ya, sige. Bilisan n'yo na. Maganda pa naman 'yung pinapanood namin. Sigurado akong magugustuhan n'yo 'to ni Chase." "Opo, Mama," sagot ko sa kan'ya. Kumaway sa akin sila Tita at tito kaya naman ngumiti rin ako sa kanila. Naglakad na si mama pabalik sa living area at umakyat na ako papunta sa guest room. Pagkapasok ko ay nagbihis na ako agad at nagpunta sa tapat ng room ni Chase. "Chase, pinapatawag tayo sa baba nila tita," sabi ko rito at kumatok. "Alright, one second," rinig kong sabi nito sa loob at bumukas ang pinto. Nakita kong nakasuot na ito ng pangbahay at suot-suot n'ya na rin ang salamin n'ya dahil malabo talaga ang mata nito at nakasuot lang s'ya ng contact lenses. Pagkalabas n'ya sa kwarto ay nakita ko ang loob nito. Kulay light gray ang pader nito at may mga led lights ito doon na blue. Napatingin ako sa kama n'ya at nakita doon ang clown mask. Agad namang sinara ni Chase ang pinto at seryoso akong tinignan. "Let's go," aya nito sa akin at sabay na kaming bumaba papunta sa living area. "Nandito na ang mga gwapong anak natin," sabi ni Tita habang nakatingin sa amin ni Chase. Napangiti na lang ako dahil sa pangbobola nito. Lumapit na kami ni Chase sa kanila at umupo. Napatingin ako sa pinapanood nila at nakitang action movie pala ito. "Kamusta ka naman Chase?" Tanong ni mama kay Chase. "Are you sure na wala nang masakit sa'yo after that night?" "Yes po, Tita. I'm definitely okay now," sagot ni Chase sa kan'ya at inabutan s'ya nito ng orange. "That's good to hear," nakangiting sabi ni Mama at inabutan din ako nito ng orange. Hindi ako naka-attend ng party ni Vivian dahil kasama ko ang parents ko non. Kumain kami sa labas para i-advance celebrate na rin ang anniversary nila Mama at Papa. Sa linggo pa kasi iyon at sa sabado na sila uuwi. "I still can't believe na magagawa iyon ng schoolmate n'yo," sabi ni Tita habang napapailing ito. "Oo nga. Nakawala pa ang isang killer na nakita ng mga police. Kasabwat daw ni Nathan," sabi naman ni Tito. Napatingin ako kay Chase na tahimik lang at nakatingin sa television habang kumakain ng orange. Wala itong kibo pero alam kong nakikinig s'ya sa usapan ng mga parents namin. "Sana ay mahuli na agad ang kasabwat ni Nathan," rinig kong sabi ni Mama. "Para na rin sa kaligtasan ng mga anak natin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD