CHAPTER FIFTY NINE

994 Words
"Cara!" Tawag ni Kael kay Cara nang makalapit na ito sa babae. Agad n'yang inabot ang bote ng tubig kay Cara. Mabilis naman iyong tinanggap ni Cara at ininom. Halata mo sa mukha nito na kanina pa ito nagtitiis sa anghang na nalalasahan. "Nasaan si Mikaella?" Nakakunot na noong tanong ni Kael habang nakatingin sa kaninang pwesto ni Mika. Napakunot din ang noo ni Cara at parehas nilang ginala ang paningin sa paligid. "Hindi ko alam," sagot ni Cara at nilapag ang bote ng tubig sa lamesa sa gilid. "Hindi ba s'ya sa'yo nagpaalam?" Tanong ni Kael. Umiling lang si Cara bilang sagot dito. "Hanapin natin s'ya, baka maligaw s'ya. Mukhang ngayon lang rin s'ya nakapunta dito," aya ni Kael. Naglakad naman na ang dalawa at tumingin sa mga gilid-gilid nila para hanapin si Mikaella. "Tingin mo umuwi na s'ya?" Tanong ni Cara. "I don't think so," sagot ni Kael at kinuha ang phone. "Mukhang nag-changed number na s'ya dahil di ko na s'ya ma-contact." "Alam mo 'yung phone number n'ya?" Tanong ni Cara. "Yes. Hiningi ko ito sa Moderator natin in case of emergency," sagot ni Kael at binalik na ang phone sa bulsa ng itim n'yang trouser. "Nasaan kaya s'ya?" Nababahalang tanong ni Cara. "Hindi man lang s'ya nagpaalam na may pupuntahan s'ya o aalis." Habang naglalakad ang dalawa at hinahanap si Mika ay napansin nila ang mga taong nagkukumpulan sa tapat ng isang maliit na eskenita. "Anong meron don?" Naguguluhan na tanong ni Cara. "Let's go there to find out," sagot ni Kael at naglakad ang dalawa papunta doon. Nang makapunta sila dito ay hindi nila gaano makita ang nangyayari dahil nasa likuran sila ng mga tao. Sinubukan nilang tumingkayad pero biglang may dalawang kotse ng police ang papunta sa kanila ngayon. Napatingin ang dalawa sa lalaking may hawak na phone at tinaas ang kamay. Tumigil sa tapat nila ang dalawang kotse at lumabas ang mga police dito. "Nasaan ang gulo?" Tanong ni Andrei sa lalaking tumawag ng police. Agad namang tinuro ng lalaki ang eskinita at napatingin doon ang mga police. "Tumabi ang lahat!" Utos ng isang police at pinatabi ng mga ito ang tao kasama na sila Cara at Kael. "What the hell is happening?" Nakakunot noong tanong ni Cara. Nang tumabi na ang lahat ng tao ay nagtakbuhan na ang mga police papasok sa maliit na eskinita. Agad na sumilip sila Kael at Cara sa loob. "What the h*ck?" Gulat na sabi ni Cara. "Is that Liam Conner?" Dahil malayo sila ay hindi gaano makilala ni Cara ang mga tao doon. Naaninag n'ya lang ang pulang buhok ni Liam at ang uniform na suot nito. Tinignan nang maayos ni Kael kung sino ang nasa loob ng eskinita at nakitang si Liam nga iyon at may kasama itong babae. "May kasama s'yang babae," sabi ni Cara nang makitang hatakin ni Liam ang babae at tumakbo nang mabilis. Nakita n'ya ring nakasuot ito ng uniform ng Willton's Academy. Agad namamg nahuli ng mga police ang dalawang lalaking nakaaway ni Liam. Pinosesan nila ang mga iyon at tinayo habang ang ibang police ay tumatakbo at hinahabol sila Liam. "Sino 'yung babaeng kasama ni Liam?" Naguguluhan na tanong ni Cara. "I don't know," mahinang sagot ni Kael. "Let's go. Baka ma-stuck pa tayo dito at tanungin ng mga police, lalo na't naka-uniform pa tayo katulad nila Liam." Agad namang naglakad na papalayo ang dalawa. "Bakit kaya laging napapaaway si Liam?" Tanong ni Cara. "I don't know," sagot ni Kael at nagkilbit balikat. "Lagi na lang s'ya nagdadala ng gulo sa school. Buti na lang hindi pa s'ya naki-kick out." Napabuntong hininga na lang si Cara nang maalala ang mga gulong nagawa ni Liam sa Willton's Academy. Hindi sumagot si Kael at nanatiling tahimik lang ito. "Hindi ba ikaw ang pinapabantay kay Liam ng Principal?" Tanong ni Cara. "Oo," tipid na sagot ni Kael. "Hindi mo ba s'ya nakakausap man lang? Wala ba s'yang nakukwento sa'yo kung bakit lagi na lang s'ya napapaaway?" Tanong ni Cara at tinignan si Kael. Umiling si Kael, "Knowing Liam, hindi s'ya mag-oopen sa akin. Ni hindi kami nagpapansinan whenever na tinatawag ko s'ya at pinagsasabihan," sagot nito. Napabuntong hininga na lang si Cara at natigilan ito nang makita si Mika na naglalakad. "Mika!" Tawag nito kay Mika. Agad na napalingon si Mika kay Cara at nakita n'ya sila Kael. Mabilis n'yang inayos ang sarili at sinubukang itago ang sugat nito sa tuhod. "Saan ka galing?" Tanong ni Cara at lumapit ang dalawa kay Mika. "Ahh," napatingin si Mika sa paligid para mag-isip ng sasabihin. "Kanina kapa namin hinahanap ni Kael. Bigla-bigla ka na lang nawawala," nakakunot noong sabi ni Cara. "May gulo pa nga doon malapit sa food stall na binilan natin ng pagkain." "Gulo?" Tanong ni Mika at sinubukang gawing naguguluhan ang expression ng mukha nito. "Oo. Mukhang napaaway na naman si Liam Conner," sagot ni Cara. "Anyways, saan ka nga galing? Bigla ka na lang nawala. Nag-alala pa tuloy kami ni Kael sa'yo." Napatingin si Mika kay Kael na nakatayo lang. "Ah, may hinahanap lang akong pagkain," pagsisinungaling n'ya. "Hindi ako nakapagsabi sa inyo kasi sandali lang sana ako tsaka akala ko matatagalan pa si Kael." "What food?" Tanong ni Cara. Napatingin ulit si Mika sa paligid at sinubukang maghanap ng mga pagkain. Nang makita n'ya ang grilled corn ay agad n'ya iyong tinuro. "Grilled corn?" Nakakunot noong tanong ni Cara at tumango lang si Mika bilang sagot dito. "One of my favorite 'yan. Let's go!" Nakangiting sambit nito at hinila si Mikaella papunta doon. Nasa likod naman nila si Kael at sumunod na lang ito sa dalawa. Napalingon s'ya sa likuran nang makitang dumaan sa kanila ang dalawang kotse ng mga police. Nakita n'ya ang dalawang lalaking kaaway ni Liam na nasa isang kotse at si Liam na nasa pangalawang kotse. Napatingin sa kan'ya si Liam at napayuko iyon. Napabuntong hininga na lang si Kael nang makaramdam ito ng inis dahil nahuli si Liam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD