CHAPTER THIRTY TWO

2483 Words
Mikaella's P.O.V. "Mika!" Sigaw sa akin ni Cara at mabilis kong hinataw ang shuttlecock na hindi n'ya nasalo. Nasa harap ko si Cara habang nasa likod kami. Nasa gitna na kami ng laban at wala pa sa aming nakaka-missed ng shuttlecock kaya naman masyadong intense ang laban. Nakita kong mabilis na lumipad ang shuttlecock papunta sa kalaban namin. Agad na nahataw nila ito at sinundan ko ang tingin ng shuttlecock na papunta sa amin ni Cara. Hahatawin ko sana ito nang maunahan ako ni Cara. Napakunot ang noo ko at nakita kong ngumiti lang s'ya sa akin. "Yahhh!" Agad kaming napatingin sa kalaban at nakitang pabalik na sa amin ang shuttlecock. Pinabayaan ko si Cara na habulin ito. Nakita kong natumba ang ankle nito at padapa s'ya kaya naman mabilis akong tumakbo papunta sa shuttlecock at malakas itong hinataw. Nakita ko ang mabilis na pagpunta non sa kalaban. Na-missed ito ng nasa unahan pero nasalo ito ng nasa likuran n'ya. Agad naman akong napatingin kay Cara na nadapa. Mas okay sa akin ang mag-isa ako dahil mas kontrolado ko ang paglalaro. Binalik ko ang tingin sa shuttlecock at nakita kong papunta na ito sa akin ngayon. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa badminton racket at malakas itong hinataw. Napatingin ako sa shuttlecock na masyadong napataas dahil sa malakas kong hataw dito. Agad na napaatras ang kalaban namin ni Cara dahil tinatansya nila kung saan ito babagsak. Napatingin naman ako kay Cara na sinusubukang tumayo. Lalapitan sana s'ya ni Professor Quan pero agad s'yang umiling at nakatayo na ito ng maayos. Napatingin ako sa tuhod n'ya at nakita ko ang dugo dito. Napalunok ako at natigilan saglit. Tinignan ko kung nasaan na ang shuttlecock at nakita kong papunta na ito sa amin ni Cara. Mabilis iyong nasalo ni Cara. Sinubukan kong igalaw ang sarili ko pero parang hindi ko magawa. "Mika!!" Napatingin ako sa mukha ng mga classmates ko nang makita ang nag-aalala nilang mga mukha. Tinignan ko kung saan sila nakatingin at napaatras ako nang makita ang bola na tatama sa ulo ko. Napapikit ako nang maramdaman ang malakas na pagtama nito. Naramdaman ko ring bumagsak ang katawan ko sa matigas at malamig na sahig. Napangiwi ako nang maramdaman ang pagtama ng dalawang siko at ulo ko sa sahig. "Ms. Mikaella Evergreen!" Rinig kong malakas na sigaw sa pangalan ko ni Professor Quan. Napadilat ako at nakita ko ang lahat na nakatayo at nakatingin sa akin except kay Professor Quan na nakadapa at hawak-hawak ako sa ulo. Parang nabingi din ako at wala akong ibang marinig kung hindi ang katahimikan. "Mika! Are you okay?" Rinig ko pang sigaw ni Professor Quan. "Ate Mika!" Nakita ko si Chaz na lumapit at lumuhod. "Your nose is bleeding!" Nag-aalala nitong sabi. Napahawak ako sa ilong ko at tinignan ko ang kamay ko. Nakita kong may dugo nga ito. Huminga ako nang malalim at sinubukan kong umupo. Nagtagumpay naman ako at napahawak ako saglit sa noo ko dahil sa sakit nang pagkatama ng bola dito. "Dalhin na kita sa infirmary," alok ni Chaz sa akin. Napatingin ako sa magkabilang siko ko at nakita ko ang gasgas dito gawa ng pagkakatumba ko. Naramdaman ko rin ang onting sakit sa likod ng ulo ko dahil tumama din ito sa sahig. "I'm fine," agad kong sagot at tumayo. Napatayo naman si Chaz at Professor Quan. "Are you sure? I think kailangan mo munang magamot sa infirmary room," nakakunot noong sabi ni Professor Quan. "Yes. Professor Quan is right, Ate Mika," agad na sabi ni Chaz. Umiling ako at tinignan sila. "I'm fine. I just need water." ××× Nilapag ko sa tabi ko ang isang bote ng tubig matapos ko itong ubusin. Napabuntong hininga ako at pinanood ang mga classmates ko na naglalaro habang kalaban ang mga grade 11 students. "Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ni Chaz sa akin na galing sa infirmary room. Umupo ito sa tabi ko at may inabot na dalawang band aid. "Ayos lang," tipid kong sagot at tinanggap iyon. Nilagay ko ang dalawang band aid sa magkabilang siko ko. Nakita kong may nilabas na yelo at tela si Chaz na mukhang galing rin sa infirmary room. "Parang kinuha mo na lahat ng gamit don ah," biro ko dito at tinanggap ito. Agad kong naramdaman ang malamig na yelo sa loob. Pinatong ko ito sa noo ko para mabawasan ang bukol ko dito gawa ng bola. "Kulang pa nga kinuha ko eh," sabi nito at natawa ng mahina tapos ay sumandal at nanood na din ng mga laro. "Bakit hindi kana sumali ulit?" Tanong ko sa kan'ya habang hawak-hawak ang yelo na nakapatong sa noo ko. "May pumalit na sa akin," sabi nito at pinunasan ng puting bimpo ang pawis sa noo. "Hindi rin ako gano mahilig maglaro ng basketball kaya mabilis ako mapagod." "Ahh." Wala na akong ibang maisip na isasagot kaya ito na lang ang lumabas sa bibig ko at tumango ako. Napatingin kami sa pinto nang bumukas iyon at nakita ko si Kael na pumasok na. Ang tagal n'ya rin bago s'ya nakabalik. Ano kayang ginawa n'ya? "Alam mo kung saan nagpunta si Kael bukod sa infirmary room?" Tanong ko kay Chaz habang nakatingin kay Kael. "Bakit?" Tanong ni Chaz sa akin. "Hindi ba hinatid n'ya lang ang classmate namin na si Pauline sa infirmary room. Galing ka doon pero naunahan mo parin s'ya," nakakunot noo kong tanong. "Ahh," sagot ni Chaz. "Actually pagpunta ko sa infirmary room ay nandon s'ya. Tinutulungan n'ya si Nurse Lia na gamutin ang classmate nyo. Pinagbantay din s'ya doon saglit dahil may sinundo pa si Nurse Lia sa ibang section na may lagnat." Napatango naman ako nang marinig ang sabihin nito. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Kahit maliliit na bagay ay binibigyan ko ng kahulugan. Nakita kong sumali na ulit si Kael sa team n'ya sa basketball at nagsimula na ulit ang laban don. Napatingin naman ako sa naglalaban ngayon sa badminton. Tie ang score na binigay sa amin ni Professor Quan dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung galit ba sa akin si Cara dahil hindi kami nanalo pero wala naman akong kasalanan sa nangyari. Masyadong malas lang talaga ako at lapitin ng mga bola. Kaya ayoko ng P.E. lalo na pag sports ang lesson at activity. Napabuntong hininga na lang ako at nilapag ang yelo sa hita ko. Nangangalay na ako. Hinawakan ko ang bukol sa noo ko at naramdaman ang bukol dito. "20 minutes na lang and matatapos na ang klase," sabi ni Chaz habang nakatingin ito sa phone n'ya. "Gusto mong mag-arcade after?" Alok n'ya. Agad naman akong umiling. Ang gusto ko ay umuwi at duniretso sa kama ko tapos ay matulog. Gusto kong magpahinga. Pakiramdam ko ay sobrang lutang ko ngayong araw. Walang wala ako sa sarili ko. "You look tired," sabi ni Chaz habang nakatingin sa akin. "Not physically but.. mentally." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. "What do you mean?" Tanong ko. "I think kailangan mong mag-enjoy. Have fun and makipag-hang out sa friends mo." Napaiwas naman ako ng tingin at pinagmasdan ko si Kael na naglalaro ng basketball. Saktong pagtingin ko sa kan'ya ay na-shoot n'ya ang bola sa basketball ring. Parang tama rin si Chaz. Masyado akong seryoso ngayon at kung ano-ano ang naiisip ko. Pakiramdam ko nga ay parang nababaliw na ako. Siguro nga ay kailangan kong ialiw ang sarili ko kahit minsan. Tumingin ako sa kan'ya ng seryoso at nakita kong napalunok s'ya na para bang hinihintay ang sagot ko. "Fine," sagot ko sa kan'ya. "Yes!" Masayang sabi nito at nagtatalon. Napatingin ang ibang malapit sa amin kaya naman agad ko s'yang sinaway at pinaupo. "Sorry Ate Mika!" Sabi nito at ngumiti. "Excited lang ako. Tagal ko na rin kasi hindi nakakapunta sa arcade." "But one hour lang," sabi ko pa sa kan'ya. "Noted!" Sagot nito at nilagay ang kamay sa ulo na para bang military. Napasimangot na lang ako dahil sa inakto nito. Para talaga s'yang bata. ××× "Tomorrow ko sasabihin ang ranks n'yo," sabi sa amin ni Professor Quan. Nandito na kami sa classroom namin ngayon at lahat kami ay naka P.E. uniform parin. Nasa sa amin na kung gusto pa namin magpalit. Pero dahil tinatamad na ako pumila at magkikilos masyado ay hindi na ako magpapalit. Isa pa, mas comfortable ang P.E. uniform kaysa sa palda. Presko din ito kaysa sa uniform na longsleeve at papatungan pa ng blazer. "Goodbye Class!" Masayang paalam sa amin ni Professor Quan. "Goodbye Professor Quan!" Agad na sagot ng mga classmates ko at nag-bow kaming lahat dito. Matapos namin magpaalam ay lumabas na si Professor Quan sa classroom kaya naman kan'ya-kan'yang mundo na ulit ang lahat. Sinuot ko na ang bag ko at siniksik sa loob nito ang paper bag. Pinagpilitan ko na lang ito dahil ayoko nang madaming bitbit. Nagsimula na akong maglakad at nakita ko si Kael na nakatingin sa akin. "Mika!" Tawag nito sa akin kaya naman napahinto ako at nilingon s'ya. May mga libro itong hawak na pinapakuha ni Ms. Dannica sa amin. Mukhang dadalhin n'ya pa ang mga ito sa teacher's office. "Nabalitaan ko 'yung nangyari kanina sa'yo sa gymnasium. Are you okay?" Tanong n'ya sa akin. "Yes, I'm okay now," sagot ko sa kan'ya. To be honest ay masakit pa rin ng konti ang noo at likod ng ulo ko. Masakit rin ang dalawang siko ko pagginagalaw ko pero wala naman akong choice kung hindi ang tiisin ang mga ito. "That's good to hear," sabi nito at ngumiti. "Uhm, yeah. Una na ako," paalam ko sa kan'ya. Tumango lang s'ya kaya naman agad na akong naglakad papalabas ng classroom. Pagkalabas ko ay muntik na akong mapatalon nang gulatin ako ni Chaz. "Chaz!" Saway ko sa kan'ya at masama s'yang tinignan. Agad naman s'yang tumawa dahil sa reakyson ko. Napatingin tuloy sa amin ang classmates ko at ang ibang napapadaan sa hallway. "Hi Chaz," rinig kong sabi ni Kael na kakalabas lang rin ng classroom kasama si Cara na may dala ring mga libro. "Oh, Hi kuya Kael and Ate Cara!" Agad na bati ni Chaz at ngumiti sa dalawa. "We need to go, nag-aantay na si Ms. Dannica sa atin," sabi ni Cara kay Kael. Tumango naman si Kael at nagpaalam na silang dalawa ni Cara. Sa kaliwang hallway ang daan nila habang kami ni Chaz ay sa kanan. "Let's go," yaya ni Chaz at naglakad na kami papalabas sa building. Tahimik lang kaming naglalakad at bigla kong naalala si kuya. Kinuha ko ang phone ko at inopen ang message ko. Hindi ko alam kung magpapaalam ba ako kay kuya. Saglit lang naman ako. Siguro ay hindi pa nga s'ya nakakauwi nasa bahay na ako. "Sa mall ba tayo mag-aarcade?" Tanong ko kay Chaz. "Mayrong arcade sa mall at mayron ring arcade sa open mall malapit sa park. Maraming mga street foods and small stores don," kwento sa akin ni Chaz. Nakalabas na kami sa gate ng Willton's Academy at huminto kami sa gilid ng kalsada. Nakita ko ang iilang estudyante na may mga sundo habang ang iba ay sumasakay sa taxi at ang iba naman ay naglalakad lang. "Medyo malapit lang 'yon dito pero mas maganda kung mag-taxi na tayo," sabi ni Chaz kaya naman tumango na lang ako. Habang nagtatawag ng taxi si Chaz ay napatingin ako sa isang lalaking naglalakad papalayo. Likof n'ya lang ang kita ko pati na rin ang pulang buhok. Nakita kong huminto s'ya saglit sa isang tindahan sa gilid at bumili ng sigarilyo. Sinindihan n'ya iyon at nilagay na sa bibig tapos ay naglakad na hanggang sa mawala na s'ya sa paningin ko. "Ate Mika!" Tawag sa akin ni Chaz. Napatingin ako sa kan'ya at nakita kong nakatayo ito sa gilid ng taxi. Sumakay na s'ya sa loob kaya naman nagsimula na akong maglakad papunta dito. Sumakay na ako at sinara ang pintuan. Agad kong naamoy ang lemon scent dito sa kotse. Nahihilo pa naman ako sa mga ganito. Nagsimula nang umandar ang taxi at napatingin ako sa bintana. Nakita ko si Earl at Chase na papasok na sa kotse nila. Naalala ko ang huling usap naming tatlo. Sa coffee shop iyon at as usual ay nagkasagutan kami ni Chase. "Nga pala Ate Mika," tawag sa akin ni Chaz kaya naman napatingin ako sa kan'ya na nakaupo sa passenger's seat. "Ano pa lang work ng kuya mo?" Tanong nito. Alam kong kalat sa buong school na wala na kaming mommy at daddy ni kuya. Naiintidhan ko kung bakit nacu-curious si Chaz ngayon sa situation ng buhay ko. "Why would I tell you?" Tanong ko sa kan'ya. Nakita ko namang parang na-offend ito dahil sa sagot ko. "Anyways, malapit na ba tayo?" Tanong ko para maiba ang topic. Hindi ko parin maituturing kaibigan si Chaz. Hindi ko parin kayang magkwento sa kan'ya o sa kahit na sino. Hindi ako dapat magtiwala agad. "Malapit na," sagot ni Chaz at tumimgin sa dinadanan namin. Kinuha ko ang phone ko at nakitang may message si Kross sa akin. Kinakamusta ako nito. Sabi n'ya last time ay bibisitahin n'ya kami ni kuya dito. "Nandito na po tayo," sabi ng driver sa amin. "Thank you po, Mr. Driver!" Sabi ni Chaz at naunahan ako nitong bayaran ang driver. Lumabas na kaming dalawa at binuksan ko ang wallet para magbayad sa kan'ya. Hindi ako sanay na nililibre o binabayaran ako lalo na pag hindi ko kaibigan o gaanong kakilala. "It's fine Ate Mika. Libre ko na 'yon," sabi ni Chaz at huminto kami sa tapat ng arcade. "No, kailangan kong bayaran," sabi ko dito at nang mapatingin ako sa arcade ay parang bumalik ako sa dating ako. Nakita ko ang maraming neon na ilaw nito. Dahil glass ang pader nito ay kitang-kita ko rin ang mga machines at tao sa loob. Pakiramdam ko ay nawala ang bigat sa mga iniisip ko. "Fine. Ako na bahala sa arcade card natin," sabi ko sa kan'ya at agad na pumasok na kami sa loob. Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad kong naramdaman ang malamig na aircon. Narinig ko rin ang mga tunog ng bawat machines dito. May mga bata dito at estudyante. "Anong gusto mong laruin?" Tanong sa akin ni Chaz. "Lahat," sagot ko sa kan'ya at agad akong nagtungo sa counter para bumili ng card. Nagbayad ako dito at kinuha ang dalawang card. Para kay Chaz ang isa. Inabot ko sa kan'ya ito. "Thank you ate Mika!" Sabi nito sa akin at ngumiti na halos hindi na kita ang mga mata n'ya. "Tara!" Tawag ko sa kan'ya at binitbit s'ya papunta sa car racing na mario. Umupo ako dito at agad kong naalala na nilalaro namin ito lagi ni Kross. "Matalo manglilibre ng ice cream mamaya!" Sabi ni Chaz at umupo sa kabilang upuan. "Bring it on," sagot ko sa kan'ya at ngumiti. Sabay naming ni-swipe ang card namin at nagsimula na kaming mag-race dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD