CHAPTER THIRTY THREE

2967 Words
Mikaella's P.O.V. "Ate Mika, patay na lahat ng zombies." Agad akong natauhan nang marinig ko ang sinabi ni Chaz. Napatigil ako sa pagbabaril at napakurap. Nakita ko sa screen na patay na nga ang mga zombie dito. Narinig kong tumawa si Chaz, "Gusto mo pa bang maglaro? na-completed na natin lahat ng stages eh," sabi nito at binalik na hawak na baril sa lagayan. Agad naman akong umiling at binitawan na rin ang itim na baril na hawak ko. Napatingin ako sa screen namin ni Chaz at nakitang tapos na nga namin ang larong ito. Tinignan ko ang relo ko at nanlaki ang mata ko nang makitang kalahating oras na lang ay mag 7 P.M. na. "Sht," agad kong sabi at tumayo. "Ate Mika!" tawag sa akin ni Chaz at lumapit. "Kailangan ko na umuwi," sabi ko dito at tinignan ang phone ko kung mayroon bang text si kuya. 8 P.M. pa namana ng uwi n'ya pero minsan ay umuuwi na lang s'ya nang maaga. Hindi pa naman ako nakapagpaalam sa kan'ya na hindi ako dedereso umuwi. "Pano 'yung ice cream ko?" tanong nito at ngumuso. Napangiwi naman ako nang maalalang natalo n'ya ako kanina sa car racing. Hindi ko ine-expect na magaling pala s'ya doon. Halos pantay lang ang laban namin pero natalo n'ya ako sa huling round. "May malapit na ice cream store ba dito?" tanong ko sa kan'ya. Tumango si Chaz at ngumiti. "Let's go," Yaya ko sa kan'ya at lumabas na kami dito sa arcade. Pagkalabas namin ay nakita kong palubog na ang araw. Namangha din ako sa mga small stores na nasa paligid namin. Maraming ilaw dito at ang mga halaman ay napapalibutan din ng mga maliliit na ilaw. "Ayun yung ice cream shop dito," sabi ni Chaz at tinuro ang puting two story building. Tatlong building lang pala ang layo nito sa arcade. Habang naglalakad kami ay napatingin ako sa mga tao dito at sa paligid. Mukhang sikat pala ang lugar na ito. Madaming tao ang nandidito. May mga estudyante, bata at mayroon ding mga magkasintahan. May nadaanan kaming Ramen store ni Chaz at naamoy ko ang mabango nilang mga pagkain. May mga nadaanan din kaming ihaw-ihaw na mukhang masarap pero ice cream ang kasunduan namin kaya dito kami pupunta at kakain. Huminto na kami ni Chaz nang nasa tapat na kami ng ice cream shop. Nauna s'yang pumasok at pinagbuksan ako ng glass door. Pagkapasok ko ay nakita ko ang mga nakaupo at kumakain dito sa loob. Mostly ay mga estudyante at bata ang nandidito. Naglakad kami ni Chaz papunta sa table na may dalawang chair sa tabi ng glass wall nitong ice cream shop. "What flavor do you want?" tanong ko sa kan'ya. "Chocolate Ate Mika!" sabi nito sa akin habang nakatingin s'ya sa menu sa counter. Napatingin ako sa menu at nanliit ang mata ko dahil hindi ko na ito mabasa. Malabo na talaga ang mata ko at wala akong salamin. Contact lenses kasi usually ang ginagamit ko pero na-expired na ito kaya naman wala akong suot ngayon. "Naka-cone or nah?" tanong ko pa sa kan'ya. "I'm not a fan of cone eh," sabi n'ya kaya naman tumango ako at naglakad na papunta sa counter. Walang pila ngayon kaya naman sinabi ko na ang order ko sa babae. "One chocolate ice cream and one vanilla ice cream. Both medium," sabi ko dito habang nakatingin ako sa menu. "Naka-cone po ba?" tanong nito. Umiling ako at tumingin sa kan'ya. "Palagyan ng fresh strawberries yung Vanilla Ice cream and for the chocolate, pa-add ng marshmallow. That's all," sabi ko dito. "Okay Miss," sabi nito at ngumiti. Sinabi nito ang total ng lahat ng order ko at nagbayad na ako rito. "Prepare ko lang po 'yung ice cream." Hindi na ako nagsalita at nagpunta ako sa kabilang dulo ng counter para dito kuhain yung ice cream. Pinapanood ko lang s'ya na gawin ang ice cream na inorder ko. Kulang white ang uniform nila at may sumbrero sila. May apron sila sa katawan na kulay light green. Ginala ko ang paningin dito at maaliwas ito. Puting puti ang pader nila na may mga design ng light colors like green. Ang tiles nila ay alternate na white and light green. May mga ice cream din silang display sa paligid. "Here's your orders, Miss. Thank you for ordering po," sabi ng babae sa akin at nilagay ang dalawang ice cream sa tray. "Thank you," mahinang sabi ko dito at binuhat na ang tray. Naglakad na ako pabalik sa pwesto namin ni Chaz. Pagkalapag ko ng tray sa table namin ay umupo na ako at tinignan ang oras sa relo ko. 15 minutes na lang at mag-7 P.M. na. Kailangan kong bilisan kumain. "Wow," sabi ni Chaz at kinuha ang chocolate ice cream n'ya. "Pano mo nalaman na favorite ko marshmallow?" tanong nito sa akin habang masayang nakatingin sa ice cream n'ya. Napasimangot naman ako dahil sa reaksyon n'ya. Parang bata talaga s'ya at akala mo ay matagal na hindi nakakain ng ice cream na may marshmallow. "Naglagay lang ako adds-on para hindi boring yung flavor," sabi ko sa kan'ya. Inalis ko na rin sa tray ang ice cream ko at nilagay ito sa harap ko. Sakto lang ang laki nito. Nakalagay ito sa white paper cup. Kinuha ko ang maliit na spoon sa gilid at tinikman ito. "Thank you Ate Mika," sabi ni Chaz at kumain na rin ito. Pinagmasdan ko s'ya habang kumakain. Mas lalong humaba ang itim n'yang buhok na medyo wavy ang dulo. Ngayon ko lang din na-appreciate na may itsura s'ya. Bakit halos lahat ng lalaking estduyante ng Willton's Academy ay may mga itsura? Napabuntong hininga na lang ako at binilisan na ang pagkain. Wala pa sa isip ko ang mag-boyfriend ngayon. Isa lang ang gusto ko at iyon ay ang malaman kung sino ang mga killers na pumatay kila Mommy at Daddy. "By the way Ate Mika, I have a question," sabi ni Chaz. Napatigil ako sa pagkain ko at napatingin sa kan'ya. "Totoo ba 'yung mga naririnig ko sa Willton's Academy?" "What do you mean?" nakakunot noo kong tanong. "Yung kumakalat na usapan kaya lumipat kayo dito ng kuya mo at dito ka nag-aral." Natigilan ako at napatingin sa ice cream ko. "I'm sorry Ate Mika, I didn't mean to ruin your mood," agad na sabi n'ya. Tumingin ako sa kan'ya at ngumiti ng kaonti. "Yes. It's true, Chaz," mahina kong sabi at binitawan ang spoon. "May mga magnanakaw at murderer na nakapasok sa bahay namin. Ninakawan nila ang parents ko and they killed them. Sinira nila ang buhay namin ni Kuya." Nakita kong napatungo si Chaz dahil sa sinabi ko. Ito naman ang gusto n'ya hindi ba? ang malaman kung totoo ba yung balitang kumakalat sa Academy. "Nahuli na ba mga pumatay sa parents mo?" tanong n'ya. "No," madiin kong sabi at tumingin sa labas. "Nasa labas parin sila. Hindi pa sila nakukulong. Malayang malaya sila." Hindi na nagsalita si Chaz kaya naman tumayo na ako. "I need to go home," sabi ko dito at sinuot ko na ang bag ko. "Pano 'yung ice cream mo?" tanong n'ya. Napatingin ako sa ice cream ko at nakitang halos wala pa ito sa kalahati. "Wala na akong ganang kumain. You can have it if you want." Hindi ko a s'ya pinagsalita pa at mabilis na akong naglakad papalabas sa ice cream shop. Hindi ko na rin s'ya nilingon. ALam kong na-offend s'ya dahil sa actions ko pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Bigla na lang akong nawala sa mood. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hanggang ngayon ay hindi ko parin talaga matanggap ang nangyari. Habang naglalakad ay umihip ang malakas na hangin kaya naman napayakap ako sa sarili ko. Napatingin ako sa langit at nakitang wala na ang araw. Napalitan na ito ng buwan at mga bituwin. Napatingin ako sa paligid habang naglalakad. Nakita ko ang mga tao dito na masayang kumakain. Nakita ko rin sa loob ng ramen store na may mga masasayang pamilya ang kumakain sa loob. Agad akong nag-iwas ng tingin at naramdaman kong namumuo na ang mga luha ko. Pilit kong kinakalma ang sarili ko pero hindi ko mapigilan ang mga luha ko na tumulo. Nakita kong napapatingin sa akin ang ibang mga taong nadadaanan ko. Napayuko na lang ako at binilisan ang paglalakad. Gusto ko na umuwi. Gusto ko na pumunta sa kwarto ko at itulog ang lahat ng ito. Ayoko na dito. Nanlaki ang mata ko nang maramdamang nauntog ako sa taong nasa harapan ko. Napahawak ako sa noo ko at naramdamang sumakit na naman ang bukol ko dito. Napatingin ako sa damit ng taong nakabunggo ko at nakita kong suot-suot nito ang school uniform ng Willton's Academy. Natigilan rin ako nang mapansin ko ang pamilyar nitong katawan. Unti-unti kong inangat ang tingin ko at nakita ko si Chase na walang emosyon ang mukha at nakatingin lang sa akin. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at napayuko ako. Bakit sa dinamidami nang pwede kong makabunggo ay s'ya pa? wala na akong lakas para makipagtalo sa kan'ya. Napaupo na lang ako at niyakap ang tuhod ko. Wala akong pakialam kung may mga nakatingin sa akin ngayon. Hindi ko kayang pigilan ang pag-iyak ko. Sobrang nami-miss ko na naman sila Mommy at Daddy. Nami-miss ko na ang masaya at kompleto naming pamilya. "Mikaella," rinig kong tawag sa akin ni Chase at hinatawan ako nito sa braso para patayuin dahil sigurado akong pinagtitinginan kami dito ngayon. "Leave me alone. Wala na akong energy para makipagtalo sa'yo," mahina kong sabi at tinabig ang kamay n'ya. "Sakay." Napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi n'ya. Dahan-dahan ko s'yang tinignan at nakita kong nakaupo ito sa sahig. Napatigil ako sa pag-iyak nang lumingon s'ya sa akin. "I said, sakay," madiin nitong sabi at nag-iwas ng tingin. Napatingin ako sa paligid at nakita kong nakatingin nga ang lahat sa amin. Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang kahihiyan. Hindi nila pwedeng makita ang mukha ko. Hindi nila pwedeng makilala ako. Sobrang nakakahiya ang ginagawa ko ngayon. Napakagat ako sa labi ko at napatingin sa likod ni Chase. Bakit n'ya ako tinutulungan ngayon? bakit s'ya nandito? "If you don't want, just tell me," rinig kong sabi nito at nang tatayo ito ay agad kong hinawakan ang laylayan nang school blazer nito sa likod. Lumapit ako sa kan'ya at dahan-dahan kong pinatong ang dalawa kong braso sa balikat n'ya. Napalunok ako nang maamoy ko ang buhok n'yang amoy mint. "Kumapit ka ng mabuti," mahina n'yang utos sa'kin at tumayo. Napadiin ang pagkakapit ko sa kan'ya dahil pakiramdam ko ay malalaglag ako. Naramdaman ko ang malamig n'yang kamay sa hita ko. "Hide your face," sabi nito kaya naman sinubsob ko ang mukha ko sa balikat n'ya. Pinikit ko lang ang mata ko habang buhat-buhat ako nito. Marahan ang bawat paghakbang ni Chase. Nararamdaman kong tumutulo parin ang luha ko at pinabayaan ko lang ito. Wala naman nang makakakita sa akin kaya ayos lang na iiyak ko ang lahat. Napadilat ako nang tahimik na ang paligid namin. Nakita kong nasa gilid na kami ng park. Walang tao dito. Tahimik at tanging paggalaw lang ng mga puno ang naririnig ko. Malakas at presko din ang hangin dito. Napatingin ako sa kalsada at nakitang walang dumadaan dito kahit taxi. Napunta ang tingin ko kung saan muntik na akong masagasaan nina Chase at Earl. Naalala ko rin ang reason kung bakit ako tumatakbo noon. Nang madaanan namin ang mga puno ay tumingin ako dito. Madilim doon kaya naman agad akong nakaramdam ng takot. Parang narinig ko ulit ang sigaw ng babaeng pinatay nila sa forest at ang pagtawa nila. "Are you trying to kill me?" Hindi ko napansin na napapadiin na pala ang pagkapit ko kay Chase at parang nasasakal ko na ito. Agad kong niluwagan ang pagkakakapit sa kan'ya at tumingin na lang ako sa kalsada dahil kakaiba ang nararamdaman ko tuwing napapatingin ako sa mga nagtatasaang puno. "Sorry," mahina kong sabi sa kan'ya at pinatong ang chin ko sa braso n'ya. "Pwede mo na akong ibaba dito." "No, it's fine. Walang taxi ngayon," sabi nito habang patuloy lang sa pagbuhat sa akin at paglalakad. Napakagat naman ako sa labi ko. Siguro ay nabibigatan na s'ya sa akin. Bakit hindi n'ya na lang ako ibaba? kaya ko naman maglakad. "I'll wake you up pag nasa tapat na tayo ng bahay n'yo," sabi nito sa akin. Hindi ako nagsalita at tumango lang. Pinikit ko unti-unti ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako. ××× "Mika." Naalimpungatan ako nang marinig na may tumawag sa pangalan ko. Dinilat ko ang mga mata ko at nang makita ang malapit na mukha ni Chase ay napakurap ako. "You're not dreaming. Nandito na tayo sa inyo," sabi nito. Agad akong napatingin sa harap namin at nakita ang pinto sa bahay. Napatingin rin ako sa garden at nakita kong naka-park na ang kotse ni kuya dito. Biglang bumukas ang pinto at nanlaki ang mata ko nang makita si Kuya na mukhang gulat. Ngayon ko lang napansin na buhat-buhat pa pala ako ni Chase. Agad n'ya akong binaba at muntikan pa akong madama. Tinignan ko s'ya nang masama at napaubo lang s'ya. "Saan ka galing?" agad na tanong ni kuya sa akin at napatingin s'ya kay Chase. "Who's this?" Napangiwi ako at napabuntong hininga na lang. Hindi ko alam ang sasabihin kay kuya. Parehas pa kaming nakauniform ni Chase. "Good evening, Mr. Evergreen," magalang na sabi ni Chase at nag-bow ito kay kuya. "Nag-study group po kami ni Mikaella. Marami rin kaming homeworks na ginawa kaya natagalan." "Bakit buhat-buhat mo si Mika?" tanong ni kuya at hinila ako nito papunta sa gilid n'ya. "Kuya," saway ko kay kuya at tinignan s'ya. "Go," utos ni kuya kay Chase. Hindi nagsalita si Chase at naglakad na lang ito papalayo. Nakatingin lang ako sa likod n'ya hanggang sa lumiko na s'ya sa akbilang street. "Mind to explain what happened?" tanong ni kuya sa akin at sinara na ang pinto. Napatingin ako sa relo ko at nakitang 8:20 na pala. "You heard what he said," sagot ko sa kan'ya. "Wala kaming taxi na nakita kanina." Agad na kinuha ni kuya ang kamay ko at tinignan ang dalawang siko ko. Napakunot ang noo n'ya nang makitang may band aid ito. Napatingin din s'ya sa noo ko kung saan may bukol. "What happened to you?" tanong nito. "I was playing badminton. May bola na tumama sa noo ko," sagot ko dito at binawi ang braso ko. "Okay na? Can I go to my room now?" tanong ko dito. Hindi ko na s'ya hinintay na sumagot at umakyat na ako. Pagkapasok ko sa kwarto ay binuksan ko ang ilaw at ni-lock ang pinto. Umupo ako sa kama at nilapag sa sahig ang bag ko. Napatingin ako sa salamin ko. Nakita ko ang sarili ko doon. Halata sa mga mata ko na umiyak ako. Tumayo ako at nagpunta sa bathroom para mag-halfbath. Matapos kong mag-shower ay nagpalit na ako ng pangtulog. Umupo ako sa kama at napatingin ako sa pinto ko nang marinig kong kumatok doon si kuya. "Mika, kumain kana ba ng dinner? dinalhan kita ng pagkain," sabi nito pagkatapos n'ya kumatok. "Iiwan ko na lang 'tong tray dito malapit sa pinto mo." Tumayo ako at nagpunta sa pintuan ko. Pinatong ko ang tainga ko sa pintuan at pinakinggan kung nasa labas pa ba ito. Nang wala na akong marinig ay binuksan ko ang pinto at nakita ang pagkain na hinanda sa akin ni kuya. Kinuha ko ito at nilapag ito sa table ko. Naamoy ko agad ang egg soup, fried chicken at java rice na gawa n'ya. May tubig din itong kasama. Nakaramdam agad ako ng gutom kaya naman kinain ko na ito. Hindi pa nga pala ako nagdi-dinner. Kontng ice cream lang ang nakain ko kanina. Bigla ko namang naalala si Chaz at ang inakto ko sa kan'ya. Napailing na lang ako at napabuntong hininga. Bakit ko ba iniisip to? Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. SInuklay ko na rin ang buhok ko at umupo ako sa kama. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang social media account ko. Nakita kong may nag-add sa akin kaya naman tinignan ko kung sino ito. "Chaz Dansil," mahina kong sabi sa pangalan n'ya. Nagpunta ako sa message request at nakita kong may message ito sa akin. I'm sorry about earlier, Ate Mika. I promise I will be careful next time. I hope we're still friends. Inaccept ko ang friend request n'ya pero hindi ko na s'ya nireplyan. Humiga ako sa kama at tinignan ang timeline n'ya. Chineck ko ang friend list nito at nakita ko ang account ni Chase Javier. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa aking pindutin ang account n'ya. Tinignan ang display photo nito. Nakaupo s'ya sa kotse at nakatingin lang ng seryoso sa camera. Naka-private ang account nito kaya naman hindi ko kita ang mga posts n'ya. Bigla kong naalala ang pagtulong n'ya sa akin kanina. Naalala ko ang pakiramdam nang pagpatong ko ng mga kamay ko sa braso n'ya at ang amoy mint n'yang buhok. Naalala ko rin ang pagbuhat n'ya sa akin. "Mika what the hell are you thinking?" agad kong tanong sa sarili ko at umiling. Binack ko ang account ni Chase at nakita ko sa recommended friends ko ang account ni Liam Conner. Napakunot ang noo ko at pumunta ako sa account nito. Nakatalikod s'ya sa display photo n'ya habang nakasuot ito ng itim na jacket pero makikilala mo ito agad dahil sa pulang buhok nito. Naalala ko ang unang pagkakilala namin sa forest. Tinulungan n'ya ako noon. Dalawang beses n'ya na ako tinulungan. Tuwing nakikita ko rin s'ya ay laging may band aid ito sa mukha at may mga sugat. Bakit kaya palaging napapaaway si Liam?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD