CHAPTER SIXTY THREE

2980 Words
Mikaella's P.O.V. Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng kaonting init sa balat ko. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at nakitang nasa balcony ako. Agad na napakunot ang noo ko. Bakit ako nandito? Nakaupo ako habang nakasandal ang mukha ko sa lamesa. Napatingin ako sa braso ko at nakitang nakakumot ako. Napatingin ako sa langit at nakakasilaw ito. Presko at malamig rin ang hangin ngayon. Ginala ko ang paningin rito sa balcony. Ako lang ang mag-isa dito. Napatingin ako sa puting papel sa gitna ng lamesa. Sino nag-iwan nito? Kinuha ko ito at binasa. Thanks for helping us, Mika. - Chase. Agad kong naalala kung bakit ako nandito. Nagpunta nga pala sila Chase at Earl dito kagabi. Ginawa namin ang project nilang Minitature house hanggang sa matapos namin iyon at antok na antok na ako. Natigilan rin ako saglit nang maalala ang sandaling pag-uusap namin ni Chase bago ako tuluyang nakatulog. Marami akong tinanong sa kan'ya at isa na ang pagtanong ko kung iisa ba s'ya sa mga killers. Alam kong ang tanga ng tanong kong iyon dahil sino ba naman ang aamin na killer sila? Napakunot pa ang noo ko nang maalalang pagkapikit ko nang mga mata ko ay narinig kong may sinabi si Chase. Pilit kong inisip kung ano ang sinabi n'yang iyon pero kahit anong gawin ko ay hindi ko ito maalala. Masyadong antok na ako kagabi at mahina ang boses n'ya. Napabuntong hininga ako at napatingin sa pinto nang bumukas iyon. Nakita ko si Kuya na nakabihis na at may hawak itong tray. Lumapit s'ya sa akin at nilapag ag tray. Nakita ko ang dalawang cup ng coffee at dalawang plato na may lamang pancakes, whipped cream, strawberry at chocolate syrup. "Let's eat breakfast here," sabi nito at ngumiti. Umupo s'ya sa kaharap kong upuan. Binigay n'ya sa akin ang isang cup ng coffee at isang plato na may pancakes. Tinago ko naman sa bulsa ng track pants ko ang papel na iniwan ni Chase. Tiniklop ko rin ang kumot at nilapag ito sa bakanteng upuan sa pagitan namin ni kuya. "Hindi kaba magtatanong kung sino ang nagkumot sa'yo?" tanong ni kuya habang kumakain ng pancake. Uminom ako ng coffee at hindi sumagot. Nakatingin lang ako sa kan'ya. Hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko. "Pinuntahan ako ni Chase nang makatulog ka. Humingi s'ya ng kumot sa akin at binigay 'yon sa'yo," sabi nito at nilapag ang fork sa pinggan n'ya. Napatigil ako saglit sa pagnguya ng pancake dahil sa sinabi n'ya. "Dahil natapos n'yo na 'yung miniature house, umalis na rin sila ni Earl. I think around 4:00 a.m. sila nakaalis," dugtong pa nito. Napatingin ako sa kumot sa bakanteng upuan . Bakit kinimutan pa ako ni Chase? bakit hindi na lang sila ni Earl nagpaalam kay kuya at umuwi na lang? "It's already 7:00 A.M. I know puyat ka, papasok kapa ba?" tanong ni Kuya at inubos na ang coffee nito. "Yeah," sagot ko sa kan'ya. "Mag-ready kana. 8 A.M. ang class mo ngayon di'ba?" "Oo," sagot ko sa kan'ya at nang ma-realize na isang oras na lang at oras na nang klase ko ay binilisan ko na kumain. Narinig ko namang natawa si Kuya dahil sa reaksyon ko. Nilagay n'ya na sa tray ang pinggan at cup n'ya. "Ibababa ko na ba 'to or gagamitin mo rin yung tray?" tanong n'ya. "Ako na magbababa ng tray," sagot ko sa kan'ya at sinubo ang strawberry sa pancake. "Okay. Una na ako. Ingat ka pagpapasok and pag-uuwi, okay?" sabi ni Kuya habang nakatingin sa relo nito. "Okay," sagot ko sa kan'ya. Nakita ko namang naglakad na ito papasok. Nang maubos ko na ang pancake ay inubos ko na rin ang coffee at nilagay ang mga ginamit kong kainan sa tray. Narinig kong umandar na ang makina ng kotse ni kuya. Napatayo ako at lumapit sa railings. Sinilip ko s'ya at nakita kong papalayo na s'ya. Napabuntong hininga ako at napahawak a railings. Sobra ang effort ni kuya sa akin ngayon. Hindi naman s'ya ganito noong buhay pa sila Mommy. Ngayon lang s'ya naging ganito at alam ko kung bakit nag-eeffort s'ya. Dahil gusto n'yang mapatawad ko s'ya. Naglakad na ako papunta sa lamesa at binuhat ang tray. Nang makapasok na ako sa loob at isasara ang pinto ay napalingon ako sa railings. Naalala ko ang itsura ni Chase na nakasandal doon at nakatngin sa buwan. Umiling na lang ako at sinara ang pinto. Kailangan ko nang bilisan. Baka ma-late pa ako. ××× "Good Morning, Class," bati sa amin ni Professor Dannica pagkapasok nito sa loob ng classroom. Lahat kami ay tumayo, "Good Morning, Miss Dannica!" agad na sagot ng mga classmates ko. "Maupo na kayo," utos nito sa amin. Nagsiupuan naman na kami at kinuha ko na ang libro ko sa general chemistry. "Midterm n'yo na next week kaya magpapa-recite ako this coming friday," announcement sa amin ni Professor Dannica habang nakaupo at nakatingin sa laptop n'ya. Napangiwi ako nang maalalang midterm na nga pala namin next week. Buong week ay exam day. Hell week. "Hindi ako magle-lesson ngayon. Gusto ko mag-group study kayo pati bukas thursday, at sa friday ay recitation," sabi pa nito at tinignan kami. "Clear ba, STEM A?" "Clear na clear po ma'am!" rinig kong malakas na sabi ni Vince. Napatingin ako sa lalaking iyon at nakitang sa iba na naman ito nakapwesto. Nakaupo s'ya ngayon sa tabi ni Vivian at napapalibutan s'ya ng mga babaeng kaibigan nito. Napahalumbaba na lang ako dahil dito. Halata mong playboy ang isang ito. Parang noong nakaraan lang ay sinubukan n'ya akong liwagan. Binigyan n'ya ako ng chocolates non na kinuha lang rin ni Kael sa akin. "Good. Quiet lang kayo while nag-sstudy group. Ginagawa ko na ang midterm exam n'yo," sabi nito sa amin at binalik na ang tingin sa laptop n'ya. Binuklat ko na lang ang libro at parang gusto ko na lang matulog nang makita ang mga ni-lesson namin dito. Hindi ko hilig ang mga gamito. Bakit ba kasi STEM ang napili kong strand? Napabuntong hininga ako nang maalala na si Kross ang nagsabi sa akin na ito ang kuhain ko. Sabi n'ya ay bagay daw ito sa akin. Matalino naman daw ako at enjoy daw ang Stem. Dahil uto-uto ako noon sa kan'ya ay pumayag naman ako. "Hey, Mika." Napataas ang tingin ko kila Kael at Cara na nakatayo sa gilid ko habang nakangiti at may bitbit na libro ng subject namin ngayon. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko alam kung bakit sila nandidito ngayon. 'Nabo-boring na kami ni Cara sa mukha ng isa't isa," sabi ni Kael. "Inshort, niyayaya ka ni Kael na sumali sa group study namin," sabi ni Cara sa akin at tinaas ang general chemistry nitong libro. "Sure," sagot ko sa kanila dahil wala naman akong gaanong natutunan sa subject na ito. Matalino silang dalawa at alam kong may mga matutunan ako sa dalawang ito. Lagi kasi akong tulala o wala sa sarili tuwing subject na ni Professor Dannica. Kinuha nila ang dalawang upuan na bakante at lumapit sa table ko. Nilapag nila ang mga libro at ballpen nila sa lamesa. Napatingin ako sa paligid at nakitang halos lahat ay may kaniya-kaniyang grupo na. Napalingon ako sa likuran ko at nakita si Loui na nag-iisa. Nakatingin lang ito sa general chemistry book namin. Nang mapansin n'yang nakatingin ako sa kan'ya ay napaangat ang tingin n'ya papunta sa akin at nakita kong napakunot ang noo nito. "Bakit hindi natin isali si Loui?" tanong ko kila Kael at Cara atsaka tinignan sila. "Sure. The more, the merrier," nakangiting sabi ni Cara at lumapit kay Loui. Inalok n'ya si Loui na sumali sa amin at mukhang napilitan na lang ito dahil hindi s'ya tatantanan ni Cara hanggang hindi s'ya pumapayag. Inusog ko ang table ko sa bandang gitna para sa may ma-pwestuhan ng upuan si Loui. Pagkalapag n'ya ng book n'ya sa lamesa ay nakita kong tinignan ako nito ng masama. Narinig n'ya siguro ang sinabi ko kila Cara at Kael. "So, ang magiging cover ng miderm natin is lessong 45-65," sabi ni Kael kaya naman hinanap ko ang pahina ng lessons na iyon. Napatingin ako kay Loui at nakitang tahimik lang ito na naglilipat rin ng pahina. Naalala ko ang sinabi n'ya noon sa akin. Na hindi ako dapat nag-transfer sa paaralang ito. Na hindi dapat kami lumipat ni kuya dito sa Moonbridge town. Hindi n'ya pa ako sinasagot tungkol doon. Hindi ko alam kung ang tinutukoy n'ya ba sa mga sinasabi n'ya ay related sa mga killers. Pakiramdam ko ay may alam s'ya at kailangan ko s'yang mapilit na sabihin sa'kin lahat ng nalalaman n'ya. Pero paano? "Oh, this one," sabi ni Cara nang mahanap na ang pahina ng lesson 45. "Gets ko naman 'tong lesson na 'to. Actually perfect ako noong nag-quiz tayo about this lesson." "How about you Loui?" tanong ni Kael kay Loui. Pinakita ni Loui ang libro n'ya na maraming highlights at may mga nakasingit pa na notes. Mukhang inaral n'ya rin ito ng mabuti. Nakaramdam ako ng hiya dahil ako lang ata ang hindi nakikinig sa aming apat sa mga lessons ni Professor Dannica. Napatingin naman sa akin si Kael. "Ikaw, Ms. Evergreen?" tanong nito. ××× Uwian na at naglalakad ako ngayon sa hallway. Halos wala kaming ginawa o lessons ngayong araw. Puro pina-review lang kami para sa darating na midterm. Medyo busy din ang mga Professors dahil ginagawa na nila ang mga midterm exams namin. Habang pababa sa hagdan ay nakita ko sila Earl at Chase. Napatingin silang dalawa sa akin at agad na ngumiti at kumaway si Earl sa akin. Tinaas rin nito ang hawak n'yang project nila ni Chase na ginawa naming miniature house. Pagkababa ko ay agad akong sinalubong ni Earl at nilapit sa mukha ko ang miniature. Napakunot ang noo ko at tinignan ang maliit at puting papel na nakadikit dito. "A+?" tanong ko sa kan'ya. Binaba naman n'ya ang miniature house at ngumiti. "Yep! thank you Mika!" masaya nitong sabi at yayakapin sana ako pero humarang sa amin ang miniature house kaya hindi ito natuloy. Natawa na lang s'ya at napangiti na lang ako dahil ito. "Sobrang thankful talaga kami ni Chase. Kami pa nakakuha ng pinakamataas na grade sa project na 'to," sabi n'ya habang nakatingin sa miniature house. Pinagmasdan ko iyon at napangiti rin ako. Actually, tinulungan ako ni Kross sa design na 'yan. Mataas rin ang grade na nakuha ko noon sa project ko. Two story house ito na modern style. May itim na gate, may mga puno at d**o. Kulay puti naman ang bakod at pader. May glass wall rin ito na gawa sa plastic cover. Niligyan rin ito nila Earl nang ilaw na de-battery. Mukhang mas maganda ito sa medyo madilim na lugar. "Dahil sa kabaitan na binahagi mo sa amin ni Chase, ililibre ka namin ng kahit anong gusto mo!" sabi ni Earl. Napansin kong agad na napatingin si Chase sa kan'ya habang nakakunot ang noo nito. Mukhang hindi sila nakapag-usap tungkol dito. Mukhang iniiwasan n'ya pa rin ako. "Sure," sagot ko kay Earl habang nakangiti at tinignan si Chase na nag-iwas lang ng tingin. "Yown. Saan mo gusto kumain or pumunta?" tanong ni Earl. "Saan ba dito may pinakamasarap na store na may ramen?" tanong ko sa kan'ya. "Sakto, nagce-crave din ako sa ramen ngayon. Don't worry, may alam kami ni Chase. Let's go!" aya nito. Sumabay ako sa paglalakad ni Earl habang nasa likod lang namin si Chase na tahimik. Pagkalabas namin sa Willton's Academy ay agad kaming dumiretso sa parking area at sumakay sa kotse ni Chase. Nalaman kong kay Chase pala itong kotse na ginagamit nila lagi. Mukhang mayaman o may kaya ang pamilya ni Chase. "40 minutes na byahe pala papunta doon," sabi ni Earl habang nakatingin ito sa phone n'ya. Nasa driver's seat si Chase habang nasa likod naman kami ni Earl. "Bakit 40 minutes?" tanong ko dito. Hindi naman kasi usually ganon kalayo ang mga paslayan o kainan dito sa Moonbridge town dahil maliit lang ang lugar na ito. "Oh, I forgot to mention na medyo lalayo tayo sa moonbridge town," paliwanag ni Earl kaya agad akong napatingin dito. "But don't worry. Konting layo lang naman. Besides, worth it din sa place na 'yon. You'll know once na nandoon na tayo." Tumango tango na lang ako bilang sagot. Medyo kinakabahan ako dahil malayo layo ang pupuntahan namin. Hindi ko naman talaga kilala silang dalawa kaya wala akong tiwala sa kanila at kahit kailan ay hindi ako magtitiwala sa mga estudyante ng Willton's Academy at sa mga tao ng Moonbridge town. "You can sleep habang wala pa naman tayo doon," sabi ni Earl sa'kin. "No, it's fine," sagot ko rito. Kahit na medyo inaantok ako ay ayokong umidlip lalo na't nasa kotse ako ng ibang tao. Kinuha ko na lang ang phone at earphone ko. Nilagay ko sa tainga ko ang earphone pero hindi ako nag-play ng kanta para pagmag-uusap ang dalawa ay maririnig ko sila. Nakita kong nag-send si Kross ng picture sa'kin. Agad kong binuksan ang conversation namin at tinignan ang sinend n'ya. Napangiti ako nang makitang selfie n'ya ito sa isang favorite naming kainan ng chicken wings sabayan pa ng beer. Nag-send ito ulit ng picture at muntik na akong matawa nang makitang may tatlong wings ang bibig nito at pinalaki n'ya pa ang mata n'ya. Agad naman akong nag-reply dito. Baliw. Nag-send ulit s'ya ng picture n'ya na nakanguso at mukhang malungkot kaya nag-reply ako ulit agad. Sino kasama mo kumain d'yan? Sila Paolo, Yriz at Xyra. Classmates ko. How about you? tapos na class mo? Napairap naman ako nang malamang kasama n'ya si Yriz at Xyra. Mga kinaiinisan kong babae sa dati kong school. Yeah, tapos na. Matapos kong mag-reply ay binalik ko na ang phone sa bulsa ng skirt ko at tumingin na lang sa bintana. Nakita ko ang mga bahay at building na nadadaanan namin. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito. First time ko lang ata makarating dito. Napansin ko ring mas kokonti ang mga tao sa labas dito. "Can I ask a question?" tanong ko kay Earl at inalis ang earphone sa kaliwang tainga ko. "Yes? ano 'yon?" tanong nito at tumingin sa akin. "Moonbrigde Town is kinda weird. Talaga bang hindi palalabas ang mga tao dito? sa place kasi namin ni kuya, maaga nagsasara ang mga nakatira don. Sobrang bihira lang rin ako makakita ng maraming tao don lalo na mga bata," mahabang sabi ko rito. "Well," huminto saglit si Earl at nakita kong tumingin ito sa salamin sa harap. Nakita ko si Chase na nakatingin sa amin. Agad naman n'yang binalik ang atensyon sa daanan. "Actually, kaya one of the peaceful town ang Moonbridge ay dahil desiplina ang mga tao rito. Maaga talaga sila nagsasara ng mga bahay at bihira lang maglalabas. School, work at gala lang ang dahilan para lumabas sila," sabi ni Earl sa akin at ngumiti. "Ahh." Tumango-tango na lang ako at binalik ang tingin sa bintana. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may kulang sa sinabi ni Earl. SInuot ko na lang ang isang earphone sa kaliwang tainga ko at tumingin sa labas. Nakita kong puro halaman at puno na ang nadadaanan namin pero may mga kotse rin kaming kasabay dito at nakakasalubong. Sinandal ko na lang ang ulo sa bintana at nanahimik. Matapos ang mahigit na 40 minutes na nakaupo sa kotse ay huminto na ang sasakyan. Binalik ko ang phone at earphone sa bulsa ng skirt ko. Tumingin ako sa bintana at nakita ang mga puno sa paligid at may ramen shop sa harap na japanese style ang building. "5 p.m. na pala. Tara na," yaya ni Earl at nauna itong lumabas. Lumabas na rin kami ni Chase sa kotse. Nakita kong may mga iilang kotse rin ang naka-park rito at may mga motor rin. Napatingin ako sa paligid at napansin na medyo mataas ang lugar na ito kaya nagpunta ako sa gilid. "Nasa mababang bundok tayo. Malapit sa nature ang Moonbridge town." Napatingin ako sa tabi ko. Nakita ko si Chase na nakatayo dito at nakatingin rin sa mga building habang hinahangin ang itim nitong buhok. Binalik ko ang tingin ko sa view bago pa s'ya mapatingin sa akin. "Guys! let's go inside. May table na tayo," rinig kong tawag sa amin ni Earl. Napatingin ako kay Earl na nakatayo sa harap ng pintuan ng Ramen shop. Tinignan ko si Chase at tumango lang s'ya sa akin. Naglakad na kami papunta sa Ramen shop. Nakita ko ang malaking Japanese lantern na kulay pula sa gilid ng entrance. May mga bamboo rin dito sa labas at may aquarium na may koi fish. Agad naman na kaming pumasok sa loob. Nakita kong marami ring palang kumakain dito. Naka-japanese na uniform ang mga staffs dito. "Nakalimutan ko rin palang sabihin sa'yo na Japanese ang Ramen shop na 'to," bulong ni Earl sa akin. SInundan naman namin ang isang babaeng nakasuot ng yokatta papunta sa parang balcony nitong ramen shop. Pagkalabas namin rito ay nakita ko ang view ng mas maayos at malawak kaysa sa kanina. Umupo kami sa tabi ng railings. Inabutan kami isa-isa ng menu ng babae. Sinabi namin ang order namin dito at tumango lang ito at umalis na. Agad ko namang ginala ang paningin rito. Sobrang lawak ng balcony dito. Maraming table rin dito at ang iba dito ay walang nakaupo. Nakita ko ang mga bilog na halaman sa pailigid. May mga puti at malalaking marbles din sa gilid. Gawa sa kahoy naman ang sahig rito. Napatingin ako sa itaas at nakita ang mga bilog at maliliit na ilaw. May mga veins o halaman naman sa kahoy na bubong. Sobrang ganda dito. May aquarium din malapit sa amin na may mga koi fish. "I told you. Worth it ang pagpunta natin dito," sabi ni Earl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD