CHAPTER SEVENTY FIVE

1033 Words
Mikaella's P.O.V. "Take care, Kross," sabi ko kay Kross na nakasakay na ngayon sa kotse n'ya. Tumingin s'ya sa akin at ngumiti. Mas binaba n'ya pa lalo ang window para makita ko s'ya. "Will do," sabi n'ya. "Pasok kana. Pauwi na rin si Mike. I called him kanina lang. May dala s'yang foods for you." "Hindi mo na ba s'ya iintayin talaga?" Tanong ko sa kan'ya. "Hmm, sa susunod na lang. May gagawin pa kasi ako eh," sagot n'ya. "Okay then," mahina kong sabi at umatras. "Bye, Kross." Kumaway ako sa kan'ya at narinig kong mas lumakas na ang tunog ng makina ng kotse n'ya. "Bye Mika. Balik ako soon. Ingat ka d'yan, okay?" Sabi nito. Hindi ako nagsalita at ngumiti lang sabay tungo sa kan'ya. Ngumiti ulit s'ya sa akin at tumingin na sa daanan. Sinara n'ya na ang bintana at nagsimula na itong mag-drive papalayo. Nakatayo lang ako sa labas habang pinapanood ang kotse n'ya na palayo nang palayo. Nang makitang lumiko na iyon palabas sa street namin ay napabuntong hininga na lang ako. Napatingin ako sa maaliwalas na langit. Nagtatago ang araw sa makakapal na ulap kaya hindi nakakasilaw ito pagmasdan. Marami ring ibon ang lumilipad ngayon sa langit. Malakas at presko din ang hangin kaya ang sarap tumambay dito sa labas. Tinignan ko ang phone ko at nakitang 3:30 p.m. na pala. Pasalamat talaga ako kay Kross dahil na-gets ko na ang mga lessons sa general math na hindi ko naintindihan sa school. Binalik ko na ang phone sa bulsa ng suot kong short at pumasok na ulit sa loob ng bahay. Sinara ko ang pinto at umupo na muna sa sofa. Humiga ako dito at pinagmasdan ang kulay puting kisame. Hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay sa bagong tirahan namin ni Kuya. Nakakapanibago parin. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko ito. Nakita kong may message sa akin si kuya. 2 hours pa daw bago s'ya makauwi. Mukhang medyo malayo rin ang resort na pinuntahan nila. Binuksan ko ang social media account ko at nakita ko ang mga pictures na naka-tag kay kuya. Nakita ko ang mga kasama o katrabaho n'ya. Madami sila at mukha naman s'yang masaya. Ilalapag ko na sana ang phone ko sa gilid na lamesa nang makitang may mag-add sa akin. Agad kong tinignan kung sino ito. Itim lang ang display photo nito at ang pangalan ng account nito ay letter C lang. Napakunot ang noo ko dahil dito. Pinindot ko ang itim nitong display photo. Hindi pala ito picture lang. Video ito. Tinaasan ko ang brightness ng phone ko at pinagmasdan ng maigi ang video profile nito. Nakakapagtaka dahil wala namang kahit na ano sa profile video n'ya. Iba-back ko na sana ito nang biglang may lumabas na apat na lalaking nakasuot ng clown mask sa video profile. Muntik ko nang mabato ang phone ko dahil sa gulat. Mabuti na lang ay napigilan ko pa ang sarali. "Sh*t," mahina kong sabi at napapikit dahil sa malakas na kabog ng puso ko. Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang apat na nakasuot ng clown mask. Napakunot ang noo ko nang makitang pamilyar ang suot nilang maskara. Ito yung suot ng mga killers at magnanakaw na pumasok sa bahay namin! sila din ang nakita ko rito sa Moonbridge Town. Agad akong napatayo at tinignan ang timeline ng account na ito. Walang kahit na anong naka-post dito bukod sa video profile niyo. Inadd din ako ng mga ito. Hindi ko alam kung ia-accept ko ba ito o hindi. Kailangan kong mag-isip ng mabuti. "Anong gagawin ko?" mahina kong tanong sa sarili at nagpaikot ikot sa sala. Alam kong pagsinabi ko ito ay Kuya ay hindi n'ya ako paniniwalaan. Paano pa kaya sa mga police? Kailangan ko muna makahanap ng ebidensya laban sa kanila. Pero paano? Napatingin ako sa friend request nila sa akin. Wala na akong ibang maisip pa na paraan. Napalunok ako at nilapit ang daliri sa "Accept". Huminga ako nang malalim at nang pipindutin ko na ito ay napatingin ako sa pintuan nang may kumatok dito. Napakunot ang noo ko dahil impossibleng si Kuya naman ito. Malayo pa s'ya. Hindi rin naman ito si Kross dahil hindi ko narinig ang kotse n'ya at kung babalik man s'ya, magsasabi muna s'ya sa akin. Lumakas ang katok at pinatay ko ang phone ko. Pinasok ko ito sa bulsa ng suot kong short at dahan-dahan na naglakad papunta sa pinto. Nang nasa tapat na ako nito ay tumigil ang pagkatok. Napatingin ako sa bintana sa gilid. Kahit may araw pa ay walang mga tao sa labas. Naalala ko ang nangyari nung nakaraang gabi sa akin. Grabe ang takot at kaba na naramdaman ko non. Hindi ko alam kung sino ang tao sa labas kaya naman kinuha ko ang flower vase sa gilid at hinawakan ito ng madiin. Hinawakan ko ang malamig at pabilog na door knob. Dahan-dahan ko itong pinihit at- "Ate Mika!" Napatigil ako nang makita si Chaz na nasa harap ko habang nakangiti at may hawak na paper bag. "Chaz?" nakakunot noo kong tanong dito. "Anong ginagawa mo dito?" "Galing ako sa coffee shop. Napadaan lang rin ako dito kaya naisipan kong bisitahin ka." "Pano mo nalaman address ko?" naguguluhan kong tanong dito. "Sinabi sa akin ni Kael," sabi nito at napakamot sa ulo. "Sorry, Ate Mika hindi ko sa'yo nasabi. Gusto lang sana kita i-surprise visit." "Okay lang." Tumango ako at binaba ang hawak na flower vase. Nakita kong napatingin s'ya rito at napakunot ang noo. "Bakit ka pala may hawak na flower vase?" tanong n'ya. "Ahh, naglilinis kasi ako ng mga flower vase sa bahay. Medyo madumi na kasi." Pagdadahilan ko at ngumiti. "By the way Ate Mika, binilhan kita doughnuts. Napadaan lang din ako dito para iabot sa'yo to." Inabot n'ya sa akin yung paper bag na dala n'ya. "May exam pa tayo bukas. Goodluck Ate Mika!" nakangiti nitong sabi. "Thank you, Chaz," sabi ko rito. "Goodluck din." "Una na ako. Bye bye!" kumaway s'ya at naglakad paatras. Ngumiti ako at kumaway rin sa kan'ya hanggang sa tumalikod na s'ya at naglakad papalayo. Napatingin na lang ako sa binigay n'ya sa akin at nakitang chocoate ang flavor nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD