CHAPTER SEVENTY SIX

1006 Words
Mikaella's P.O.V. Monday. Exam day. Hell week. "Time's up. Pass your exam papers, Class," malakas na sabi ni Professor Hanji at tinaas ang kamay nito. Nilapag ko naman na ang ballpen ko at tinignan ang exam papers ko. 2 pages ito. May extra sheet pa para sa solving problems. "Here's mine, Mika," rinig kong sabi ni Loui sa likuran ko na inaabot ang exam papers n'ya. Kinuha ko ito at pinatong ang exam papers ko tapos ay pinasa sa tao sa harapan ko. Tinignan ko ang mg classmates ko at nakitang nagpapasahan na rin sila. Ang iba sa kanila ay ayaw pa ipasa dahil mukhang hindi pa nila tapos. After ilang minutes ay naipasa na kay Professor Hanji ang lahat ng exam papers. Kinolekta n'ya na ang mga ito at tinignan kami tapos ay chineck ang test papers. Binibilang n'ya ito para masiguradong naipasa na ang lahat. Napatingin ako sa puting relo ko at nakitang limang minuto na lang at matatapos na ang oras ni Professor Hanji. Dalawang oras ang lahat ng subjects ngayong exam week. Dalawang subject lang din per day kaya maaga ang uwi namin. "Class dismissed. Break time na kayo, Class," sabi ni Professor Hanji sa amin habang nililigpit na ang mga gamit n'ya. Naunang tumayo si Kael at sumunod naman kami rito. "Goodbye, Mr. Hanji!" Sabay-sabay na sabi ng mga classmate ko at nag-bow. "Goodbye, Class!" Nakangiting sabi ni Professor Hanji at sinuot na ang itim na bag. "Kumain kayo lahat ng madami. Dahil exam week ngayon ay alam kong mapapagod kayo especially mentally. Mag-aral ng mabuti but don't forget na alagaan nag sarili, okay ba?" "Yes po, Mr. Hanji! Thank you po!" Sagot ng mga classmates ko. "Kayo rin po! Kain kayo madami. Alam naming na-sstress kayo sa amin," sabi ng mga lalaki sa likod. Tumawa lang saglit si Professor Hanji at lumabas na ito ng classroom. Napaupo naman na ako at nginudngud ang mukha sa lamesa ko. Pinikit ko rin ang mata ko dahil nakaramdam ako ng antok. Mabuti na lang at nasagutan ko ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung hindi pumunta si Kross s bahay at tinuruan ako ng maigi sa general math. Ang subject na hirap na hirap ako ever since bata pa lang kami. "Mika!" Napadilat ako at tinignan si Kael na nakatayo sa gilid ng table ko. "Sabay kana sa amin ni Cara kumain?" Alok n'ya. Umiling ako sa kan'ya. "Busog pa ako. I'll take a nap for now." "Ganun ba? Hindi kaba magpapabili man lang ng pagkain?" Tanong n'ya pa. Isang oras ang break time namin. Sigurado akong medyo magugutom ako mamaya. Biology pa naman ang susunod naming exam. "Kung okay lang magpabili," mahina kong sabi at tinaas ang ulo. "Okay lang. Ano ba gusto mo?" Tanong n'ya. "Egg sandwich or bacon sandwich lang," sabi ko at nilabas ang wallet para bigyan s'ya ng pera. "And Apple juice." Inabot ko sa kan'ya ang pera at tinggap n'ya naman ito. "Noted! Siguro after 40 mins bago kami makakabalik dito ni Cara," sabi n'ya. "It's fine. Hindi pa naman ako gutom," sabi ko sa kan'ya at nginudngud na ulit ang mukha sa lamesa. Narinig kong napatawa s'ya ng mahina dahil sa ginawa ko. "Okay, okay. Una na kami ni Cara," paalam n'ya. Nag-thumbs up lang ako sa kan'ya at nakita kong naglakad na s'ya papunta kay Cara at lumabas na sila ng classroom. Napatingin naman ako sa mga iba ko pang classmates. Konti lang kami rito sa loob. Karamihan sa kanila ay nagpuntahan ng cafeteria para bumili or kumain. Ang iba naman ay mayroong mga baon na pagkain at mayroon rin namang hindi kumakain. "How's the exam?" Rinig kong tanong ni Loui. Napatayo ako ng ulo at nilingon s'ya. Nakasandal s'ya sa upuan n'ya at hawak-hawak ang itim na libro n'ya habang nakatingin doon. Nakatagilid ng konti ang buhok n'ya ngayon kaya kitang kita ang buo n'yang mukha kahit nakasuot ito ng salamin. "Fine, I guess," mahina kong sagot. "Ikaw?" Tumingin s'ya sa akin at inayos ang suot na salamin. "What do you expect from me?" Tanong nito. Napairap na lang ako at sinamaan ang tingin sa kan'ya. Alam ko namang matalino s'ya pero sana hindi na n'ya pinagmayabang pa. Okay naman ako sa ibang subjects and mataas ang grades ko pero sa math lang talaga ako pwedeng bumagsak. "Good for you," sagot ko sa kan'ya. Binalik naman n'ya na ang tingin sa librong binabasa n'ya. Tinignan ko iyon at nakitang bago ito pero murder case din ito. "Bakit mo pala ako biglang kinakausap?" Tanong ko sa kan'ya at hinarap ang upuan ko. Nakita kong napatingin ang iilang classmates namin sa amin pero hindi ko ito pinansin. Nakita ko ring nagbubulungan sila Vivian. "Nothing," tipid na sagot ni Loui. "May hindi kapa sinasabi sa akin, Loui," mahina kong sabi rito. Napatingin s'ya sa akin at seryoso lang ang mukha nito. "Just a month ago, you want to move out. Gusto mong umalis rito sa Willton's Academy at dito sa Moonbridge town," nakakunot noo kong sabi. "But now, you changed. What happened?" Binalik n'ya ang tingin sa libro n'ya at inayos ang suot na salamin kahit na maayos naman iyon at hindi nalalaglag. "Why do you want to know?" Tanong n'ya. "I'm just curious," agad kong sagot. "Do you really want to know, Mikaella Evergreen?" Tinignan ko s'ya ng seryoso. "Yes," madiin kong sagot. "Beacuse I'm curious too. I want to see everything na mangyayari dito sa Moonbridge town. I want to witness it all." Mas lalo akong naguluhan dahil sa sinabi nito. "What do you mean, Loui?" Hindi s'ya sumagot at ngumisi lang tapos ay nilipat na ang susunod na pahina ng libro na binabasa n'ya. Magsasalita pa sana ako pero mas pinili ko na lang na itikom ang bibig ko. Alam ko namang kahit anong pilit ko sa kan'ya ngayon, hindi n'ya na ako sasagutin. Inayos ko na lang ang upuan ko at napatulala sa lamesa ko. Tinignan ko ang itim kong ballpen. "Damn," mahina kong sabi at napabuntong hininga na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD