CHAPTER EIGHTEEN

1593 Words
Mikaella's P.O.V. "We're going to play basketball and volleyball sa monday," sabi ni Professor Neo Quan habang nakapatong ang dalawang kamay sa table n'ya at nakatingin sa amin. "Basketball for boys and volleyball for girls." Narinig kong nagbulung-bulungan ang mga classmates ko. Masasaya ang lahat ng boys at may iilan sa babae ang mga mukhang ayaw maglaro ng volleyball. Hindi ako marunong mag-volleyball at isa ito sa mga sports na ayaw ko. Hindi ko rin gusto ang basketball. Ang lahat ng sports na may bola ay sadyang hindi para sa akin. Tuwing nanonood ako sa court ng mga naglalaro ng basketball at volleyball ay tinatamaan ako lagi ng bola sa ulo o kaya ay sa braso. Minsan pa ay nakatayo ako at nakatalikod ay bigla pa rin ako natatamaan. Pakiramdam ko ay may galit sa akin ang mga bola kaya iniiwasan ko ang mga sports na 'to. Badminton lang ang kaya kong laruin. Lahat kami ay napatingin sa speaker sa kisame sa dulo nang tumunog ito. Ibigsabihin ay oras na para umuwi. Narinig ko namang nagye-yes ang mga iilan sa amin dahil gustong gusto na nila umuwi. "That's all for today," sabi ni Professor Neo Quan at niligpit ang mga gamit n'ya. Nagsimula na rin akong magligpit ng gamit ko. Nilagay ko na sa bag ang notebook, book at ballpen ko. Napatingin ako sa oras at nakitang 4 P.M. na. Iba iba ang schedule namin kaya minsan ay naiiba rin ang oras ng uwi namin. Tumayo naman na kaming lahat matapos magligpit ng gamit at humarap kay Professor Neo Quan. Ayos na rin n'ya ang mga gamit n'ya at tumingin s'ya sa amin. "Goodbye, Class STEM-A!" Malakas na sabi nito. "Goodbye, Professor Neo Quan!" Agad na sagot ng mga classmate ko. Napatingin ako kay Kael dahil boses n'ya ang nangingibabaw lagi. Well, trabaho n'ya rin naman ito dahil s'ya ang class president namin. Nag-bow na kami kay Professor Neo Quan at nakita kong ngumiti lang ito tapos ay lumabas na ng classroom. Agad ko nang sinuot ang bag ko at napatingin ako sa harap ko nang makitang nakatayo rito si Kael. Napakunot ang noo ko at tinignan s'ya. "Are you okay now?" Tanong n'ya sa akin. "Yes," tipid kong sagot. "Una na ako," sabi ko pa sa kan'ya. Mukhang magsasalita pa s'ya pero binilisan ko na ang paglalakad. Napatingin ako kay Cara na nakatayo sa upuan n'ya sa harap at nakatingin sa akin. Napatingin rin ako sa pintuan papalabas at nakitang nandoon si Loui. Napatingin s'ya sa akin pero agad rin s'yang nag-iwas ng tingin at mabilis na naglakad. Binilisan ko rin ang paglalakad ko at sinundan s'ya. Diretso lang ang lakad n'ya at nakita kong inaayos nito ang suot n'yang itim at makapal na salamin. Napakunot ang noo ko nang mapansing pakonti na nang pakonti ang mga estudyanteng nadadaanan namin dahil papunta ito sa dulo ng hallway. Sinundan ko parin s'ya hanggang sa wala ng estudyante rito at nauna s'yang bumaba. May hagdan din pala dito sa dulo ng hallway. Hindi ko ito napansin nung nakaraan. Bumaba rin ako dito at nakita ko si Loui na nagpunta sa right side. Binilisan ko ang pagbaba at nang papunta na ako sa right side ay natigilan ako nang makitang nakatayo ito sa harap ko. Napatingin ako sa itim n'yang sapatos at napangiwi na lang ako. Inangat ko ang paningin ko at nakita kong nakatingin ito ng seryoso sa mukha ko. Alam ko namang nararamdaman n'yang sinusundan ko s'ya pero hindi ko ine-expect na ganito pala ang pakiramdam. Parang nahihiya ako na hindi ko maintindihan. "Why are you following me?" Seryoso ang tono ng boses nito. Ginala ko ang paningin dito at nakitang kami lang ang tao dito. Nakita ko rin ang pinto papasok sa school clinic. Huminga ako nang malalim at tinignan s'ya ng deretso sa mga mata. Kung hindi ko s'ya kakausapin ay mababaliwala ang pagsunod ko sa kan'ya at ang nararamdaman kong kahihiyan ngayon. "Anong ibig sabihin mo noon?" Tanong ko sa kanya. Nakita kong nag-iwas ito ng tingin at inayos ang pagkakasuot ng salamin n'ya. Nahalata ko rito na gusto n'yang iwasan ang tanong ko. Pero bakit? Hindi n'ya ba naisip na dahil sa sinabi n'ya sa akin ay mas lalo lang akong macu-curious? "You told me to not trust Kael and the others. That everyone here is wearing a mask," mahina kong sabi habang nakatingin parin sa kan'ya. "What do you mean by that, Loui Choi?" "I'm going home. I don't want to waste my time talking to you about nonsense things," agad n'yang sagot at tumalikod na. Nagsimula na s'yang maglakad pero nagsalita rin ako agad, "May alam ka rin ba tungkol sa mga killers na nakasuot ng clown masks?" Natigilan s'ya sa paghakbang at alam kong nagulat ito dahil sa sinabi ko. Lumingon s'ya sa akin at nakita kong nanlaki ang mga mata n'ya. "Estudyante ba sila dito sa Willton's Academy?" Tanong ko pa sa kan'ya. Wala na akong ibang maisip na rason kung bakit n'ya nasabi iyon sa akin. Ito lang ang tanging naisip ko. Sinabi n'yang huwag ako magtitiwala dito at hindi ako dapat lumipat sa Willton's Academy. "Is that the reason why you told me to not trust anyone here and that I shouldn't had transferred here?" Sunod ko pang tanong. Nakita kong napalunok s'ya at pumikit saglit. Tinignan n'ya ako ng seryoso at tumalikod na ulit pero hindi pa ito humahakbng papalayo. "If you still want to live, should forget about them. Don't try to meddle with their businesses. It's for your own safety, Mikaella Evergreen," mahina n'yang sabi at nagsimula na itong maglakad papalayo. Napatingin ako sa puting sahig at bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Nathan. Na panatilihin kong tahimik ang aking bibig dahil kung hindi ay, ako ang isusunod nila. Kaparehas lang din ito ng sinabi ni Loui. May alam rin si Loui tungkol sa kanila. Pero pano nalaman ni Loui ang mga killers na 'yon? Naging biktima na din ba s'ya? Anong kinalaman n'ya sa kanila? "Mikaella?" Agad akong nabalik sa sarili ko nang marinig na may tumawag sa akin. Napatingin ako sa pinto ng school clinic at nakita ko si Nurse Lia na nakatayo roon at nakakunot ang noo. Mukhang nagtataka s'ya dahil mag-isa lang ako dito at nakatayo. "Are you still sick? Nandito kaba para humingi ng gamot?" Tanong n'ya at lumapit sa akin. Hinawakan n'ya ako sa wrist ko kaya naman napatingin ako dito. Tinignan ko ang kamay n'ya at nakita ko ang itim n'yang mga kuko. "Medyo mainit ka pa, halika. Bibigyan kita ng gamot at pagtapos ay pwede kana umuwi kung gusto mo," sabi pa nito habang nakangiti at hinila ako papasok sa school clinic. Pagkapasok namin ay pinaupo n'ya ako sa harap ng table n'ya. May kinuha s'yang gamot sa drawer at kumuha rin ito ng mineral water sa ref dito. Puro mineral at mga fruit juice ang laman non. May mga gamot rin na laman ito. "Here, drink this." Inabot n'ya sa akin ang tubig at gamot. "Thank you," mahina kong sagot sa kan'ya. Agad kong ininom ang gamot pati ang tubig. Inubos ko ang isang bote ng tubig at nilapag ito sa table n'ya. Pagtingin ko sa kan'ya ay nakatingin lang s'ya sa akin at parang pinapanood ang bawat paggalaw ko. "I'm glad you're okay now," sabi n'ya at kinuha ang water bottle. "Ako na po magtatapon n'yan," agad kong sabi at tumayo. "It's fine, Mika," sabi n'ya at tinapon ito sa malaking plastic na itim. "Itatapon ko na rin naman tong garbage." Binuhol n'ya na iyon at binuhat. "Can you stay here muna? Baka kasi may mga loko-lokong estudyante na naman ang pumasok dito at mangialam ng mga gamit. Don't worry, babalik rin ako agad pagkatapon ko nito." "Sige po," agad kong sagot sa kan'ya. Ngumiti s'ya sa akin at lumabas na ng school clinic. Ginala ko ang tingin dito sa loob at sobrang tahimik rito. Napatingin ako sa kama sa dulo at naalala ko ang dugong tumutulo ni Nathan doon na nagtangka s'yang patayin ang sarili n'ya. Napatingin ako sa papel na nilipad sa sahig mula sa table ni Nurse Lia. Napatingin ako sa aircon at nakitang naka-swing ito. Agad akong naglakad papunta sa papel at kinuha ito. Ibabalik ko na sana ito sa table ni Nurse Lia nang makita ko ang litrato ni Nathan. Nandito ang mga ibang information ni Nathan, tulad ng edad, home address nya at contact number. Napakunot ang noo ko nang mabasang may depression s'ya. Nakalagay din dito kung ilang beses n'ya nang tinangka na patayin ang sarili n'ya. Narinig kong may naglalakad na papalapit dito kaya agad kong tinikop ang papel at nilagay ito sa bulsa ko. Sakto namang pumasok si Nurse Lia. "Thank you, Mika sa pagbabanatay dito," sabi nito at nagpunta sa table n'ya. "It's nothing, Nurse Lia," sabi ko sa kan'ya at ngumiti. "I need to go home. Pinapauwi na ako ni Kuya," dugtong ko pa. "Sure, take care, okay?" Malambing nitong sabi. Hindi na ako nagsalita at agad na akong naglakad papalabas. Binilisan ko na lang rin ang lakad ko. Napatingin ako sa mga classrooms na nadadaanan ko. Ang iba ay may klase pa at mamaya pa ang uwian nila. Nang makalabas na ako sa building ay nakahinga na ako ng maluwag. Hinawakan ko ang papel sa bulsa ng palda ko habang naglalakad papalabas sa Willton's Academy. Sana ay hindi agad mahalata ni Nurse Lia na nawawala ang papel ni Nathan. Kailangan ko kasing makausap si Nathan. Marami pa akong gustong itanong sa kan'ya. Marami akong gustong malaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD