CHAPTER NINETY FIVE

1806 Words
Mikaella's P.O.V. "Anong oras ka daw susunduin dito?" tanong ni Vivian sa akin. Nandito parin kaming lahat sa resthouse. 6 a.m. na at nagbe-breakfast kami. Halata ko sa mga mukha nila na antok na antok pa sila dahil anong oras na rin kami nakatulog. "I'm not sure," mahina kong sagot sa kan'ya at ininom ang tinimpla kong gatas. Lahat sila ay natahimik. Mukhang naramdaman nilang ayoko na muna makipag-usap o magsalita. Kumain na lang kaming lahat ng tahimik. Habang kumakain ay napaingin ako kay Rea at Sera na magkatapat ang pwesto. Bigla kong naalala ang ginagawa nila sa rooftop dito sa rest house. Naghahalikan silang dalawa don. "Your brother called me earlier," sabi ni Kael pagkalapag n'ya ng kutsara sa gilid ng plato n'ya. Napatingin ako sa kan'ya at napakunot ang noo. DIto ko lang naalalang wala nga pala sa akin ang phone ko. Hinagis iyon ng killer na sumakal sa akin at muntikan na akong patayin. "Mike tried to call your phone number several times but you didn't answer his calls kaya sa akin s'ya tumawag. Hindi ko sinabi ang lahat ng nangyari because it should be you who will tell everything to him," kinuha n'ya ang baso ng tubig n'ya. "I just told him na nawala mo ang phone mo and that you're going to talk to him later." Napangiwi na lang ako at pinagmasdan ang natirang bacon, egg at rice sa pinggan ko. Wala akong gaano ganang kumain ngayon kaya hindi ko ito maubos. Pakiramdam ko nga ay nasusuka ako everytime na ngumunguya ako. Naaalala ko lang ang nasaksihan ko kagabi. Ang daming tanong sa isip ko. Ang dami kong gustong itanong sa kan'ya. Kung bakit putol ang kan'yang dila. Alam kong bagong putol lang din iyon dahil hindi pa tumitigil ang pagtulo ng dugo n'ya at pulang pula ang kulay nito. Nang tignan ko rin s'ya sa mga itim n'yang mata ay parang may kakaiba rito. Hindi ko alam kung ano iyon pero nakaramdam ako ng awa sa kan'ya. "I'm done eating," rinig kong sabi ni Vivian at tinignan ang phone n'ya nang tumunog iyon. "I just got a message. Susunduin ka daw nila dito mga 7, Mika. Since you're 18 years old pwedeng hindi mo na papuntahin ang kuya mo but it's still up to you." "Thanks," sagot ko sa kan'ya at tumayo na rin. "Hahanapin ko lang phone ko sa labas." Hindi ko na sila hinintay pa na magsalita at naglakad na ako nang mabilis papalabas dito sa resthouse. Pagkalabas ko sa pinto ay nakita ko ang mga bote ng alak sa gilid ng pool. Niligpit na rin iyon ng mga maid. Napatingin pa ang dalawang maid sa akin. Tumango sila sa akin pero hindi ko na lang sila pinansin at tumingin na lang sa dinadaanan ko. Pagkalabas ko sa gate ay bumungad sa akin ang mahinahon na dagat. Hindi pa gaano malakas ang alon dito. Dahil 6 a.m. na rin ay nasa itaas na ang araw. Nagre-reflect iyon sa dagat. Ang ganda nito pagmasdan pero sa ngayon ay hindi ko ito gaano ma-appreciate dahil wala na rin akong oras. Sinara ko ang suot kong itim na jacket at naglakad na papunta sa mga puno. Nang madaanan ko ang mga coconut tree at ang kubo ay napahinto ako. Napalunok ako at pinagmasdan ito ng maigi. Lumingon ako sa kaliwa at kanan ko. Wala pang tao rito sa labas. Mukhang ako lang ang tao rito. Na-kwento rin ni Vivian pala na dahil puro rest house ang nandidito, minsan lang nagkakaroon ng mga tao rito at sandali lang rin sila nag-sstay. Naglakad ako papalapit sa kubo na ito. Nang nasa harap na ako nito ay napatingin ako sa pinto. Nakasarado na iyon. Doon ko una nakita ang isang killer. Naglakad ako papasok sa kubo kahit na kinikilabutan ako rito. Naalala ko ang takot at kaba na naramdaman ko kagabi. Naramdaman ko ring naluluha ako. Akala ko ay katapusan ko na kagabi. Akala ko hanggang doon na lang ako. Huminto ako sa tapat ng kahoy na pinto. Hinawakan ko ang doorknob nito at dahan-dahan na pinihit. Pigil hininga ko itong binuksan. Ginala ko ang paningin rito at nakitang maliwanag na dahil may araw na at nakabukas ang dalawang bintana. Pumasok ako sa loob at ginala ang paningin. Baka may naiwan ang killer dito. Napakunot ang noo ko nang makitang may puting papel sa gilid. Naglakad ako papunta rito. Umupo ako at pinagmasdan ito. May nakasulat dito at kulay pula ang ink nito. "You escaped death last night. But how about the next time?" Kinuha ko ang papel na ito kahit gustong gusto ko itong iwan na lang at umalis rito. Pinagmasdan ko ng maigi ang papel. Halata mo rito na pinunit lang ito sa isang notebook. Napansin ko ring nagiging may pagka-brown ang ink na gamit rito. Tumayo ako habang pinagmamasdan ito. Ginala ko pa ang paningin dito sa loob at wala na akong iba pang nakita kaya naman lumabas na ako. Pagkalabas ko sa kubo ay dito ko lang napansin na hindi tinta ng ballpen ang ginamit na pansulat rito sa papel. "Blood," mahina kong sabi. Pero kaninong dugo? Binasa ko ulit ang nakasulat dito. "You escaped death last night. But how about the next time?" Napadin ang hawak ko sa papel na ito at nakita kong nagkaroon ng lukot. Alam kong hindi sila titigil hangga't hindi nila nagagawa ang gusto nila. Hindi sila titigil hangga't hindi nila ako napapatay at si kuya. Kailangan ko silang pigilan. Pinasok ko sa loob ng itim na jacket ko ang papel at naglakad na papunta sa mapunong lugar. Naramdaman kong umihip ang malakas na hangin rito. Humarang ang buhok ko sa mukha kaya naman hanawi ko ito. Napahinto ako sa paglalakad nang makitang nandito na ako kung saan ako sinakal. Napatingin ako sa lupa kung saan nakahiga ang isang lalaking walang dila. Napalunok ako at umiling. "Mika, you need to concentrate," mahina kong sabi sa sarili. Ginala ko ang paningin rito at hinanap ang phone ko. Dahil umulan kagabi ay may mga putik rito ngayon at may mga basang part na lupa. Kinuha ko ang isang sangga ng puno at hinawi hawi ang mga damong mahahaba dahil baka dito napunta ang phone ko. Napalingon ako sa isang puno at nakitang nasa paahan non ang phone. Binitawan ko ang sangga na hawak ko at mabilis na nagpunta roon. Agad kong kinuha ang phone at sinubukang buksan ito. Nakahinga naman ako ng maluwag nang bumukas pa ito. Mukhang hindi ito gaano nababad sa tubig. Pagkabukas ko nito ay agad na lumabas ang maraming missed calls sa akin ni kuya at mga messages n'ya. Hindi lang si kuya ang may missed calls sa akin, pati na rin si Kross. Tinawagan ko agad si Kuya dahil alam kong nag-aalala parin ito sa akin. "Mika!" bungad n'ya sa akin pagkasagot n'ya ng tawag. "Kuya," mahina kong tawag sa kan'ya. "What happened? are you really okay?" tanong n'ya sa akin. "Yeah. I'm okay. Don't worry," sagot ko sa kan'ya. "I talked to Kael earlier. Ano ba talagang nangyari?" tanong ulit ni Kuya. "It's a long story," mahina kong sagot. "Can you go here?" tanong ko sa kan'ya. "Kailangan kitang isama sa police station. I'll tell you everything pagnagkasama na tayo. Ime-message ko sa'yo ang address ng police station." "Police Station?" Halata kong naguguluhan ito base sa tono ng boses n'ya. "Okay. Pupunta na ako agad d'yan. I-message mo na sa'kin agad yung address." "Take care," sabi ko sa kan'ya at binaba na ang tawag. Minassage ko na sa kan'ya agad ang address nitong rest house at sinabi kong ise-send ko ulit ang address ng police station naman na malapit rito para makasunod s'ya agad. Binabasa ko naman ang mga message sa akin ni Kross. Nakita kong nag-aalala ito sa akin at sinasabi n'yang sagutin ko raw ang tawag n'ya at ang tawag ni Kuya. Tinatanong n'ya rin ako kung ano na daw ba ang nangyayari sa akin at kung okay lang din daw ba ako. Napabuntong hininga na lang ako at nagpunta sa number n'ya para tawagan s'ya. Kahit malayo na kami ni Kross sa isa't isa ay hindi mawawala ang pagiging childhood bestriend namin hanggang ngayon. Nakakatuwa lang dahil hindi kami katulad ng iba na paglumaki ay nawawala na ang pagiging magkaibigan. Nang tatawagan ko na si Kross ay naramdaman kong may naglalakad sa likod ko kaya hindi ko ito tinuloy at lumingon ako rito. Napakunot ang noo ko nang makita si Liam. "Liam?" naguguluhan kong tawag sa kan'ya. Bakit s'ya nandito? sinusundan n'ya ba ako? Hindi s'ya sumagot sa akin. Nilabas n'ya ang isang box ng sigarilyo n'ya. Kumuha s'ya ng isang sigarilyo doon at binalik ang box sa bulsa ng jacket n'ya. Pagkalagay n'ya sa bibig n'ya ng sigarilyo ay nilabas n'ya rin ang lighter n'ya at sinindihan iyon. Hindi ako umimik at tahimik lang rin s'ya. Sumandal s'ya sa isang puno at nakatingin lang sa akin. "I'm going back to rest house," sabi ko sa kan'ya at maglalakad na sana nang magsalita s'ya. "They will not stop, Mika," rinig kong mahinang sabi ni Liam. Napakunot ang noo ko at tinignan s'ya. "How did you know, Liam?" seryoso kong tanong sa kan'ya. "How did you know that they're hunting me? that they want to kill me?" Hindi s'ya sumagot at nilabas lang ang usok sa kan'yang bibig. "Are you one of them?" tanong ko sa kan'ya. "What do you think, Ella?" tanong n'ya at tinignan ako ng seryoso. "Do you think I'm one of them?" Hindi ako nakasagot. Wala akong masabi dahil sa tanong n'ya. Hindi ko alam kung ano ang dapat na isagot sa kan'ya. Umiwas na lang ako ng tingin at nagsimula nang maglakad papalayo sa kan'ya. Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng jacket ko at napatingin na lang sa dinadaanan. "Damn," mahina kong sabi. Binilisan ko na lang ang paglalakad pabalik sa rest house para matanong ang address kay Vivian. Kailangan ko pang i-message si kuya. Malapit na ring mag 7 at susunduin na ako ng mga police. Nang nasa harap na ako ng gate ng rest house ay nakita ko si Chase na nakatayo sa entrance habang nagpho-phone. Seryoso ang mukha nito at hindi n'ya ako napansin. "Excuse me," mahina kong sabi sa kan'ya dahil nakaharang s'ya sa entrance. Nang marinig n'ya ako ay bigla naman s'yang natauhan. Napatingin s'ya sa akin at gumilid s'ya para makapasok ako. Naglakad naman na ako papasok sa loob ng gate pero nang makapantay ko s'ya ay huminto ako saglit. "Where were you and Earl last night?" seryoso kong tanong sa kan'ya. "We're playing hide and seek and there's a limitation kung hanggang saan ka lang pwede magtago." Tahimik lang s'ya at deretso akong tinignan sa mga mata. "Bakit kayo nandoon sa lugar kung nasaan ang mga killer at kung nasaan kami ni Liam?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD