CHAPTER FIFTY

1228 Words
Liam's P.O.V. Napasigaw ang lalaking sinuntok ko sa pisngi at napahiga ito sa sahig. Mabilis akong napatingin sa kasama nitong papunta sa akin habang may hawak na mahabang kahoy. Nang ihahampas na nito ang hawak n'ya ay agad kong sinangga ang forearm ko rito. Napangiwi ako nang maramdaman ang sakit nito. Inangat ko ang kabilang kamay ko at malakas na inagaw sa kan'ya ang kahoy. Nakuha ko ito sa kan'ya agad at nang susuntukin ako nito ay hinarang ko ang kahoy, kaya dito tumama ang kamo n'ya. Nakita kong nagulat ito at napapikit sa sakit. Napangisi ako at malakas na hinataw ang kahoy sa ulo nito. Agad naman itong nawalan ng malay at napahiga. Nakita kong may sugat rin ang ulo nito at nagdudgo iyon pero hinayaan ko lang ito. Kung hindi ako lalaban at ipagtatanggol ang sarili ay ako ang bubugbugin nila at baka ito pa ang maging dahilan nang pagkamatay ko. "Liam Conner!" galit na sigaw ng lalaking napahiga sa sahig kanina. Napalingon ako rito at agad na naramdaman ang matigas n'yang kamao sa pisngi ko. Napasandal ako sa pader at tumama ang ulo ko rito. Hinawakan ko ito at napangiwi ako nang makitang may dugo ito. "Ilang taon kana namin pinagbibigyan! kung hindi mo pa babayaran ang utang ng tatay mo, buhay mo ang magiging kapalit," galit na sabi nito sa akin at napahiga ako nang malakas ako nitong suntukin sa ulo. Tumama ang likod ko sa matigas at malamig na sahig. Napapapikit ang aking mga mata at nanlalabo. Pilit kong dinilat ang mga mata ko at pinagmasdan ang bintana sa gilid. Maliwanag pa dahil hapon pa lang. Napadaing ako nang sipain pa ako nito sa tyan ko. Napaubo ako at naradamang napasuka ako ng dugo. Tinignan ko ang lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko. "Bibigyan ka namin ng isang buwan. Pag hindi mo pa rin nabayaran ang utang ng tatay mo.." Tumigil ito saglit at umupo para lumapit sa akin. Nakita kong naglabas ito ng maliit na kutsilyo sa bulsa n'ya. Nilapit n'ya ito sa leeg ko at naradaman ko ang pagkatalas nito. "Alam mo na ang mangyayari," dugtong nito sa sinabi at tumayo. Lumapit s'ya sa kasamahan n'ya at inalalayan itong tumayo. Narinig kong napadaing ang kasama n'ya at mukhang bumalik na ang malay nito. Pinanood ko silang dalawa na lumabas rito sa abandoned building at sunod ko na lang narinig ay ang makina nang kotse nila na pahina na nang pahina. Napaubo ako at pinunasan ko ag dugo sa gilid ng labi ko. Pumikit ako saglit at huminga nang malalim. Naiyukom ko ang mga palad ko at pakiramdam ko ay sasabog ako sa galit dahil sa mga lalaking iyon. Pilit akong umupo kahit na masakit ang sikmura ko. Hinawakan ko ang ulo ko at nakitang nagdudugo parin ito. Kinuha ko ang bag ko sa gilid at kinuha ang puting t-shirt ko rito at ang bimpo. Pinunasan ko ang mga dugo sa katawan ko at nilagyan ng gauze pad ang sugat ko sa ulo. Palagi na akong may dala na 1st aid kit dahil alam kong palagi ring mangyayari ang ganito sa akin. Matapos kong linisin ang mga sugat ko ay nagpalit ako ng damit. Pagkahubad ko ng school uniform ay nakita kong may pasa ako sa tyan. Napabuntong hininga na lang ako at sinuot ang puting t-shirt ko. Matapos kong ayusin ang sarili ay pilit akong tumayo at sinuot ang bag. Naglakad na rin ako papalabas dito sa abandoned building. Pauwi na sana ako kanina galing school pero biglang humarang sa dinadaanan ko ang dalawang lalaking iyon at pilit akong pinapasok sa kotse hanggang sa dalhin nila ako dito sa abandoned building at pagtulungan. May utang ang tatay ko sa kanila na apat milyon. Dati s'yang nagta-trabaho sa mga loan sharks na iyon. Nang magkasakit ang mama ko ay nangutang s'ya sa mga iyon dahil kailangan ni Mama maoperahan sa puso at kailangan ng pera para sa gamot nito. Dahil matagal na at ilang taon na rin ang Tatay kong nagta-trabaho doon ay pinayagan s'yang umutang ulit pangpagamot kay Mama dahil malala ang kanser nito. Pero kahit na anong pagamot n'ya rito ay namatay parin si Mama. Sa akin n'ya binuntong ang galit na nararamdaman n'ya. Araw-araw n'ya akong binubugbog at naiiwan akong mag-isa sa bahay hanggang sa malaman ko na lang na umutang pala ulit s'ya sa mga loan sharks. Nagsinungaling s'ya sa mga iyon na buhay pa si mama at kailangan nito ng panggamot. Dahil doon ay pinayagan s'ya at nang makuha n'ya ang pera ay tumakas ito. Iniwan n'ya ako. Iniwan n'ya ako ng 14 years old pa lang ako. Dahil ayokong mapunta sa ibang pamilya ay tinago kong mag-isa lang ako sa buhay. Naghanap ako ng mga trabaho na pwede sa akin. Lahat ng trabaho ay ginawa ko hanggang sa makilala ko si Neo Quan. Isa s'yang Professor sa Willton's Academy. Naka-park sa isang coffee shop ang kotse n'ya non at naglilinis ako ng mga kotse roon para mabigyan ako ng pera. Matapos kong linisin ang kotse n'ya ay saktong nakita n'ya ako at tinanong ang pangalan ko. Kinowento ko rin sa kan'ya ang nangyari sa akin at naawa ito. Pinag-aral ako nito at tinulungan makahanap ng trabaho. Pinatuloy rin ako nito sa bahay n'ya nang ilang taon. Parang kapatid na rin ang turing ko sa kan'ya. S'ya ang nagligtas sa akin. Kung wala s'ya noon ay hindi ko na alam kung saan ako pupulutin ngayon. Nang maramdaman ko ang sinag nang araw sa aking mukha ay napatigil ako saglit. Tinakip ko ang aking kamay sa mukha at ginala ang paningin rito. Hindi pamilyar ang lugar sa akin pero alam kong nasa MoonBridge Town parin kami dahil nakita ko ang dinaanan namin kanina bago pumunta rito. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at tahimik na pinagmasdan ang mga puno sa gilid. Sinundan ko na lang ang daanan. Habang naglalakad ay narinig kong tumutunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng suot kong trousers at nakitang tumatawag sa akin si Kael. Sinagot ko ito at pinatong sa tainga ko. Hindi ito nagsasalita at nang titignan ko ang phone ko para i-check kung nakababa ang tawag ay biglang may bumangga sa braso ko sa likod. Napapikit ako dahil masakit parin ang katawan ko. Narinig ko ang tawa ni Kael sa likod ko pati na rin sa phone ko. Masama ko s'yang tinignan at pinatay ang call. "Yow," bati nito sa akin at pinagmasdan ako. "Habang tumatagal ay mas nagiging malala ang ginagawa nila sa'yo." Hindi ko ito sinagot at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Naramdaman ko namang sumabay ito sa akin sa gilid ko. Hindi ko na lang ito pinansin at tahimik na naglakad na lang. "Kakadating ko lang kaya hindi kita natulungan," sabi nito at mas lumapit sa akin. "I don't need your help," mahina kong sagot rito. "Really, Mr. Conner? why don't you just ask for our help?" seryoso nitong tanong kaya naman napahinto ako sa paglalakad. Tinignan ko s'ya at nakita kong seryoso ang mukha nito. Bigla naman s'yang ngumiti at mahinang sinuntok ang braso ko. "Nagtatampo ka ba agad sa akin?" tanong nito at tumawa. "Sht up," agad kong sagot rito at mabilis na naglakad. "Wait lang!" sigaw nito sa akin at nang maabutan n'ya ako ay malakas ako nitong inakbayan kaya naman napangiwi na lang ako nang maramdaman ang sakit ng katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD