CHAPTER FORTY NINE

1128 Words
Andrei's P.O.V. Nandito na ngayon sa police station, sa office ko ang nanay ni Nathan. Nakaupo lang ito at tahimik habang nakatingin lang ako rito. Nakayuko s'ya at alam ko ang nararamdaman nito ngayon. "I'm sorry," mahina nitong sabi habang nakayukom ang palad at nakatingin sa sahig. "Alam kong si Nathan ang nagpapatay kay Stella pero tinikom ko ang bibig ko." Hindi na ako nagulat sa nalaman ko. Narinig ko na ito kay Nathan kanina sa rooftop. "Nathan is my son. Wala ako sa tabi n'ya most of the time pero hindi ibigsabihin non na hindi ko na s'ya kilala. He's my son and i know him. Deep inside, he's kind and soft." "It's not a mistake, Ms. Pinapatay n'ya si Stella and naulit iyon kay Vince," sabi ko rito. Alam ko ang nararamdaman n'ya. Alam kong ipagtatanggol n'ya si Nathan dahil anak n'ya ito. "I know.." umiiyak nitong sabi at tumingin sa akin. Tinignan ko ang relo ko at nakita kong ilang minuto na lang at magpupunta na dito ang magulang ni Stella at pamilya ni Vince. Pumikit ako at huminga ng malalim. Alam kong malaking gulo ang mangyayari ngayon. May mga case na ganito na akong nasaksihan at nahawakan. Hindi basta-bastang nawawala ang mga galit nila. Alam kong magwawala ang mga pamilya ni Stella at Vince. Sigurado akong sisihin at ibubuntong nila ang galit nila sa mama ni Nathan. Pinagmasdan ko ito at nakita kong nakayuko na ito ulit habang umiiyak. Mali ang ginawa n'ya. Tinago n'ya ang kasalanan ng anak n'ya at gusto n'ya pang lumipat sila ng bahay at magsimula ng panibagong buhay. Pero naiintindihan ko rin naman kung bakit n'ya iyon nagawa. May kaso rin ang Mama ni Nathan dahil sa pagtago nito sa kasalanan ni Nathan. Mas lalong magiging mahirap at bibigat ang kaso nito pagnagsampa ng kaso ang mga pamilya ni Stella at Vince. Naawa ako sa babaeng ito ngayon. Napatingin kami sa pinto nang may kumatok doon, "Chief, nandito na po ang parents ni Stella at ang pamilya ni Vince," rinig kong sabi ni Pablo. Napatingin ako sa babaeng kaharap ko ngayon. Tumingin s'ya sa akin at nakita kong tumulo ang luha nito. Kitang-kita ko ang pagkawala ng pag-asa sa mukha n'ya. Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa pinto, "Papasukin mo na sila dito." Mikaella's P.O.V. Nandito na ako ngayon sa kwarto. Pinayagan na rin naman na akong umuwi agad dahil hindi naman malala ang natamo kong sugat kagabi. Hindi ko na rin nakita o nakausap pa si Chase kaya wala akong balita sa kan'ya. Humiga ako sa kama at pinagmasdan ang kisame ko. 12 P.M. pa lang at wala akong ibang magawa ngayon. Siguradong pagpasok ko bukas sa Willton's Academy ay magiging usap-usapan kami nila Chase at Nathan. Wala na rin akong balita kay Vivian. Sigurado akong na-disappoint ang isang iyon dahil nasira ang 18th birthday party n'ya na pinakaaabangan n'ya. Napatingin ako sa phone ko nang mag-ring ito. Pinagmasdan ko ang maliit na bag ko. May nagbigay daw nito sa mga police at inabot ito kay Kuya kaninang madaling araw. Binuksan ko ito at kinuha ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakita si Kross. Napabuntong hininga ako at sinagot ang tawag. "Yo, Mika!" Masiglang sabi ni Kross sa kabilang linya. "Bakit ka tumawag?" Tanong ko rito habang nakapikit. "I heard what happened. Are you okay?" Biglang naging seryoso ang boses nito at halata mo rito na nag-aalala s'ya. "I don't know, Kross," mahina kong sabi. "Do you want me to go there? Let's hang out!" Yaya nito sa akin. "Hindi ba may pasok ka ngayon?" Tanong ko rito at napaupo. "Uhmn, yes. But pwede namang mag-cutting," sabi nito at tumawa. Agad naman akong napasimagot. "Nah. Wag na," sagot ko rito at humiga na lang ulit. "What? Why? I promised you before na pupunta ako d'yan, diba?" Pangungulit nito. "Ayokong magcutting ka. Baka sisihin mo pa ako pagbumaba grades mo." Kinuha ko ang isa kong unan at sinandal ko ang ulo ko rito. "Ayun lang ba iniisip mo?" Tanong nito sa akin. "It's fine, Mika. P'wede ko namang bawiin yun. I want to spend time with you. I want to be with you during your bad days." Hindi ako agad nakasagot at napatulala na lang ako. Bakit ganito si Kross? Sobrang bait n'ya sa akin kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong magkagusto sa kan'ya. "I'll go there. Mga 3 or 4 P.M. nandyan na ako. Ready yourself, okay?" Sabi nito. "Okay," mahina kong sagot at narinig ko na lang na pinatay na n'ya ang tawag. Binitawan ko na ang phone ko at huminga ng malalim. Gusto kong sapukin ang sarili ko dahil nakangiti ako ngayon. Medyo umayos ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Kross. Tinignan ko ang oras at nakitang may tatlong oras pa bago makapunta dito si Kross. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Kakain na muna ako ng lunch. Hindi dapat papasok si kuya ngayon dahil sobrang nag-aalala s'ya sa akin pero sinabi ko rito na gusto kong mapag-isa at kaya ko naman ang sarili ko. Nagdadalawang isip pa s'ya non pero pumayag na lang ito. Pagkahatid n'ya sa akin dito sa bahay ay dumiretso na s'ya sa trabaho n'ya at sobrang late na s'ya. Kinain ko na lang ang binili namin kanina sa drive thru dahil wala na rin s'yang oras para magluto kanina at wala rin akong lakas para gumalaw-galaw. Matapos kong kumain ay dumiretso ako sa bathroom at naligo. Nagbihis ako ng puting oversized shirt at denim blue na high waisted short. Matapos kong magbihis ay binlower ko ang buhok ko. Tinignan ko ang oras at nakitang may isang oras at kalahating oras pa. Napabuntong hininga na lang ako at bumalik ako sa kama para humiga. Bakit ang tagal ng oras ngayon? Kinuha ko ang phone ko at nakita kong may message sa akin si Kross kanina pa. Papunta na raw s'ya. Nagreply naman ako agad rito na mag-ingat s'ya. Binuksan ko ang social media account ko at nakitang may mga nag-add sa akin. Napakunot ang noo ko dahil ngayon na lang ulit may mga nag-add sa akin. Tinignan ko kung sino ito at nakita kong si Earl Seven ito. Naalala kong kaibigan ito ni Chase. Bakit kaya hindi sila magkasama kagabi sa birthday party ni Vivian? Bakit wala rin sa hospital kanina si Earl? In-accept ko ang friend request nito at tinignan ko ang timeline n'ya. Marami itong post at marami rin s'yang friends. Halata rin naman sa kan'ya na sikat s'ya dahil may itsura ito. May post rin itong litrato nila ni Chase. Pinatay ko na lang ang phone ko at pinikit ang mga mata ko. Bakit pakiramdam ko ay stalker ako ngayon? Napangiwi na lang ako at sinubukang matulog na muna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD