CHAPTER TWENTY EIGHT

1400 Words
Mikaella's P.O.V. "Tomorrow, itutuloy natin ang basketball and badminton na laro n'yo," sabi ni Professor Neo Quan at tumayo. "That's all for today. Goodbye Class." Tumayo narin kami at nag-bow dito. "Goodbye Professor Neo Quan!" Malakas na sagot ng iba. Ngumiti si Professor Neo Quan matapos n'yang iligpit ang mga gamit n'ya at naglakad na ito papalabas ng classroom. Inayos ko na lang rin ang gamit ko at niligpit ito. Sinuot ko na ang bag ko at tumayo. Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Loui Choi na tapos na iligpit ang gamit. Napatingin s'ya sa akin nang mapansin n'yang nakatingin ako sa kan'ya. Agad rin naman s'yang nag-iwas ng tingin at sinuot ang bag. Mabilis rin itong naglakad papalabas ng classroom. Alam kong iniiwasan n'ya ako. Actually, hindi lang ako. Halos lahat kami ay iniiwasan n'ya. Wala rin akong nakikitang ibang estudyante na kasama n'ya. Mukhang mas okay din sa kan'ya na mag-isa s'ya. "Cara, let's go. May meeting pa tayong pupuntahan," rinig kong tawag ni Kael kay Cara. Nakita kong napatingin si Kael sa akin. Ngumiti s'ya at kumaway. "Take care, Mika!" Sabi nito. Hindi ako sumagot at tumango lang tapos ay nilagpasan na ito. Binilisan ko na lang rin ang paglalakad ko para makalabas na ako dito sa Willton's Academy. 8 P.M. ang uwi ni kuya at gusto kong subukan na magluto na lang ng dinner kaysa umorder dahil laging napapamahal ang pagkain namin. Pagkauwi ko sa bahay ay ginawa ko na muna ang mga homeworks ko saglit. Alam kong tatamarin na akong gawin ito mamaya pagtapos ko magluto at kumain dahil mabilis akong mapagod. Pagkatapos kong gawin ang homeworks ko ay napatingin ako sa oras at nakitang 6 P.M. na pala. Ngayon ko lang din napansin na suot ko pa pala ang puting longsleeve at palda na uniform ng Willton's Academy. Nagpalit na agad ako ng damit na komportable ako. Sinuot ko yung brown track suit ko. Regalo sa akin 'to ni Daddy last year nung pasko. Binaba ko rin ang itim kong buhok at lumabas na ng bahay. Malayo layo ang mall sa amin at hindi ko pa alam papunta don dahil hindi pa naman kami ni kuya nakakapunta don. Konti lang ang na-groceries namin ni kuya nung linggo dahil nagmamadali na kami at late na rin. Sa malapit na convenience store na lang muna ako bibili ng hahaluin ko sa iluluto ko. Tatlong kanto lang naman ang layo nito sa bahay. Napatingin ako sa mga nadadaanan ko. Mga bahay ito. Nakakita rin ako ng mga bata na naglalaro sa loob ng garahe nila. Hindi nila pinapalaro ang mga anak nila sa labas. Nang makita ko na ang convenience store ay agad na akong pumasok sa loob. Konti lang ang tao dito at may mga iilang estudyante na galing sa Willton's Academy. Iyon lang kasi ang paaralan dito para sa mga high school. Duniretso ako sa section ng tofu. Kumuha rin ako ng breading mix at marami pang iba. Matapos kong ilagay ang mga binili ko sa box ay pumunta na ako sa counter. Walang pila ngayon kaya naman pinatong ko na sa lamesa ang mga binili ko. Tinignan ko kung magkano lahat ang binili ko sa machine nila at kinuha ko ang wallet ko sa bulsa. Nang iaabot ko na ang bayad ko sa nagbabantay dito ay napakunot ang noo ko at napatingin ako dito. Nakita ko ang itim na salamin nito. "Loui?" Pagsisigurado kong s'ya ito. Hindi s'ya nagsalita at tahimik na kinuha lang ang bayad ko. Binalot n'ya ang mga binili ko at inabot na ito sa akin kasama ang sukli ko. Tinanggap ko na lang ito at lumabas na ng convenience store. Napatingin ako sa langit at nakita kong malapit na lumubog ang araw. Agad naman na akong naglakad. Napaisip din ako dahil matagal na rin ako naghahanap ng part time job. Paano kung mag-apply din kaya ako sa mga convenience store? Mukhang madali lang naman dahil nakakaya ito ni Loui isabay sa pag-aaral. Napabuntong hininga na lang ako at umiling. Mamaya ko na lang to iisipin. Kailangn na makauwi na ako agad. Pagkaliko ko sa isang street ay agad akong natigilan nang makita si Nathan na naglalakad. Napakunot ang noo ko. Nakasuot ito ng itim na longsleeve at pants. Nakasuot din s'ya ng itim na jacket. Agad ko s'yang sinundan na pumasok sa isang street. Hindi ko alam kung bakit ko 'to sinusundan ngayon. Parang may nagtutulak sa akin na kailangan ko to gawin. Nang makitang pumasok ito sa isang gate ay huminto ako at sinubukang sumilip. Nakatayo lang s'ya at kinuha nito ang phone n'ya sa bulsa ng pants n'ya. Pinatong n'ya sa tainga n'ya ito. "Kayo ba naglabas ng issue na 'yon sa school?" Rinig kong tanong ni Nathan. Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang sinabi nito. Yung pagche-cheat ba ni Stella sa kan'ya ang tinutukoy n'ya? "I told you! Wala akong sinabi sa kan'ya. I swear," madiin nitong sabi at nahawi sa buhok. "Hindi ko gagawin 'yun. Hindi ko sisirain ang kasunduan natin." Kasunduan? Sino ang kausap n'ya? "Safe sa akin ang identity n'yo. Alam natin ang sikreto ng isa't isa." Hindi kaya.. yung killers ang kausap ni Nathan? Pero bakit n'ya to kausap? Anong kasunduan ang mayroon sila? Agad akong napatingin sa phone ko nang tumunog ito. Kinuha ko ito at pinatay pero pagtingin ko kay Nathan ay nakita kong nakatingin ito sa akin kaya naman agad akong umalis at tumakbo ng mabilis. Lumingon ako sa gate na pinasukan n'ya at nanlaki ang mata ko nang makitang pabukas iyon. Sht. Nakita n'ya kaya ako? Nakilala n'ya kaya ako? Nang makitang papalabas na s'ya ay napakagat ako sa labi ko at nakita ang isang maliit na street. Mabilis akong pumasok dito at sumandal. Hinabol ko ang hininga ko at napahawak sa puso dahil sa kaba na nararamdaman. "Ano?! Lalaban kapa?" Agad akong napalingon sa street na pinasukan ko nang makitang may tatlong lalaki doon. Ang isa sa kanila ay nakadapa habang ang dalawa ay nakatayo sa harap nito. Medyo madilim na kaya naman hindi ko makita kung sino ang mga iyon. Nang bumukas ang ilaw dito ay nanlaki ang mata ko nang makita ang pulang buhok ng lalaking nakadapa. Napatingin sa akin ang dalawang lalaki. "Woah, may bisita tayo ah," sabi ng lalaking itim ang buhok at lumapit sa akin kasama pa ang isa. Napalunok ako nang makitang tinignan nila ako mula paa hanggang mukha. Mabilis kong kinuha ang phone ko at tinaas ito. "Lumayo kayo sa'kin!" Sigaw ko sa kanila. "I'll call the police!" Agad na tumawa ang dalawa. Nang makitang lalapit sa akin ang isa ay mabilis kong hinanap ang number ni kuya dahil hindi ko alam ang number ng police station dito sa Moonbridge town. "Time's up, Ms.," Sabi ng lalaki at nanlaki ang mata ko nang mahablot nito ang phone sa kamay ko. Biglang hinawakan ako ng isa sa braso ko at napangiwi ako nang maramdaman ang higpit nito. "Bitawan n'yo ko!" Sigaw ko sa kanila. "Woah," sabi ng lalaking hawak-hawak ang phone ko. "Mukhang mamahalin ang phone mo ah." "Ibalik mo sa'kin yang phone!" Galit kong sabi dito. "Hindi sa'yo bagay magalit Ms.," Sabi ng lalaking nakahawak sa braso ko at ngumiti. Napansin kong papalapit ito nang papalapit sa akin kaya naman agad ko s'yang dinuraan sa mukha. Napapikit ito at narinig kong tumawa ang isa n'yang kasama. Pagkadilat n'ya ay napalunok ako nang makitang masama ang tingin nito sa akin. "You're dead," madiin at galit nitong sabi. Nang makitang itinaas nito ang kamay n'ya ay agad akong napapikit. Hinihintay ko ang pagtama ng kamay nito sa akin pero narinig kong natumba ito at napadaing. Napadilat ako agad at nakita kong nakahiga ito sa sahig. Napatingin ako sa lalaking sumuntok sa kan'ya at nakita ang lalaking pulang buhok. Lumapit sa kan'ya ang isa pang lalaki na may hawak na bakal pero sinalo n'ya lang ito at tinapon tapos ay malakas na sinuntok at sinipa sa tyan. Nakita kong tumalsik iyon sa pader at napangiwi ako nang marinig ang malakas n'yang pagtama doon. Napatingin naman ako sa lalaking ito at biglang namamatay bukas ang ilaw sa maliit na street ito. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong n'ya sa akin. Nakatingin lang ako sa mukha n'ya. Kitang kita ko ang maraming pasa nito at dugo sa gilid ng labi kahit namamatay ang ilaw. "May sugat ka," mahina kong sabi sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD