CHAPTER FIVE

2330 Words
Mikaella's P.O.V. Nakaupo ako at nakikinig lang sa discussion ni Ms. Dannica. Ang Professor namin sa Biology at ang homeroom teacher o class adviser namin. Nagbabasa s'ya ng librong hawak n'ya at napatingin ako sa mga classmates ko. Halatang hindi nakikinig ang iba sa kanila. May mga pasimpleng natutulog, tagong nagce-cellphone at ang iba ay nag-uusap. Napatingin ako sa puting relo ko na niregalo sa akin ni Mommy last christmas. Nakita kong 10 minutes na lang at break time na namin. Nakakaramdam na din ako ng gutom dahil konti lang ang kinain ko kaninang breakfast. Alam kong hindi pa ako tapos kausapin ni Kuya. Alam kong pipilitin nito ako mag-transfer ng school at lumipat ng bahay dahil sa mga nangyari dito sa MoonBridge Town. "Ms. Mikaella Evergreen?" Bumalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Ms. Dannica. Napatingin ako sa paligid at napakunot ang noo nang makitang nagsisitayuan na ang mga classmates ko. Tinignan ko ulit ang relo ko at nakitang saktong 12 P.M. na pala. "Ms. Evergreen." Napatingin ako sa harap ko at nakita kong nakatayo na ngayon si Ms. Dannica dito. Agad akong napatayo at tumingin sa kan'ya. "What's bothering you?" tanong nito sa akin. Hindi ko napansin na sampung minuto na pala ang lumipas dahil sa mga iniisip ko. "Nothing, Ms. Dannica," sagot ko sa kan'ya at ngumiti ng kaonti. Ngumiti s'ya sa akin at hinawakan ako sa braso ko. Napatingin ako sa dark brown at mahaba n'yang buhok na nakatali. Itim ang mga mata n'ya at katamtaman lang ang kulay ng balat n'ya. "I understand you, Mikaella. Take your time to get used to your new school," sabi nito at inalis na ang kamay sa braso ko. "Bakit hindi ka makipagkaibigan sa mga classmates mo? para mabilis mong ma-adapt ang environment dito at may mga makakasama ka. You don't have to worry, mababait ang mga estudyante ng Willton's Academy, lalo na ang mga classmates mo." Hindi ako agad makasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko kailangan ng kaibigan at alam kong pagsinabi ko 'to ay mas lalong hahaba lang ang pag-uusap namin. Magsasalita na sana ako nang may biglang magsalita sa likuran ko. "Ms. Dannica, ito na po yung mga pinapapasa mong notebooks namin." Napatingin ako dito at nakita ko si Kael Serfin na may dalang mga notebooks. Napatingin s'ya sa akin at ngumiti ito. Hindi ko s'ya pinansin at binalik ko na lang ang atensyon kay Ms. Dannica. "Oh, Thank you, Kael!" masayang sabi ni Ms. Dannica at kinuha ang mga notebooks kay Kael. "Maasahan talaga ang Class President ng STEM-A." Tumingin sa akin si Ms. Dannica at mukhang alam ko na ang sasabihin nito. "Bakit hindi mo samahan si Mikaella mag-lunch?" tanong n'ya at tinignan si Kael. "Mukhang naninibago pa s'ya at nahihiya makipagkaibigan." "Sure, Ms. Dannica. Ako na po bahala kay Mikaella," agad na sagot ni Kael at tumingin sa akin. "Oh sya, mauna na ako. May susunod pa akong klaseng tuturuan," sabi ni Ms. Dannica sa amin. "Goodbye Ms. Dannica," magalang na sabi ni Kael dito. Hindi na nagsalita si Ms. Dannica at naglakad na ito papalabas ng classroom. Napatingin naman ako sa paligid at nakitang kaming dalawa lang ni Kael ang nandidito ngayon. MUkhang sa cafeteria nagsikainan ang iba. "So... as Ms. Dannica said earlier, I should eat lunch with you," sabi nito at lumapit sa akin. Tinignan ko s'ya nang seryoso. "It's fine. Kaya kong pumunta sa cafeteria mag-isa and I can eat lunch alone," sagot ko sa kan'ya at kinuha ang wallet ko sa bag. "I thought we're friends now?" tanong nito habang nakakunot ang noo. "Pumayag ka ring i-tour kita dito sa Academy kahapon." Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi nito. Oo nga pala, nakausap ko s'ya kahapon at pumayag ako. "Okay," tipid kong sagot at nilapag sa upuan ang bag ko. Narinig kong natawa ito ng mahina. "Let's go!" masaya nitong sabi at naunang maglakad. Sinundan ko naman s'ya at nasa likuran n'ya lang ako. Napatingin ako sa likuran nito. Matangkad s'ya at malinis tignan. Naka-kimpy ang itim n'yang buhok at nakasuot s'ya ng silver na kulay ng salamin. Habang naglalakad sa hallway ay napatingin ako sa mga classrooms na nadadaanan namin. Nakita ko ang mga estudyante doon sa loob na masasaya at kumakain. May mga iilang nagtatakbuhan din dito sa hallway. Napapatingin ang iba sa akin na nadadaanan ko kaya naman napakunot ang noo ko dahil dito. Parang may iba sa mga titig nila. It's strange. Parang ngayon lang ulit sila nakakita ng ibang tao o transferee sa school nila. "Hey." Napatingin ako kay Kael sa harapan ko at nakitang tumigil ito. Tumabi s'ya sa akin at ngumiti. "Ignore them. Ganyan lang talaga sila. Ngayon na lang kasi ulit may nag-transfer dito sa Willton's Academy at ngayon na lang rin ulit may lumipat dito sa MoonBridge town," sabi nito at nagsimula na kaming maglakad. Tama pala ang hinala ko. "Why?" tanong ko sa kan'ya habang pababa na kami sa hagdan. "Why?" tanong n'ya sa akin. "Bakit ngayon na lang ulit may nag-transfer dito sa school n'yo at may lumipat sa MoonBridge Town?" tanong ko dito. "Oh," sagot n'ya at sa daan na namin s'ya tumingin. "Because MoonBridge is just a small town as you can see," paliwanag nito. Nakababa na kami sa 1st floor at ngayon ay palabas na kami sa building ng classroom namin para pumunta sa cafeteria. Ibang building kasi ang cafeteria. "Mas gusto ng mga tao na tumira sa malalaki at sikat na lugar," sabi nito pagkalabas namin sa building. Agad kong naramdaman ang init ng araw sa aking balat pero nawala rin ito agad dahil maraming puno na nakahilera sa gilid ng dinadaanan namin. "How about you?" tanong ko sa kan'ya habang nakatingin sa dinadaanan namin na may mga dahon galing sa puno. "You said earlier na mas gusto ng mga tao sa malalaki at sikat na lugar. Bakit hindi ka lumipat? mataas naman ang grado mo at mukhang sikat ka. Mas magiging maganda ang buhay mo roon at mas enjoy." "It's simple. Because I don't want to," sagot n'ya at lumiko kami. "Dito na ako lumaki. Nandito ang mga friends ko and I love this place." Malapit na kami sa Cafeteria. Ilang hakbang na lang at makakapasok na kami dito. Nakikita ko na agad ang mga estudyante roon na kumakain at nag uusap usap. "I heard something about this school and this town," mahina kong sabi at nakita ko sa gilid ng mga mata kong napatingin s'ya sa akin. "What is it?" agad n'yang tanong. "A friend of my older brother told me that some students from this school murdered their schoolmate and hindi pa sila nahuhuli," kwento ko habang patuloy lang kami sa paglalakad. "And last night, a girl got murdered. She's also a student from Willton's Academy." Tinignan ko s'ya at nakita kong seryoso lang ang mukha nito at tumingin sa cafeteria dahil ilang hakbang na lang ang layo namin sa entrance nito. "What do you think, Mr. President? Sa tingin mo ba iisa lang ang mga pumatay sa kanila?" tanong ko at tinignan s'ya. Isang hakbang na lang at makakapasok na kami sa cafeteria pero napahinto ako nang mapansing wala s'ya sa tabi ko. Nilingon ko s'ya at nakita kong nakatingin ito sa malayo. Hindi n'ya ba alam ang mga krimen na nangyayari dito? Impossible naman iyon. Dito s'ya pinanganak at lumaki. Bakit ganito ang reaksyon n'ya sa mga sinabi ko? Tumingin s'ya sa akin at seryoso lang ang mukha nito kaya naman napakunot ang noo ko. He's acting strange. "Kael!" Napapikit ako sa gulat nang may tumawag kay Kael galing sa likod ko. Pagdilat ko ay nakita ko si Cara Stones na nakatayo sa tabi ni Kael. "Oh, you're with Mikaella," sabi ni Cara at tumingin sa akin. Light brown ang buhok nito na may mga highlights. Mahaba rin ito at medyo wavy. Mas matangkad s'ya sa akin ng konti at maputi s'ya katulad ko. "Yeah," sagot ni Kael at lumapit sa akin. "We're having lunch together, why don't you join us?" alok nito kay Cara. Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang madaldal pa naman yung Cara at makulit. Gusto ko lang naman kumain ng tahimik at walang tanong nang tanong sa'kin. "Sure! sakto, may na-reserved na akong table for us. Let's go!" aya ni Cara at nagsimula na itong maglakad. Wala naman na akong nagawa at sumunod na lang ako sa kanila ni Kael. Pinagmasdan ko ang cafeteria at ngayon ko lang napansin na malaki pala ito. Hindi ko ito napansin kahapon dahil umiiwas ako sa mga estudyante at sa labas ako kumain. Nang nasa sulok na kami ay umupo na silang dalawa. Apat ang upuan nito at magkatabi sila ni Cara. Umupo na lang ako sa harap nila at tinignan ang mahabang pila. "Ang haba pala ng pila," dismayadong sabi ni Kael habang nakatingin sa pila. "Won't worry guys," sabi ni Cara at tinaas ang kamay nito habang nakatingin sa bandang malayo. Hinanap ko ang kinakawayan nito at nakita ang isang lalaking nakasuot ng uniform. Itim ang buhok nitong nakataas ng konti. Nang makalapit na ito sa amin ay tsaka ko lang rin napansin na matangkad rin ito. "Yes, Ms. Cara Stones?" tanong nito habang nakangiti kay Cara at nakapamulsa ang dalawang kamay. "Pwedeng isabay mo na 'yung orders namin? masyadong mahaba kasi yung pila," sabi ni Cara at ngumiti sa kan'ya. "Sure," sagot ng lalaki. "Anong orders n'yo pala?" napatingin s'ya sa akin at napakunot ang noo. "Oh, she's the transferee na sinabi ko sa'yo kanina," sabi ni Cara at tumingin sa akin. "She's Mikaella Evergreen." "Oh, I'm Dylan Nash," pakilala nito at nilahad ang kamay. "Nice meeting you Mikaella Evergreen." Hindi ko tinanggap ang kamay n'ya at tinignan ko lang s'ya. Napaubo naman s'ya at narinig kong tumawa sina Cara at Kael. "She's a litte snob," mahinang sabi ni Kael kay Dylan pero rinig ko naman ito. "Anyway, I want pasta with white sauce, garlic bread and iced tea," sabi ni Cara. "Chicken sandwich and coke," sabi naman ni Kael. "Noted," sabi ni Dylan habang may tina-type ito sa phone n'ya at tumingin sa akin. "How about you, Mikaella?" Napatingin ako sa kanilang tatlo na nakatingin din sa akin at inaantay ang sagot ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil hindi ko naman kabisado ang menu ng cafeteria dito lalo na't bagong lipat lang ako. "Hindi mo pa pala kabisado ang menu ng Cafeteria," sabi ni Kael at tinignan si Dylan. "Get her a rice meal and fruit shake." "Okay, I'll be back," sabi ni Dylan at mabilis na itong naglakad papunta sa pila. "I forgot to send to you the menu here in Cafeteria," sabi ni Kael at kinuha ang phone n'ya. "Everday kasi ay iba-iba ang menu. I'll send it to you, whats's your number?" tanong nito at binigay sa akin ang phone n'ya. Kinuha ko naman ito at agad kong nilagay ang phone number ko. Pagkabalik ko sa kan'ya ng phone n'ya ay agad na nag-ring ang phone ko. Napatingin ako dito at nakita ko ang message sa akin ni Kael. "Okay na?" tanong n'ya. Hindi ako nagsalita at tumango na lang. Tinignan ko ang wallpaper ko sa phone na picture namin nina Mommy, Daddy at kuya Mike. "Are you okay?" Agad kong pinatay ang phone ko at tinignan si Cara. "Yes," sagot ko sa kan'ya. Agad akong napalingon nang marinig kong may nagtawanan. Napakunot ang noo ko at nakitang may nakadapa sa sahig habang nakatingin sa kan'ya ang mga estudyante at nagtatawanan. Napatingin ako sa dalawang lalaking nakatayo at nakangiti. "What's happening?" rinig kong tanong ni Kael. "Someone is getting bullied," mahina kong sagot at tumayo. Agad akong lumapit sa dalawang lalaking ito at napatigil ang tawa ng mga estudyante dito sa loob. Naramdaman ko ang mga titig nila at alam kong nasa akin na ang atensyon nila na pinaka ayaw ko sa lahat, pero hindi ko puwedeng hayaan na may nabubully. Tinignan ko ng masama ang dalawang lalaki at nakita kong napakunot ang noo nang isa sa kanila habang ang isa naman ay napangiti nang makita ako. Tinignan ko kung sino ang pinatid nila at nakita ko ang itim na pamilyar na salamin nito at itim na nakababa na buhok. Kung hindi ako nagkakamali ay Loui Choi ang pangalan n'ya at classmate namin ito ni Kael. "What's happening here?" Napalingon ako kay Kael na ngayon ay nandidito na rin sa gitna. "Mr. Jaxe Dean, you can't just always do this," seryosong sabi ni Kael at lumapit kay Loui. "Or else what?" tanong ng lalaking nakataas ang buhok at walang suot na neck tie. "Isusumbong mo ako sa principal? sa Tatay ko?" tumawa ang kasama n'yang lalaki. Naglakad si Kael papunta sa harap ni Jaxe at tinignan ito ng seryoso. "Yes. This is my last warning." "Tsk," nakita kong sumama ang tingin nung Jaxe sa amin ni Kael at umalis na sila ng kasama n'ya. "Loui! are you okay?" tanong ni Kael at tutulungan sana si Loui nang tumayo ito mag-isa at sinanggi ang kamay nito. "I don't need your help," mahina nitong sabi at agad na naglakad papalabas sa cafeteria. Narinig ko namang napabuntong hininga na lang si Kael at tumingin sa akin. "Let's go. Handa na 'yung pagkain natin." Nagsimula na kaming maglakad at naramdaman kong nawala na ang titig ng iba sa amin kaya naman gumaan na ang pakiramdam ko. Umupo na ako at nakita ang mga pagkain na inorder namin. "Nakakapagod talaga maging school president," sabi ni Cara habang umiiling. "Ang daming pasaway na estudyante dito." Tinignan ko ang pagkain ko at nagsimula nang kumain. Wala rin si Dylan dito at sa tingin ko ay may iba s'yang kasabay kumain. Habang kumakain ay naalala ko ang inakto ni Loui kanina. Bakit parang galit pa s'ya na niligtas s'ya ni Kael? Tinignan ko si Kael at nakita kong kumakain lang ito ng seryoso at tahimik. Anong mayroon sa mga estduyante dito sa Willton's Academy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD