CHAPTER EIGHTY SIX

993 Words
Mikaella's P.O.V. "Nandito na ba tayo lahat?" Tanong ni Vivian. Nandito na kami ngayon sa mala-mansyong bahay n'ya. Wala ang tatay n'ya dito dahil busy iyon. Mga maid ang kasama n'ya dito. "Yep, kompleto na," sabi ni Pauline habang nakatingin sa amin. Napasimangot na lang ako at tinignan ang oras. Malapit na mag 6 p.m.. Kanina pa rin nagme-message sa akin si kuya. Tumatawag pa nga s'ya sa akin pero mine-message ko na lang s'ya na marami pa akong ginagawa at nandoon na kami sa beach kahit ang totoo ay paalis pa lang talaga. "Good. Let's go na guys," sabi ni Vivian at naunang pumasok sa kotse. Sa passenger's sear s'ya at nagpasukan naman na kami sa loob ng itim na van na pagmamay-ari n'ya. May driver rin s'yang kasama. Hindi s'ya papayagan na umalis ng hindi kasama ang driver at personal bodyguard n'ya. Nahuli kami sa pagpasok nila Cara at Kael kaya sa bandang unahan kami nakaupo. May apat na row ang van. Una yung kila Vivian at sa driver n'ya. Sunod naman ay kami nila Cara at Kael. Sa likod naman namin sila Kevin, Liam at Pauline. Sa likod naman nila si Rea at dalawa pa naming kaklase. 10 kaming estudyante dito ngayon sa loob ng kotse at isang driver na kasama ni Vivian. "Around 9 p.m. pa ang punta natin don kaya matulog na muna kayo," sabi ni Vivian at nagpatugtog ito ng kanta sa van. "May suggestions pa kayo na kanta?" Tanong pa ni Vivian. "Ako! Ise-send ko sa'yo yung playlist," sabi ni Kevin sa likod. "Okay!" Sagot ni Vivian at pinalitan na ang kanta. "May snacks din pala akong dala madami. Check n'yo lang yung gilid d'yan." Nasa kaliwang gilid ako at katabi ang bintana habang si Cara ay nasa gitna namin ni Kael. Nakita kong may kinuha si Kael na malaking balot ng potato chips sa gilid. "Yun. Thank you Vivian!" Nakangiting sabi ni Kael. "Welcome, guys! Madami d'yan. Kuha lang kayo. Iidip na muna ako. I need my beauty rest." Napasandal ako ng ulo sa bintana at tumingin sa paligid. Nakalabas na kami sa gate ng bahay nila Vivian. Nakahinga na rin ako ng maluwag kahit papano. Ang dami kasing bantay sa bahay nila. Halos may mga guard kung saan ako tumingin. Nakatingin rin ang mga iyon sa amin at bantay na bantay. Pagkapasok nga namin kila Vivian ay chineck pa nila ang loob ng mga bag namin. Naiintindihan ko rin naman kung bakit sila ganun kahigpit. Natural lang iyon dahil isang president ang tatay ni Vivian dito sa Moonbridge Town. "Mika," rinig kong tawag ni Cara sa akin. Napalingon ako sa kan'ya at nakita kong nakatingin silang dalawa ni Liam sa akin. Inalok nila ako ng potato chips at dahil mahilig ako rito ay kumuha na lang din ako. "3 hours pa pala ang byahe. Nakakaantok," humihikab na sabi ni Pauline. "Matulog na muna tayo para mamaya pagdating don, wala nang tulugan!" Sabi ni Kevin at nagtawanan sila sa likod. "Quiet, may natutulog," saway ni Pauline kila Kevin. "Ops, sorry na," agad na sabi ni Kevin. Hindi ko na lang sila pinansin at kumain na lang ako ng potato chips. Hindi ko alam kung bakit ako nasama sa kanila. Nakakainis dahil sana ay nasa bahay ako at natutulog o di kaya ay nanonood ng mga palabas at nagbabasa ng libro. "By the way, may mga ininvite pa si Vivian na taga ibang section, right?" Tanong ni Kevin. "Yep," sagot ni Rea. "Sino nga ulit mga yon? Ilan ba tayo lahat?" Tanong pa ni Kevin. "I don't know eh," sagot ni Rea. "Basta sabi lang ni Vivian may ininvite pa s'ya na taga ibang section," rinig kong sabi ni Pauline. "Sana naman hot and handsome!" Rinig kong sabi ni Sera na katabi ni Rea. "Hoy, ano pa ako? Hot and handsome din naman ako," sabi ni Kevin. "Hoy, ako din no." Sabi pa ni Vincent. Napasimangot na lang ako at nginuya ang huling hawak ko na potato chips. Matapos kong kainin ito ay kinuha ko ang earphones ko at sinalpak sa tainga. Kinuha ko rin ang phone ko at nakitang may mga bagong message sa akin si kuya. "Ayaw mo na?" Tanong ni Cara sa akin habang hawak-hawak ang potato chips. Umiling ako. "iidlip na muna ako. Medyo napagod ako kanina," sagot ko sa kan'ya. "Sabagay. Okayy." Binalik n'ya na ang potato chips kay Kael. "Pagod din pala ako," rinig kong sabi ni Kael. "Idlip tayo after ubusin to para may energy mamaya." "Okay," sagot ni Cara sa kan'ya. Nag-play na ako ng kanta at sinandal ulit ang ulo sa bintana. Tinignan ko ang mga messages sa akin ni kuya. Kinakamusta ako nito at nagtatanong kung ano na daw ba ginagawa ko. Mag-update din daw ako sa kan'ya at tinatanong n'ya rin kung bakit hindi ko sinasagot mga tawag n'ya. Huminga ako nang malalim at nag-reply na lang sa kan'ya dahil baka kanina pa ito nag-aalala sa akin. I'm fine. Sorry hindi ko nasagot yung tawag mo. Nagsi-swimming pa kasi kami. Gusto ko muna mag-enjoy dito. - Mikaella. Pagka-send ko ng message ay nilapag ko na sa lap ang phone ko. Napatingin ako sa labas at nakita ang mga nagtataasang puno. Walang tao na naglalakad sa labas at puro mga kotse lang ang nandidito. Pinikit ko na ang mga mata ko. Halos isang oras kaming naglaro ng badminton kanina. Pakiramdam ko ay sasakit bukas ang binti at braso ko. Ang tagal ko na rin kasi hindi nakapaglaro ng badminton na ganon katagal at ka-intsense. Nag-enjoy din naman ako sa paglalaro at ginusto iyon kaya wala akong karapatan para magreklamo. Nang maramdaman kong may gumalaw sa likuran ko ay napadilat ako. Tinignan ko kung sino ang nasa likuran ko gamit ang reflection sa bintana. Nakita ko si Liam na nakasandal ang ulo at nakapikit. Mukhang pagod at tulog din s'ya. Bakit kaya s'ya sumama? Sa pagkakaalam ko ay s'ya ang tipo na hindi sumasama sa mga ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD