CHAPTER THIRTY SEVEN

2977 Words
Mikaella's P.O.V. Uwian na at kakalabas lang ni Professor Quan. Niligpit ko na ang mga gamit ko at sinuot ang bag. Maglalakad na sana ako nang humarang si Kael sa dadaanan ko. Napatingin ako sa kan'ya. "Are you going to Vivian's 18th birthday this coming Sunday?" Tanong nito sa akin. "Pinag-iisipan ko pa," sagot ko sa kan'ya. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko ito sa bulsa ng school blazer ko at nakitang may message si kuya Mike sa akin. I'll pick you up. Let's have dinner with my co-worker, Shiela. I'm here sa gate ng school mo, waiting for you. - Kuya Mike. "It will be fun, Mika. You should come," sabi pa ni Kael kay naman napabalik sa kan'ya ang atensyon ko. "I need to go. My brother's waiting for me outside," sabi ko sa kan'ya at binalik na ang phone sa bulsa ng school blazer ko. "Ah, okay, okay. Take care," sabi nito sa akin at tumango. "Will do," sagot ko dito at naglakad na ako papalabas ng classroom. Binilisan ko na lang ang paglalakad ko hanggang sa makalabas na ako ng building. Nakita ko ang kotse ni kuya sa labas ng gate ng Willton's Academy. Pumila na ako para makalabas. Kahit pauwi ay may pila pa rin at chine-check nila ang mga gamit namin at oras ng pag-uwi. Mas mahigpit ang paaralan na ito kaysa sa school namin ni Kross. Pinakita ko ang I.D. sa babaeng guard at tumango ito. Pagkalabas ko sa gate ay dumiretso na ako agad sa kotse. Binuksan ko ang passenger's seat at umupo dito. Nakita ko naman si kuya na nakasuot parin ng suit. Mukhang hindi na ito umuwi at dumiretso na dito para sunduin ako. "How's school?" Tanong n'ya at nagsimula nang mag-drive. "It's fine," sagot ko dito at hinubad ang bag pack ko tapos ay pinatong ito sa upuan sa likod. "Mabuti naman," sagot ni Kuya. "Maaga kami pinauwi ngayon kaya naisipan kong kumain sa labas kasama si Shiela." Dati ay kasama rin namin si Shiela na nag-dinner. Ano kayang meron sa kanila ni kuya? Ang alam ko ay hindi basta-basta nagyayaya si kuya sa mga hindi n'ya gaano ka-close. Sa unang beses ay okay pa dahil naiintindihan ko naman iyon. Kailangan n'ya magkaron ng kaibigan at kuhain ang loob nila. Pero mukhang mapapadalas ang pagsama n'ya kay Shiela. "Ahhh," mahinang sagot ko at tumingin sa bintana. "Dun pala tayo kakain sa bagong bukas na restaurant. Sinuggest kasi ni Shiela 'yon. Pagmamay-ari iyon ng kamag-anak n'ya." Hindi ako nagsalita at tumango lang. Kinuha ko ang phone ko at nakitang may sinend si Chaz sa akin. Binuksan ko ang conversation namin at nakita ang video ng isang cute na aso. Kinuha ko ang earphone ko at sinalpak ito sa phone ko. Nilagay ko rin ito sa tainga ko at pinlay ang video. Agad akong napangiti nang makita kung gaano ito ka-cute. Napansin ko namang nakatingin sa akin si kuya kaya agad kong inalis ang ngiti sa labi ko at sumimangot. Mamaya ay mapagkamalam n'yang may boyfriend ako. "Day off ko pala bukas at sa sunday. Balak ko sanang bisitahin sila Mommy kasama ka bukas," rinig kong mahinang sabi nito. Natigilan ako saglit at nakatulala lang sa phone ko. "Okay lang ba sa'yo?" Tanong n'ya. "Malapit na kasi silang mag-2 months doon. Gusto ko sanang bisitahin natin sila palagi. Gusto kong kausapin at magkwento sa kanila." What's the point kuya? They're dead already. Kahit anong kausap at kwento mo sa kanila, hindi sila sasagot. Hindi rin nila tayo maririnig. "Not now," mahina kong sabi at sinandal ang ulo sa bintana. "Maybe next next week." "Alright. Next next week, okay?" Pagsisigurado ni kuya. "Okay," mahina kong sagot at nag-play na lang ng kanta sa phone ko. Last time ay niyaya na ako ni kuya pumunta sa grave nila Mommy at Daddy pero hindi ako pumayag dito. Pakiramdam ko ay gustong-gusto na ni kuya bisitahin sila Mommy pero hindi n'ya ito magawa. Alam kong gusto n'ya ay kasama ako. Gusto n'ya ay kompleto kami. Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa labas. Hindi pa ako handa makita ulit ang puntod nila Mommy at Daddy. Hindi pa ako ulit handang balikan ang pangyagari noon na hanggang ngayon ay sariwa pa sa isip ko. Pero ayoko namang ma-disappoint si Kuya. Ayoko namang ako lang ang pumipigil sa kan'ya para mabisita sila Mommy kaya pumayag na lang ako. Kailangan kong ihanda ang sarili ko. Napatingin naman ako sa harap nang maramdamang huminto na si Kuya. Naka-park na pala s'ya at nasa harap na kami ng bagong restaurant. "We're here," sabi nito at pinatay na ang makina ng kotse n'ya. "Let's go." Bumaba na kami sa kotse n'ya at napatingin ako sa paligid. Puro puno at halaman ito. Malawak rin ang space dito. May fish pond pa malapit sa entrance ng restaurant. Naglakad ako papunta doon at nakita ang mga koi fish dito. Napangiti ako nang maalala ang mga koi fish na inaalaga ni Mommy. Kamusta na kaya sila? Inaalagaan kaya sila ng bagong amo nila? Buhay pa kaya sila? "I miss Mom's Koi fish," sabi ni Kuya na nakatayo ngayon sa tabi ko. "Me too," malungkot kong sagot habang pinapanood ang mga iyon na lumangoy. "Mike Anderson!" Parehas kaming napatingin sa babaeng lumabas sa restaurant. Nakita ko si Shiela na nakasuot ng black na dress at nakababa ang buhok. Naglakad ito papalapit sa amin. "Hey, Shiela," tawag ni kuya sa kan'ya. "Hi!" Masayang bati nito kay kuya at nang mapatingin s'ya sa akin ay ngumiti ito. "Nice meeting you again, Mikaella," sabi nito sa akin. Hindi ako sumagot at tumango lang ako tsaka ngumiti rin. "Halika, pasok na kayo sa loob. May mga customers na sila Tita, ang dami. Buti nakapag-reserve ako ng table natin," sabi pa nito at naunang maglakad. Sumunod na ako sa kanila ni kuya papasok sa loob ng restaurant. Nakita ko ang maaliwalas at malawak na loob nito. Kulay puti ang kisame at sahig nila. Kulay light brown naman ang pader nila at my mga halaman dito sa loob. Habang naglalakad ay napatingin ako sa chandelier nila. Malaki ito at maganda. May mga halaman rin na nakatali sa kisame. Kakaiba ang vibe ng restaurant na ito. Tumigil na kami sa paglalakad nang nasa tapat na kami ng table na may tatlong upuan. Umupo na si kuya Mike at Shiela. Sa tabi ako ni kuya umupo. . "Here's the menu." Inabutan kami ni Shiela ni kuya ng tig-isang menu. "Maraming masasarap dito. Sabihan n'yo ako after n'yo makapili ng food. Tatawag ako ng waiter," sabi nito at binuklat na ang menu na hawak n'ya. Napatingin naman ako sa menu na hawak ko. Binuklat ko na lang rin ito at nakita ang mga pagkain na binebenta nila. May mga roast chicken dito, liempo, inihaw na bangus at squid. May mga soup din sila. Mayroon ring sisig na chicken at tofu. Halos kompleto ang mga pagkain dito. "Nakapili kana, Mika?" Tanong ni kuya sa akin at nilapag na ang menu n'ya. "I want inihaw na bangus and tofu sisig," sabi ko sa kan'ya at nilapag na rin ang menu. "How about your drinks?" Tanong pa n'ya. "Water will do," sagot ko sa kan'ya. "Nakapili na ba kayo?" Tanong ni Shiela. "Yes. Ang dami namang choices sa menu. Mga namimiss na foods ko pa ang nandito," sabi ni kuya. "Ganun talaga, para madami kang orderin," sagot ni Shiela sa kan'ya at nagtawanan silang dalawa. Nagtawag na ng waiter si Shiela at sinabi ang mga order namin. "Kamusta naman ang school, Mika?" Tanong ni Shiela sa akin pagkatapos nito uminom ng tubig. "It's great," sagot ko sa kan'ya at ngumiti ng kaonti. . "Nakaka-adjust kana ba sa bagong environment?" Tanong nito sa akin. "Si Kuya Mike mo kasi ay mukhang hindi pa, pero malapit na rin naman." Napatingin ako kay Kuya at ngumiti lang ito tapos ay uminom ng tubig. Alam ko namang hindi lang ako ang nag-aadjust ngayon. Alam kong nag-aadjust din si kuya pero parang pakiramdam ko ngayon ay ang selfish ko dahil sa mga inaakto sa kan'ya. "Nakaka-adjust naman na po," sagot ko kay Shiela. "That's good," masayang sabi nito. "Rest room lang ako saglit," paalam ko sa kanila at tumayo. "Okay. Hintayin ka namin," sabi ni Shiela at tumango lang naman si Kuya. Naglakad na ako papunta sa restroom. Mabuti na lang at hindi mahirap hanapin ang restroom dito. Pumasok ako sa loob at nakitang ako lang ang tao dito ngayon. Humarap ako sa salamin at naghugas ng kamay. Actually, wala naman akong gagawin dito. Gusto ko lang umiwas sa kanila ni Kuya dahil mukhang dadaldalin talaga ako non. Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ako. Habang naglalakad ay nakita kong may mga pagkain na sa lamesa namin kaya naman binilisan ko na ang paglalakad. Gutom na rin kasi ako at matatahimik na si Shiela dahil nandito na ang mga orders namin. Pagkabalik ko sa table namin ay agad na akong umupo. Nakita ko na ang order ko tofu sisig at inihaw na bangus pati ang java rice nila. Sobrang na-miss ko qng inihaw na bangus. Dati ay lagi kaming nag-iihaw ng mga chicken, liempo, beef o bangus sa bahay. Mahilig kasing magluto si mommy. Narinig kong nag-uusap sila kuya at Shiela pero hindi ko na ito pinakinggan dahil hindi ko naman sila naiintindihan at gusto ko na lang kumain dahil gutom na ako. Pagkasubo ko ng sisig tofu ay pakiramdam ko nabuhayan ako. Sunod kong tinikman ang inihaw na bangus at hindi ko na napigilang kumain ng madami. "Mukhang nagustuhan ni Mika yung inihaw na bangus," rinig kong sabi ni Shiela. "Actually, favorite n'ya rin 'yan," rinig kong sabi ni Kuya sa kan'ya. Tinignan ko si Shiela at ngumiti lang ako dito. Akala ko pag dumating na ang pagkain ay hindi na ako madadamay sa usapan nila, pero hindi pala. Binalik ko na lang ang tuon ko sa pagkain. Makalipas ang isang oras ay tapos na kaming lahat kumain. Napatingin ako sa relo ko at nakitang 7 P.M. na pala. "How was the food?" Tanong ni Shiela sa amin. "It was delicious!" Agad na sagot ni Kuya at nilapag ang baso ng mango shake na inorder n'ya. "How about you, Mika?" Tanong ni Shiela sa akin at naramdaman kong nakatingin silang dalawa ngayon sa akin. "Good," sagot ko at nag-thumbs up tapos ay ngumiti. "I'm glad nagustuhan n'yo!" Masayang sabi ni Shiela at nilabas nito ang phone n'ya. "Pwede bang magpa-picture kay Mr. Evergreen at Ms. Evergreen?" Tanong nito sa amin ni kuya. Agad namang natawa si kuya dahil sa tanong nito. "Of course," sagot nito. Tinaas naman ni Shiela ang phone n'ya at napatingin kami sa front carema nito. Nakita kong nakangiti si Shiela at kuya. Ngumiti na lang rin ako dito at nang matapos mag-picture ay tumayo na kami. Sana lang ay hindi mahalata ni Shiela na peke at pilit ang ngiti ko. "By the way Shiela, una na pala kami ni Mika. Anong oras na rin eh," paalam ni kuya sa kan'ya. "Ohh, oo nga pala. 7 P.M. na," gulat na sabi ni Shiela habang nakatingin sa phone. "Ihatid ko na kayo sa labas," alok nito. Naglakad naman na kaming tatlo papalabas ng restaurant. Dumiretso na ako sa loob ng kotse habang nasa labas pa si Shiela at kuya Mike na mukhang may pinag-uusapan. Napasandal na lang ako at buntong hininga. Gusto ko na umuwiiii! Kinuha ko na lang muna ang phone ko at bigla kong naalala ang nasaksihan ko kanina sa rooftop kay Nathan. Chineck ko ang oras at may limang oras pa bago mag 12 A.M.. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung pupunta rin ba ako doon o hindi. Gusto kong pumunta dahil sobrang nacu-curious ako pero may part rin sa akin na ayoko dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka 'yung mga killers nga ang kikitain ni Nathan. Natatakot ako na baka mahuli nila ako at babalik ang takot at kaba na naramdaman ko noon. Napatingin naman ako sa driver's seat nang makitang nakaupo na dito si Kuya at binuksan na n'ya ang makina. Napatingin ako sa harap namin at nakita si Shiela na nakatayo at kumakaway. Kumaway saglit si kuya dito at pinaatras na ang kotse para ialis sa pagkaka-park. ××× Nakahiga na ako ngayon sa kama habang nakatingin sa mga glow in the dark na nakadikit sa kisame ko. Nakatulala lang ako dito at nag-iisip parin hanggang ngayon. Nakasuot na ako ng pajama at hinihintay na lang na antukin ako pero kahit anong pikit ang gawin ko ay naalala ko na may kikitain si Nathan mamayang 12 A.M. sa Willton's Academy. "Argh." Napaupo ako sa kama at napasimangot. Tinignan ko ang clock ko sa side table at nakitang 11:30 P.M. na. Napatingin ako sa bintana ko. Hindi ko sinara ang kurtina doon kaya kita ko ang madilim na langit. "Bahala na nga," mahina kong sabi at tumayo. Dumiretso ako sa cabinet ko at kumuha ng itim na cap dito. Nakaitim na pajama at longsleeve naman na ako kaya okay na rin ito. Sinuot ko ang itim na rubber shoes ko at kinuha ko ang phone ko. Mabilis akong nagpunta sa pintuan ko at marahan itong binuksan at sinara dahil baka magising si kuya. Pagkasara ko dito ay marahan rin akong nagpunta sa hagdan para bumaba. Nang hahakbang pa lang ako pababa ay agad na nanlaki ang mata ko nang makita si kuya sa baba na humihikab at kakalabas lang sa kusina na may hawak na baso ng tubig. Nakabukas ang dim light sa baba kaya naman medyo kita ko s'ya. Napakagat ako sa labi ko at napaatras ako. Marahan akong naglakad pabalik sa kwarto ko at napangiwi na lang. "Sht," mahina kong sabi. Pano ako ngayon n'yan makakalabas ng bahay? Mukhang nagising si kuya at nagpapaantok s'ya. Napalingon ako sa bintana ko at agad na nagpunta dito. Marahan kong binuksan ito at naramdaman ko ang malakas at presko na hangin. Tinignan ko ang baba. Saktong pinto ng bahay palabas ang baba ng bintana ko. Pano naman ako bababa? Wala akong tali o kahit na ano dito. Napatingin ako sa kumot at bed sheet ko. Napangiti ako at mabilis na nagpunta sa kama. Tinali ko ang mga ito at nang kulang pa ang haba ay kumuha ako ulit ng bed sheet at dinugtong ito. Nang makitang sapat na ang haba nito ay agad akong lumapit sa bintana ko. Tinali ko ito ng maigi sa bakal at binaba ko ang ginawa ko. Sinilip ko ito at nakitang sakto lang ang haba nito. Bumalik naman ako sa kama ko nilapag ang mga unan tapos ay kinumutan ito para kung i-check man ako ni kuya ay makikita n'yang nandito lang ako at natutulog. Sinuot ko na ang itim na cap at nagpunta sa bintana. Sinara ko ang kurtina ko dito para hindi makita na bukas ito. Tumuntong na ako sa bintana at napapikit ako saglit nang malula ako. Hindi naman ako gano takot sa heights pero first time ko kasing gagawin ito kaya nakaramdam ako ng takot at kaba. Huminga ako nang malalim at dinilat na ang mga mata. Mahigpit akong kumapit sa tali na ginawa ko at dahan-dahan na bumaba. Habang pababa ay napapadasal na lang ako na huwag sana ako malaglag. Agad akong napatingin sa trash can malapit sa kotse ni kuya nang makarinig ako ng ingay don. Nakita kong isang pusang itim lang ito na nagkakalkal ng basura. Nakahinga naman ako ng maluwag at pinagpatuloy na ang pagbaba pero agad rin akong napatigil at nanlaki ang mata nang makitang bumukas ang pinto. Mabilis kong hinila ang tali sa ibaba ko para hindi ito makita ni Kuya. Nakita kong lumabas s'ya ng ilang hakbang at tinignan kung saan nangagaling ang ingay. Pinigilan ko ang paghinga ko at gumawa ng kahit na anong ingay. "Pusa lang pala," rinig kong sabi ni Kuya at pumasok na ito sa loob. Narinig ko ang pagsara at pag-lock n'ya sa pinto kaya naman binaba ko na ang tali at nakahinga na rin ako ng maluwag. Pinakiramdaman ko muna s'ya at matapos ang ilang segundo ay tinuloy ko na ang pagbaba. Nagtagumpay naman ako dito at marahan kong sinabit sa mataas na halaman sa tabi ng pinto namin ang tali para hindi ito mahalata. Matapos nito ay napasilip ako sa bintana. Nakabukas ng kaonti ang kurtina kaya nakikita ko ang loob. Nakita ko si kuya Mike na paakyat na sa hagdan kaya naman mabilis na akong tumakbo papalayo dito sa bahay. Habang tumatakbo ay mas lumalakas ang malamig na hangin. Napayakap ako sa sarili ko. Kahit naka-longsleeve at pajama na ako ay ramdam na ramdam ko parin ang lamig. Napatingin rin ako sa paligid ko at nakita ang ibang madidilim na parte na nadadaanan ko. Napalunok ako at umiling. Hindi ako dapat makaramdam ng takot. Kailangan kong bilisan. Tumakbo na ako at tinignan ko ang oras sa phone ko. Nakita kong 11:40 na. 20 minutes na lang at mag-12 A.M. na. Mas binilisan ko ang pagtakbo at nakatingin lang ako sa dinadaanan ko. Kahit anong ingay ang naririnig ko sa paligid ay hindi ako tumitingin dito. Kahit i-distract ko ang sarili ko ay nakakaramdam parin ako ng takot. Napakagat ako sa labi at naiyukom ko ang palad ko nang maalala ko ang nasaksihan ko noon sa forest. Ang pagsunod ko sa mga killers sa gubat at ang pagbaril ng mga ito sa walang kalaban-laban na babae. Hindi ko namalayan na napadiin na pala ang kagat ko sa labi ko. Nakaramdam na lang ako ng hapdi dito kaya hinawakan ko ito. Tinignan ko ang kamay ko at nakita ang dugo ko rito. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makapunta ako sa harap ng Willton's Academy. Pinagmasdan ko ang madilim at malaki na paaralan na ito. "I will find out everything," mahina at seryoso kong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD