CHAPTER THIRTY SIX

2980 Words
Mikaella's P.O.V. "Class," tawag sa amin ni Professor Dannica at tumayo. Napatigil naman kami sa pagsusulat ng notes nang tawagin n'ya kami. "Nathan and his guardian is here. Kailangan ko lang sila makausap. I'll be back. I'll check your notes pagkabalik ko, okay?" Strict na sabi nito sa amin. "Okay Professor Dannica!" Agad na sagot ng mga classmates ko. Friday na ngayon at ito ang pinakahinihintay na araw ko dahil pagtapos nito ay wala na kaming pasok bukas at sa sunday. Tinuloy ko na ang pagsusulat ko ng notes pero napatigil din ako nang ngayon lang mag-sink in sa isip ko ang sinabi ni Professor Dannica. Nabitawan ko ang ballpen ko at napatingin sa pinto. Nandito si Nathan? Pero bakit? Hindi na s'ya pumapasok hindi 'ba? "I heard nandito sila Nathan para ayusin ang papers n'ya," rinig kong sabi nang classmate ko na nakaupo sa harap ko na si Patrick. "Bakit?" Tanong ng kausap n'ya sa harapan n'ya. "Magta-transfer na daw s'ya ng school," sagot ni Patrick. Napakunot ang noo ko dahil sa narinig ko. Magta-transfer ng school si Nathan? Bakit? Hindi ko pa s'ya nakakausap. Hindi ko pa natutuklasan kung sino ang kausap n'ya noon at kung ano ang pinag-uusapan nila. Kailangan ko nang kumilos at alamin iyon. "Quiet guys, gawin n'yo na yung pinapagawa ni Professor Dannica," utos sa amin ni Kael at tumayo. Tumahimik naman na ang mga classmates namin at bumalik na sa pagsusulat ng notes. Kinuha ko na rin ang ballpen ko at nagsimula nang magsulat. Habang nagsusulat ay napabuntong hininga ako at tumayo. Napatingin silang lahat sa akin at tumingin ako kay Kael. Hindi ko magawang mag-concentrate sa pagsusulat. "I'll go to restroom," paalam ko sa kan'ya. "Okay. Be quick," sabi nito at tumango na lang ako. Mabilis na akong naglakad palabas ng classroom. Pagkalabas ko ay napatingin ako sa hallway at nakitang walang mga estudyanteng pakalat kalat dito dahil oras ng klase ngayon at tahimik dito. Naglakad na ako papunta sa direksyon ng restroom dahil alam kong nakatingin sa akin sila Kael sa bintana. Nang makalayo na ako at nasa harap na ako ng restroom ay hindi ako pumasok dito at dumiretso lang ako sa paglalakad. Bumaba ako at napatingin ako sa mga classrooms na nadadaanan ko. Lahat sila ay tahimik lang at nakikinig sa mga professors nila. Nang mapadaan ako sa classroom ng G12 ABM ay napatingin ako saglit sa bintana nila. Nakita ko si Chase na seryoso ang mukha at nakatingin sa professor nila. Nang makitang palingon ito sa akin ay nag-iwas ako ng tingin at binilisan na ang paglalakad. Nagtungo ako sa pinakadulo ng hallway kung saan nandito ang office ni Professor Dannica. Huminto ako nang nasa tapat na ako ng pinto nito. Nakita kong nakaawang ito ng kaonti kaya naman sumilip ako dito. Nakita kong nakaupo si Nathan at may kasamang babae. Si Professor Dannica naman ay may mga papers na inaayos sa white folder. "Me and Nathan want to start a new life. Masyadong malakas ang impact ng pangyayari sa kan'ya. I know hindi s'ya makaka-move on hangga't hindi s'ya nakakalipat ng school. Hangga't nandito kami sa Moonbridge Town at nakikita n'ya ang mga pamilyar na lugar at mukha," sabi ng babae at hinawakan ang kamay ni Nathan. "I understand po. However, malapit na rin po s'ya gumraduate. Are you really sure na magta-transfer po s'ya? Baka mahirapan s'ya mag-adjust sa new environment ng papasukan na school n'ya. Marami rin s'yang school works na hahabulin doon and stressing iyon," paliwanag ni Professor Dannica dito. "Nathan, can you buy us a juice?" Tanong ng babae kay Nathan at ngumiti ito dito. Hindi nagsalita si Nathan at tumango lang ito. Nang makitang tumayo ito ay agad akong nag-panic. Mabilis akong nagpunta sa kabilang gilid at sumandal sa pader. Nakita kong bumukas na ang pinto at nakita ko ang likod ni Nathan. Agad naman akong sumunod dito at sinugurado kong hindi ako gumagawa ng ingay dahil pagnarinig n'ya ako at lumingon s'ya ay wala na akong takas. Wala na akong ibang pwedeng mapapagtaguan. Napakunot ang noo ko nang makitang hindi lumabas si Nathan para pumunta sa Cafeteria. Umakyat ito. Marahan ko naman s'yang sinundan hanggang sa makapunta kami sa pinaka huling hagdan paakyat. Hindi ba sarado ang rooftop? Ang alam ko ay ni-locked na nila ito simula nung nagtangkang tumalon si Nathan dito. Hindi na muna ako umakyat at sinilip ko lang si Nathan. Nakita kong may nilabas itong susi sa bulsa n'ya at binuksan ang rooftop. Pagkabukas ng pinto ay nakita kong hinangin ang buhok n'ya. Lumabas na s'ya doon kaya naman mabilis akong umakyat. Nag-stay lang ako sa loob at sinilip s'ya sa pintuan. Nakita ko si Nathan na nakatayo lang sa gitna. Kita ko ang sideview nito at nakapikit s'ya. Anong ginagawa n'ya? Biglang nag-ring ang phone n'ya at kinuha n'ya ito sa bulsa n'ya. Sinagot n'ya ang tawag at pinatong ang phone sa tainga. "Anong kailangan n'yo?" Rinig kong tanong ni Nathan. Mas lumapit ako ng kaonti sa pintuan dahil hindi ko gaano marinig ang sinasabi n'ya. "Fine. Let's meet later." Napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi n'ya. Sino ang ime-mee n'ya mamaya? "Saan pa nga ba? Here at Willton's Academy. I'll be waiting at exactly 12 A.M.. Tulog na ang guard na nagbabantay n'yan but you guys still needs to be careful," seryosong sabi nito. Nang makitang ibaba n'ya na ang tawag ay agad na akong bumababa sa hagdan. Binilisan ko ang pagbaba at nang marinig ko ang pagsara ng pintuan sa rooftop ay naghanap ako ng kwarto na pwede kong pagtaguan. Hindi pwedeng bumaba pa ako dahil sigurado akong makikita ako ni Nathan. Napatingin ako sa hagdan nang marinig ko na ang mga yapak n'ya. Mabilis akong nagpunta sa mga classrooms at isa isang binuksan ang mga pintuan. Sarado ang mga ito dahil ginagamit ito sa mga students clubs or meeting. Narinig kong papalakas na nang papalakas ang yapak ni Nathan. Napatingin ako sa hagdan at nang makita ko na ang kamay nito ay malakas kong pinihit ang door knob ng room na nasa harapan ko. Nakita ko na ang buhok ni Nathan kaya naman mabilis kong tinulak ang pintuan at nagulat ako nang bumukas ito. Muntik na akong madapa at mabuti na lang ay agad kong na-control ang paa ko. Mapapasigaw pa sana ako pero madiin kong tinikom ang bibig ko at agad na sumilip sa pintuan. Nakita ko si Nathan na pababa na kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. "What are you doing here?" Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses. Dahan-dahan akong lumingon at nakita si Liam na nakasandal sa tabi ng bintana habang hawak-hawak ang sigarilyo nito. Napangiwi ako nang maalala ang nakakahiya kong ginawa kanina. Siguro ay nakita n'ya na muntik na akong madapa at nang pigilan ko ang sarili kong mapatili. Napatingin ako sa paligid at nakitang puro libro ang mga ito tungkol sa halaman. May isang table na pahaba pa sa gitna ay may mga halaman na nakalagay sa maliit na pot. Napatingin ako sa pinto at nakitang isa itong club para sa mga mahihilig sa plants. "Sorry, wrong room," sagot ko sa kan'ya at maglalakad na sana pero nagsalita ito agad. "If I'm not mistaken, oras ng klase ngayon. Bakit wala ka sa klase mo?" Tanong nito at tinapon sa trash can ang sigarilyo n'ya. Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nito. "How about you? Oras ng klase pero you're here and smoking." Nakita kong napangiti ito ng kaonti dahil sa sinabi ko. Napakunot naman ang noo ko dahi dito. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Naglakad ito papalapit sa akin kaya naman napaatras ako. Nang maramdaman ang pinto sa likuran ko ay napangiwi ako. Tinignan ko si Liam na nakatayo sa harap ko at seryoso ang mukha. "How about we skip classes today?" Seryosong tanong nito. "Nope. I'm not like you," agad kong sagot at umiling. "Really?" Tanong nito. Nakita ko ang sugat sa labi n'ya na pagaling na. Wala na rin ang ibang pasa sa mukha nito peto may band aid parin ito sa kabilang pisnge. "Yes," sagot ko dito. "If you say so," sabi nito at humakbang paatras. Tinignan ko ito sa huling pagkakataon at tahimik nang lumabas ng room. Mabilis na akong naglakad pababa. Ilang minuto na ang lumipas at sigurado akong nagtataka na si Kael dahil ang tagal ko. Sana lang ay wala pa si Professor Dannica. Pagkababa ko sa 2nd floor ay dumiretso na ako agad sa classroom. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko ang mga classmates ko na tahimik at nagsusulat. Pagtingin ko sa pisara ay nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang wala pa si Professor Dannica. Napatingin sa akin ang lahat at nakita kong napaiwas sila ng tingin. Tinignan ko si Kael at sumenyas s'ya na pumasok na ako. Napakunot naman ang noo ko dahil sa inaakto n'ya. "Hello, Ms. Mikaella Evergreen." Napakagat ako sa labi ko nang marinig ko ang boses ni Professor Dannica sa likuran ko. "Are you planning to come in or dito ka na lang sa pinto?" Agad naman akong pumasok sa loob at napatingin sa kan'ya. "She went to the bathroom, Professor Dannica," rinig kong sabi ni Kael na nakatayo. "Is that so?" Tanong nito sa amin at sinara na ang pinto. "Yes po," sagot ko sa kan'ya at tumango. Ngumti naman ito sa akin. "Okay. Maupo kana. Don't worry, I'm not mad," sabi nito. Agad naman na akong naglakad papunta sa upuan ko. Napatingin ako kay Loui na tapos na sa pagsusulat ng notes n'ya at ngayon ay nagbabasa ito ng isang libro. "Tapos na ba ang lahat sa notes nila?" Tanong ni Professor Dannica. "Iche-check ko na ang mga notebooks n'yo. Pakipasa isa-isa." Agad na nanlaki ang mata ko at pinagpatuloy ang sinusulat. Isang paragraph na lang ang kulang ko. Mas binilisan ko ang pagsusulat nang makitang tumatayo na isa-isa ang mga classmates ko at nagpupunta sa pisara para ipasa ang mga notebooks nila. "Sht," mahina kong sabi nang makitang tumayo na si Patrick na nakaupo sa harap ko. Pagkabalik n'ya sa pwesto n'ya ay saktong tapos na ako sa sinusulat ko kaya naman tumayo na ako at dinala ang notebook para ipatong sa lamesa ni Professor Dannice. Nakita kong chine-check na nito ang mga notebooks namin. Naalala ko rin kanina ang pinag-uusapan nila ng kasama ni Nathan. "Ms. Mikaella Evergreen, are you okay?" Tanong nito sa akin. Napabalik naman ako sa sarili ko at napatingin kay Professor Dannica na nakatingin na sa akin. "Ah, yes. Sorry po," agad kong sagot at mabilis nang naglakad papunta sa upuan ko. Nakita ko namang tumayo na ang susunod sa akin at pinasa na nito ang notebook n'ya. Napabuntong hininga na lang ako at tingin sa bintana. Ang lutang ko na naman. "Malapit na mag-lunch break. Pag hindi ko to natapos i-check lahat, tomorrow ko na lang ibabalik sa inyo, okay?" Paalala ni Professor Dannica. "Okay po!" Sagot ng mga classmates ko. Nakita ko sa labas si Nathan kasama ang guardian n'ya. Naglalakad na sila papunta sa gate ng Willton's Academy. Naalala ko ang narinig ko kanina sa kan'ya habang may kausap ito sa phone. Makikipag-meet up ito sa kanila mamayang 12 A.M. dito mismo sa Willton's Academy. Sino kaya ang kikitain n'ya? Bakit ganong oras at bakit dito sa Wilton's Academy? Biglang nag-ring na ang bell at tumayo na si Professor Dannica. "Goodbye Class!" Tumayo naman kami at nag-bow dito. "Goodbye Professor Dannica!" Sagot namin dito. "Kael and Cara, can you help me with this?" Tanong ni Professor Dannica kila Kael habang turo-turo ang mga notebooks na pinasa namin. "Yes, Professor Dannica," sagot ni Kael at Cara tapos ay lumapit sila dito. Nakita kong hinati nilang dalawa ang mga notebook at binuhat na ito. "Happy lunch break, Class! See you tomorrow." Lumabas na si Professor Dannica kasama sila Kael at Cara. Niligpit ko na ang gamit ko at tumayo para pumunta sa cafeteria at bumili ng pagkain. Pagkapunta ko sa cafeteria ay agad na akong pumila habang konti pa ang tao. Nag-rice meal ako at banana shake. Pakiramdam ko ay gutom na gutom ako ngayon. Napagod rin ako kakatakbo kanina dahil kay Nathan. Pagkakuha ko ng tray ay pumesto ako sa dulo para hindi ako mapansin ng ibang estudyante. Tahimik na kumakain lang ako nang may tray na lumapag sa harap ko. Pagkatingin ko dito ay nakita ko si Chaz. "Hi Ate Mika!" Bati nito sa akin at ngumiti. Napatigil naman ako sa pagnguya at binati rin ito, "Hi," mahina kong sabi at uminom ng banana shake. "Thank you for this keychain." Tinaas ko ang phone ko at nakita n'ya ang dog keychain na binigay n'ya sa akin. Nakita kong lumiwanag ang mukha nito nang makita n'yang gamit-gamit ko ito. "Your welcome, Ate Mika. Sorry pala ulit." "Nah, it's fine. We're cool now. Wag mo na isipin yun," sabi ko sa kan'ya at pinagpatuloy na ang pagkain. Ayoko na makaramdam ng awkwardness kaya mas mabuti nang kalimutan na rin namin 'yon. "By the way Ate Mika," sabi nito at huminto saglit. "Need namin mag-survey ng 50 students. Kung okay lang pwede mo sagutan yung ise-send ko sayo?" Tanong nito. "Ah, sure," sagot ko sa kan'ya. "Thank you, Ate Mika. Mamayang uwian ko na lang ise-send. Sa monday pa naman namin kailangan." "Sige lang," sagot ko sa kan'ya at inubos na ang rice meal ko. Tinabi ko na ang plate ko at ininom ang banana shake. Napatingin ako sa pila sa counter at nakita ko si Earl doon. Matagal ko ring hindi s'ya nakita. Ginala ko pa ang paningin ko at nakita ko si Chase na nakaupo malapit sa bintana at mukhang hinihintay si Earl. Nang maubos ko na ang banana shake ay tinignan ko ang relo ko at nakitang may 20 minutes pa bago matapos ang lunch break. Isang oras lang kasi ang lunch break namin. Pakiramdma ko ay bitin nga ito. "I'm done," sabi ni Chaz na kakatapos lang ubusin ang carbonara at garlic bread na inorder n'ya. "Sabay na tayo pumunta sa building?" Alok nito. "Hindi ba magkaiba tayo ng building?" Tanong ko sa kan'ya. Dalawa kasi ang building dito. Para sa Grade 12 students ang isa, habang ang isa naman ay sa mga grade 11 students. "May pupuntahan rin kasi ako sa building n'yo. May friends ako na Grade 12 din. Kailangan kasi naming mag-survey sa mga grade 12 students," paliwanag nito sa akin. "Ahh." Tumango-tango naman ako dito at tumayo na. "Let's go. May gagawin pa pala ako." Tumayo na rin naman na s'ya at nagsimula na kaming maglakad papalabas ng cafeteria. Napatingin ako kay Chase nang madaanan namin s'ya. Nakita kong seryoso lang ang mukha nito habang hawak-hawak ang phone. Pagkalabas naman namin ni Chaz sa cafeteria ay dumiretso na kami sa building. Nakita ko ang ibang estudyante na napapatingin sa amin. "Tabi!" Agad na nagsitabihan ang mga estudyanteng naglalakad sa gitna at pati na rin kami ni Chaz nang marinig namin ang boses ni Jaxe Dean. Napakunot ang noo ko nang makitang nagi-skate board na naman ang isang ito sa hallway. Nang mapadaan s'ya sa amin ni Chaz ay tumingin s'ya sa akin at ngumiti. "Hindi ba bawal ang ginagawa n'ya?" Tanong ko kay Chaz. Nagsimula na ulit kaming maglakad nang makalayo na si Jaxe Dean. Narinig ko ang reklamo ng mga ibang estudyante na malapit sa amin ni Chaz. "Yep. Pero dahil matigas ang ulo n'ya, walang nakakapigil sa kan'ya," sagot ni Chaz sa akin at umakyat na kami papunta sa 2nd floor. "Even the principal?" Tanong ko dito. "I heard some news na pinapagalitan s'ya ng Principal which is his father," paliwanag ni Chaz. "Narinig ko ring papapuntahin s'yang America if hindi s'ya titino." Napatango ako nang marinig ito. Hindi ko naman alam ang reason kung bakit ganito ang inaakto ni Jaxe kaya wala ako sa posisyon para i-judge s'ya. "5 months na lang at ga-graduate na tayo. Ang hirap naman kung lilipat pa sa ibang bansa si Jaxe," sabi pa ni Chaz. Huminto naman na ako sa paglalakad nang nasa harap na kami ng classroom ko kaya napahinto na rin s'ya. "Yeah, that's true," mahina kong sagot. Kahit ako ay medyo nahihirapan pa at naninibago dito sa Willton's Academy. "Dito na ba classroom mo?" Tanong ni Chaz at tinignan ang pinto para i-check kung room nga ito ng Grade 12 STEM A. "Yup," sagot ko sa kan'ya at binuksan na ang pinto. "Dito na ako." "Okay Ate Mika, see you around! Byee!" Paalam nito habang kumakaway at nakangiti. Hindi na ako nagsalita at ngumiti na lang ako ng kaonti sa kan'ya at pumasok na sa loob. Pagkapasok ko ay nakita kong nandidito ang mga ibang classmates ko. Mostly ay mga babae. Nagkukumpulan sila kay Vivian. "Hey Mika!" Rinig kong tawag sa akin ni Vivian nang madaanan ko sila ng mga classmates namin. Napahinto naman ako at tinignan s'ya. "You're coming to my 18th birthday, right?" Tanong nito habang nakangiti. Hindi ako agad nakasagot dahil wala naman talaga akong balak pumunta sa birthday n'ya. Hindi ko s'ya ka-close at wala rin naman akong kaibigan dito. Sigurado akong magiging loner lang ako lalo sa birthdah n'ya. "Pumunta kana, Mika!" Sabi ni Pauline sa akin. "Oo nga, sayang naman. Lahat tayo ay invited," sabi pa ni Rea sa akin. Napangiwi na lang ako at tumingin kay Vivian. "I'll try," sagot ko at ngumiti ng pilit. "Yehey!" Masayang sabi n'ya. Nagpunta na ako sa upuan ko at umupo. Sinubsob ko ang mukha ko sa table at nilagay ang earphones sa tainga para makinig ng kanta. Sa isang pool resort gaganapin ang birthday ni Vivian. Matagal na rin ako hindi nakakalangoy. May pool kami sa bahay namin dati pero ngayon ay wala na ito. Nabenta na namin ito at pinangbayad sa mga ka-business nila Mommy at pati na rin sa mga utang. Napabuntong hininga na lang ako at pinikit ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD