CHAPTER SIXTY NINE

2908 Words
"Daddy?" gulat na sabi ni Mika nang makita ang kan'yang Ama at Ina sa labas ng kwarto. Mukhang balisa ang dalawa kaya mas lalo itong nakakapagtaka. Dati naman ay pinupuntahan s'ya sa kwarto n'ya pero si Amel lang ang nagpupunta hindi kasama si Charlotte. "Mika, we need to go," mahinang sabi ni Amell habang tumitingin sa paligid. Agad namang hinawakan ni Charlotte si Mika sa braso at niyakap ang anak. Naramdaman ni Mika na nanginginig ang katawan ng kan'yang Ina. Para bang natatakot ito at kinakabahan. Napatingin s'ya sa itsura ng kan'yang Ama at ganito rin ang inaakto nito kaya napakunot ang noo ni Mika. "Anong nangyayari?" naguguluhang tanong ni Mika. "Saan tayo pupunta ng ganitong oras?" "Masyadong delikado kung magi-stay tayo dito. Baka makita nila tayo," kinakabahang sabi ni Amell. Humiwalay naman na si Charlotte sa pagkakayakap kay Mika. "SInagot ni Mike ang tawag kanina. SIgurado akong papunta na iyon sa exit," sabi ni Amell. "Bilisan na natin." Maingat na naglakad na ang tatlo. Bawat hakbang nila ay pabilis ito ng pabilis. Kailangan na nilang makatakas bago pa sila makita ng mga killer. Hindi nila alam kung tulog pa ang ibang maid nila o kung ano na ang nangyari sa kanila pero hindi na nila pinuntahan ang mga iyon. Hindi na sila puwede pumunta doon dahil siguradong makakasulong at makikita lang nila ang mga pumasok na kriminal na sa bahay nila. Hindi na sila dapat pa mag-aksaya ng oras. Tanging sarili at pamilya na lang nila ang iniisip nila. "Dad, what's happening?" naguguluhan parin na tanong ni Mika. "May mga nakapasok sa bahay natin," mahinang sagot ni Amell sa anak n'ya habang nauuna ito sa paglalakad para siguraduhin na clear ang mga hallway at dinadaanan nila. "I'm not sure kung ano ang gusto nila pero sigurado akong isa na ang pera natin." Hindi agad nag-sink in ang mga sinabi ni Amell kay Mika. Hindi s'ya makapaniwala sa kan'yang narinig. Parang kanina lang ay maayos ang lahat. Nakikipag-usap at tawanan pa nga ito sa kan'yang mga kaklse. "How about Kuya Mike? paano kung makasalubong n'ya yung mga pumasok dito sa bahay natin?" nag-aalalang tanong ni Mika sa kila Charlotte at Amell. "Don't worry, Mike is grown up man now. Natawagan ko rin s'ya kanina. I'm sure papunta na 'yon sa Exit and kung wala s'ya don, pupunatahan ko s'ya sa kwarto n'ya at hahanapin," sagot ni Amell kay Mika para mabawasan ang kabang nararamdaman ng kan'yang anak. Sobrang nag-aalala din ang dalawang mag-asawa para kay Mike pero wala silang magawa ngayon kung hindi magtiwala sa anak nila na kaya nito ang sarili. Magkalayo kasi ang kwarto ni Mike kay Mika. Magkabilang dulo ang kwarto ng dalawang ito. Kahit hanggang dalawang palapag lang ang bahay ng mag Evergreen ay malaki at napaka-lawak nito. Malapit na ang tatlo sa exit. Isang liko na lang nila at mapupuntahan na nila ito. Napatingin si Mika sa paligid at nakita n'ya ang mga litrato nilang pamilya na nakasabit sa dingding. Pagkaliko nila sa exit sa likod ng second floor ay agad na natigilan ang dalawang mag-asawa sa nakita. Nagtaka naman si Mika dahil tumigil ang parents n'ya sa paglalakad kaya tinignan n'ya ang tinitignan nito at nagulat s'ya nang makita ang isang lalaki doon sa tapat ng pinto ng exit. Nakita nila ang isang lalaki na nakasuot ng itim na damit. Nakatalikod ito kaya hindi nila makita ang mukha. Para silang nawalan ng hininga at hindi makagalaw. Napapikit si Amell at tinapangan ang sarili. Tinignan n'ya ang mag-ina n'ya at sumenyas ito na humakbang sila paatras nang walang kahit na anong ingay na ginagawa. Napalunok si Mika at tumango. Pigil hininga silang tatlo hanggang sa makahabang ito pabalik sa hallway na dinaanan nila. Sumandal sila sa pader at sumilip si Amell sa lalaki. Nakatayo lang iyon habang may hawak na phone at mukhang kausap nito ang mga kasamahan n'ya. "Si kuya.." mahinang sabi ni Mika at tinignan sila Amell. "Sht," mahinang mura ni Amell nang maalalang dahil sa kabilang side ang kwarto ni Mike, sa kabilang hallway ito dadaan at hindi nila iyon makakasalubong. "Anong gagawin natin, Amell?" kinakabahan at naluluhang tanong ni Charlotte. Naiyukom ni Amell ang palad at kinuha ang phone. Sinubukan nitong tawagan ang phone ni Mike pero hindi na ito sumasagot. Naalala n'ya ring pinatay na lang bigla ni Mike ang tawag kanina kaya mas lalong lumaki ang kaba na nararamdaman nito para sa kan'yang anak. Sumilip ulit s'ya at tinignan kung papunta na ba si Mike pero wala ito. Pinagmasdan n'ya ang lalaki at nakita n'yang may baril itong hawak. Nang palingon ito sa kan'ya ay mabilis s'yang nagtago at sumandal sa pader. "They have a gun," mahinang sabi ni Amell sa dalawa. Napatakip sa bibig si Charlotte at pinipigilan ang pag-iyak. Nakita ni Amell kanina na apat ang lalaking pumaosk. ALam n'yang nasa baba ang ibang kasamahan nito at doon nagbabantay kaya mahihirapan rin silang bumaba lalo na't may dalang baril ang mga ito. "Daddy.. anong gagawin natin? si Kuya Mike. We need to save him. Kailangan n'ya tayo. Kailangan natin magsama-sama," naiiyak na sabi ni Mika habang nakayakap sa kan'ya ang kan'yang Ina. Napapikit nang madiin si Amell saglit at tinignan nang seryoso ang dalawa. "We have no choice. Kailangan ko muna kayong iligtas na dalawa. Kailangan ko kayong malabas muna and then I'll come back here and save Mike," sabi nito. Agad na umiling si Mika. "No," umiiyak nitong sabi. "We need to bago pa sila magtaka na hanggang ngayon ay wala pa tayo sa exit," matigas na sabi ni Amell at naunang maglakad. Nanatiling nakatayo lang si Mika pero hinila at pinilit ito ni Charlotte. Kailangan nila kumilos ng mabilis. Wala na dapat silang inaaksaya na oras sa sitwasyon na ganito. Habang naglalakad papunta sa hagdan ay maingat ang mga hakbang at kilos ng dalawang mag-asawa. Kinuha ni Amell ang isang flower vase na nadaanan nila para kahit papaano ay may magamit sila laban sa mga killers. Nang makarating na sila sa dulo ng hallway ay may narinig silang yapak sa kabilang side. Agad silang napatigil at napasandal sa pader. Pinigilan nila huminga at gumawa ng ingay. Napahigpit din ang hawak ni Amell sa flower vase at hinanda ang sarili. Napahawak si Mika sa braso ng kan'yang nanay at napapikit. Sobra ang kaba at takot na nararamdaman nila. Palakas nang palakas ang yapak ng tao hanggang sa makita nito sila Amell. Ihahampas na sana ni Amell sa ulo nito ang hawak n'yang flower vase pero natigilan rin ito agad nang makita kung sino ang taong ito. "Mike," mahinang tawag ni Charlotte sa kan'yang lalaking anak nang makita ito. Lumapit s'ya dito at niyakap. "Mom, Dad," gulat at takot na sabi ni Mike nang makita ang kan'yang magulang. Napunta ang tingin n'ya kay Mika na nakatingin lang sa kan'ya ng tahimik habang naluluha. "Mika." "Bakit hindi mo sinasagot yung tawag ni Amell sa'yo?" tanong ni Charlotte sa kan'yang anak at humiwalay sa pagkakayakap. "Hindi ako sumagot ng tawag. May pumasok na lang bigla sa kwarto ko pero natakasan ko s'ya," sagot ni Mike kay Charlotte. Niyakap s'ya ulit ni Charlotte nang marinig ang sinabi n'ya. Nanghina ito nang malaman na makaharap nito ang isa sa mga killers. "Kaya alam nilang lahat na papunta tayo sa exit," dugtong pa ni Mike. "We need to go," agad na sabi ni Amell. "Ang alam nila ay magkikita kita tayo sa exit," sabi ni Mike. "Bababa tayo pero kailangan nating mag-ingat dahil siguradong mayroon ding nagbabantay sa baba, naiintindihan n'yo ba?" seryosong tanong ni Amell sa kan'yang mag-iina. Tumango naman sila at naging seryoso ang mukha. Naunang maglakad si Amell at sumilip ito muna sa baba para tignan kung mayroong tao sa sala. Nang masigurado n'yang walang tao rito ay lumingon s'ya kila Charlotte at sumenyas ito na sumunod sila sa kan'ya ng tahimik. Nauna si Mike na sumunod at Mika habang nasa likuran nila si Charlotte. Naunang bumaba si Amell at nakasunod lang sila rito. Pagkababa nila ay agad nilang nakita ang wala nang buhay na katawan ni Manang Marissa. Agad na lumapit sila Mika at Mike dito. Agad ring bumuhos ang mga luha ni Mika nang makitang halos hindi na ito makilala. Kalat-kalat ang dugo nito sa sahig at warak ang mukha. Nanghina s'ya sa nakita at nakaramdam ng matinding takot. Napabitaw s'ya kay Manang Marissa at napatakip sa kan'yang bibig. "Mika," mahinang tawag sa kan'ya ni Mike at niyakap ito. Nakatingin lang ang dalawang mag-asawa sa katawan ni Manang Marissa habang umiiyak si Charlotte. Wala na silang magagawa dito dahil huli na ang lahat. Hindi na ito humihinga. "We need to go," mahinang sabi ni Amell at nilapitan ang dalawang magkapatid para patayuin. "Dad," umiiyak at naginginig na sabi ni Mika sa kan'yang Ama. "She's gone, Mika," seryosong sabi ni Mike sa kapatid. "Wala na tayong magagawa para i-save si Manang Marissa. Huli na tayo. Kailangan mong makinig kay Dad. Let's go." Hinawakan ni Mike si Mika sa braso pero tinabig n'ya ito at tinignan si Mike nang seryoso. "Really? iiwan at hahayaan lang natin dito si Manang Marissa? s'ya ang nag-alaga sa atin simula bata pa lang tayo, Kuya. Nandito na s'ya simula nang ikasal pa lang kayo Mommy at Daddy. Marami s'yang ginawa at sinakripisyo para sa atin," umiiyak na sabi ni Mika. Napayuko ang dalawang mag-asawa sa narinig nila kay MIka. Pakiramdam ni Amell ay kasalanan n'ya kung bakit wala na si Manang Marissa. Nakita n'ya ito nang hampasin ito ng baseball bat sa ulo pero wala s'yang ginawa. Wala s'yang nagawa kung hindi ang magtago at tumakbo. Hinawakan ni Mike si Mika sa magkabilang braso. Napkunot ng noo ni Mika at napatingin sa kapatid n'ya na walang emosyon ang mukha ngayon. "Listen, Mika. Walang magagawa yang awa na nararamdaman mo ngayon para kay Manang Marissa. Patay na s'ya. Wala na s'yang buhay. Kahit ilabas natin yang katawan n'ya dito hindi na s'ya mabubuhay. Kahit dalhin natin s'ya sa hospital wala ring magbabago." Huminto saglit si Mike nang makita n'ya ang galit sa mga mata ni Mika. "She's dead and we're all still alive. Kailangan na natin umalis at iwan s'ya." "Mika, Anak. Please, listen to Mike," mahinang sabi ni Charlotte at hinawakan si Mika sa kamay. Napatingin si Mika kay Manang Marissa sa huling pagkakataon. Labag sa loob n'yang iwanan na lang ito dahil simula baby pa lang s'ya ay ito na ang naging pangalawang ina nito at hindi s'ya nito iniiwan. Inalis ni Mika ang kamay ni Mike sa braso n'ya at lumapit kay Charlotte. "Sumunod kayo sa'kin," utos ni Amell sa kan'yang mag-iina. Naglalakad silang apat ngayon papunta sa kitchen dahil mayroon silang back door don. Hindi nila alam na nanonod sa kanila ang isang killer na naiwan sa baba. Pinagmamasdan nito ang bawat galaw nila. Nakikinig din ito sa pinag-uusapan nila. Pumasok ito sa isang kwarto na pinanggalingan n'ya para magtago. Dahil nakapatay ang ilaw sa ibaba ay medyo nahihirapan sila makakita. Nasa living area pa lang sila at madadaanan na muna nila ang kwarto ng mga maid bago tuluyang makapunta sa kusina. Huminto si Amell sa tapat ng pintuan ng kwarto ng mga maid. Dahil nadaanan na rin nila ang mga ito, dapat na nilang balaan sila at isama sa pagtakas na gagawin. Hinawakan na n'ya ang malamig at pabilog na door knob. Dahan-dahan n'ya itong pinihit at maingat na binuksan para hindi makagawa ng ingay. Madilim sa loob kaya naman pumasok ito sa loob at pagkabukas n'ya ng ilaw at nagulat ang apat sa nakita. Nakita nila ang katawan ng tatlo nilang maid na babae na wala ng buhay. May tama ng baril ang mga ulo nito at nagkalat ang dugo sa loob ng kwarto. Napatingin si Amell sa asawa at mga anak n'ya na nakatayo sa labas ng kwarto. Nakita n'ya ang mga gulat at takot nitong mukha. Napapikit saglit si Amell dahil sa nalaman n'ya. Pinaparusahan na ba ako? Ang tanging tanong ni Amell sa itaas. Agad n'yang napansin na may gumagalaw sa likod ng pinto kaya natigilan ito. Naging alisto ito at tinignan sila Charlotte. Sumenyas ito na huwag sila gumawa ng ingay at may tao sa loob. Agad n'yang sinubukan na maghanap ng kahit na anong gamit para panglaban sa lalaking ito pero wala s'yang ibang mahanap kung hindi ang unan. Puro kama at cabinet lang ang nandidito. Marahan n'yang kinuha ang unan at naglakad papunta sa pinto. Nang hahawakan n'ya na ang pinto ay bigla itong bumukas at nagulat s'ya nang makita ang isang killer na nakatutok ang baril sa kan'ya. Agad ring sinara ng killer ang pinto kaya napasigaw sila Mika at nagkakatok sa pinto. Itinaas ni Amell ang kamay n'ya at pinagmasdan ang killer. Nakita nito ang suot nitong maskara na may desenyo ng clown. Nakasuot ito ng itim na damit at tago rin ang buhok nito. Wala kang makikitang kahit na ano sa killer na ito kung hindi ang kan'yang mga mata lang. "Anong gusto n'yo?" Napalunok na tanong ni Amell. Ramdam n'ya ang baril na nakatutok at dikit sa kan'yang noo. Alam n'yang isang pindot lang ng killer sa baril ay mawawalan na s'ya ng buhay. "Ano nga bang gusto namin, Mr. Amell Evergreen?" Tanong ng killer. "Pera ba?" Tanong ni Amell. "I can give you money! Ibibigay ko kung ano ang gusto n'yo. Pakawalan mo lang kami ng asawa at anak ko." Agad na tumawa ang killer kaya napakunot ang noo ni Amell. Hindi n'ya maintindihan kung ano ba talaga ang gusto nito. "We didn't came here for money, Mr. Evergreen," madiin na sabi ng killer at mas diniinan ang pagkakatutok ng baril kay Amell kaya naman napaatras ito. "Then.. what do you want?" Mahinang tanong ni Amell. "Your life, Mr. Evergreen." Napahinto s'ya at pinagmasdan ang killer. Pilit n'yang iniisip kung sino ito. "You're here living happy while there's someone, living in despair," galit na sabi ng killer. Agad na hinawakan nang madiin ni Amell ang unan. Ramdam n'ya na dito na s'ya magtatapos kung wala s'yang gagawin para lumaban. Habang nagsasalita ang killer ay malakas n'ya itong sinipa sa tuhod dahilan para mabitawan nito ang baril at mapaupo sa sahig. Tatakbo na sana si Amell palabas ng kwarto pero hinarangan s'ya ng killer at malakas na tinulak sa sahig. Naramdaman n'ya ang malakas na pagtama sa matigas na sahig ang likod ng ulo n'ya. Napadaing ito at napahiga sa malamig na sahig. Kahit saan s'ya tumingin ay nakikita n'ya lang ang mga bangkay ng kasambahay nila. Naglakad ang killer papunta sa kan'ya. Nakatayo ito at pinagmasdan s'ya. Ngayon lang napansin ni Amell na pamilyar ang pigura ng katawan nito. "Kilala ba kita?" Nahihirapang tanong ni Amell. Hindi sumagot ang killer at lumuhod ito. Hinawakan n'ya ang ulo ni Amell at napadaing ito nang maramdaman ang sakit sa anit n'ya. "You guess," sabi ng Killer. Nang akmang ihahampas na ng killer ang ulo nito sa matigas na sahig ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mike. Malakas nitong tinulak ang killer at tumama ang ulo nito sa matigas na bahagi ng kama. Napasigaw ito dahil sa sakit. "Dad!" Sigaw ni Mike at tinulungang patayuin si Amell. "Mike," nahihirapang sabi ni Amell. "You're bleeding, Dad." Halos maluha si Mike nang makitang nagdudugo ang likod ng ulo ng kan'yang ama. Umiling ito at binaliwala ang nararamdaman. Hindi s'ya muna dapat magpadala sa emosyon. Kailangan n'yang unahin ang kaligtasan nila. Inalalayan n'ya itong tumayo at pagkaharap nila sa killer ay nanlaki ang mata n'ya nang makitang hawak na nito ang baril nito at nakatutok sa kanila. "Say goodbye to your Dad, Mike," sabi ng killer at pagkaputok nito ng baril ay mabilis na humarang si Charlotte. Agad na pumasok rin si Mika at malakas na hinataw ang vase na hawak sa ulo ng killer dahilan para mawalan ito ng malay. "Mom!" Sigaw ni Mika nang makitang nagdudugo ang tagiliran nito. "Charlotte!" Tawag sa kan'ya ni Amell. "Huwag kayong mag-alala. Hindi malalim ang tama sa akin. Kaya ko pa maglakad," sabi ni Charlotte na halatang nahihirapan sa pagsasalita. "We need to go!" Sabi ni Mike sa kanila. "Mika! Help Mom," utos pa nito sa kapatid. Agad namang lumapit si Mika kay Charlotte at inalalayan ito habang umiiyak s'ya. Hindi n'ya mapigilan ang kan'yang emosyon. Natatakot ito dahil sa natamo ng kan'yang Ina. Bago lumabas ay kinuha ni Amell ang baril at naglakad na sila papalabas ng kwarto. Nagtungo sila sa kusina at napaupo sa sahig si Charlotte. "Mommy!" Nag-aalalang sabi ni Mika. Nakarinig sila ng malakas na ingay sa itaas. Parang may nagwawala doon at sinisira ang mga gamit nila. "Mr. Evergreen!" Rinig nilang sigaw ng isa sa mga killer na pababa na sa hagdan. Agad na kumirot ang ulo ni Amell pero tiniis n'ya ito at hindi pinakita sa mga anak na nahihirapan s'ya. Tinignan n'ya si Charlotte na nakaupo. Nakatingin lang rin ito sa kan'ya ng tahimik. Hinigpitan ni Amell ang kan'yang pagkakahawak sa baril at sumilip para tignan kung malapit na sila sa kanila. Nakarinig sila ng malakas at matagal na ingay. Parang may kung ano silang binato sa hagdan. Napatingin si Amell sa asawa n'ya nang hawakan s'ya nito sa braso. Alam n'ya at nababasa n'ya sa mga titig ng asawa n'ya ang gusto nitong sabihin. Napapikit si Amell saglit. Huminga ito ng malalim at tinignan ng seryoso ang dalawang anak. "Mike, Isama mo si Mika sa back door. Ngayon na!" Sigaw ni Amell sa anak na lalaki habang nakahanda ang baril na nakuha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD