CHAPTER SEVENTY

2044 Words
"But Dad, Pano kayo ni Mommy?" Naguguluhan na tanong ni Mike. "Honey, sweetie. Kaya na namin 'to. Please mauna na kayo," mahinahon na sabi ni Charlotte sa mga anak. Nakaupo sila ngayon sa sahig at nagtatago sa gilid ng sink. May marinig silang malakas na tunog ng baril kaya mas lalo silang natakot at kinabahan. "Pero mommy.. may tama ka sa tagiliran," umiiyak na sabi ni Mika nang nakita ang dugo na patuloy lang sa pag-agos. "Okay lang ako, Mika," sabi ni Charlotte at mahigpit na niyakap ang dalawang anak na para bang ito na ang huling yakap nila. "Kailangan n'yo na umalis hangga't hindi pa nila tayo nakikita." "But mom.. hindi namin kayo iiwan." Pagpupumilit ni Mika. "s**t," mahinang sabi ni Amell nang may marinig na naman Itong tunog ng baril at papalakas ito nang papalakas. Bigla silang may narinig na salamin na nabasag sa living room at mas lalong bumilis ang t***k ng kanilang mga puso dahil sa kaba. Malapit na sila. "Mommy," umiiyak at takot na tawag ni Mika sa Ina. "Tinawagan ko na ang mga police kanina. Parating na sila rito. Please Mika and Mike, makinig kayo sa amin ng Daddy nyo. Mauna na kayo. Masyadong delikado dito." Pagmamakaawa ni Charlotte sa dalawang anak. Nakita ni Mika sa mukha ng Ina na natatakot at nahihirapan ito gawa ng sugat n'ya. Niyakap ni Mika si Charlotte ulit nang mahigpit at narinig nito ang pag-iyak ng Ina. Bigla namang hinawakan ni Mike si Mika sa braso at nilayo kay Charlotte. "Kuya, no!" Umiiyak na sabi ni Mika habang inaabot si Charlotte. "Promise us na magkikita pa tayo mamaya," mahina pero madiin na sabi ni Mike sa kan'yang mga magulang. "We promise," sabay na sabi ni Charlotte at Amell. Hinigpitan ni Mike ang pagkakakapit kay Mika at nagsimula nang maglakad papunta sa pintuan sa kicthen papalabas. Pilit na kumakawala si Mika sa kan'yang kuya pero mas malakas ito kaya wala s'yang laban dito. Walang ibang magawa si Mika kung hindi ang umiyak at tignan ang kan'yang mga magulang na nagbabantay sa kanila. "Kuya, please, wag natin sila iwan," umiiyak na pagmamakaawa ni Mika. Huminto na si Mike nang nasa tapat na sila ng pintuan. Napatingin s'ya kay Mika at nakita n'ya ang takot at pagmamakaawa sa mga lumuluhang mata nito. Napatingin s'ya sa magulang nila at nakita n'yang nakatingin ang mga iyon sa kanila. Ngumiti si Charlotte sa kanila habang seryoso ang mukha ni Amell at tumango lang kay Mike. Napalunok si Mike at hinawakan na ang doorknob. Parang bumigat ang mga yapak n'ya ngayong iiwan nila ang magulang nila. Kung labag sa loob ni Mika na iwan ang magulang nila, paano pa kaya si Mike? Sobrang bigat ng nararamdaman nito lalo na't s'ya ang panganay na lalaki pero wala itong magawa para tulungan sila Amell at Charlotte. Wala s'yang magawa kung hindi sundin ang utos ng mga magulang at itakas si Mika. "Go!" sigaw ni Amell sa kanila. Pinihit na ni Mike ang doorknob at binuksan ito. Hinila n'ya si Mika papalabas at napatingin sila sa magulang nila sa loob. Nakaupo parin sa sahig si Charlotte at nakahawak ito sa nagdudugo n'yang tagiliran habang si Amell ay nag-aabang sa mga killers at hawak-hawak ang baril. "Mommy! Daddy!" sigaw ni Mika. Sisigaw pa sana ito ulit pero tinakpan ni Mike ang bibig nito ng mahigpit para hindi sila marinig. Ayaw ni Mike na mabaliwala ang lahat ng gagawin ng magulang nila. Hindi dapat iyon mapunta sa wala. Hinawakan na ni Mike ang doorknob at dahan-dahan itong isara. Bago n'ya ito isara ay napapikit s'ya at tumulo ang luha. "Please.. make it out alive," mahina n'yang bulong at sinara ang pinto. "Hmmm!" Pilit na sumisigaw at nagwawala si Mika pero mahigpit ang pagkakahawak sa kan'ya ni Mike. Napatingin si Mike sa labas at nakita ang pool nila. Medyo madilim dito dahil nakapatay ang mga ilaw. Tanging ilaw lang sa pool ang nakabukas. Marami ring halaman sa tabi ng bakod at may maliit na gate doon. Kailangan nilang makapunta don. "I finally found you, Mr. Evergreen!" Hihilahin na sana ni MIke si Mika nang marinig n'ya ang malakas na boses ng hindi pamilyar na lalaki. Natigilan sila ni Mika at nanlaki ang kanilang mga mata nang makarinig sila ng tunog ng baril. Hindi sila makalagaw at nilamig ang buong katawan nila nang marinig ang sigaw ni Charlotte. "No.." mahinang sabi ni Mika habang umiiling at nakatingin sa kawalan. Nang makarinig pa sila ulit ng pangalawang tunog ng baril ay agad na bumalik sa sarili si Mike. Pinunit nito ang suot n'yang longsleeve na pantulog at tinali sa bibig ni Mika. Hinawakan n'ya si Mika sa kamay at pilit na hinihila pero tumatanggi ito. Napatingin s'ya kay Mika na may tela sa bibig at umiiyak. Umiiling ito at nagmamakaawa sa kan'ya. Gustong gusto nito bumalik sa loob. Mas lalong bumigat ang nararamdaman ni Mike dahil dito. Naiyukom n'ya ang palad n'ya at huminga ng malalim. Napatingin s'ya sa kamay n'ya na may dugo. Sa totoo lang ay gusto n'ya na lang tumakbo at tumakas. Gusto n'yang matapos na lang ang lahat ng ito. "Stop it, Mika. We can't save them but we can save ourselves," madiin na sabi ni Mike at tinignan ang kapatid na babae ng seryoso. "Now, let's go." Sapilitan na nitong hinila si Mika papunta sa mga halaman. Nakarinig pa sila ulit ng tunog ng baril pero hindi na ito pinansin ni Mike. Isa lang ang nasa isip nito ngayon at iyon ay ang makatakas sila ni Mika ng buhay sa impyernong ito. Nang mapadaan sila ni Mika sa gilid ng pool ay agad na may killer ang sumugod sa kanila gamit ang baseball bat nito. Natamaan si Mike nito sa braso kaya napabitaw ito kay Mika. Agad namang nadapa si Mika sa sahig at sumubsub ang mukha nito. Mabilis na umayos ng tayo si Mike at nang makita n'yang susugod ito ulit gamit ang baseball bat n'ya ay mabilis n'ya itong sinalo. Napatingin s'ya sa lalaking ito. Nakita n'ya ang suot-suot nitong clown mask na nakangiti. "Anong gusto n'yo? bakit n'yo to ginagawa?" nahihirapang tanong ni Mike habang nakahawak sa baseball bat at pilit na tinutulak ito. "Kung pera ang gusto n'yo, kuhain n'yo na lahat! huwag n'yo lang kami idamay." Narinig n'yang natawa ang killer kaya napakunot ang noo nito. "Ahh!" Agad silang napatingin kay Mika na patakbo sa kanila na may dala na malaking bato. Mas nilakasan ni Mike ang pagkuha sa baseball bat pero tumalsik lang ito. Mabilis na naging alerto ang killer at bago pa s'ya nito mahampas ng bato ay nahawakan n'ya na ito sa wrist at inikot iyon. Agad na napasigaw si Mika. Nabitawan nito ang hawak na bato at napaupo dahil sa sakit. "Mika!" sigaw ni Mike at nang lalapitan n'ya ang kapatid n'ya ay sumugod sa kan'ya ang killer. Napahiga s'ya sa sahig at nasa ibabaw nito ang killer. Napalakas ang untog ng ulo n'ya sa sahig kaya hindi ito agad nakalaban. Naramdaman na lang ni Mike ang kamay ng killer sa kan'yang leeg at pahigpit ito nang pahigpit. "Get off of me!" sigaw ni Mike habang pilit na inaalis ang kamay ng killer sa kan'yang leeg. Napapaubo na ito at namumula. Nawawalan na s'ya ng hininga at unti-unti na ring nauubos ang lakas n'ya. Nakarinig pa s'ya ulit ng malakas na tunog ng baril sa loob. "Mom. Dad.." mahina n'yang sabi. Nasa loob pa rin sila Mom and Dad. Lumalaban pa sila. Nagkaroon ulit ng lakas si Mike at siniko ang forearm ng killer. Lumuwag ang pagkakasal sa kan'ya dahil dito. Napatingin rin s'ya kay Mika na nasa gilid nila at may hawak na baseball bat. Malakas nitong hinampas ang baseball bat sa ulo ng killer. Napabitaw ang killer kay Mike at napahawak ito sa ulo n'ya na may dugo. Tumingin ito kay Mika kaya napaatras ito. Nang tatayo ito at pupunta kay Mika ay mabilis s'yang hinawakan ni Mike at malakas na hinulog sa pool. "Mika! let's go!" sigaw ni Mike sa kapatid. Hinawakan n'ya ito sa kamay at mabilis na hinila papunta sa mga halaman. Hinanap ni Mike ang gate at nang makita n'ya ito ay mabilis n'ya itong binuksan. "Mika, let's go-" Hindi n'ya natapos ang sasabihin nang makitang nakalayo ang kapatid n'ya. Mabilis s'yang tumakbo papunta dito at hinawakan sa braso. Gusto n'yang itali ang mga kamay at paa nito dahil sa kakulitan pero hindi n'ya kaya dahil kapatid n'ya ito. Tinanggal ni Mika ang tela sa bibig at tinignan si Mike. "Mom and Dad is still alive inside our house. I know it. I can feel it. Do you really just want to abandon them? huh?" umiiyak na tanong ni Mika. Napkarinig sila ng tunog baril sa loob. "Charlotte!" rinig nilang sigaw ni Amell sa loob. "No, Mom!" sigaw ni Mika at nang tatakbo ito ay agad na s'yang nahawakan ni Mike. Napatingin si Mike sa pool at nakita roon ang killer na mukhang walang malay. Nang makitang pabukas ang pinto sa kitchen ay mabilis n'yang hinila si MIka papatago sa halaman. Nakita nila si Amell na lumabas. Kahit na madilim ay kitang kita ang mga natamo nitong sugat at dugo sa damit. "Dad needs our help," sabi ni Mika at tatayo sana pero pinigilan ito ni MIke. "Why are you running, Mr. Evergreen?" sabi ng isang killer na may hawak na baril. May lumabas pang isang killer at natigilan ang dalawang magkapatid nang makitang dala-dala nila si Charlotte na wala ng buhay. "Kahit makatakas ang mga anak mo, hahanapin namin sila at isusunod sa inyo ng asawa mo," sabi ng Killer at tinapat ang baril kay Amell. Napaluhod si Amell. "Please.. don't kill my children," pagmamakaawa ni Amell. "Ako ang gusto n'yo diba? ako ang may atraso. Ako na lang ang patayin n'yo." Hindi mapigilan ni Mika ang mga luha n'ya. SObrang sakit ng mga nakikita n'ya ngayon at ni Mike. Wala s'yang ibang magawa kung hindi panoodin ang kan'yang Ama. Binitawan ng isang killer si Charlotte sa sahig at may kinuha iyon na phone sa bulsa ng itim na longsleeve. Pinakita n'ya ito kay Amell at natigilan ito. Napatayo ito at napatingin sa mga killers. Tinapat ng isang killer ang baril sa puso ni Amell at pinutok ang baril. "No! Dad!" umiiyak na sigaw ni Mika habang pinipigilan ni Mike na lumapit kay Amell na nakatayo sa gilid ng pool. Tumunog ulit ng malakas ang baril at tumama puso ni Amell. Napalingon ito sa dalawang magkapatid. Nakita n'yang nasa likod ito ng mga halaman habang umiiyak na pinapanood s'ya ngayon. Binuka nito ang kan'yang bibig at walang boses na sinabing, "Go." Malakas itong bumagsak sa pool. Mabilis na kumalat roon ang dugo n'ya. Napatingin naman kila Mika ang isang killer pero bago pa sila tuluyang makita ay mabilis na hinila ni Mike si Mika papunta sa gate at tumakas. ××× Mikaella's P.O.V. Nasa bahay na ako ngayon at nandito lang sa kwarto, nakahiga. 11 p.m. na pero hindi pa rin ako inaantok. Nakapatay ang ilaw kaya naman pinagmamasdan ko ang mga glow in the dark na stars at moon sa kisame. "I miss you, Mommy," mahina kong sabi at pinunasan ang luha ko. "I hope you and dad are still here." Ngumiti ako habang nakatingin sa kisame. Alam kong pinapanood ako ngayon nila Mommy and Daddy. Alam kong hindi sila magugsutuhan na makita akong umiiyak at malungkot. Umupo ako sa kama at tumingin sa bintana. "Don't worry. Hahanapin ko kung sino ang pumatay sa inyo." Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. Kinuha ko ito at napakunot ang noo nang makitang tumatawag si Kross. Sinagot ko na lang ito dahil baka importante rin. "Hello? bakit ka napatawag?" tanong ko sa kan'ya. "Silip ka sa bintana," sabi nito sa akin. Napakunot lalo ang noo ko dahil sa sinabi nito. "Why?" tanong ko. "Basta. Just do it, okay?" nagmamadali nitong sabi. Wala naman na akong nagawa kaya tumayo na lang ako at nagpunta sa bintana. Hinawi ko ang puting kurtina ko at binuksan ito. Pagkasilip ko sa bintana ay nagulat ako nang makita si Kross sa baba na may hawak na maliit na box ng cake. "Surprise, Ms. Mikaella Evergren!" masayang sabi nito habang nakangiti sa akin at tinaas ang cake at balloon na hawak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD