CHAPTER SIXTY EIGHT

2988 Words
Napaatras ang maid sa lamesa at napaurong ito kaya nakagawa ng ingay. Agad na tinaas ng isang killer ang baseball bat n'ya. Agad na lumuhod ang maid na umiiyak. "Maawa kayo. Please.. huwag n'yo akong patayin," umiiyak nitong sabi. Hindi sumagot ang killer. Nakataas lang ang baseball bat nito. Pinapanood lang nilang lahat ang kawawang itsura ng maid. "May pamilya ako na sinosuportahan, maawa kayo. Hindi ko ipagsasabi ang tungkol dito. Patakasin n'yo lang ako," pagmamakaawa nito. Napalingon ang isang killer sa mga kasamahan n'ya. Hindi umimik ang mga iyon at nanatiling nakatingin lang sa maid. Tumango ang isang killer at binalik ang tingin sa maid. Napasigaw ang maid pero mabilis at malakas na hinataw na ng killer ang baseball bat sa ulo nito kaya natahimik ito agad at napahiga sa sahig. Nakita nilang tumulo ang dugo nito sa puting sahig. Napatingin sila sa hagdan nang makarinig sila ng ingay roon na may umakyat. Agad silang nagtitigang apat. "Magbantay ka sa labas. Kailangan nating siguraduhin na walang makakatakas," sabi ng isa sa kanila habang nakatingin sa kasamahan nila na nakatayo lang sa gilid. "Bilisan n'yo. Maging alisto din kayo. Tatawagan ko kayo pag may dumating na mga police," seryosong sabi ng nautusan. Tumango naman ang lahat at lumabas na ito para magbantay doon. Malawak ang bahay ng mga Evergreen. Ito ang pinakamalaking bahay na napuntahan nila kaya kailangan nilang mag-ingat at talasan ang memorya para makabisado agad ang lugar. "Aakyat kami sa taas. Dito ka sa baba magbantay," utos pa ng leader nila sa naiwan. Tumango ang lalaki bilang sagot at naiwan sa ibaba. Umakyat naman na ang dalawa papunta sa 2nd floor. Pinagmasdan ng naiwan sa baba ang maid na nakahiga sa sahig. Gumagalaw pa iyon kaya naman lumapit s'ya rito at lumuhod. "Tulungan mo ako.. maawa ka," mahina at nahihirapan nitong sabi sa killer. "Bakit kita tutulungan?" Tanong ng Killer at ngumisi. Hinawakan nito ang buhok ng maid at tinaas. Agad na napadaing ang maid dahil sa sakit nang nararamdaman n'ya. Patuloy lang na nagdudugo ang ulo nito at pakiramdam n'ya ay mawawalan na s'ya ng malay. Dinilat nito ang mga mata n'ya at nakita nang malapitan ang killer. Kahit nakasuot ito ng clown mask ay sinubukan n'ya paring kilalanin ito. Nang makita n'ya ang pamilyar na mga mata nito ay natigilan s'ya. "Bakit.. bakit mo 'to ginagawa?" Gulat na tanong ng maid. "Pinagkatiwalaan ka-" Hindi nito natapos ang sasabihin nang malakas s'yang iuntog ng Killer sa sahig. Nag-echo ang ingay nito sa loob ng entrance ng mansyon ng mga Evergreen. Patuloy lang ang killer sa pag-untog sa maid sa malamig at matigas na tiles. Hindi na gumagalaw ang maid at halos hindi na rin makilala ang mukha nito dahil naliligo na ito sa dugo n'ya at warak na ang mukha nito. Nang matapos ang isang minuto ay tumigil na ang killer. Pinagmasdan n'ya ang mukha nito at nang masigurado n'yang hindi na ito humihinga ay binitawan na n'ya ito. Tumayo s'ya at sinipa pa ito. "You need to die. Masyado ka nang maraming nalalaman," sabi ng killer at nag-unat unat ito. Tumingin s'ya sa paligid at nagtungo ito sa living area. Pinagmasdn n'ya ang malaking litrato ng pamilya ng mga Evergreen. Hinawakan n'ya ng mahigpit ang baseball bat at ngumisi. "Finally," mahina nitong sabi. ××× "Charlotte," tawag ni Mr. Evergreen sa asawa nitong mahimbing na natutulog. Sumilip s'ya sa pinto at sinuguradong hindi pa nakakaakyat ang mga killers na nakita n'ya sa baba. Lumapit ito sa asawa n'ya at pilit na ginigising. Kailangan na nilang bilisan at makatakas. Delikado ang kanilang mga buhay. "Charotte, Honey," bulong nito at hinawakan sa braso ang asawa para alugin at gisingin. "Amell, ano ba 'yun? Gabing gabi pa. Let me get some sleep," inaantok at iritang sagot sa kan'ya ng asawa dahil pagod ito sa trabaho. "You need to wake up. Kailangan nating makaalis dito. May mga magnanakaw na nakapasok sa bahay," nababahala na sabi ni Amell kaya naman agad na napadilat si Charlotte at napaupo sa kama. "What? how?" Naguguluhan nitong tanong at tumayo. Madilim at malamig sa kwarto nila. Tanging ang lamp lang nila sa side table ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. "Hindi ko alam kung pano sila nakapasok. Basta nakita ko na lang sila sa baba. Pinatay nila si Manang Marissa," nakayuko at halos naluluha nitong sabi. "Ano?!" Gulat na tanong ni Charlotte. Si Manang Marissa ang kauna-unahan nilang maid simula nang ikasal silang dalawa at magsama. Ilang taon na itong nagtatrabaho sa kanila. Ilang taon na nila itong nakakasama kaya malapit ang loob nila dito. S'ya rin ang nag-alaga kila Mike at Mika simula bata pa lang dahil busy ang mag-asawa sa trabaho nila. "Kailangan na natin puntahan sila Mika at Mike. Nasa panganib tayong lahat," sabi ni Amell at hinila ang asawa papunta sa pintuan. "Natatakot ako, Amell," mahina at kinakabahang sabi ni Charlotte. First time lang itong mangyari sa kanila kaya gulat na gulat sila at hindi agad alam ang gagawin. Tahimik lang silang namumuhay kaya hindi rin nila ine-expect na mangyayari ang ganito sa kanila. "Where's your phone?" tanong ni Amell at sinubukang hanapin ang phone n'ya pero hindi n'ya ito makita. "Nasa drawer ko," sagot ni Charlotte. Agad naman iyong kinuha ni AMell sa drawer ni Charlotte at dahan-dahan n'yang binuksan ang pinto para tignan kung nakaakyat na ba ang mga killers. "Puntahan na natin sila Mika and Mike habang tinatawagan ko ang mga police. Hindi na tayo dapat mag-aksaya ng oras pa, Charotte," seryosong sabi nito sa asawa. Tumango naman si Charlotte at lumabas na sila sa kwarto nila. Maingat at tahimik ang bawat hakbang nila. Dahan-dahan lang rin ito dahil natatakot silang makagawa ng ingay. Tahimik kasi sa buong bahay at baka marinig sila at makita ng mga killers. ××× "Pumasok sila sa loob ng bahay, dude," sabi ni Miko na ka-group call ni Mike sa discord. "Nandito sila sa'kin!" sigaw ni Juls habang nagtitili ito at binabaril ang players na kalaban nila. "Relax, Juls," mahinahon na utos ni Mike at binaril ang dalawang kalaban sa harap ni Juls. "Pweh. Muntik na ako 'don." Nakahinga naman ng maluwag si Juls. Naglalaro ngayon si Mike sa computer nito sa kwarto n'ya ng hating gabi. Ka-group call nito ang dalawa n'yang lalaking kaibigan. Nakapatay ang ilaw sa kwarto ni Mike at naka-focus ito sa screen ng computer n'ya. Nakasuot rin ito ng headphone at naka-full volume. "Yes! champion!" masayang sabi ng tatlo nang matalo nila ang lahat ng players at nagwagi sa laro. "Isa pa ba?" tanong ni Juls. "Kayo bahala. Basta ako game lang ako kung game kayo. Kung hindi na edi out na," sabi ni Miko. "Ikaw ba, Mike?" tanong ni Juls kay Mike. Friday ngayon ng gabi kaya wala silang pasok sa trabaho kinabukasan. Tuwing free time na lang silang tatlo nakakapaglaro at nakakapag-bonding dahil grauduated na ang mga ito at may trabaho na. Magkakaibigan rin silang tatlo simula elementary pa lang kaya naman kilala nila talaga ang isa't isa. "Sige, isa pa!" sabi ni Mike. "Stress ako kasi ngayon sa work." "Bakit naman nai-stress si Mr. Mike Anderson Evergreen?" tanong ni Miko. "Oo nga. Pwede namang mag-resign ka na lang sa work mo at magtrabaho sa business n'yo. In that way, mas maaga kang matututo kun pano i-handle ang business n'yo," komento ni Juls. Napabuntong hininga si Mike. "Hay. Ewan ko ba. Gusto kong maging proud sila sa akin. Gusto kong makita nilang kaya ko mag-isa without their help," umayos ng upo si MIke at ini-start na ang game. "I want to be independent and besides, alam ko namang sa akin ipapamana nila Dad ang business when the right time comes. Gusto ko muna mag-try ng ibang kaya ko. I want to explore the world bago ako matali sa business." "How can you be sure na sa'yo nila ipapamana yung business at hindi kay Mika?" tanong ni Juls. Natigilan saglit si Mike at huminga nang malalim. "It's obvious. Ako ang panganay," agad na sagot nito sa kaibigan. Agad naman nang nag-start ang game at naglaro na ang tatlo habang nag-uusap. "Kamusta na pala si Mika? tagal na namin s'yang hindi nakikita at nakakasama," tanong ni Miko. "She's doing fine as always. Favorite s'ya nila Mom eh. Syempre, bunso," walang ganang sagot ni Mike at binaril ang kalaban na nakita n'ya. "Woah, kalma, Mike. Syempre, Babae si Mika. Natural talaga na ganon," sabi ni Juls at nang agawan nito si Mike ng ilu-loot ay napasimangot ito. "You want to die?" asar na tanong ni Mike sa kan'ya. Tumawa lang si Juls at busy ito sa paghahanap pa ng ibang gamit. Nilabas naman ng character ni Mike ang molotov at binato ito kay Juls. AGad na kumalat ang apoy at napasigaw si Juls. "Hoy! sino 'yon?!" "Not me," sagot ni Miko na tumatawa. "Mikeee?!" galit na tawag sa akin ni Juls. "That's the price of stealing my loots," sabi ko rito at napatawa nang makitang nababawasan ang buhay nito. "It's not yours, dude! wala namang nakasulat na pangalan mo," reklamo ni Juls. "But I saw it first," sagot ni Mike at nang makitang may isang squad na papalapit sa kanila ay agad s'yang nagtago. "Hide! quick! may mga kalaban tayo." Utos n'ya kina Miko. Nagtago sila sa isang room at sumilip ang character n'ya sa isang bintana. Binaril n'ya ang mga kalaban pero aksidente n'yang napindot ang jump kaya nakatalon ito sa bintana at namatay s'ya. Napatayo s'ya at nagwala ng kaonti dahil sa nangyari. "Ang noob mo, Mike!" sigaw nila Miko. "Oo nga--" Biglang namatay ang screen nang computer ni Mike at naputol ang tawag. Agad na napakunot ang noo n'ya at pagtingin n'ya sa saksakan sa ilalim ng table n'ya ay nakita n'yang natanggal o nagalaw ang saksakan ng monitor at cpu nito kaya napahinga s'ya nang malalim. Binuksan n'ya ulit ang computer n'ya at umupo ito. Nakita n'ya ang phone n'ya na umiilaw sa ibabaw ng kama pero dahil masyado s'yang malayo rito ay tinamad itong kuhain iyon. Pagkabukas ng computer n'ya ay nilagay n'ya ang password dito at nang hawakan nito ang keyboard para pinduntin ang "ok" ay may tumama sa screen ng computer n'ya at namatay ito. Nanlaki ang mata n'ya at hindi makagalaw. Sobrang dilim na ngayon ulit sa kwarto n'ya dahil tanging screen lang ng computer n'ya ang nagbibigay liwanag sa loob. Dahan-dahan n'yang hinubad ang headphone n'ya at yumuko. Lumuhod ito sa sahig at nagtago sa gilid ng table n'ya. Hindi s'ya pwede magkamali sa nakita. Isang bala ng baril ang tumama sa screen ng computer n'ya. Shock na shock ito at nahihirapan huminga dahil sa nangyari. Sobrang bilis ng t***k ng puso nito gawa ng takot at kaba. Muntik nang tumama ang bala sa ulo n'ya. Muntik na s'yang mamatay. Sinubukan n'yang silipin ang pintuan n'ya at nakitang bukas iyon. Nakabukas rin ang dim lights sa hallway kaya naman naaninag n'ya ang pigura ng isang tao doon na may hawak na baril. Mas lalo s'yang natigilan at tinignan ang phone n'ya na malayo sa kan'ya. Nakita n'yang umiilaw parin ito at nagri-ring. MUkhang may tumatawag sa kan'ya pero hindi n'ya makita kung sino iyon dahil malayo ito masyado. Nakita n'ya ang lalaki na pumasok sa loob at kinuha ang phone n'ya. Hindi n'ya makita ang mukha o damit nito dahil madilim sa loob ng kwarto n'ya. Nakita n'ya na lang na nilagay nito sa tainga ang phone. "Mike! you need to listen to me!" Nanlaki ang mata ni Mike nang marinig ang boses ng Ama n'ya. Hindi n'ya alam na ito pala ang tumatawag sa kan'ya kanina pa. "May mga magnanakaw at mamatay tao ang nakapasok sa loob ng bahay! kailangan mong magtago at tumakas! magkita-kita tayo sa exit-" Hindi natapos ang sasabihin ni Amell nang patayin ng lalaki ang call at ibato sa pader nang malakas. Nagulat si Mike dahil sa ginawa nito pero pinatiling kalmado n'ya ang sarili. Nakita n'yang papalapit sa kan'ya ang lalaki kaya mas siniksik n'ya ang sarili n'ya sa ilalim ng table at pinigilan ang sarili na makagawa ng ingay. Halos hindi na ito makahinga nang tumigil ang lalaki sa harapan n'ya. SObrang bilis ng t***k ng puso n'ya na parang sasabog na ito. Swertihan na lang kung mararamdaman s'ya sa gilid ng table o hindi. Nakita n'yang naglabas ng phone ang lalaki at mukhang kokontakin nito ang mga kasama n'ya para sabihin ang narinig n'ya kay Amell. Agad na nag-isip ng paraan si Mike. Hindi n'ya pwedeng hayaan na sabihin ng lalaki ang sinabi ng kan'yang Ama. Pinatong na ng lalaki ang phone nito sa tainga n'ya at narinig ni Mike ang pag-ring ng tinatawagan nito. Agad n'yang malakas na sinipa ang lalaki sa tuhod dahilan para tumalsik ang phone nito sa kung saan at matumba. Agad na tumayo si Mike at kinuha ang screen ng computer nito at binato sa lalaki dahilan para mapadaing ito sa sakit. Mabilis naman na s'yang tumakbo at bago pa ito makatungtong sa labas ay naramdaman n'yang may dumaplis sa binti n'ya. Napatingin s'ya sa lalaki at naaninag nitong hawak-hawak n'ya ang baril. Mabilis na sinara ni Mike ang pinto at napatingin s'ya sa binti n'ya. Nakita nitong nabutas ang suot n'yang gray na pajama at may daplis ang binti n'ya ng bala ng baril. Nang makita n'yang nagdudugo ito ay dito n'ya lang naramdaman ang hapdi at sakit nito. Napatingin s'ya sa hallway at nakitang walang naglalakad rito. Tahimik lang ito at medyo maliwanag dito gawa ng mga dim lights sa pader. Naalala n'ya ang narinig n'ya sa tawag ng kan'yang Ama. Magkita daw sila doon sa Exit. Hindi na s'ya nag-aksaya pa ng oras at naglakad na ito. Naramdaman n'yang mas sumasakit ang daplis ng bala sa kan'ya kada hakbang nito. Napalalim ang daplis kaya hindi rin ito tumitigil sa pagdugo. "Sht," mahinang sabi ni Mike nang maalala n'ya ang kapatid na si Mika. Hindi n'ya alam kung kasama na ba ito ni Amell o pupuntahan pa lang dahil wala itong nabanggit tungkol kay Mika. "Anong gagawin ko?" naguguluhan nitong tanong sa sarili habang napatigil sa dulo ng hallway. Sinunod na lang n'ya ang sinabi ni Amell na magkita sa exit. SIgurado naman s'yang hindi papabayaan ng magulang nila si Mika. Iyon pa ang unang pupuntahan nila dahil mas bata ito at babae. Binaliwala na lang ni Mike ang sakit na nararamdaman at mas binilisan ang paglalakad dahil baka makabangon na ang lalaki sa kwarto n'ya at mahabol pa s'ya nito. ××× "Really? what happened?" tanong ni Mika habang ka-video call ang tatlo nitong kaklse. "Well, guesst what?" masayang tanong ni Bea. "Nakapasa ako! Isa ako sa mataas na score ang nakuha. Sobrang saya ko," sabi pa nito. "You deserved it, Bea," sabi ni Mika at ngumiti. "Yeah. Sobrang galing mo kaya mag-ballet," singit naman ni Kenneth. "I just hope hindi ako magkaroon ng palpak sa concert soon," nag-aalalang sabi ni Bea. "You still have months to practice. Matagal pa naman 'yon. Wag kang masyadong mag-overthink. Mai-stress ka lang, okay?" pagco-comfort ni Mika dito. "Okay!" sagot ni Bea at ngumiti. "Thanks, guys! you are all the best. Muah!" Ngumuso pa ito sa camera at nagtawanan na lang ang apat na magka-video call. "Anyways, how about you Mika? wala ka bang natitipuhan na salihan na event sa school?" tanong ni Kenneth. "Club nga wala 'yan eh. Sasali pa kaya sa mga event?" sabi ni Brody habang nakasimangot. Nagtawanan naman si Bea at Kenneth. "Hoy!" saway sa kan'ya ni Mika at tinignan si Brody ng masama. "It's just that.. hindi ko pa rin kasi talaga alam kung ano gusto ko. Naligaw nga lang ako sa STEM na strand dahil kay Kross," nakasimangot na sabi ni Mika. "Nasan pala si Kross?" tanong ni Kenneth. "Naka-chat ko s'ya kanina. Nag-aaral s'ya para sa quiz nila. ALam mo naman, grade concious ang isang 'yon," sabi ni Mika at napahalumbaba na lang. "Bakit hindi ka mag-try nang mag-try ng ibang hobbies? malay mo makahanap ka ng magugustuhan mo at makukuha interes mo," sabi ni Bea. Napabuntong hininga si Mika at sumandal sa upuan nito. Tinignan n'ya ang puti n'yang laptop kung saan ka-video call n'ya ang mga kaklse n'ya kahit hating gabi na. "I don't know," mahinang sagot nito. "Gosh, I need to sleep na pala," gulat na sabi ni Bea. "Anong oras na, aalis pa pala kami ni Mommy ng maaga. May session pa kami sa favorite massage place n'ya." "Oh, right. May driving lesson pa nga rin pala ako bukas," sabi naman ni Kenneth at naghalumbaba. "Bakit naman nakasimangot ka?" tanong ni Brody sa kan'ya. "Oo nga. Hindi ba gusto mo 'yan? gusto mong matuto mag-drive," sabi ni Mika at Bea. "Kasi naman, masyadong strict yung nakuha nila Mom na nagtuturo sa akin. Hindi ko tuloy magawang paandarin yung kotse ng mabilis," reklamo ni Kenneth. Agad na nagtawanan ang tatlo dahil sa rason nito. "One time nga, binilisan ko. Nalabag ko yung speed limit, nagalit sa'kin 'yun tapos sinumbong pa ako kila Mom. I really hate that guy," nanliliit na mata na sabi ni Kenneth. "For now, pagtyagaan mo na muna mag-drive at normal speed. Pagnatuto kana talaga dun ka lumabag ng mga batas and let's see kung san ka pupulutin after non," sabi ni Brody. Agad namang napalingon si Mika sa pintuan n'ya nang marinig n'yang may kumakatok doon. "Guys, I need to go now. Baka makita pa ako nila Daddy na gising. Lagot ako. Ayokong ma-grounded ulit," sabi ni Mika at hindi na n'ya hinintay pa ang mga sasabihin ng kaklse n'ya. Sinara na lang n'ya ang laptop at pinatay ang ilaw. Ginulo-gulo n'ya rin ang buhok n'ya para magmukhang bagong gising ito. Nang matapos na s'yang ayusin ang sarili ay papatingin ito sa mga glow in the dark na stars at moon sa kisame. Napangiti s'ya at naglakad na papunta sa pinto. Hinawakan n'ya ang pahaba at malamig na door knob. Dahan-dahan n'ya itong binuksan at nagulat sa nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD