CHAPTER SIXTY SIX

1559 Words
Mikaella's P.O.V. Napatingin ako sa langit at nakitang malapit na lumubog ang araw. Sinara ko na ang libro ko sa Biology na inaaral ko at sumandal sa upuan. Pinikit ko ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay lutang na ako. Dalawang oras ko inaral ang general math pero may mga iba parin akong hindi ma-solve. Pag complicated na ang problem at formula ay nagsisimula na akong mahirapan. Buti pa sa biology ay nage-gets ko kahit papano. Tinignan ko ang oras sa phone ko at nakitang 6 p.m. na pala. Nakakapagtaka dahil wala pang message si kuya. Kahit tawag ay wala rin. Siguro ay nasanay lang ako ngayon na nagme-message s'ya palagi sa akin. Nakalimutan n'ya rin ako siguro dahil walang Mika doon na magpapaalala sa kan'ya sa nangyari ng gabing pagkamatay ng parents namin. Napabuntong hininga ako at dinilat ang mga mata. Sana ay nag-eenjoy si kuya ngayon kung nasan man sila ng mga katrabaho n'ya. Agad akong napatingin sa phone ko nang tumunog ito. Kinuha ko ito at nakitang may message sa akin si Chaz. Hi ate Mika! Pupunta ako ngayon sa arcade. Baka lang gusto mo rin pumunta kung wala kang ginagawa, hehe. - Chaz. Napatayo ako at napatingin sa general math na libro ko. Sobrang stress ako ngayon dahil puro aral ang ginagawa ko. Siguro ay wala namang masama kung ilabas ko ang stress ko. Sure. - Mika. Pinasok ko na sa loob ang mga gamit ko at nagpalit ako ng damit. Simpleng lilac na shirt lang at denim blue na jeans ang sinuot. Inipit ko rin ang buhok ko at nag-ayos ng kaonti. Pagkatapos ko ayusin ang sarili ay tinignan ko ang phone ko. Papunta na daw si Chaz sa arcade kaya naman nagmadali na rin ako. Kinuha ko ang maliit na sling bag ko at nilagay rito ang wallet ko tsaka phone. Ni-lock ko rin ng maigi ang mga bintana sa loob ng bahay. Pagkalabas ko ay ni-lock ko na rin ang pinto at nilagay sa bulsa ang susi. Mukhang maglalakad pa ako papunta sa main road at maghihintay ng taxi. Wala kasing dumadaan dito dahil puro bahay lang dito at tahimik pa. Puro abandoned house pa sa kabilang street. Matapos kong maglakad papunta sa main road ay sakto namang may taxi kaya tinawag ko na ito. Pagkasakay ko ay sinabi ko na rito ang lugar at tumango s'ya. Sumandal ako at kinuha ang phone ko. Malapit na ako ate Mika. Ikaw ba? - Chaz. Kakasakay ko lang ng taxi. Hintayin mo na lang ako sa loob. - Mika. Pagka-reply ko sa kan'ya ay napatingin ako sa driver nitong taxi. Naalala ko yung nangyari nung nakaraang gabi. Hinatid ako ng taxi driver sa bahay kahit hindi ko nasabi sa kan'ya yung address ko. Parang kinalibutan tuloy ako at tinignan ko ang mukha ng driver gamit yung salamin sa harap. Itim ang buhok n'ya at mukhang nasa 30's na ito. Nakakainis lang dahil hindi ko nakita yung mukha ng driver nung gabing iyon. Pakiramdam ko ay hindi ako ligtas hangga't nandito ako sa Moonbridge town. Pakiramdam ko ay may nanonood sa bawat galaw ko. Hindi talaga ako dapat magtitiwala sa iba. "Nandito na po tayo," sabi ng driver. Nagbayad ako dito at bumaba na sa taxi. Pagkalabas ko ay nakita ko na agad ang arcade sa harapan ko. Ginala ko ang paningin rito at nakitang kokonti lang ang tao dito. Bukas ang lahat ng kainan at parang nagutom ako nang maamoy at makita ko ang mga pagkain nila. Nakabukas na rin ang mga ilaw dahil malapit na dumilim. Napatingin ako sa gitna ng kalsada at napatigil nang maalala ko kung paano ako nag-breakdown dito. Naalala ko ang nararamdaman ko noon. Sobrang bigat at gusto ko lang umiyak nang umiyak pero maraming nakakakita sa akin. Nakita ako ni Chase at tinulungan n'ya ako. Binuhat n'ya ako at nilayo sa maraming tao na pinapanood ako umiyak. "Ate Mika!" Napatingin ako sa entrance ng arcade at nakita ko si Chaz doon na nakatayo. Nakatingin s'ya sa akin habang nakangiti at nakakaway. Hindi ako nagsalita at ngumiti lang ako ng kaonti sa kan'ya. Lumapit ako sa kan'ya at pumasok kami sa loob. Hindi gano karami ang tao dito ngayon. Dati na punta namin ay halos puno rito pero ngayon ay kokonti lang ang nandidito. "Anong gusto mong i-try natin muna?" Tanong ni Chaz sa akin at inabot ang isang card. "Bayaran na lang kita. Magkano?" Tanong ko dito at kukuhain sana ang wallet nang hawakan ako nito sa wrist at hilahin papunta sa isang machine. Napatingin ako dito at nakitang barilan ito. Hindi zombie ang mga babarilin mo dito. Kung hindi mga tao na nakasuot ng puti na mask. "Let's play this one, Ate Mika. Game?" Tanong sa akin ni Chaz. "Okay," sagot ko rito dahil nandito na rin naman na kami sa harap ng game machine na ito. Sinwipe n'ya ang card sa lalaruin namin. Kinuha ko na ang itim na baril at hinawakan ito ng maigi. Nang makitang mag-start na ang story ng game ay binasa ko muna ito. Napakunot ang noo ko nang malaman na ang mga nakaputi na mask ay pinadala para patayin ang character ko. Lalaking nakasuot ng tuxedo at itim na mask ang mastermind. Gumising ang character ko sa kwarto n'ya nang makarinig s'ya nang nabasag na bintana. Agad n'yang kinuha ang baril sa gilid ng kama. Hinawakan ko rin ng mahigpit at maigi ang baril habang nakatutok ito sa screen. Nakapatay ang ilaw sa kwarto n'ya kaya nagtungo ito malapit sa pintuan at binuksan ang ilaw. Saktong pagbukas n'ya ng ilaw ay may isa nang lalaking nqkasuot ng puting mask ang nasa likuran n'ya. Mabilis iyong naramdaman ng character ko kaya lumingon ito at agad ko itong binaril. Dahil naiintindihan ko na ang daloy ng kwento ng larong ito ay medyo komportable na ako at naaliw rito. Hindi lang dahil gusto ko maglaro kaya naaaliw ako rito. Dahil naaalala ko sa mga lalaking ito ang mga killers na pinatay sila mommy. Habang binabaril sila ay tumatakbo ang character ko papalabas ng bahay n'ya dahil hindi nauubos ang mga lalaking gusto s'yang patayin. Pinagbabaril ko ang mga nakaharang sa daan hanggang sa makalabas ng bahay ang character ko at nakita ang isang itim na kotse. Napakunot ang noo ko at nakita ko roon ang mastermind na lalaki na lumabas. Tinapat ng character ko ang baril n'ya roon pero tinanggal nito ang itim n'yang maskara. Nalaman kong matalik n'ya itong kaibigan na nagpapapatay sa kan'ya para sa pera at dahil sa inggit. Nilaban ko ito hanggang sa mabaril ko s'ya. Nang matapos ko ang larong ito ay natulala ako saglit. Hindi ko alam kung anong mayroon sa story ng larong ito. Parang may kakaiba akong naramdaman. Napatingin ako kay Chaz at nakita kong nabaril s'ya ng mastermind. Napatingin s'ya sa akin at lumingon. "I couldn't kill the mastermind. Childhood friend s'ya ng character ko! Parang pamilya na rin ang turing n'ya dito," malungkot nitong sabi at binalik na ang baril. "Wow, natapos mo Ate Mika!" Sabi pa nito at pumalakpak habang nakatingin sa screen ko na may congratulations na nakasulat. "Ano next game natin?" Tanong ko sa kan'ya at ginala ang paningin rito. Nakita ko ang just dance sa gitna na may mga batang magagaling sumayaw ang naglalaro doon. "Ano bang game ang gusto mo?" Tanong sa akin ni Chaz. "Hindi pala ako nagmeryenda kaya nagugutom ako." "Should we eat first?" Tanong ko sa kan'ya. Ngumiti naman s'ya at tumango-tango. "Anong gusto mong kainin, Ate Mika?" Tanong nito at sabay na kaming naglakad papalabas ng arcade. Pakiramdam ko ay naubusan na agad ako ng lakas sa unang laro namin. hindi ko alam kung bakit parang ang lakas ng impact non sa akin. Parang may pagkatugma talaga ito sa sitwasyon ko ngayon. Napabuntong hininga na lang ako at nag-focus na sa dinadaanan. Baka coincidence lang iyon. "Kung saan mo gusto, doon na rin ako," sabi ko rito. Nakalabas na kami ng arcade at tuluyan nang nakalubog ang araw. Marami nang ilaw sa paigid namin ni Chaz. "Gusto mo mag-ihaw-ihaw ng mga meat?" Tanong ni Chaz. "Pwede naman," sagot ko rito. "Doon tayo!" Tinuro nito ang isang store na malaki. May samgyeop pala dito. Ngayon ko lang rin napansin na may korean restaurant pala dito. Naglakad na kami ni Chaz papunta doon at pinaupo na kami. Nagsabi kami ng orders at waiting na lang para sa mga meat na iiihaw. Matagal na rin akong hindi nakakakain ng ganitong pagkain. Na-miss ko ang mga beef meat lalo na ang kimchi. "Hanggang anong oras ka lang pala ngayon, Ate Mika?" Tanong ni Chaz sa akin. Napatingin ako sa oras at nakitang 7 p.m. na pala. Magpapanic na sana ako pero naalala kong wala nga pala si kuya sa bahay ngayon. Nasa outing ito kasama ang mga katrabaho n'ya. Kamusta na kaya s'ya? "8 p.m. or 8:30 p.m. kailangan ko na umuwi," sabi ko sa kan'ya. Napatingin naman s'ya sa relo n'ya at lumiwag ang mukha nito. "We still have a lot of time," nakangiti nitong sabi. "Yeah," sagot ko sa kan'ya. Ni-serve na sa table namin ang mga inorder naming beef meat, chicken meat at pork meat. May kasama na rin itong side dish tulad ng kimchi, potato marbles at iba pa. May cheese rin ito na nakalagay sa maliit na lutuin n'ya. Mukhang marami akong makakain ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD