CHAPTER SIXTY SEVEN

3003 Words
Mike Anderson's P.O.V. "Grabe ang takaw mo talaga James," sabi ni Ms. Danica kay James nang maubos nito ang pagkain n'ya at kumuha pa ng kanin at liempo. "Kayo naman, syempre. Kailangan kong magpalakas. Pano ko kayo mapagtatanggol na mga kaibigan ko?" Pagdadahilan nito habang tumatawa. Nakitawa na rin ang mga iba n'yang kaibigan habang ang ibang girls naman ay napabuntong hininga at napasimangot na lang sa sinagot n'ya. Napatingin ako sa plato ko at tinignan ang liempo na kinuha ko. Halos hindi ko pa ito nakakalahati pati na rin ang kanin. "Gusto mo ng corn?" Alok ni Shiela sa akin na katabi ko. Tatanggihan ko sana s'ya pero nilagay n'ya na lang bigla ito sa plate ko. Napatingin na lang ako dito at napabuntong hininga. Nawalan ako ng gana kumain ngayon at alam kong dahil ito sa nangyari kanina. Dito kami sa gilid ng pool kumakain. May pahabang table rito at sakto ang bilang ng upuan para sa'min. Sinama at niyaya na rin nila kumain ang driver dahil kawawa naman ito kung mag-isa lang s'yang kakain sa sulok. "Wala kapa rin bang ganang kumain?" Tanong ni Shiela sa akin habang halata mo ang pag-aalala sa boses at expression ng mukha nito. "Meron naman akong gana kumain," sagot ko rito at pinilit ang sarili na kumain. Narinig kong napabuntong hininga na lang s'ya at kumain ng tahimik. Naririnig kong nag-uusap usap at kwentuhan ang mga co-workers ko pero hindi ko sila naiintindihan dahil hindi malinaw ang pangdinig ko ngayon. Parang mahina ang mga boses nila at malabo ang mga sinasabi. Sumubo na lang ako nang sumubo ng kanin at ulam hanggang sa maubos ko ito. Napatingin ako sa mais na binigay sa akin ni Shiela. Kinuha ko ito at kinain na lang rin. "Mike," rinig kong tawag ni Polo sa akin. Napahinto ako sa pagkain at tinignan si Polo. Naging tahimik silang lahat at ngayon ay nakatingin sa akin. Napakunot ang noo ko dahil wala naman akong idea sa nangyayari. "I just wanted to apologize," sabi ni Polo. "Ako yung tumulak sa'yo. Gusto ko lang sana maging ka-close ka namin nila James at maging ka-vibes kaya ko 'yon nagawa. Hindi ko alam na ganun pala ang mangyayari," nakayuko nitong sabi. Napatingin ako sa mga kasama namin at nakitang seryoso lang ang mga mukha nito. Tahimik lang sila at hinigintay ang sagot ko. Binalik ko ang tingin kay Polo. "It's fine, Polo," sagot ko rito. Alam ko namang gusto lang nila isama ako sa konting kasiyahan at harutan nila sa pool. Naiintindihan ko naman 'yun dahil ganyan rin ako. Dumaan ako sa gan'yan lalo na noong teenager ako. Biglang nagbago lang ang lahat para sa akin simula nang masaksihan ko ang pagkamatay nila Mom at Dad. "I understand you. It's just, may personal problem lang ako. It's not your fault." Ngumiti ako dito at agad namang nagpalakpakan sila James. "Yey! Bati na ang dalawa," sabi nito. "No hard feelings na guys ha?" Sabi pa ni Lea. "Hindi naman masama ang loob ko kay Polo," sabi ko sa kanila. "Mabuti naman," sagot ni Ms. Danica. "Thank you, Mike! Napakapogi mo na tapos understanding kapa!" Sabi ni Polo kaya nagtawanan ang lahat kabilang na rin ako. "At dahil dyan, cheers!" Tinaas ni Ms. Danica ang beer nito. Agad din naman naming lahat kinuha ang beer namin at tinaas ito. "Toss!" Sabay-sabay na sabi naming lahat at sabay-sabay ring nag-toss. Matapos nito ay ininom namin ang beer. Ilang lunok ko pa lang dito nang ibaba ko na ito agad. Matagal na rin akong hindi nakakainom kaya hindi na ako sanay. Hindi na rin ako malakas uminom katulad ng dati. Napatingin kaming lahat kay Kenz na iniinom parin ang beer at mukhang uubusin n'ya ito ng isang tungga lang. "Chug, chug, chug!" Sabi ng mga lalaki sa kan'ya habang ginagalaw nito ang mga braso nila at pinapanood si Kenz. "Go Kenz!" Sabi ni Tricia pati na rin ng ibang babae. "Whoo!" Agad na nilapag ni Kenz ang bote ng beer nang maubos n'ya na ito. Nagpalakpakan ang lahat kasama na rin ako. Nakita kong pulang pula na ang mukha ni Kenz. "Grabe pre! Mukha ka ng kamatis!" Natatawang sabi ni James. "Pulang pula na yung mukha mo," komento pa ni Polo. "Heh, tigil nga kayo," sabi ni Kenz at tinignan nang masama ang dalawa kaya napatigil naman na ang lahat sa pagtawa. "Isa pa!" Kumuha pa ito ng isang bote ng beer at binuksan. "Baka lasing na agad yan ah," sabi ni Ms. Danica. "Nako, pigilan n'yo yan. Baka mamaya sumayaw na naman yan ng macho dance nang nakatungtong sa lamesa." Agad namang nagtawanan ulit ang lahat at kahit ako ay hindi ko na rin napigilan ang pagtawa. Hindi ko ma-imagine na sumayaw si Kenz ng ganon. "Tara! Pool na!" Sabi ni Lea at tumayo na ito dahil tapos na sa pagkain n'ya. Nagsitayuan naman na ang iba at nagtalunan sa pool habang ang iba naman ay nandidito pa at nagpapahinga dahil busog. Napatingin ako kay Shiela na tahimik lang at pinapapak ang inigaw na bangus habang umiinom ng beer. "Hey, chill ka lang," sabi ko rito. Napalingon s'ya sa akin. "Favorite combo ko 'to. Perfect pang pulutan yung mga ulam natin ngayon." Tama naman s'ya. Masarap nga i-partner ang mga inihaw na ulam namin sa beer. "Alright, I'll join you then," sabi ko rito at kinuha ang beer ko. "Cheers?" "Cheers for what?" Tanong nito at kinuha rin ant bote ng beer n'ya. "For us," mahina kong sabi. Nakita kong napangiti ito. Pagka-cheers namin ng beer ay ininom namin ito at nilapag sa lamesa. Kumuha ako ng inigaw na shrimp at pinapapak ito. Habang kumakain ng shrimp ay agad kong naalala si Mika. Paborito n'ya ang hipon. Tinignan ko ang oras sa phone ko at nakitang malapit na mag 8 P.M. Napangiwi ako nang maalalang hindi ko pa nga pala s'ya natatawagan o kahit message man lang. "Why? You look bothered," sabi ni Shiela sa akin. "Si Mika," sabi ko at tumayo. "I'll call her." Tumango s'ya kaya kinuha ko ang phone ko at naglakad papunta sa living area at umupo sa couch. Agad kong tinawagan si Mika. "How are you?" Tanong ko sa kan'ya. "Kumain kana ba?" "I'm fine and yes, I already ate dinner," sagot nito. Napakunot ang noo ko nang makarinig ako ng ingay mula sa kan'ya. "Nasan ka?" Tanong ko. "Aracde. But don't worry, pauwi na ako," sagot nito. "With who?" Siguro ay kasama n'ya sila Chase at Earl. Mukha naman silang mababait at matitino. Hindi sa wala akong tiwala sa kanila, para sa akin lang din kasi ay bagong kakilala lang ni Mika ang dalawang iyon. Hindi naman namin sila talagang kilala pa. "Chaz Dansil," sagot n'ya. "Chaz?" Naguguluhan kong tanong. "My schoolmate," tipid n'yang sagot. "Ate Mika! Look! Nakuha ko yung pinaka malaking bear!" May narinig akong boses ng lalaki malapit kay Mika. Sa tingin ko ay iyon ang Chaz na tinutukoy n'yang kasama nya ngayon. "Umuwi kana rin agad. late na," paalala ko sa kan'ya. "Pauwi na ako. Message na lang kita pagkadating ko sa bahay." "Okay," sagot ko dito at narinig ko na lang na naputol na ang tawag. Napasandal ako sa couch habang nakatingin lang sa phone. Nang maalala ko ang lalaking nakita ko noon sa bintana ng kitchen namin sa bahay ay napaayos ako ng upo. Pinatong ko ang dalawa kong siko sa magkabilang tuhod. Hindi ko alam kung sino iyon. Hindi ko alam kung napadaan lang ba iyon o hindi pero masama ang kutob ko doon. Hindi ako dapat mag-isip ng kung ano-ano dahil wala pa naman ako evidence sa kung sino ang nakita ko. Bigla kong naalala ang nangyari noon kay Mika nang mag-isa lang ito sa bahay. Nasa labas ako ng pinto non nang naririnig ko ang malakas n'yang sigaw. Pumasok ako agad sa loob at nakita s'yang nakaupo sa sahig habang mukhang takot na takot. Sinabi n'ya noon na nandoon ang mga killers na pumatay kila mom and Dad. Sinasabi n'ya na sinusundan kami ng mga ito. Hindi ko alam kung totoo ba iyon o nasa isip n'ya lang dahil hanggang ngayon ay sobra parin ang pagiging apektado n'ya. Nakausap ko kasi ang psychiatrist namin at nalaman ko sa kan'ya na malala ang condition ni Mika. Sa totoo lang ay naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin. Hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo si Mika o nagha-hallucinate lang s'ya. Kinuha ko ang phone ko at agad na tinawagan si Kross. Hindi p'wedeng matulog ng mag-isa si Mika sa bahay. Baka mamaya yung nakita kong lalaking nakaitim ay magnanakaw at may balak na masama sa amin. "Hello Mike?" "Kross, pwede mo bang samahan si Mika sa bahay?" Tanong ko sa kan'ya. "Wala kasi ako doon ngayon. Nasa outing ako kasama ang mga katrabaho ko. Natatakot ako maiwan mag-isa si Mika." "Sure, Mike. Sunday naman bukas. Walang pasok kaya okay lang. Mag-aasikaso na ako para makapunta na agad." "Thank you, Kross," sabi ko rito. "No problem, Mike." Pagkababa ng tawag ay tumayo na ako para bumalik sa pool area. Nang mapadaan ako sa kitchen ay nakita ko ang driver doon na mag-isa at may hawak-hawak na kustilyo habang nakatingin dito. Natigilan ako saglit nang mapatingin s'ya sa akin. Nakahawak ang isang kamay n'ya sa matulis na parte nito kaya napakunot ang noo ko. Nang humakbang pa ito papalapit sa akin ay agad akong napaatras at napalunok. Anong ginagawa n'ya? Bakit s'ya lumalapit sa akin na may hawak na kustilyo? Napahinto ako nang maramdaman ang pader sa likod ko. Agad akong napatingin sa paligid. Walang kahit na ano rito bukod sa picture na naka-frame at nakasabit sa pader. Binalik ko ang tingin sa lalaking ito at nakitang iilang hakbang na lang ang layo n'ya. Agad na bumilis ang t***k ng puso ko at hinanda ang sarili. Seryoso lang ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Tahimik dito sa loob pero naririnig ko ang mga tilian at sayahan sa labas. Nang akmang kukuhain ko ang litrato na nakasabit sa pader ay agad na pumasok si Shiela. Napatingin s'ya sa amin at napakunot ang noo. "Bakit ang tagal n'yo po?" tanong nito sa driver. "Kanina pa po namin hinihintay yung kutsilyo para mahiwa yung mangga." "Ah, sorry. Hinanap ko pa kasi 'tong kutsilyo," sagot n'ya kay Shiela at lumingon ito sa akin. "Ipapaabot ko rin sana 'tong kutsilyo sa kaibigan n'yo kasi kailangan kong mag-cr." "Ay ganun po ba?" lumapit si SHiela sa kan'ya at kinuha ang kutsilyo. "Sorry po sa abala." "Okay lang. Mauna na muna ako," paalam ng driver at ngumiti kay Shiela. "SIge po. Balik na lang po kayo dito sa labas para maka-join kayo sa'min," nakangiting sabi rin ni Shiela sa kan'ya. Hindi na nagsalita ang driver at tumango na lang ito tapos ay naglakad na papunta sa bathroom. Agad naman akong napatingin kay Shiela na may hawak na kutsilyo. "Oh? bakit parang takot na takot ka?" tanong n'ya at lumapit sa'kin. "May problema ba? hindi kapa rin ba okay dahil sa nangyari kanina?" "Hindi," agad kong tanggi at umiling. "Ayos lang ako." "Magpahinga kana kaya muna?" tanong n'ya. "Sigurado ako aabutin ng 4 a.m. na gising tong mga 'to." Tukoy n'ya sa mga kasama namin. "Nandito pala kayo." Napatingin kami sa nagsalita at nakita si James na bitbit si Kenz na lasing na. "Kayo ah, baka mamaya kayong dalawa na pala hindi n'yo lang sinasabi sa amin," wala sa sariling sabi ni Kenz at maglalakad sana papalapit sa amin pero agad s'yang natumba. Mabuti na lang ay nasalo s'ya agad ni James. Kita ko sa mukha ni James na nahihirapan itong buhatin si Kenz. "Kailangan na tong patulugin bago pa magwala," birong sabi ni James. "Tulong na ako," alok ko dito at tinignan si Shiela. "Magpapahinga na lang rin muna ako sa taas. Bababa na lang ako pagnagising ako." "Okay," sagot n'ya at ngumiti. "Tara, Mike. Napakabigat ng isang 'to. Ang kulit kulit pa. Mas lalo tuloy mahirap buhatin tsaka alalayan maglakad," reklamo ni James sa akin. Lumapit na ako kay James at tinulungan s'yang alalayan si Kenz. Napalingon naman kay Shiela na nakangiti lang. Kumaway s'ya sa akin kaya ngumiti rin ako sa kan'ya at inakyat na namin ni James si Kenz na sobrang lasing na talaga. Pagkabukas ko ng pinto ay pinasok na ni James si Kenz sa loob. Saktong pagsara ko ng pinto ay muntik na itong matumba kaya agad ko itong sinalo. Tumawa si Kenz bigla kaya naman napakunot ang noo ko at tinignan ko ito. Tumatawa lang ito habang nakapikit. Napatingin naman ako kay James na naka-poker face na lang. "Kung alam ko lang na ganito kahirap to sa overnight at maglalasing masyado edi sana di ko sinama tong isang to," nakasimangot nitong sabi sa akin kaya natawa na lang ako. Dinala namin ito sa kama n'ya at hiniga. Pagkahiga ni Kenz ay napadilat ito at napatingin sa amin. "Ang babait talaga ng mga kaibigan ko," nakangiti nitong sabi. "Ang ga-gwapo pa." Halata mo sa boses at istura n'ya na wala ito sa sarili. "Syempre, Baka James to," sabi ni James at tumawa. Pagkatingin naman namin Kay Kenz ay nakapikit na ito at humihilik. "Babalik na ako sa baba," sabi ni James sa akin. "Sigurado kabang dito kana muna?" Tanong n'ya. "Oo," sagot ko rito. "Medyo napagod ako kanina." Pagdadahilan ko rito. "O sya, sige. Sumunod ka mamaya ah?" Sabi nito at umayos na ng tayo. "Hanggang madaling araw pa naman kami don. Hindi kami agad-agad babagsak pag may ganitong outing. Kailangan enjoyin." Natawa na lang ako nang mahina dahil sa sinabi n'ya. "Sige. Susunod ako mamaya," sabi ko rito. Tumango na s'ya at lumabas na ng kwarto. Agad naman akong napatingin kay Kenz nang marinig na sumigaw ito. Nakita kong nakapikit ito at nakataas ang kamay. Mukhang nananaginip. Napasimangot na lang ako at nagpunta sa kama ko. Tinignan ko kung may message na sa akin si Mika. Nakauwi na ako. - Mika. Okay. Hindi ko pa alam kung anong oras kami makakauwi bukas pero hindi naman na ako magpapaabot ng gabi. Magpahinga kana. Mag-ingat ka rin d'yan. I-lock mo lahat ng bintana pati pinto, Okay? - Mike. Will do. Ingat ka rin d'yan. - Mika. Pagka-reply n'ya sa akin ay saktong nag-message sa akin si Kross. Papunta na ako kay Mika. - Kross. Thank you ulit, Kross. Take care on your way. - Mike. Nilapag ko na ang phone ko sa gilid ng unan at humiga na sa kama. Straight lang ang tingin ko sa kutson sa itaas ko. Naramdaman ko ring mas lalong lumalamig at sobrang tahimik rito sa loob na tanging aircon na lang ang maririnig mo. Huminga ako ng malalim at pinikit ang mga mata ko. Pinakalma ko ang sarili ko bago sinubukang matulog. ××× 12 p.m. na at tahimik sa malaking bahay ng mga Evergreen. Tulog na ang lahat pati ang mga kasambay nito. Iisa na lang ang gising sa kanila at iyon ay ang guard sa mataas nilang gate. "Sino yan?" Tanong ng guard nang makitang may itim na van ang huminto sa harap ng gate ng mga Evergreen. Lumabas ang apat na lalaking nakamaskara ng clown at napaatras ang guard sa loob ng gate. Na-sense s'ya agad ang delikadong mga aura nito dahil sa itsura na rin nila. Ilalabas n'ya sana ang baril n'ya pero naunahan s'ya ng isa sa mga lalaki. Tinutok sa kan'ya ang baril. "Buksan mo ang gate," utos nito sa guard. Hindi gumalaw at kumibo ang guard. Hindi n'ya pwedeng buksan ang gate dahil ito ang trabaho n'ya. Ang ilayo ang mga Evergreen sa gulo at kapahamakan. "Bubuksan mo o ipuputok ko itong baril," madiin ar nauubusan na ng pasensya na sabi ng lalaking may hawak ng baril. Agad namang nakaramdam ng takot ang guard kaya wala na itong ibang nagawa kung hindi buksan ang gate. Pagkabukas n'ya nito ay patago n'yang kinuha ang phone sa bulsa ng itim n'yang pants. "Woah," sabi ng killer isang killer pagkapasok nila sa loob at nagpalakpakan ang mga ito bukod sa isang may hawak ng baril. Nakasuot sila lahat ng itim at parehas na clown ng mga mask nito. Magkakamukha ang mga ito kaya naman mahihirapan ka sa kanila. Patagong tinawagan naman ng guard si Mr. Evergreen para balaan ito pero bago pa n'ya matawagan ito ay nakita s'ya ng killer at binaril ito sa noo. Agad itong natumba sa matigas at malamig na sahig. Tumulo ang dugo nito doon. Naka-silencer ang baril na hawak ng isang killer kaya naman wala itong ingay na ginawa. Tinignan n'ya ang dalawang kasamahan at tumango ang dalawang iyon. Binuhat nila ang guard papasok sa maliit na guard house at sinara ang pinto doon. Sinara ulit nila ang gate at nagkatitigan ang apat na killers. "Humanda na kayo sa mission natin ngayong gabi," sabi ng isa sa kanila. Tumango naman ang dalawa habang ang isa na may hawak na baril ay seryoso lang na nakatingin sa bahay ng mga Evergreen. Nilabas nila ang hawak nilang mga baseball bat at tinago ang baril sa bulsa. Naglakad na ang mga ito papasok sa bahay. Dahil naka-lock ang pinto at kailangan nito ng passcode ay hindi sila dito pumasok. Nagpunta sila sa isang malaking bintana na gawa sa glass. Malakas na hinataw ito ng isa sa kanila dahilan para mabasag. Agad silang napatigil nang may tumunog na malakas na alarm. Nagkatinginan sila at mabilis na pumasok sa loob. "Bilisan n'yo!' utos ng isa sa kanila. "Hanapin n'yo ang alarm at patayin iyon." Dahil madilim sa loob ay binuksan ng isa sa kanila ang ilaw at saktong nahanap nila ang alarm. Agad iyong binaril gamit ang baril na may silencer Kaya tumigil na ito sa paggawa ng ingay. Napalingon naman sila nang makarinig sila ng nabasag na vase. Nakita nila ang isang maid na hindi makalagaw at nakasandal sa lamesa habang nakatingin sa kanila na mukhang takot na takot at nakatakip ang bibig. "Tsk, tsk. Bakit kasi lumabas kapa sa kwarto mo?" Tanong ng isa sa kanila at lumapit rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD