CHAPTER SEVENTY SEVEN

993 Words
Mike Anderson's P.O.V. "Lunch break everyone!" Malakas na sabi ng Team leader namin na si Ms. Danica. Lahat naman kami ay napatigil na sa kakatutok sa computer. Napasandal ako sa inuupuan ko at nag-unat. Napahikab din ako dahil sa antok. "Saan n'yo balak mag-lunch?" Tanong ni Lea na nakatingin sa amin ni Shiela. "Hmm, saan mo ba gusto kumain ng lunch, Mike?" Tanong ni Shiela sa akin. "Kahit saan n'yo gusto kumain," sabi ko at pinatay na ang computer ko. "Sino sasabay sa amin mag-lunch sa Fresto?" Tanong ni Lea sa mga kasamahan namin. "Pass! Gusto ko ng ramen," sabi nila James. "Ramen! Sama ako d'yan," sabi ni Ms. Danica kila James. Tumayo naman na ako at niligpit ang kaonting kalat. Naglabasan na rin ang iba para mag-lunch. Kaming tatlo na lang nila Shiela at Lea ang nandito ngayon sa loob. "Masarap yung roasted chicken sa Fresto no?" Tanong ni Shiela. Isang beses pa lang ako nakakain don at kasama ko silang lahat non. Siguro ay second week pa lang ako dito sa trabaho non. "Yup. May Beef steak din don. Super dope!" Sabi ni Lea at sinuot na ang bag n'ya. Matapos ko naman ayusin ang gamit ko ay kinuha ko na ang wallet ko. Hindi naman na ako nagdadala ng bag dahil pera lang naman ang kailangan kong dalhin. "Let's go!" Sabi ni Shiela matapos itali ang buhok n'ya. Naglakad naman na kaming tatlo papalabas ng building. Sa kabilang street lang ang Fresto restaurant kaya nilakad lang namin ito. Actually, maraming kainan dito na malapit lang. May mga small stores din na bilihan ng mga kung ano-ano. "Nakakamiss magpunta sa mall," sabi ni Lea habang naglalakad kami. "Oo nga no. Siguro ilang buwan na ako hindi nakakapunta don. Sobrang busy kasi sa work. Pero at least, may outing naman tayo." Rinig kong napabuntong hininga si Shiela. Alam kong iisa lang ang mall dito sa Moonbridge town. Hindi pa rin ako nakakapunta don. Siguro ay nakapunta don na si Mika noong kasama n'ya si Kross. "Mas maganda naman ang outing kaysa sa mga mall," sabi ko sa kanilang dalawa at tumawid na papunta sa kabilang street. Dati ay lagi akong nagpupunta sa mall kasama mga kaibigan ko o di kaya ay sila Mika at Mommy. Puro Mall, bar at club ako non. Ngayon ay hindi ko na gaano gusto sa mga ganong lugar. Siguro ay tumatanda na kasi ako. "Sabagay, tama ka namam," sabi ni Lea. "Saan kaya susunod nating outing?" Tanong ni Shiela. "Gusto ko nga i-suggest sa team leader natin na mag-hiking naman tayo. Hindi pa natin nata-try yun. Puro swimming at gala lang kasi tayo," sagot ni Lea. "Nakakamiss din mag-hiking. Ikaw ba Mike? If ever na Hiking, sasama ka?" Tanong ni Shiela sa akin. "Depende," maikli kong sagot. "Tara guys, nandito na tayo." Napatingin kami sa Fresto Restaurant sa harap namin nang magsalita si Lea. Pumasok na kami sa loob at nakita kong marami ring kumakain dito. "Hello Ma'am, Sir. For Dine in or take out po?" Tanong ng babaeng staff na malapit sa entrance. "Dine in po," nakangiting sagot ni Shiela. "Noted po. Pasundan na lang po ako," sabi nito at tumango kami. Nang maglakad na s'ya ay sumunod na kami rito. Medyo magkakalayo ang mga table rito at malawak sa loob. May mga mababang wall na kulay dark bown sa gilid ng table at may mga halaman rin dito na patayo. Tumigil ang babaeng sinusundan namin kaya naman napatigil na rin kami. Sa bandang dulo kami na may saktong tatlong upuan na table. Umupo na kami rito at inbutan kami ng menu. "Anong order n'yo guys?" Tanong ni Lea habang nakatingin sa menu. "I'll order the roast chicken," sabi ni Shiela at nilipat ang susunod na pahina ng menu. "And this popular salad here." "Noted po, Ma'am," sabi ng babae habang sinusulat sa papel ng order namin. "I'll get the tofu sisig and roast chicken din," sabi naman ni Lea at nilapag na ang menu. "Roast chicken too and potato soup," sabi ko at sinara na ang menu. "Drinks po?" Tanong ng babae. "I want iced tea. How about you Mike and Lea?" Tanong ni Shiela. "Ice tea din," sagot ni Lea. "Let's order 1 liter of iced tea na lang," sabi ko sa kanila at tumango naman sila. Umalis na ang babae para ihanda ang orders namin. May malaking flat screen tv malapit sa amin. Nagpe-play ito ng mga music videos. "Uy, nag-post agad sila James ng pictures nila na kumakain sa ramen shop," sabi ni Lea at pinakita sa amin ni Shiela ang post ni James. Halos lahat sila ay nagustuhang mag-ramen kay kila James sila sumama. Okay lang naman sa akin ang ramen pero mas gusto ko kumain ng rice o heavy meal ngayon, especially lunch kasi. Kailangan ko ng maraming energy. "Omygod." Napatingin ako kay Lea nang marinig ang gulat at hindi makapaniwala nitong boses. Napatakip s'ya sa bibig n'ya habang nakatingin sa screen ng phone n'ya. Kaharap ko s'ya sa upun habang katabi ko naman si Mika. "Ano yun?" Naguguluhang tanong ni Mika at napaalis sa pgkakasandal sa upuan n'ya. Tumingin sa amin si Lea at dahan-dahan n'yang hinarap ang phone sa amin ni Shiela. Inayos ko ang pagkakasuot ko ng salamin ko at pinagmasdan ang screen ng phone n'ya. Napakunot ang noo ko at mas nilapit ang mukha ko. "What the h*ll?" Rinig kong gulat na sabi ni Shiela. Hindi ako agad naka-react at nakatingin lang ako sa phone ni Lea. Pinagmasdan ko nang maigi ang litratong naka-post dito. Binasa ko rin ang nakasulat sa isipan ko. Tonny Valie was found dead inside their car. "S'ya yung nag-drive sa atin diba?" Naguguluhan kong tanong at tinignan sila Lea at Shiela. "Yes. S'ya nga," sagot ni Shiela na mukhang hindi pa rin makapaniwala. "Parang kahapon lang ay kasama pa natin s'ya," mahinang sabi ni Lea. "What happened to him?" Nacu-curious kong tanong. "He was murdered I think," seryosong sagot ni Lea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD