CHAPTER EIGHTY SEVEN

1010 Words
"GUYS! WAKE UP! NANDITO NA TAYO!" Mikaella's P.O.V. Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng malakas na pag-uusap. Agad kong dinilat ang mata ko at nakitang nasa loob ako ng van kasama sila Kael. Napatingin ako sa labas at nakitang naka-park na ito. "Let's go guys! Nasa rest house tayo ngayon. Sa harap nito yung beach," sabi ni Vivian at naunang bumaba. Bumaba na rin ang driver n'ya at binuksan na ni Kael ang pinto sa gilid n'ya at isa-isa kaming lumabas ng van. Pagkalabas ko ay ginala ko ang paningin rito sa rest house. Sa pagkakaalam ko ay pagmamay-ari ito nila Vivian. Nakita kong hanggang 2nd floor ito at rooftop ang 3rd floor. Maliwanag doon at may mga halaman. Mukhang maraming ilaw doon at maganda tumambay dahil maganda ang view since kaharap lang nitong rest house ang beach. Nang makalabas na lahat sa van ay ginala ko ang paningin rito. Green na green ang d**o rito at marami ring halaman na may nakaikot na maliliit na ilaw. May mga upuan din at table. "Pasok na tayo guys. Then after, labas tayo sa main door para makita n'yo yung beach," sabi ni Vivian habang inaabot sa driver n'ya ang bag n'ya. Napatingin naman ako kay Cara na tumayo sa tabi ko at Kael. Nasa tabi naman ni Kael si Liam. Pumasok na kami sa loob at nakita kong malawak rito. Maaliwalas rin. Konti lang ang gamit pero magaganda ang mga ito. Bagay sa kulay at design ng rest house. "May four rooms sa taas. Iwan na muna natin gamit natin don," sabi ni Vivian at umakyat. Sumunod naman kaming lahat sa kan'ya. Apat nga ang kwarto dito. Hahatiin na lang daw ito. Dalawang kwarto para sa babae at dalawang kwarto para sa lalaki. "Share kami ni Mika ng room!" Agad n sabi ni Cara habang nakangiti. "May gusto pa bang maki-share sa amin?" Tanong n'ya. "Kay Vivian na kami makiki-share," sabi ni Pauline at lumapit ang mga babae kay Vivian. "Okay then," sabi ni Cara at hinila ako papasok sa isang room. "Great. Tayong dalawa lang nandito. Hindi tayo maiingayan. Maingay pa naman yung mga yon," sabi ni Cara at nilapag ang bag n'ya sa isang kama. Tatlo pala ang kama rito na single. Mukhang tatlong kama per room ang nandidito. "Ahh," tanging sagot ko dahil wala akong maisip na ibang maisasagot sa kan'ya. Nilapag ko na rin ang bag ko sa kama at ginala ang paningin rito. Kulay puti ang pader at ceiling. Kulay caramel naman ang tiles at gilid ng bintana. Maliit na chandelier din pala ang ilaw dito at may mga halaman na nakalagay sa paso. "I can't believe sumama ka sa outing na to," sabi ni Cara habang naglalabas ng mga damit n'ya. "Ah, gusto ko lang lumabas ng bahay kaya sumama ako," pagdadahilan ko. "Well, you're right. Kahit ako yan din dahilan kaya sumama ako dito and because Kael kept on nagging me na sumama." Binuksan ko ang bag ko at nakita ang isang shirt at pajama na dala ko. "So, may dala ka bang swimsuit?" Tanong ni Cara sa akin at naramdaman kong nakatingin ito ngayon sa'kin. "Ahm," napangiwi ako at tumingin sa kan'ya. "Actually, wala. Wala rin naman akong balak lumangoy sa beach. Gusto ko lang makakita ng dagat at i-enjoy yung view," sagot ko sa kan'ya at ngumiti ng tipid. "Eh? No, Mika," sabi nito. "Since nandito kana rin, why don't you join us? Sayang naman kung hindi mo kami sasamahan lumangoy," nakasimangot na sabi nito. "Ahh." Napatingin ako sa bag ko at nag-iisip ng idadahilan ko sa kan'ya. Biglang tumunog ang phone ko kaya naman kinuha ko ito. Nakita kong tumatawag si kuya. Nakita ko ring 9:20 P.M. na pala. "Sagutin ko lang tawag ni Kuya Mike," paalam ko kay Cara. "Okay! Bilisan mo ah? Para makasabay tayo sa kanila," sabi n'ya sa akin. Hindi na ako nagsalita at tumango lang. Nakita kong may brown na pintuan at mukhang papunta ito sa balcony kaya nagtungo ako rito at binuksan. Mini balcony nga ito. Napatingin ako sa tabing kwarto at nakitang may mini balcony rin ito. Mukhang lahat ng kwarto rito ay mayroon nito. Sinagot ko na ang tawag at tinapat ang phone sa tainga. Napatingin ako sa baba at nakita ang van na sinakyan namin kanina. Lumabas ang driver sa loob ng rest house at pumunta sa van. Mukhang may kukuhain pa s'ya. "Mika!" Rinig kong tawag sa akin ni kuya sa kabilang linya. "Kamusta? Ngayon mo lang nasagot tawag ko ah." "I'm good," sagot ko sa kan'ya. "Medyo busy lang. Gusto ko lang mag-enjoy dito para mawala na rin yung stress ko sa midterms." "That's good to hear na nag-eenjoy ka d'yan. Did you eat already?" Tanong n'ya. "Uhm, yep," pagsisinungaling ko. Actually, gutom na ako. Gutom na gutom. "Good. What time kayo pala uuwi bukas?" "I'm not sure. I'll update you later pagnakausap ko na sila ulit," sagot ko. "Okay, okay," sabi ni kuya Mike. "Text me or call me when you need something or kung may emergency d'yan. Okay?" "Will do," tipid kong sagot. "I'm going to sleep maya-maya. Enjoy, Mika! Wag masyado magpagod and magpuyat." "Goodnight, Kuya Mike." "Goodnight din!" Binaba ko na ang tawag at huminga ng malalim. Napatingin ako sa madilim na langit. Wala akong stars na nakikita. Usually pag wala akong stars na nakikita ay may chance na uulan pero mukha namang hindi uulan ngayon. Binalik ko na ang phone ko sa jeans na suot ko at pumasok sa loob. Nakita kong wala si Cara dito. Napatingin ako sa pinto sa bathroom at kita sa pinto nito na nakabukas ang ilaw sa loob. Naglakad na lang ako papunta sa kama ko pero napahinto rin ako nang makita ang bag ni Cara sa kama n'ya. Nasa gilid nito ang maliit na bote na parang gamot. Lumingon ako sa bathroom at nakitang sarado pa iyon kaya binalik ko ang tingin sa maliit na bote. Lumapit ako dito at hinawakan ito. Nang titignan ko na sana kung para san ito ay biglang bumukas ang pinto sa bathroom. "Mika?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD