CHAPTER EIGHTY EIGHT

1992 Words
Mikaella's P.O.V. "Mika?" Agad akong natigilan nang marinig ang boses ni Cara. Dahan-dahan akong lumingon sa kan'ya at nakitang nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Napunta ang tingin n'ya sa kamay ko. "Gumulong sa sahig, kinuha ko lang," pagdadahilan ko at inabot sa kan'ya ang maliit na bote. "Ganun ba?" Tanong n'ya at kinuha ito sa'kin tapos ay pinasok sa bulsa ng suot n'yang itim na blazer. "Thank you." "Para san pala yan? May sakit kaba?" Tanong ko sa kan'ya at naglakad na papunta sa kama na nilapagan ko ng bag ko. "Ahh, ito?" Tanong n'ya at ngumiti. "Wala naman. Vitamins ko lang." Tumango ako at hindi na nagsalita. Napalingon kami ni Cara nang marinig naming may kumakatok sa pinto. "Come in!" Malakas na sabi ni Cara habang nililigpit ang mga gamit. Nakita kong bumukas na ang pinto at pumasok si Kael na hilahila si Liam. "Magdi-dinner na daw tayo. May tagabantay pala dito sa rest house nila Vivian. Nilutuan tayo ng dinner," sabi ni Kael at hinigpitan ang pagkakahawak sa itim na oversized shirt ni Liam. "Nice. Gutom na rin ako," sabi ni Cara at tumayo. "Bakit hilahila mo na naman si Liam?" Tanong ni Cara at naglakad papalapit sa akin. "Nagbabalak na namang tumakas eh. Mamaya dito pa s'ya maghanap ng gulo," sagot ni Kael at nagtawanan sila ni Cara habang nakasimangot lang si Liam. Nang mapatingin si Liam sa akin ay hindi s'ya nag-iwas ng tingin. Ganun rin ako. Hindi ako magpapatalo sa titigan. Ngayong nakatingin ako ng deretso at matagal sa mga mata n'ya ay parang napapamilyar na ako sa mata nito. Malalim ang titig n'ya sa akin. Wala rin akong makitang emosyon sa mga iyon. "Let's eat?" Tanong ni Kael. "Yup! Let's go!" Sagot ni Cara at hinila ako papalabas ng kwarto. Bumaba na kaming apat papunta sa dining area. Nakita naming kompleto na ang lahat at mukhang kami na lang ang hinihintay para makapagsimula na sa pagkain. "Yon! Pwede na kumain," sabi ni Kevin. Umupo kami sa kabilang dulo dahil dito na lang may available na upuan. Napatingin ako sa pahaba na table. Maraming pagkain ang nakahain rito. Bigla kong naalala ang dating bahay namin nila Mommy. Dati tuwing may okasyon ay ganito rin halos ang handa namin. Sobrang dami ring pagkain ang nakahain sa pahaba naming lamesa. "I will lead the prayer," sabi ni Vivian at pumikit. Nakita kong pumikit din ang lahat kaya naman yumuko ako at pinikit na lang din ang mga mata. "Dear God, thank you for guiding us today. Thank you for making us safe and thank you for the foods. In the name of the father, the son, the holy spirit," huminto saglit si Vivian. "Amen," mahina naming sabi. "Kain naa!" Masayang sabi ni Pauline. Nagsimula naman na silang kumuha ng mga pagkain sa lamesa. Napatingin ako sa handa at kumuha na lang ng roasted chicken at soup. Kumuha rin ako ng buko pandan for dessert. "10 P.M. ligo tayo sa beach?" Tanong ni Vivian. "Gamee!" Masayang sabi ng iba. "Wala bang curfew dito?" Tanong ni Kael. "It's fine. Malaki share ni Dad here kaya papayagan naman tayo n'yan," sagot ni Vivian. Tumango lang si Kael at nagsimula nang kumain. Napatingin ako kay Cara na tahimik lang din na kumakain. Mukhang gutom ito. Sumubo ako ng soup at pagkalunok ko nito ay muntik na akong mabilaukan. Medyo mainit pa pala ito. Napatingin ako sa kanila at nakahinga nang maluwag nang makitang walang nakapansin sa akin. Uminom ako ng tubig at naramdaman kong may nakatitig sa akin kaya tinignan ko ang nasa harapan ko. Nakita ko si Liam na kumakain habang nakatingin sa akin. Napangiwi na lang ako at inubos ang tubig. ××× "Mika! Let's go get change para makasama na tayo sa kanila aa beach," yaya sa akin ni Cara pagkabalik namin sa kwarto. "Uhmn." ginala ko ang paningin ko dito sa loob at agad na nag-isip ng idadahilan sa kan'ya. "Come on, ngayon lang naman," pangungulit ni Cara at hinawakan ako sa braso. "Ang pangit naman kung lahat kami lumalangoy at naglalaro sa tubig habang ikaw nandito lang." "Medyo inaantok na ako tsaka wala rin akong dala talaga na pang-swimming," sabi ko sa kan'ya. "Please?" Nakanguso nitong sabi. "Ngayon lang." Napangiwi na lang ako at tumango. Alam kong kahit anong tanggi ang gagawin ko, kukulitin n'ya lang ako. Baka nga sabihin n'ya pa sa iba na ayaw ko kaya siguro okay na rin to. Saglit lang naman at konting tiis lang, Mika. "Don't worry, Mika! May extra swimsuit ako," sabi ni Cara at mabilis na dinala ang bag n'ya sa bed ko. "Swimsuit?" Nakakunot noo kong tanong. "Yep, dalawa yung dala ko. Actually, bagong bili sila. You can borrow this one." Tinaas n'ya ang itim na two piece. Agad akong umiling. Dati ay nagagawa kong magsuot ng mga ganyan tuwing nagsi-swimming pero sobrang dalang lang at pagkailangan lang talaga. Dati ay wala na talaga akong confidence magsuot ng mga ganyan, pano pa kaya ngayon? "Eh? Ayaw mo mag-swimsuit?" Tanong ni Cara. Agad naman akong tumango. "Oo. Mabilis kasi ako ginawin," sabi ko sa kan'ya. "Edi." Tumingin s'ya sa bag n'ya at may nilabas itong brown na paper bag. "Rush guard? Okay na ba to?" Tanong n'ya at pinakita sa akin ang itim na set ng rush guard n'ya. To be honest, pagnagsi-swimming na tuwing umaga, doon lang ako nagsusuot ng rush guard. Pang umaga rin naman ito. Para maproktektahan ang balat natin sa araw. Pero dahil wala akong choice ngayon, kailangan kong tanggapin ang pinapahiram ni Cara. Mas okay na to kaysa sa two piece na swimsuit na inaalok n'ya. "Yup. Thanks, Cara," sabi ko sa kan'ya at tinanggap ito. "Good! May bathroom sa labas malapit sa room natin. Doon ko na suotin tong swimsuit ko, d'yan kana sa bathroom dito sa kwarto. Okay?" Paalam nito. "Okay," sagot ko sa kan'ya. Ngumiti lang s'ya at naglakad na papalabas. Nang makalabas na s'ya dito sa loob ng kwarto ay nagtungo naman na ako sa bathroom at sinuot ang rush guard na pinahiram n'ya. Kulay itim na may dark purple na liness sa pinakailalim ng short. Medyo maiksi ang short nito pero fit naman sa akin. Long sleeve din ito at sakto lang sa katawan ko. Matapos kong magpalit ay tinignan ko ang sarili sa salamin. Nakatali ang buhok ko kanina pa. Tinali ko kasi ito noong naglalaro kami ng badminton nila Kael. Sobrang init kanina at pinagpapawisan kami. Binaba ko na lang ang buhok ko at sinuklay ito gamit ang kamay ko. Medyo nag-wavy ito gawa ng pagkakatali ko ng mahigpit at matagal. Lumabas na ako sa bathroom at dumiretso sa kama para ilagay ang damit ko sa bag. Sakto namang paglapag ko ng damit ko sa bag ay bumukas ang pinto. Nakita ko si Cara na nakasuot na ng swim suit n'ya habang nakasuot din ng itim na cardigan na manipis. "Okay lang ba?" Tanong n'ya at umikot. One piece ang suot n'yang swimsuit na kulay puti at plain. Sakto lang ito sa kan'ya at lumabas ang hugis ng kan'yang katawan. Nakalugay din ang brown n'yang buhok n'ya na may highlights. "Yep," sagot ko sa kan'ya. "By the way, thank you ulit dito sa rush guard." "Ano kaba, it's nothing. Actually, dinala ko yan para sa mga ayaw mag-swimsuit. Nagdala nga rin ako extra para pag may isa sa ating nakaiwan ng swimsuit nila." "Ahh," sagot ko at tumango. "Let's go?" Tanong n'ya. "Hmm." Tumango ako at iniwan ang phone sa bag dahil baka mawala lang ito mamaya. "Nasa labas na ata sila," sabi ni Cara at magsimula nang maglakad. Agad naman akong sumunod sa kan'ya. Pagkalabas namin ng kwarto ay tahimik dito sa daan pati na rin sa hagdan. Wala na rin akong ibang makita at marinig na kaklase namin. May nadaanan kami ni Cara na isang lalaki at isang babae sa dining area. Mukhang sila ang tinutukoy ni Kael na bantay dito sa rest house nila Vivian. Nang mapunta kami sa parang living area ay medyo namangha ako rito. Sobrang laki ng flat screen television dito. May mga vase din na mukhang mamahalin. Huminto ako sa paglalakad nang huminto rin si Cara na nasa harapan ko. Sinilip ko kung bakit s'ya napatigil. Nasa tapat na pala kami ng double door. Binuksan ito ni Cara at pagkabukas n'ya nito ay bumungad sa akin ang pool na may led lights sa ilalim at itaas. May salbabida na malaki rin dito na pwede mong upuan o higaan. Wala sila Vivian dito at mukhang sa beach talaga sila nagtungo. "Ang tagal n'yo ah," rinig kong sabi ni Kael na kakalabas lang ng rest house kasama si Liam. "Nandun na silang lahat. Tara sabay-sabay na tayo." Sumunod naman na kami ni Cara kay Kael. Napatingin ako kay Liam na hindi makaalis dahil binabantayan ito ng maigi ni Kael. Wala s'yang ibang magawa kung hindi ang sumimangot, ngumuso at magmukmok. "Let's go!" masayang sabi ni Cara at hinigit ako. Pagkalabas namin sa gate ng rest house nila Vivian ay agad na bumungad sa amin ang preskong hangin at ang tunog ng alon pati na rin ang magandang view dito. "Wow," rinig kong sabi ni Cara. Napatingin ako sa paahan namin. Kulay puti ang sand dito. Sobrang lambot din nito. "Nandun sila!" tinuro ni Kael kung nasaan sila Vivian kaya naman napatingin kami nila Cara doon. Nakita ko sila na nakapabilog sa bon fire na ginawa nila. wala ng ibang tao dito ngayon sa labas kung hindi kami kami lang. Nakita ko ring maraming rest house dito na naglalakihan. "Tara, lapit na tayo sa kanila," yaya ni Cara. Agad naman na kaming naglakad papunta sa bon fire. Napatingin sila Vivian sa amin at nagpalakpakan ang mga ito. "Nice! nakarating din kayo," nakangiting sabi ni Vivian. "Tara swimming!" Sabi ni Kevin. Nakita kong nakasuot ng mga swimsuit ang babae at may suot din silang manipis na cardigan. Yung mga lalaki naman ay nakashort at nakasuot ng puting sando. "Let's go guys!" Sabi ni Vivian at hinubad ang itim n'yang cardigan. Agad na hinubad din ng mga babae ang cardigans nila. Ang mga lalaki naman ay hinubad ang sando na suot. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Tumingin ako sa gilid ko. "Mika, tara?" Tanong ni Cara sa akin. Napatingin ako sa kan'ya at nakitang wala na rin itong suot na cardigan. "Let's go," sabi ni Kael kaya naman napatingin ako rito. Nakita kong wala na itong suot na itim na sando habang si Liam ay suot-suot parin ang itim na oversized shirt nito. Nilapag rin ni Kael ang salamin n'ya sa gilid ng sando n'ya. "How about Liam? Hindi mo ba tatanggalin yang shirt mo?" Tanong ni Cara. "Why? Gusto mo ba makita katawan ko?" Tanong ni Liam at tumawa ng mahina. "In your dreams, Liam!" Agad na sagot ni Cara at hinila na ako papunta sa dagat. Napatingin ako kila Vivian. Naghihiyawan ang mga ito at nagtatalsikan ng tubig. Nang makarating kami sa dagat ni Cara ay agad kong naramdaman ang tubig sa paahan ko paakyat sa binti ko. Naramdaman ko rin ang ahon. Hindi ito malakas, mahinahon lanh ito. Nang hanggang baiwang ko na ang tubig ay tumigil kami ni Cara. Napatingin ako kila Kael at nakitang malapit na silang dalawa sa amin. "Yow! Ano gusto n'yong gawin? May gusto ba kayong laruin natin?" Tanong ni Vivian habang nakataas ang dalawang kamay. "Suggest kayo guys!" Nakita kong tumabi sa kan'ya si Kevin at umakbay ito sa kan'ya. Nang titingin s'ya kay Kevin ay agad s'ya nitong nilublob sa tubig. "Omygod!" Sabi ni Pauline at tumawa lang si Kevin pati na rin ang iba. Pagkaahon ni Vivian ay tinignan n'ya nang masama si Kevin at malakaa na winasikan ng tubig sa mukha. "Hey, hey! chill," sabi ni Kevin habang tinatakpan ang mukha nito. "Sorry na babe!" "Che!" Nag-crossarm si Vivian at tumingin sa amin. "So.. let's play tag here in water. And later, tagutaguan. Game ba kayo?" Tanong Vivian habang nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD