CHAPTER NINETEEN

1100 Words
Mikaella's P.O.V. Saturday ngayon at kakagising ko lang. Kinusot ko ang mata ko at napahikab. Pakiramdam ko ay antok na antok parin ako kaya naman kinuha ko ang clock ko sa side table at tinignan kung anong oras na. Napakunot ang noo ko at nakitang 11 A.M. na pala. Napaupo ako at binalik na ito sa side table. Napatingin ako sa school uniform ko na nakasabit. Agad kong naalalang nasa palda ko parin doon ang papel ni Nathan. Tumayo ako at nagtungo rito. Kinuha ko ang papel at mabilis na umupo sa kama at kinuha sa drawer ang phone ko. Pagkauwi ko kahapon galing sa school ay nakalimutan ko ang tungkol dito dahil ginawa ko na agad ang mga homeworks ko. Nagluto rin ako ng simpleng ulam namin ni kuya kagabi. Hindi ko s'ya nakasabay kumain dahil nag-overtime s'ya sa trabaho. Pagkatapos ko kumain ay ginugol ko ang oras ko sa paghahanap ng part time job para makatulong dito sa bahay. Binuksan ko ang phone ko at hinanap ang number ni Nathan sa papel. Nandito rin ang number ng Mama n'ya. Agad kong dinial ang number ni Nathan at pinatong sa tainga ang phone ko. Napakunot naman ang noo ko nang hindi ko ito matawagan. Agad kong binababa ang phone at tinignan ito. Napairap at buntong hininga ako nang makitang wala nga pala akong simcard. Tinapon ko nga pala iyon. Napatingin ako sa trashcan ko dito sa kwarto. May load pa iyon at nandoon ang mga numbers ng kakilala ko. Kukuhain ko ba 'to? Napailing na lang ako at huminga nang malalim. Bibili na lang siguro ako ng bagong sim card. Baka pagsalpak ko ng dating number ko ay mayroon pang mga text at missed calls ang nangugulo sa akin. Ayoko nang isipin ito. Mas mabuti na ngang magpalit na lang ako ng sim card. Nilapag ko ang phone ko sa gilid ng kama at pinagmasdan ang papel ni Nathan. "Nathan Riello," mahinang basa ko sa pangalan n'ya. Parehas kami ng edad nito. 17 years old. Wala na ang tatay n'ya kaya at nag-iisang anak lang s'ya kaya silang dalawa na lang ng Mama n'ya ang magkasama. Yvonne Riello ang pangalan ng Mama n'ya. Matagal na s'yang may depression at may anger issue din ito base sa nakasulat dito sa papel. 10 years old pa lang s'ya nang mamatay ang tatay n'ya at dito nagsimula ang depression n'ya. Inisolate n'ya ang sarili n'ya at nahirapan ang Mama n'ya sa pag-aalaga sa kan'ya dahil kinailangan na din nito magtrabaho. 14 years old nang magsimula s'yang magpakita ng mga signs ng Anger issue. Napapaaway s'ya noon sa labas hanggang sa dumating sa punto na may pinalo s'yang bato sa kaaway n'ya at muntik na n'yang maitulak sa mataas na lugar. Pinagamot s'ya ng Mama n'ya at simula non ay nagawa na nitong ma-control ang galit n'ya. Nagkaroon s'ya ng Girlfriend at mas naging okay ang lagay n'ya. Tinulungan s'ya nito na ma-overcome ang depression at anger issue n'ya. Hanggang sa tumuntong na sila ng Grade 12. "Stella Jang, Nathan's girlfriend was r*ped and murdered," mahinang basa ko at tinignan ang nakasulat sa dulo. Nagsimula na naman daw bumalik ang depression nito at mas malala na ito. Tinignan ko ang likod ng papel at wala nang nakasulat dito. Nakaupo lang ako at napatulala. Parang humina ang loob ko na kausapin si Nathan tungkol sa mga pumatay sa girlfriend n'ya. Hindi ko tuloy alam kung itutuloy ko pa ba ito. Sobrang affected s'ya dito at alam ko ang nararamdaman n'ya. Pagtinanong ko s'ya tungkol dito ay siguradong babalik ang lungkot at galit na naramdaman n'ya non. Nakaramdam na ako ng gutom kaya naman tumayo na ako. Dumiretso ako sa baba at nagtungo sa kitchen. Nakita kong plato na nakatakip ng plastic sa lamesa kaya naman agad akong pumunta dito at nakita ang tonkatsu. May papel pa itong katabi. Kinuha ko ito at binasa. "Eatwell, Mika. Mag-oovertime ulit ako ngayon. Bukas I'll finally have my rest day. Let's spend some time together, okay?" Napabuntong hininga na lang ako at binalik ko ito sa lamesa. Umupo na ako at tinanggal ang plastic sa na nakabalot sa tonkatsu. Nagsimula na akong kumain habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Dapat ay saturday at sunday ang rest days ni Kuya pero dahil napapauwi s'ya ng maaga dahil sa akin ay kailangan n'yang bumawi. Kailangan n'ya tuloy pumasok ngayon. Matapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinggan na ginamit ko at nagtungo ako sa sala. Binuksan ko ang Television at nagpatugtog dito ng kanta. Kinuha ko ang phone ko at sinubukan kong maghanap ulit ng part time. Nakakainis lang dahil halos lahat ng nakikita ko ay kailangan 18 years old pataas. Next year pa ako magiging legal age. Next year ay college na din ako. Huminga ako ng malalim at inopen na lang ang social media account ko. Ang tagal kong hindi nakapag-open at agad na bumungad sa akin ang mga posts ng dating classmates at schoolmates ko. Halos lahat sila ay nakangiti sa mga pictures nila at halata mong masasaya sila. Chineck ko ang account ni Kross at nakita kong nagpalit ito ng display photo n'ya. As usual ay ang daming likes nito at mga comment. Hindi lang kasi s'ya sa school sikat, sikat s'ya sa lugar namin at sa social media. Tinignan ko ang ibang comment at napasimangot na lang nang makitang puro babae ito at tuwang tuwa n'ya namang nirereplyan ang bawat isa. Inopen ko ang cam ko at hinawi ang buhok ko papunta sa gilid ng tainga ko. Napasimangot ako nang makitang halatang bagong gising parin ako. "Whatever," mahinang sabi ko at piniktyuran ang sarili. Tinignan ko ang litrato ko at nakitang kahit nakasimangot ako at bagong gising ay maganda parin ako. Agad ko itong pinost sa account ko at agad ring may mga nag-like at comments na classmates at schoolmates ko. Sikat din ako sa dating school ko. Medyo friendly pa ako non pero nakikisama lang ako sa kanila dahil kailangan at mahirap maging loner sa school. Magkaiba kasi kami ni Kross ng strand kaya wala rin akong choice kung hindi ang makisama sa iba kahit labag sa loob ko. Agad akong napatingin sa isang comment nang makita ang panagalan ni Kross. Good morning, Ms. Beautiful! Napakunot ang noo ko dahil sa comment nito. Agad rin na nag-chat s'ya sa akin at nabasa ko ito. Galit ka pa rin ba sa'kin? bakit ngayon ka lang nag-open? hindi kita matawagan sa phone number mo, Mika. - Kross Napairap na lang ako at nilapag ang phone sa lamesa tapos ay nilakasan ang pinapatugtog ko sa T.V.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD