CHAPTER FIFTY FOUR

1211 Words
Mikaella's P.O.V. Lunch break na ngayon at nandito ako sa back garden kumakain. Niyaya ako ni Kael na sumabay sa kanila kumain ni Cara pero gusto kong mapag-isa kaya tumanggi ako. Pinagmasdan ko ang strawberry pie na hawak-hawak ko. Nasa gitna pa lang ako nito at nakita ko na ang pulang filling nito sa loob. Napabuntong hininga ako at nilapag ito sa tabi ko. Uminom ako ng naraming tubig. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Tuwing nakakakita ako ng pula ay pakiramdam ko ay aatakihin ako ng anxiety ko. Kailangan kong ikalma lagi ang sarili. Napatingin ako sa lalaking tumigil sa harap ko. Nakaharap ito sa akin. Matangkad ito at kitang-kita ko ang pulang buhok nito lalo na't nasa labas kami at nasisinagayan s'ya ng araw. "Can I sit here?" Tanong nito at tinuro ang tabi ko. Agad kong kinuha ang strawberry pie ko dito at pinatong ito sa lap ko. Umupo naman s'ya sa tabi ko at may kinuha ito sa bulsa n'ya. Isang sigarilyo at lighter. Nakita kong sinindihan n'ya iyon at agad kong naamoy ang usok kaya iniba ko ang direksyon ng mukha ko. Kahit kailan talaga ay hindi ko gusto ang amoy nito. Masama rin kasi ito sa katawan. "If you're going to smoke, do it somewhere else," sabi ko dito habang nakayuko. "I don't like it." Napatingin ako sa kan'ya nang maramdaman kong gumalaw ito. Nakita kong tinapon n'ya sa lupa ang sigarilyo at tinapakan ito. Napakunot naman ang noo ko at tinignan s'ya. Nakita kong may gauze pad padin ito sa ulo n'ya at may mga band aid. May sugat rin ang gilid ng labi nito. Hindi ba s'ya napapagod makipag-away? "There. It's gone," sabi nito at sumandal tapos ay pumikit. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kan'ya. Napansin kong mahaba ang pilik mata n'ya at matangos ang ilong nito. Hindi ko alam kung bakit ito ang pinili n'yang buhay. Matangkad s'ya at may itsura. Kung aayusin n'ya ang buhay n'ya ay sigurado akong maraming magkakagusto sa kan'ya at malalayo ang sa panganib ang buhay n'ya. Napabuntong hininga na lang ako at sinandal rin ang likod sa bench. Sabagay, wala naman ako sa posisyon para i-judge s'ya o sabihan ng kung ano ang mga dapat n'yang gawin o piliin. Wala naman akong alam sa kan'ya. Wala akong alam sa mga pinagdaanan n'ya. "I just wanted to warn you," mahina nitong sabi. "Warn me?" Nakakunot noo kong tanong at tinignan ito. "Do you still remember the last time you got involved with my fight?" Tanong nito at seryoso akong tinignan. Agad ko namang naalala ang pangyayaring iyon. Naawa ako sa kan'ya non dahil mukhang wala na s'yang lakas at pinagtutulungan sya. Wala akong balak sumali sa mga gulo pero napangunahan ako ng pagkaawa kaya ko iyon nagawa. Tinulungan n'ya rin naman ako sa mga lalaking iyon. Alam kong hindi ko kaya ang mga iyon dahil nalalakas sila. Pagtapos non ay nilibre ko s'ya ng noodles at ng gamot para sa mga sugat n'ya. "Yes," sagot ko dito. "What about it?" "They are shark loans. They will do everything kahit na pumatay para lang makuha ang gusto nila." "Anong kinalaman ko sa'yo at sa kanila?" Naguguluhan kong tanong. "You stepped out to help me, Mika," seryoso nitong sabi. "They will think that you're a friend of mine. Pwede ka nilang gamitin againts me." Napangiwi ako nang marinig ang sinabi n'ya. Tama s'ya. Gusto ko ng tahimik at walang gulong buhay pero simula nang lumipat kami ni kuya dito ay impossible na ito. Kahit gusto kong umiwas sa gulo ay hindi ko rin magagawa dahil kailangan kong malaman kung sino ang mga killers na pumatay kina Mommy. "It's fine. I can handle myself," sabi ko rito at tumayo na. "You don't have to worry about me." Hindi ko na s'ya tinignan at nagsimula na akong maglakad. Malapit na rin naman na matapos ang lunch break. "Wait," rinig kong sabi nito kaya naman napatigil ako saglit. "Thank you, Ella." Napakunot ang noo ko at nilingon s'ya. "Thank you for saving me that day," mahina nitong sabi at naglakad na papunta sa kabilang direksyon. "Ella?" Nakakunot noo kong tanong. ××× "Class dismissed. Don't forget to do your homework, okay class?" Paalala sa amin ni Professor Neo Quan. "Roger, Sir Quan!" Agad na sagot ng mga babaeng classmates ko. "Goodbye, Class!" Paalam ni Professor Quan at sinuot na ang bag nito. "Goodbye, Professor Neo Quan!" Sabi ng mga classmates ko at nag-bow kami rito. Ngumiti at kumaway si Sir Quan tapos ay naglakad na ito papalabas. Inayos ko na ang mga gamit ko at sinuot ang bag. Gusto ko na umuwi at matulog. Pakiramdam ko ay ang haba ng araw na ito ngayon. "Goodbye Mika!" Rinig kong sabi ni Kael nang makapunta na ako sa pintuan. Nilingon ko s'ya at nakita kong kasama n'ya si Cara habang may hawak silang dalawang folders, mukhang hindi pa sila agad makakauwi. Ang hirap talaga maging class officers dahil maraming pinapagawa sa mga ito. "Bye," sagot ko sa kanilang dalawa. Kumaway si Cara at naglakad na ako papalabas ng classroom. Hindi pumasok si Vivian at alam naman ng lahat ang rason n'ya. Kinuha ko ang phone ko at nakita sa group ng Wilton's Academy na gawa-gawa lang ng mga students na may post ito tungkol sa birthday party ni Vivian. Bumaba na ako ng hagdan habang nakatingin sa phone. Ang iba sa kanila ay kino-comfort si Vivian habang ang iba ay ginagawang katatawanan ang post. Nakita ko ring may message sa akin si Kross at kinakamusta ako nito. Tatawag raw s'ya mamaya sa akin. Nang makababa na ako sa hagdan ay agad kong nakita si Earl Seven kasama si Chase. Nakasuot na sila ng bag nila at mukhang pauwi na rin sila. "Uy, Mika!" Napalingon sa akin si Earl at kumaway ito. Ngumiti pa ito bago lumapit sa'kin. "Kamusta?" Tanong nito. Nakita ko naman si Chase na nakatayo lang sa gilid at nag-iwas ng tingin. "Nabalitaan ko yung nangyari sa inyo ni Chase. I hope you're okay physically and mentally, Mika." Halata ang pag-aalala aa boses ni Earl. Tumingin ako sa kan'ya at ngumiti ng tipid. "Don't worry, I'm fine," sagot ko rito. "Really? That's great to hear!" Sagot nito at ngumiti na ulit. "Yeah. Una na ako ah?" Tanong ko rito. "Gusto mo bang sumabay ulit sa'min? Hatid ka na lang namin ni Chase sa inyo," yaya nito sa akin. "No. I'm good. Gusto kong maglakad ngayon," sagot ko sa kan'ya. "Oh, okay okay." Tumingin s'ya kay Chase tapos ay tumingin sa akin. "Pasensyahan mo na si Chase. Inaatake na naman ng mood swings n'ya." "It's fine," sagot ko rito. "Bye Mika! Take care." "You too." Tumango ako sa kan'ya at nagsimula nang maglakad. Nang madaanan ko si Chase ay nakita kong napatingin ito sa akin pero agad rin s'yang nag-iwas ng tingin ulit. Hindi ko alam kung bakit iniiwasan n'ya ako. May gusto akong tanungin sa kan'ya at marami pa akong gustong malaman. Gusto ko ng malinaw na sagot kung bakit s'ya nandoon sa rooftop na iyon. Gusto kong malaman kung bakit pagkaalis ng isang killer na nakasuot ng pulang jacket ay tsaka s'ya dumating at tinulungan ako. Gusto kong itanong kung isa ba s'ya sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD