CHAPTER NINETY

1990 Words
Mikaella's P.O.V "Buti na lang dalao gitara mo," sabi ni Pauline kay Sera. Nagtutugtog ngayon si Sera gamit ang gitara n'ya habang sila Pauline naman ang kumakanta. Pinagmasdan ko ang hanggang leeg na itim na buhok ni Sera. S'ya lang ang lalaking nakita ko sa Willton's Academy na mahaba ang buhok. Matangkad din s'ya at medyo payat na maputi. Lahat sila dito ngayon ay nakasuot ng mga cardigan o di kaya ay may kumot na nakabalot sa katawan nila dahil nilalamig sila gawa ng paglangoy at laro sa dagat. "Next na kanta naman!" Sabi ni Rea. "Any suggestions?" Tanong ni Sera habang nakatingin kay Rea. "Play mo na lanh yung pinakamahirap but magandang kanta na inaral mo," sabi ni Jones na katabi n'ya. "Okay, sure. Why not?" Sabi ni Sera at nagsimulang mag-plucking. Tinignan ko ng maigi ang gitara n'ya. Sakto lang ang laki nito para sa kan'ya. Kulay dark brown ito at kulay itim ang mga strings. May design din itong brown na araw. Umihip ang malakas at presko na hangin. Napayakap ako sa sarili ko dahil nakaramdam ako ng lamig. Kahit na malakas ang apoy sa gitna namin ay hindi parin ito sapat para mainitan kami. Binalik ko na lang ang tingin sa gitara ni Sera. Pinagmasdan ko nang maigi ang plucking n'ya. Ang bilis ng daliri n'ya gumalaw pati magpalit ng chords. Naalala ko tuloy si Kross sa kan'ya. Marunong din maggitara si Kross. Actually, magaling s'ya maggitara. Tinuruan n'ya ako noon pero sumuko rin ako agad dahil hindi para sa akin ang gitara. Masyado akong nahihirapan dito. Hirap akong abutin ang ibang chords at pakiramdam ko ay magdudugo ang mga fingers ko tuwing tutugtog ako dahil sa sakit ng strings. "Chase! Ikaw naman kumanta," sabi ni Vivian habang nakangiti. Napatingin naman ako kay Chase. Nakaupo s'ya sa bandang harapan ko. Medyo hindi ko lang s'ya nakikita ng kaonti dahil nakaharang ang bonfire at naka-indian seat kami ngayon lahat sa white sand. Katabi n'ya naman sa kanan si Vivian habang nasa kaliwa n'ya si Earl. "Kanina ko pa napapansin si Vivian," bulong ni Cara sa amin ni Kael. Katabi ko si Cara sa kanan habang sa kaliwa ko naman si Kael. Katabi naman ni Kael si Liam na mukhang bored na bored na at gustong umalis. "Hindi lang pala ako nag-iisa," sagot ni Kael. Napakunot na lang ang noo ko dahil wala naman akong maintindihan sa pinag-uusapan nilang dalawa. "Mukhang may gusto si Vivian kay Chase," sabi pa ni Cara kaya naman agad akong napatingin sa dalawa. Nakita kong nakatingin si Vivian kay Chase habang pinipilit n'yang kumanta ito. Ngayon ko lang din napansin na kanina pa n'ya kinukulit si Chase at sinusundan. Bakit ngayon ko lang to napansin? Ang tanga ko naman. "Well, mukhang bagay naman silang dalawa," rinig kong sabi ni Kael at uminom ng orange juice. Pinagmasdan ko si Vivian. Mahaba ang buhok nito. Mas matangkad din s'ya ng kaonti sa akin. Maputi rin s'ya at maganda. Ano pa nga ba aasahan ko sa kan'ya? Mayaman s'ya. Napunta naman ang tingin ko sa kayabi n'ya. Nakita ko si Chase na nakatingin lang s'ya sa kanya na kanina pa umiiling at tumatanggi. Mukhang naiirita na rin ito pero pinipigilan n'ya lang. Napansin ko ring humaba na ng kaonti ang itim n'yang buhok. Parang mas pumuti rin s'ya o dahil lang sa suot n'yang itim na beach polo. Nakatiklop ang sleeves non hanggang siko n'ya at kita ang silver n'yang relo. Sa tagal ko nang kilala at nakikita s'ya ay ngayon ko lang talaga naamin sa sarili ko na gwapo naman s'ya at may dating. "Malapit na tayo maglaro ng hide and seek!" Sabi ni Rea na galing sa loob ng rest house. "Kumuha ako ng barbeque sticks at marshmallows para ihawin natin!" Masaya nitong sabi. "Hala! Na-miss ko na mag-ihaw ng marshmallow," sabi ni Vivian at napatayo. Binigyan kami nila Pauline ng tig-iisang stick. Isang balot ng marshmallow ay apat na tao. Malaki naman ang balot at sa tingin ko nga ay hindi namin ito mauubos nila Cara dahil matamis pa naman ito lalo pag-inihaw. "May 10 minutes pa tayo," sabi ni Vivian habang nakatingin sa phone. "After natin maglaro ng hide and seek, pwede na matulog yung mga gustong matulog." "Pano pag ayaw pa matulog?" Nakangising tanong ni Kevin kay Vivian. Agad namang tumawa ang iba dahil sa tanong ni Kevin. "Hoy. Kung ano-ano iniisip n'yo ah," sabi ni Kevin. "Well, nagpabili ako ng liquors sa isang maid here ng patago," nakangiting sabi ni Vivian. "Hindi kasi ako pinayagan ni Dad na magdala ng liquors kaya hindi ko na rin kayo pinadala. Ayaw n'ya kasi umiinom at naglalasing ako na hindi n'ya ako nakikita. You know, overprotective Dad." Bigla ko namang naalala si Daddy dahil sa sinabi n'ya. Overprotective din sa akin si Daddy. Si Mommy laging pumapayag tuwing nagpapaalam ako sa kan'ya na may inuman akong pupuntahan pero si Daddy naman ang tumututol lagi. Nakakalusot lang ako pag si Kross ang nagpaalam sa akin. "Alright, walang tulugan na to," sabi ni Jones at tinaas ang barbeque stick na hawak na may mga marshmallow na nakatusok. Tinaas rin naman ng iba ang marshmallow nila kaya ginaya namin ito nila Cara. Napatingin ako kay Liam nang marinig kong mayahikab ito. Nakita kong inaantok na ito at napilitan na itaas ang hawak na marshmallow dahil sinabihan s'ya ni Kael. "Walang tulugan!" Sigawan nila at nagsimula na kaming ihawin ang marshmallow. Habang iniihaw ito ay nakatingin lang ako sa puti at square na marshmallow na ito. Nakita ko kung papaano ito maihaw. Medyo nagda-dark ang kulay nito at lumalambot. Napapaisip rin ako kung paano naging magkaibigan si Kael at Liam. Parang hindi talaga sila compatible sa isa't isa kahit saang angulo ko tignan. Isang school president si Kael habang si Liam naman ay trouble maker. Matataas ang grado na nakukuha ni Kael habang si Liam ay hindi ako sigurado pero dahil lagi s'yang absent at nagcu-cutting ay sa tingin ko mababa iyon. Lastly, Friendly at approachable si Kael habang si Liam ay hindi dahil masyadong seryoso at nakakatakot ang aura nito. Napabuntong hininga na lang ako at pagtingin ko sa marshmallow ko ay nanlaki ang mata ko. Wala na ito sa barbeque stick. Agad kong hinanap ito at pagtingin ko sa white sand ay nalaglag pala dito ang marshmallow ko. Dahil na overcooked ko ito, lumambot ito ng sobra at nawala na ang kapit sa barbeque stick. Napakunot ang noo ko nang may kumuha ng barbeque stick ko at pinalitan ito ng may lutong marshmallow. Agad akong napatingin kay Liam na nakaupo sa tabi ko ngayon. Nilagyan n'ya ng marshmallow ang barbeque stick ko at niluto iyon. Hinanap ko si Kael at Cara. Nakita kong nakatabi sila kay Vivian ngayon at kinakausap s'ya. Ang iba naman ay nakatayo at nag-uusap-usap habang kinakain ang marshmallow at ang iba naman ay nagluluto pa ulit. Hindi ko kinain amg marshmallow na binigay sa akin ni Liam. Pinagmasdan ko lang ito ng maigi at inikot. Medyo may sunog na part ito. "Wala akong nilagay na lason d'yan," dinig kong sabi ni Liam. Tinignan ko s'ya at nakita kong masama ang tingin n'ya sa akin. Nakita naman ng iba na binigay n'ya sa akin to at wala naman s'yang oras para lagyan ito ng lason pero kung meron man, at least may mga nakakita. Kung mamamatay man ako pagtapos ko kainin to, alam nila kung sino ang naglason sa'kin. Sinubo ko na lang ang marshmallow at naramdaman ang fluffy nitong texture. Matamis din ito pero hindi naman gaano nakakaumay. Nang maubos ko na to ay kumuha ako ng bagong marshmallow at nagsimula na ulit mag-ihaw. "See? Buhay kapa naman," sabi ni Liam at sinubo ang niluto n'ya. Napasimangot ako at tinignan s'ya. Hindi ko alam kung bakit ang aliwalas ng mukha n'ya ngayon. Siguro dahil nakataas ang buhok n'ya at nasa tapat kami ng bon fire ngayon at magkatabi. Wala rin s'yang band aid ngayon sa mukha. Parang nabawasan ang cold at dark aura n'ya dahil dito. Hindi ako sumagot at pinagpatuloy na lang ang pag-ihaw ng marshmallow. Habang binabantayan ito ay naalala ko ang usapan namin kanina ni Liam nang wala pa sila Chase at Earl. Hindi n'ya nasagot ang tanong ko. Hindi ko rin alam kung narinig n'ya ba ito dahil biglang nagsalita si Earl. "Guys! 5 minutes left and maglalaro na tayo ng Hide and seek! Bilisan n'yo na kumain and mag-ready na kayo," sabi ni Vivian sa amin. Hinanap ko ng tingin sila Cara at nakitang kausap nila ngayon si Earl habang si Chase ay tahimik lang na kumakain at katabi si Earl. Mukhang nag-give up na kausapin nila Cara si Chase dahil kay Earl na sila nakikipag-usap. "Are you close with Chase and Earl?" Rinig kong mahinang tanong ni Liam sa akin. Napatingin ako sa kan'ya at napakunot ang noo. "Why?" Tanong ko sa kan'ya. Agad naman s'yang nag-iwas ng tingin at umiling. "Nothing," mahina n'yang sagot. Tumahimik na s'ya ulit at nag-focus na sa marshmallow na niluluto n'ya. Tinignan ko sila Chase at Earl na nag-uusap. Nakita ko ring pabalik na dito sila Cara at Kael. Nang mapatingin sa akin si Earl ay ngumiti s'ya at kumaway. Napatingin rin sa akin si Chase pero agad s'yang nag-iwas ng tingin. Naalala ko tuloy ang unang pagkakakilala naming tatlo dahil sa tanong ni Liam. "Yow guys," sabi ni Kael nang makabalik na s'ya sa amin. Naptingin s'ya sa kay Liam nang makitang nakaupo ito sa pwesto n'ya. "Liam." Ramdam kong may pang-uutos ang tono ng boses nito. Agad namang tumabi si Liam para makaupo si Kael. "Kinausap namin si Chase para subukang alamin kung may namamagitan ba sa kanila ni Vivian pero masyadong suplado talaga ang isang iyon," nakanguso na sabi ni Cara habang nginunguya ang marshmallow na niluto n'ya. "Bakit naman?" Tanong ko sa kan'ya. "Si Cara talaga ang may idea na lumapit kami kay Chase at kausapin yon. Si Cara lang naman ang nasobrahan sa pagiging chismosa rito," sabi ni Kael. Nakita ko namang umirap lang si Cara sa kan'ya. Pinagmasdan ko si Cara na tahimik lang na kumakain. Habang pinapanood s'ya kumain ay inalala ko kung saan at paano ang first meet namin. Medyo weird at hindi ito friendly sa akin non. Pero bakit ngayon ay parang kakaiba ang kinikilos n'ya? Ang Friendly n'ya at parang may kakaiba sa kan'ya. "Time's up!" Sabi ni Vivian at tumuntong sa upuan na kahoy. "Let's play hide and seek now." Agad naman akong napatingin sa phone ko at nakitang 12 a.m. na nga. Wala na ring message sa akin si kuya. Mukhang tulog na s'ya. "Lahat kasali. Walang kill joy ngayon, okay?" Paninigurado ni Vivian. May nilabas s'yang kulay itim na baso. "Bubunot tayo isa isa. May isang kulay itim na linya ang papel na nasa loob nito. Kung sino ang makakuha non ay s'ya ang taya. Naiintindihan n'yo ba?" Tanong pa nito. Tumango na lang ako bilang sagot. Nakita kong umikot na ang baso sa amin. Nakapabilog na kami ngayon. Napunta na ang baso kay Liam kaya bumunot na s'ya rito. Pagkabunot namin ay agad itong itatago. Pagnakabunog na ang lahat atsaka ipapakita ang mga papel na nakuha para malaman kung sino ang taya. Pagkabunot ni Kael sa itim na baso ay ako na ang sumunod. Hinawaman ko ang baso na ito at bumunot ng papel. Sana ay hindi ako ang hunter. Kung ako man ang magiging hunter at wala akong makita sa kanila kahit isa, papasok na lang ako sa resthouse at matutulog. "Nakabunot na ba ang lahat?" Tanong ni Vivian. "Yess!" Hyper na sagot nila Kevin. Mukhang madami pa silang energy sa katawan kahit naglaro na sila ng tag sa dagat habang ako naman ay parang wala ng energy at gusto na lang matulog. Masakit parin ang mga braso at binti ko gawa ng paglaro namin nila Kael ng badminton kanina. "In 3..2..1!" Sabay sabay naming pinakita ang mga papel na binunot namin sa baso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD