CHAPTER NINETY ONE

1507 Words
"In 3..2..1!" Sabay sabay na pinakita at tinaas ang mga papel na binunot nila Mika sa baso. Napatingin sila sa mahaba at maliit na papel na hawak nila. Una nilang tinignan ang papel ni Vivian at nakitang wala iyong itim na hugit. Ganon rin ang mga katabi ni Vivian. Napatingin sila Kila Chase at Earl na plain lang din ang papel na nakuha. Sunod nilang tinignana ng papel ni Liam at gaya ng iba ay hindi rin ito ang hinahanap nila. Napatingin sila sa papel na hawak nila Kael, Cara at Mika. "Mika.. you got the black line!" sabi ni Sera at tinuro si Mika. Lahat sila ay napatingin sa papel na hawak ni Mika. Agad namang napangiwi si Mika sa malas n'ya. Ayaw nitong maging taya. Gusto n'yang maging isa sa mga hahanapin para makaderetso na s'ya sa kwarto at matulog. "Pwede bang ulitin natin?" tanong ni Mika sa kanila. Agad namang umiling ang lahat. "Or pwede bang mag-back out na lang ako because I'm already sleepy?" tanong n'ya pa sa lahat. "Noo!" agad na sabi ni Kevin. "You must play with us. Hindi ka na nga nakasali sa tag kanina eh," nakangusong sabi ni Kevin. "Don't worry, magse-set tayo ng limitation kung hanggang saan lang pwede magtago. Okay ba?" sabi ni Vivian. "Yep!" agad na sagot nila Rea at Pauline. "So, saan ang limitation?" tanong ni Earl. "Well." Lumingon lingon si Vivian at ginala ang paningin. "Pwede tayong pumasok sa rest house and doon magtago. Hanggang sa panglimang coconut tree lang tayo pwede magtago dito sa labas." Napatingin sila sa katabing coconut tree ng rest house. Malalayo ang agwat ng mga ito. Magkabila rin ng rest house ay may coconut tree. "Okay! magiging masaya to," sabi nila Kevin at Sera. "Para sa inyo lang," mahinang bulong ni Mika habang nakasimangot. "Ano 'yun, Mika?" tanong ni Kael nang marinig n'yang bumulong si Mika. "Sabi ko goodluck sa'ting lahat," sabi ni Mika at ngumiti ng pilit sa kanilang lahat. "So.. should we start?" tanong ni Vivian na halata ang pagka-excited sa mukha. "Yes! we should!" sagot ni Kevin habang nakangiti. "Paghanap mo ako, tayo na Mika!" sabi pa nito. Agad namang nagtawanan ang iba dahil sa kakulitan n Kevin. "Let's start para matapos na," sabi ni Chase na mukhang wala sa mood. "I'll stay here and count 1 to 60 para bigyan kayo ng oras magtago," sabi ni Mika at umupo sa tapat ng bonfire. "Okay!" sagot nila Rea. "Let's go guys!" agad naman nang nagtakbuhan ang mga babae kasama sila Kevin at Sera. "Goodluck Mika!" sabi ni Earl na katabi si Chase. Nag-fighting pose pa ito kay Mika at ngumiti lang si Mika sa kanila tapos ay naglakad na ang dalawa palayo. Napatingin naman si Mika kila Kael, Cara at Liam na nakatayo parin sa gilid n'ya. "Bakit hindi pa kayo nagtatago?" nakakunot noong tanong ni Mika. "Magsisimula na akong magbilang," sabi pa nito. "Nothing. I just want to tell you goodluck and take care. Baka maligaw ka dito," sabi ni Kael sa akin. "Don't worry, I'm good," sagot ni Mika sa kan'ya. "That's good. Tago na kami ah?" sabi ni Kael at natawa silang tatlo ni Cara. "Go. Hindi n'yo na kailangan magpaalam sa'kin," nakangiting sabi ni Mika. Umalis naman na si Kael at Cara. Magbibilang na sana si Mika nang mapansin n'yang may nakatayo parin sa gilid n'ya. Tinignan n'ya kung sino ito at nakita si Liam na nakatingin lang sa bonfire at mukhang wala sa sarili. "Liam?" tawag n'ya dito pero hindi ito sumagot. "Liam Conner." Nilakasan n'ya ang boses n'ya kaya naman agad na napatingin si Liam sa kan'ya. "Ah," mahinang sabi nito at napatingin sa paligid. Nakita ni Liam na wala na ang mga ibang kaklase at kasama nila dito. Silang dalawa na lang ni Mika ang nandidito. Tahimik lang silang dalawa pero dahil sa alon ng dagat ay nagkakaroon ng ingay ang paligid. "Mag-sstart na'ko magbilang. You can go and hide now," sabi ni Mika sa kan'ya at binalik na ang tingin sa bonfire. "1.." Nagbibilang na ito at napansin n'ya namang naglakad na si Liam papalayo. Napakunot ang noo n'ya dahil kanina ay sobrang wala sa sarili si Liam na hindi n'ya napansin na silang dalawa na lang ang natitira at nakatulala pa ito sa apoy. Pinagmasdan ng maigi ni Mika ang apoy habang nagbibilang. Napatulala na lang rin s'ya dito at pinapanood ang pagsunog ng mga kahoy na nandidito. Nang matapos na s'yang magbilang ay tumayo na s'ya. Napatingin s'ya sa buwan na hanggang ngayon ay hindi parin gaano nakikita gawa ng mga makakapal na ulap. Hanggang ngayon rin ay wala pa s'yang nakikitang stars sa langit. Umihip ang malakas na hangin at napahawi s'ya sa buhok n'ya dahil humaharang ito sa mukha n'ya. Napunta ang tingin n'ya sa dagat. Naalala n'ya ang nasaksihan n'yang pagpatay kay Amell na ama n'ya. Binaril iyon at nahulog sa pool nila. Kitang kita n'ya kung paano ito binaril at ang mukha nito na nahihirapan. Kumalat sa buong pool ang dugo nito at wala s'yang nagawa non kung hindi panoorin ang ama na mamatay. Napaatras si Mika nang makita n'yang nagiging pula ang tubig ng dagat. Agad s'yang napailing at nagsimulang mahirapan huminga. Naiyukom n'ya ang palad n'ya habang nakatingin lang sa dagat. Pakiramdam n'ya ay may nakabara sa baga n'ya. Parang naninigas din ang kan'yang buong katawan. Nahihirapan s'yang igalaw ang mga paa n'ya. Nang lumakas ang apoy ay natakpan ang paningin n'ya sa dagat. Napaupo s'ya sa puting buhangin gawa ng gulat at takot. Napatingin ito sa mataas na apoy at nagsimula na s'yang makahinga ng maayos. "Mika, it's all in the past," mahina n'yang bulong sa sarili. "Stop thinking about the past." Naramdaman n'yang dumikit ang mga puting buhangin sa kamay n'ya at siko kaya tumayo na ito. Pinagpag n'ya ang siko at damit n'ya para alisin ang buhangin rito. Pinagmasdan n'ya ang apoy ng mabuti. "Bakit bigla tong lumakas?" tanong n'ya habang nakatingin sa bonfire. Bigla n'ya namang naalala na kailangan n'ya nga palang hanapin sila Vivian. Umiling na lang s'ya at tumalikod na sa apoy tapos ay naglakad papasok sa rest house. Dito na muna s'ya pupunta dahil mas madali makahanap dito kung mayroon mang nagtatago rito. Pagkapasok n'ya sa loob ng gate ng rest house ay sumalubong sa kan'ya ang pool at ang mga salbabidang malalaki. Naghanap s'ya sa front garden pero wala s'yang nakita rito. Pumasok na lang s'ya sa loob at nakitang walang tao sa sala. Ginala n'ya na ang buong 1st floor pero wala dito sila Vivian. Umakyat s'ya sa taas at chineck ang apat na kwarto pati na rin ang bathroom pero wala s'yang nakita rito. Napabuntong hininga na lang si Mika. "Bakit ba ako ulit sumali dito?" Nakasimangot n'yang sabi. Nakita n'ya ang hagdan papunta sa rooftop kaya naman nagpunta s'ya rito at umakyat. Pagkatungtong n'ya dito ay namangha s'ya sa nakita. Maraming halaman dito at may mga pabilog na ilaw ang nakasabit. May isang malaking table na may malaking payong rin at maraming upuan dito. Ginala n'ya ang paningin rito at bababa na sana nang makita n'yang may maliit na kwarto rito. Nagpunta s'ya sa tapat nito at nakitang nakaawang ang pinto. May narinig rin s'yang ingay sa loob kaya napakunot naman ang noo n'ya Bubuksan n'ya sana ang pinto pero napahinto s'ya nang marinig na parang may nagmo-moan dito. Hindi n'ya sinasadya na makita sa loob si Rea at Sera na naghahalikan. Agad s'yang napaatras at mabilis na bumaba. "What the heck?" Mahinang mura ni Mika. Hindi man lang nila ma-control ang sarili nila. Napailing na lang si Mika at bumaba na papunta sa 1st floor. Nagtungo s'ya sa back garden at sinubukang hanapin ang mga kasama n'ya pero wala rin sila dito. Napabuntong hininga na lang s'ya ulit at papasok na sana sa loob pero napansin n'yang parang may gumagalaw sa itim na van. Agad s'yang nagpunta rito at dahil maraming ilaw sa paligid ay kita n'ya ang loob. Nakita n'ya sila Vivian at Pauline na kasama si Kevin sa loob. "Nooo!" Malakas na sigaw ni Kevin nang makitang nakita sila ni Mika. Kahit nasa loob ng kotse iyon ay rinig na rinig ang bosee nito sa labas. Bibuksan ni Vivian ang pinto at lumabas silang tatlo. "Gosh, ang kulit n'yo kasi eh," sisi n'ya kila Pauline at Kevin. "Well, Since nahuli mo na kami, mag-stay na muna kami sa bonfire while waiting sa paghahanap mo sa ibang kasama natin," dugtong pa ni Vivian. "Okay," sagot ni Mika at tumungo. Naglakad na si Mika papasok sa loob. Binilisan n'ya ang lakad dahil ayaw n'yang makasabay sila Vivian at gusto n'yang bilisan na lang rin ang paghahanap para matapos na. "Goodluck, Mika!!" Rinig n'yang sigaw ni Kevin. Hindi n'ya na lang pinansin si Kevin at lumabas na ng resthouse. Napatingin s'ya sa left side at right side. Medyo malawak ito. May mga maliliit na kubo rin sa mga iyon. Maraming halaman at mga puno rin sa likuran ng puno ng puno. "Goodluck to me," mahinang sabi n'ya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD