CHAPTER EIGHTY NINE

2005 Words
Mikaella's P.O.V. Nandito ako ngayon sa sea shore, nakaupo habang pinapansin sila Cara na naglalaro ng tag. Rinig na rinig ko ang tilian at sigawan nila. Mukhang enjoy na enjoy sila. Buti na lang may mga ilaw na nakasabit kaya maliwanag nama kahit papano. Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa kabilang gilid ko. Medyo malayo ang agwat namin pero kita kong nanonood lang din ito kila Cara. Walang rin s'yang ekspresyon ang mukha. Dahil medyo madilim sa pwesto namin ay hindi halata ang pula n'yang buhok. Parang itim lang ito. Nang mapatingin s'ya sa akin ay agad akong nag-iwas ng tingin. Napangiwi ako dahil mukhang nahuli n'ya akong nakatingin sa kan'ya. Bakit ba ang bagal ko mag-response ngayon? Kinuha ko ang phone ko at nakitang 11:00 p.m. na pala. Isang oras na lang at mag 12 pm na. Usually ay 9 or 10 p.m. ang tulog ko kaya medyo nakakaramdam na ako ng antok. Napahikab ako at nag-unat-unat. "Why don't you sleep?" Napatingin ako kay Liam nang magsalita ito. Nakita kong medyo lumapit s'ya sa akin. Mga tatlong hakbang na lang ang layo n'ya. "I'm not sleepy," agad kong sagot sa kan'ya at umayos ng upo. Binalik ko ang tingin sa phone ko at binuksan ang social media account ko. Nakita kong may message sa akin si Kross. Nangangamusta ito. Mukhang nakwento ni kuya sa kan'ya na sumama ako sa outing ng mga classmates ko. "You look tired and sleepy," rinig kong mahinang sabi ni Liam. "I'm not," sagot ko dito at tinignan s'ya. Nakita kong tumingin ito sa akin pero this time ay hindi na ako nag-iwas ng tingin. Seryoso lang ako habang nakatingin sa kan'ya at ganun din s'ya. Halos walang emosyon parin ang mukha n'ya. "I'm still confused about what you've told me, Liam," seryoso kong sabi sa kan'ya. "Hindi ko alam kung nagsasabi kaba ng totoo or you're just pranking and making me scared." Nakita kong ngumiti ang dulo ng labi nito saglit at naging seryoso ulit ang mukha. "I'm not lying, Ella." "Call me Mika or Mikaella. Not Ella," madiin kong sabi sa kan'ya. Hindi s'ya nagsalita at tahimik lang ito na nakatingin sa akin.. "You're not lying?" Tanong ko sa kan'ya. "If you're not lying, pano mo nalaman? How did you know that they're hunting me at ako na ang target nila?" Hindi ulit s'ya nagsalita at nanatiling nakatikom ang bibig n'ya. "Answer me Liam," seryoso kong sabi sa kan'ya. "Unless.." huminto ako saglit at naiyukom nang marahan ang palad ko. "You're one of them." "Yow!" Agad akong napalingon sa nagsalita at napakunot ang noo nang makita si Earl na kasama si Chase. Bakit sila nandito? Anong ginagawa nila dito? "Hi Mika!" Bati sa akin ni Earl nang makita n'ya ako. Kumaway pa ito pero nginitian ko lang s'ya ng kaonti. Napatingin naman ako kay Chase. Malayo ang tingin nito at seryoso ang mukha. Pinagmasdan ko rin si Liam na ngayon ay hindi na sa akin nakatingin. Seryoso s'yang nakatingin kila Chase. Tinignan ko silang tatlo nang maigi. Pano kung isa sa kanila ang killer? Pano kung sila pala ang killer na hinahanap ko? Ang pumatay kila Mommy at Daddy? "Chase! Earl!" Rinig kong tawag ni Vivian sa dalawa. Lahat kami ay napalingon kay Vivian. Basang basa na ang swimsuit nitong itim na two piece pati na rin ang mahaba n'yang buhok. Lumapit s'ya sa amin at ngumiti. "Bakit ang tagal n'yo?" Tanong n'ya sa dalawa. Napakunot ang noo ko at naalala ang sinabi nilang may ininvite pa si Vivian na taga ibang section. Mukhang sila Chase at Earl ito. "Sorry late," sabi ni Earl habang napakamot sa ulo. "May ginawa pa kasi kami." "Ahh, okay lang!" Agad na sagot ni Vivian at humarap kila Chase. "Gutom na ba kayo? May foods pa doon sa loob." "Uhmn, actually, oo," sagot ni Earl. "Sige, hatid ko na kayo sa loob," aya ni Vivian. "Pwede bang dito na kami sa labas kumain? Parang mas masarap kumain dito may bon fire pa," tanong ni Earl. "Yup. Pwede naman. Tara, kuha kayo foods sa loob." Lumingon si Vivian sa amin ni Liam. "Baka gusto n'yo rin kumain ulit?" Tanong nito. Agad naman akong umiling at hindi s'ya sinagot ni Liam. "Tayo na kumuha. Magpahinga na muna si Chase dito. S'ya kasi nag-drive. Pagod pagod na yang isa yan," sabi ni Earl kay Vivian. "Ganun ba? Sige," sagot ni Vivian. "Upo kana muna d'yan, Chase. Magpahinga ka. Kami na bahala ni Earl kumuha ng foods mo. Ano ba gusto mo?" "Any food will do," tipid na sagot ni Chase. "Okay!" Sagot ni Vivian at sunod ko na lang narinig ay umalis na sila ni Earl para kumuha ng pagkain sa loob. Binalik ko na lang ang tingin ko sa dagat. Naglalaro parin doon sila Cara. Nakita kong si Kael na ang taya kaya naman lumalayo ang lahat sa kan'ya. Napansin kong tumayo si Chase sa kabilang gilid ko at naramdaman kong umupo ito malapit sa akin. Sa likuran ko banda ang bon fire kaya kahit na malamig dito ay hindi ako giniginaw. Agad naman akong nakaramdam ng awkwardness. Ang tahimik ni Liam at Chase. Parehas ko pa sila hindi kasundo. Parang gusto ko na lang tuloy lumangoy pero alam kong aayain at isasali ako nila Kael sa laro nila. Napabuntong hininga ako at kinuha na lang ang phone. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay ang bigat ng aura ng dalawang kasama ko. Pati ako ay nadadamay. Pinicturean ko na lang ang dagat at pinost ito. Nakita kong may mga nag-like na nito agad. Nag-comments pa ang mga dati kong classmates sa former school ko. Napangiti ako dahil hanggang ngayon ay kilala parin nila ako. "I'm going to the bathroom," mahinang paalam ni Liam at tumayo. Napatingin ako sa kan'ya at nakita kong seryoso lang ang mukha nito na nakatingin sa akin. Nakatayo lang rin s'ya at parang hinihintay ang sasabihin ko. Napakunot naman ang noo ko dahil dito. "Okay?" Patanong kong sabi sa kan'ya. Pagkarinig n'ya nito ay agad naman na s'yang naglakad papasok sa rest house. Mas lalo lang na napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit s'ya nagpapaalam sa akin. Huminga na lang ako ng malalim at binalik ang tingin sa phone ko. Habang nagi-scroll ay rinig na rinig ko ang malakas na sigawan at hiyawan nila Cara sa dagat. "Mika." Napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Chase. Hindi ko ginalaw ang kamay ko at nakatingin lang ako sa screen ng phone ko. "I wanted to apologize," rinig kong mahina nitong sabi. Tumingin ako sa kan'ya at nilapag ang phone ko. "For what?" Tanong ko sa kan'ya. "I.. I'm just not in my right mind that day," dugtong n'ya pa sa sinasabi n'ya. "It's fine," sagot ko at tumingin sa madilim na langit. "It didn't even affect me. You and Earl are not my friends, so it's fine." Nakita kong bilog ang buwan nagtatago iyon sa mga ulap. Medyo makapal ang ulap at wala pa rin akong nakikitang stars. Hindi pa din nawawala ang suspicious ko sa kan'ya na isa s'ya sa mga killers. Halos lahat ay napagiisipan ko na ng ganito. Siguro ay napa-paranoid lang ako. Napabuntong hininga na lang ako. "Remember Vivian's 18th birthday party?" Rinig kong tanong ni Chase habang nakatingin lang ako sa langit. "I was following them. I was trying to find out who they are." Napalingon ako sa kan'ya dahil sa sinabi n'ya. Nakita kong seryoso lang ang mukha nito habang nakatingin sa dagat. "Why? You knew about them?" Tanong ko sa kan'ya. "Yeah," mahina n'yang sagot. "Bakit walang ginagawa ang mga police sa kanila? Bakit hindi sila kumikilos para hanapin at alamin kung sino ang mga killers na yon?" Tanong ko pa dito. "Dahil hindi nila alam. Hindi nila alam na sila ang dahilan ng mga krimen dito sa Moonbridge town." Nakaramdam ako ng inis dahil sa sagot n'ya. Anong kwenta ng mga police dito kung wala silang alam? Pano nila magagawa ng maayos ang trabaho nila? "Everytime na may krimen silang ginagawa, nangfa-framed sila ng ibang tao. Minsan sobrang linis nila magtrabaho na walang naiiwan na ebidesnsya." Huminto s'ya saglit at tumingin sa akin. "But now may alam na sila. Nakita nila ang isang killer sa birthday party ni Vivian sa rooftop pero nakatakas ito. Hindi nga lang nila alam na apat sila." "Bakit hindi mo sabihin sa kanila yung nalalaman mo?" Tanong ko sa kan'ya. "How about you?" Pagbalik n'ya ng tanong ko sa kan'ya sa akin. "Bakit hindi mo rin sabihin ang tungkol sa kanila sa mga police?" Napayuko ako at nag-iwas ng tingin. Dahil wala akong ebidensya. Dahil natatakot din ako na pagsinabi ko, baka malaman nila at isunod nila ako. Naiyukom ko ang palad ko at tinignan ng seryoso si Chase. "I will find evidence and they will pay for their sins," madiin kong sabi sa kan'ya. "Anong pinag-uusapan n'yo?" Napalingon kami ni Chase nang marinig ang boses ni Earl. Nakita kong may hawak na itong plato at ganun rin si Vivian. "Here's your food, Chase," sabi ni Vivian at tumabi kay Chase tapos ay inabot ang plato na hawak. "Dinamihan ko na yung foods mo. Alam kong pagod ka. Hindi pa kasi kayo sumabay sa amin. Pwede namang magdalawang van na lang kasi." "We're good, Vivian. Isa pa, maarte yan si Chase. Ayaw n'yan makihalubilo sa iba," sagot ni Earl at tumabi sa akin. "Gusto mo, Mika?" Alok n'ya ng grilled corn. Ngumiti lang ako at umiling. Tinignan ko si Chase at nakita kong kumakain na ito habang nakatabi sa kan'ya si Vivian at kinakausap s'ya na nakangiti. "Nasan pala si Liam?" Tanong ni Earl. "Bathroom," tipid kong sagot. "Ahh," mahinang sabi ni Earl at tumango. "Sure ka ayaw mo? Bagong ihaw tong corn. Sayang. Dalawa pa naman kinuha ko." "Busog pa ako. Siguro mamaya na lang," pagtanggi ko sa kan'ya. Sakto namang bumalik na si Liam at umupo na ito ulit sa bandang tabi ko. Agad kong naamoy ang pamilyar na usok kaya napatingin ako rito. Nakita ko ang kanang kamay n'ya na may hawak na sigarilyo. Nakahawi ang pulang buhok n'ya kaya kitang kita ko ang mukha nito. Kita rin ang suot nitong itim na hikaw. Wala rin s'ya ngayong band aid sa mukha pero may mga pasa pa ito na pagaling na. "No smoking, Liam!" Saway ni Vivian nang maamoy n'ya ang usok ng sigarilyo ni Liam. Tumayo si Liam at binato ang sigarilyo n'ya sa bon fire. "Good!" Komento ni Vivian. "Pagtapos n'yo kumain, sali kayo sa'min. Next na laro natin is.. hide and seek. Masaya yun!" Excited na sabi ni Vivian. "Seriously? Hide and seek kahit malapit na mag 12 a.m.?" Nakakunot noong tanong ni Earl. "Yep. I'm serious. Actually, masaya nga maglaro ng tag sa dagat. Mas may thrill since may alon and medyo mahirap gumalaw." "We're not kids anymore, Vivian," sabi ni Chase at nilapag na ang plato nito. "I know but it's not bad naman, right Mika?" Tanong ni Vivian at tumingin sa akin. Tumango na lang ako para hindi na sa akin ang atensyon nila. "But Hide and seek sa place na first time lang natin makapunta and playing in midnight?" Tanong ni Earl. "That's sick! Mas magkaka-thrill." "I know right!" Sabi ni Vivian at nagtawanan silang dalawa. "Sumali na kayo Liam and Mika ah? Pinagbigyan na namin kayong hindi sumali sa tag," sabi ni Vivian sa amin. Napabuntong hininga na lang ako at ngumiti tapos ay tumango sa kan'ya. Ayoko namang masabihan ako ng kill joy nito. Halos libre n'ya ang lahat ngayon kaya pumayag na lang rin ako. "Good!" Masayang sabi ni Vivian at tumayo. "Last round na ng tag. Sali na akk then after, 20 or 30 minutes break tapos hide and seek na. Okay?" "Okay!" Sagot ni Earl. Tumakbo naman na si Vivian papunta sa dagat pabalik kila Kael. Napatingin sila Kael sa amin at kumaway. Mukhang hindi nila napansin ang pagdating nila Earl at Chase. Busy na busy sila sa paglalaro. Mukhang nag-eenjoy din naman kasi talaga sila ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD