CHAPTER THIRTY FOUR

2975 Words
Mikaella's P.O.V. Friday na at free time namin ngayon. Wala si Professor Dannica dahil may mga meeting ang ito. Nakaupo lang ako at nakangudngud ang mukha sa lamesa ko habang nakikinig ng kanta. Napalingon ako sa empty seat sa likuran ko. Wala parin si Loui. Hindi parin s'ya pumapasok at wala kaming alam dito. Napunta ang tingin ko kay Kael nang makitang papunta ito sa akin. Napangiwi na lang ako at nagkunwaring tulog. Ano na naman kayang pag-uusapan namin this time? "Mika," rinig kong tawag nito sa akin. Medyo hininaan ko lang ang volume ng pinapakinggan ko na kanta dahil baka biglang pumasok na sa loob si Professor Dannica at hindi ko ito marinig. Ayoko na ulit maging center of attraction. Hindi ako nagsalita at gumalaw. Naramdaman ko na lang na tinapik ako ni Kael sa balikat. "I know you're awake. Wag kana magtulug-tulugan d'yan," rinig kong sabi pa nito. Napabuntong hininga na lang ako at umayos ng upo. Inalis ko ang earphones sa tainga ko at tinignan s'ya. "Why?" Tanong ko dito. "P'wede bang samahan mo ako mamaya pumunta sa convenience store kung saan nagtatrabaho si Loui?" Tanong nito. Napakunot naman ang noo ko dahil sa request n'ya. Bakit naman s'ya pupunta don at bakit ako pa ang napili n'yang isama? Nand'yan naman si Cara na class vise president at mas close n'ya. Hindi n'ya ba nararamdaman ang awkwardness sa'ming dalawa tuwing magkasama kami? Ako kasi ramdam na ramdam ko lalo na't hindi naman ako friendly. "Nasabi mo kay Professor Quan na nagtatrabaho si Loui sa isang convenience store, right?" Tanong pa nito. "Pinapapunta kasi ako don ni Professor Dannica. Ilang araw na rin kasi absent si Loui. Dalawang lessons na ang na-missed nya." Umupo ito sa upuan sa harap ng table ko dahil wala doon ang may-ari non. "Sa'yo na lang rin ako magpapasama kasi may lakad si Cara and besides, napuntahan mo na rin naman na 'yung convenience store na 'yon. Hindi ako gano pamilyar sa lugar na 'yon." "Okay," tipid kong pagtanggap sa request nito. Alam ko ring namang kahit tumanggi ako ay baka si Professor Dannica naman ang magsabi sa'kin na samahan ko si Kael. Tsaka, saglit lang rin naman. Nacu-curious din ako kung bakit hindi pumapasok si Loui. "Talaga?" Hindi makapaniwala na tanong ni Kael. Hindi na ako nagsalita at tumango lang ako. "Thanks Mika!" Sabi nito at tumayo na. "Mamayang uwian kita na lang tayo sa gate ng Willton's Academy. Dederetso pa kasi ako sa office ni Professor Quan. May iaabot lang ako sa kan'ya saglit." "Welcome," mahina kong sabi at ngumiti dito. Bumalik naman na ito sa pwesto n'ya kaya sinubsob ko na ulit ang mukha ko sa lamesa at sinalpak ang earphones sa tainga ko. Humarap ako sa bintana at pinagmasdan ang maaliwas na langit. Wala akong nakikitang mga ibon na lumilipad ngayon. Medyo madilim ang langit at sa tingin ko ay uulan mamaya. Napatingin ako sa phone ko nang mag-vibrate ito. Napakunot ang noo ko dahil wala namang nagme-message sa akin ng ganitong oras at lalo na oras ng klase ngayon. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at binuksan ito. Nakita kong may message si Chaz sa akin kaya naman binuksan ko ito. Good Morning Ate Mika! Pwedeng sabay tayo mag-lunch mamaya? Napabuntong hininga na lang ako at binalik ang phone sa bulsa. Hindi ko alam ano ang sasabihin sa kan'ya kung magkita man kami. Masyado akong naging harsh sa kan'ya kahapon. Napunta ang tingin ko sa pintuan nang bumukas iyon. Agad na nagbalikan ang mga classmates ko sa upuan nila. Pumasok na si Professor Dannica at pumalakpak. "Goob job, Class! Ang sabi ko ay wag aalis sa upuan nila di'ba?" Sabi nito habang nakangiti sa amin. Napasimangot na lang ako. Mukhang magpapa-quiz s'ya dahil sa mga classmates ko na simpleng utos lang ay hindi pa magawa. ××× "And that's all. Happy lunch break to all!" Sabi ng Professor namin at niligpit na ang mga gamit dahil tumunog na ang bell. Niligpit ko na rin naman na ang mga gamit ko at tumayo na. Lumabas na ang Professor namin kaya naman naging magulo na ulit ang mga classmates ko. "Hoyy, malapit na birthday ko!" Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Vivian. "Lahat kayo invited sa 18th birthday party ko sa Sunday!" Masayang sabi pa nito. Agad namang nagtilian ang mga babae at lumapit kay Vivian. Napabuntong hininga na lang ako nang marinig ang mga malalakas nitong boses na excited. Naglakad na ako palabas ng classroom at bumaba. Napatingin ako sa classroom na nadaanan ko. Kung hindi ako nagkakamali ay ditong classroom ko nakita si Chase nung isang araw. Pasimple kong ginala ang paningin sa loob ng classroom habang naglalakad sa hallway. Nakita kong kumakain ang ibang estudyante doon sa loob. Napakunot ang noo ko nang hindi ko nakita si Chase. Nasaan kaya s'ya? Agad naman akong napailing at mabilis nang naglakad papalabas ng building. Bakit ko ba hinahanap si Chase? Pagkalabas ko ng building ay agad kong naramdaman ang malamig na hangin. Napatingin ako sa langit at nakitang mas dumidilim ito. Mukhang malakas ang ulan mamaya. Wala pa naman akong dalang payong. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at binilisan ko ito dahil napapatingin sa akin ang mga estudyanteng nadadaanan ko. Halos lahat sila ay may mga kasama at kausap. Ako lang ata ang nag-iisa dito ngayon. Pagkapunta ko sa cafeteria ay nakita kong puno ang tables dito. Madaming tao ngayon dito compared nitong mga nakaraang araw. Pumila na ako agad at bumili ng pagkain. Bacon sandwich at apple juice na lang ang binili ko dahil hindi ko na gusto ang mga natirang pagkain. Kinuha ko na ang binili ko na nakalagay sa plastic at naglakad na. Hindi ako makakakain dito sa cafeteria dahil puno na ang mga pwesto. Ayoko namang kumain sa classroom dahil mukhang nandon pa ang mga maiingay kong classmates. Nang naglalakad na ako palabas ng cafeteria ay nakita ko si Chaz na nakaupo at hindi pa kumakain. May hawak rin itong phone at naramdaman ko namang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng palda ko. Mukhang hinihintay n'ya ako. Nang makitang palingon ito sa akin ay agad akong nagtago sa mga schoolmates sa gilid ko at binilisan ko ang paglabas. Mabilis akong naglakad hanggang sa makapunta ako sa back garden. Tahimik dito mapayapa. Umupo ako sa bench at nag-unat-unat. Huminga rin ako ng malalim at pinikit ang mga mata ko saglit. "Finally," mahina kong sabi at pagdilat ko ay agad na napakunot ang noo ko nang makitang may lalaking nakatayo sa gilid ng puno habang nagsisigarilyo. Nakita ko rin ang pula nitong buhok. Napatingin s'ya sa akin nang mapansin n'ya ako. Nag-iwas lang s'ya ng tingin at pinagpatuloy ang pagsisigarilyo. Walang guard at Professor ang dumadaan dito kaya naman pwede n'yang gawin lahat ng gusto n'ya. Hindi ko na lang rin s'ya pinansin at kumain na ako ng tahimik. Tinignan ko ang relo ko at nakitang 12:30 P.M. pa lang. May kalahating minuto pa bago matapos ang lunch break. Binilisan ko na ang pagkain ko. Nakita kong tinapon ni Liam ang sigarilyo n'ya sa sahig at tinapakan n'ya iyon para mawala ang usok at masira. Napakunot ang noo ko nang makitang naglalakad ito papunta sa direksyon ko. Nag-iwas ako ng tingin at inubos na ang bacon sandwich ko tapos ay uminom sa apple juice. "How are you?" Rinig kong tanong nito. Napataas ang tingin ko sa kan'ya na nakatayo ngayon sa harap ko habang nasa bibig ko ang straw ng apple juice. Seryoso lang ang mukha nito at as usual ay may band aid ito sa kabilang pisnge. "Bakit mo'ko tinatanong n'yan?" Nakakunot noo kong tanong dito. "Tell me pagginulo ka ng mga lalaki last time," sabi n'ya at nilaktawan na ako pero huminto ito saglit. "Hindi sila tumatanggap ng talo at hindi sila titigil hangga't hindi nakakaganti." Napatingin ako sa kan'ya at nakita kong nakalayo na ito. Napatingin ako sa apple juice ko. Naalala ko ang mga lalaking kaaway n'ya noon sa street. Bakit s'ya nakikipag-away sa mga 'yon? Mukhang pati ako ay nadamay na ngayon. Huminga na lang ako nang malalim at inubos na ang juice. Tinapon ko na ang mga balat ng pinagkainan ko at naglakad na pabalik sa building. 15 mimutes na lang at magsisimula na ang susunod na klase. ××× "Goodbye Class!" Sabi sa amin ni Professor Quan habang nakangiti. "Goodbye Professor Quan!" Agad na sagot ng iba at sabay-sabay kaming nag-bow lahat. Matapos nito ay lumabas na si Professor Quan at niligpit ko na ang mga gamit ko. Pagkasuot ko ng bag ay naalala ko si Kael. Napatingin ako sa kan'ya at nakita kong papunta ito sa akin. "Mika!" Tawag nito sa akin. "I'll go to Professor Quan's Office now. Can you wait for me at the gate? Saglit lang ako," sabi nito. "Okay. Be quick," sagot ko sa kan'ya. "Yup," sabi nito at ngumiti tapos ay naglakad na palabas ng classroom. Naglakad na rin naman na ako palabas ng building. Nakatingin lang ako sa paahan ko habang naglalakad. Pagkalabas ko ng building ay dumiretso na ako sa gate. Tumayo ako sa gilid dahil maraming lumalabas ngayon dito. Tinignan ko ang relo ko at nakitang halos limang minuto na ako dito. "Ate Mika!" Agad akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Chaz. Tumigil ito nang nasa gilid ko na s'ya at hinabol ang hininga nito. Mukhang pagod na pagod ito kakatakbo. "I finally found you," sabi nito at may kinuha sa bag. May nilabas itong maliit na paper bag. Inabot n'ya ito sa akin kaya naman napakunot ang noo ko. "For you. I wanted to apologize. Hindi ko alam na ganun pala ang mararamdaman mo non. I'm sorry," mahina nitong sabi. Nakita ko ang sincerity sa mga mata n'ya. Tinanggap ko ang maliit na paper bag. "It's fine, Chaz. Hindi mo naman na kailangan magbigay pa sa akin ng kung ano-ano," sabi ko dito. "No." Umiling s'ya at tumingin sa akin. "I don't know how to properly apologize. It's the least I can do." Napatingin ako sa gate at nakitang nakapila na doon si Kael para makalabas. "I need to go now, Ate Mika. See you tomorrow!" Sabi ni Chaz habang naglalakad ito nang patalikod at kumakaway. "Bye," sagot ko dito at kumaway rin. "Hey," napalingon naman ako kay Kael nang marinig ko ang boses nito. "Sorry natagalan. May pinaayos pa saglit sa'kin si Professor Quan." "It's fine. Don't worry," sagot ko sa kan'ya at nilagay na muna sa loob ng bag ko ang binigay ni Chaz sa akin na nakapaper bag na brown. "Let's go?" Tanong ni Kael sa akin. Tumango ako at tumawag na kami ng taxi. Sumakay na kami dito at sinabi namin kung saan kami bababa. Nag-drive naman na ang driver at napatingin ako sa bintana. "What time mo nakita si Loui doon?" Tanong ni Kael sa akin. "I'm not sure. Maybe 5 to 6 P.M. somethin?" Sagot ko dito. Hindi ko na gaano matandaan kung anong oras iyon. Napatingin ako kay Kael at nakita kong nagpho-phone ito. "Okay, noted. Sana lang ay nandon s'ya," sabi nito at nilagay na ang phone sa bulsa. Matapos ang ilang minuto ay huminto na ang taxi at lumabas na kami. Si Kael ang nagbayad dito dahil sinama lang naman ako nito. Napatingin ako sa convenience store sa harap namin. Walang ganong tao ngayon sa loob. Pumasok na si Kael sa loob kaya naman pumasok na rin ako. Dumiretso kami sa counter at napakunot ang noo ko nang makitang iba ang nagbabantay dito. Babae ito na itim ang buhok. "Where is he?" Naguguluhan na tanong ni Kael. "I'll ask the girl, wait for me here," sabi nito at tumango na lang ako bilang sagot. Naglakad ako naghanap ng potato chips. Wala na pala akong snacks sa bahay. Naubos ko na ang mga ito at puro pang ulam na lang ang natira sa refrigerator namin ni kuya. Kinuha ko ang isang potato chips na malaki at napatingin ako sa pintuan sa dulo nang makitang nakaawang iyon at madilim sa loob. If I'm not mistaken, d'yan ata ang storage room nila. Maglalakad na sana ako papunta sa counter pero nakarinig ako ng tawa sa loob at boses iyon ni Loui. Marahan akong naglakad papunta sa tapat ng pinto. Dinikit ko ang tainga ko dito at narinig na tumatawa s'ya. Napakunot ang noo ko dahil dito. Mukhang mag-isa lang s'ya sa loob at walang kausap. Bakit naman s'ya tatawa? Nang bubuksan ko ang pinto ay bigla itong bumukas at nakita ko si Loui na walang emosyon ang mukha at suot-suot ang itim n'yang bilog na salamin. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito sa akin. "Mika-" hindi natuloy ni Kael ang pagtawag n'ya sa akin nang makita n'ya si Loui. "Loui Choi!" Tawag n'ya dito at nilapitan ito. Nakita ko namang napangiwi si Loui kaya mas lalo akong naguluhan. Naalala ko ang inakto n'ya noong tinulungan namin s'ya ni Kael sa mg bullies na sina Jaxe Dean sa cafeteria. "Professor Dannica wants to know why you're absent for 3 days," sabi ni Kael sa kan'ya at lumapit dito. "I'm not going to school anymore. I will stop Studying," rinig kong sagog ni Loui. Napatingin naman sa akin si Kael. "Can you buy me a bottled coffee?" Tanong nito sa akin. Hindi ako nagsalita at tumango lang. Naglakad na ako papunta sa beverage at kumuha ng coffee na nakalagay sa plastic bottle. Medyo malayo ako kila Kael at Loui kaya naman hindi ko sila gaano makita at marinig. Dumiretso na lang ako sa counter at binayaran ang binili ko. "Classmates po ba kayo ni Loui?" Tanong nitong babae sa akin. "Yes, why?" Tanong ko dito. Nakita kong ginala n'ya ang paningin at hinanap sila Loui. "Medyo weird kasi ang inaakto ni Loui ngayon. Tinatanong din s'ya ng manager namin kung bakit hindi s'ya pumapasok. Ang sabi lang n'ya ay ayaw n'ya na pumasok. Hindi na s'ya mag-aaral sa Willton's Academy at nag-iipon s'ya ng pera para lumipat sa ibang lugar." Kinuha ko na ang binili ko na inabot n'ya sa akin. "Wala na ba s'yang ibang nabanggit?" Tanong ko pa dito. "Wala na. 'yun lang ang nabanggit n'ya eh," sagot nito. "Salamat," sabi ko dito. Tumango lang ito kaya naman naglakad na ako pabalik kila Loui at Kael. Pagkakita ko sa kanilang dalawa ay mukhang patapos na ito mag-usap. "Kailangan mo na pumasok bumukas. Marami ka nang na-missed na lessons. If you want you can borrow my notes para hindi kana mahirapan mag-selfstudy," rinig kong sabi ni Kael. Napatingin naman silang dalawa sa akin nang makalapit ako. "I'll get going." Binalik ni Kael ang tingin kay Loui. "Please go to school and study, Loui." Tumingin sa akin si Kael at ngumiti. "Where's my bottled coffee?" Tanong nito. "And how much?" Inabot ko sa kan'ya ang pinabili n'ya pati na rin ang resibo tapos ay binayaran ako nito. "Let's go, Mika. Ihahatid na kita sa inyo. Malapit lang naman bahay n'yo rito, right?" Tanong n'ya pa sa akin. Napatingin ako kay Loui na nakayuko lang. Hindi n'ya ako tinignan at pumasok na ito sa loob ng storage room. "I can walk home alone," sagot ko kay Kael. "No. Ihahatid na kita. Besides ako naman nagyaya sa'yo dito. Napalayo kapa sa bahay mo," sabi nito. "Let's go." Wala na akong nagawa kung hindi sundan s'ya papalabas ng convenience store. Napalingon ako saglit sa loob at hindi ko na nakita si Loui. "Thank you! Please come again!" Nakangiting sabi ng babae sa amin ni Kael at sinara na namin ang double glass door. "Tatlong kanto lang naman ang layo ko sa bahay," sabi ko kay Kael. May huminto na taxi sa harap namin. "No. It's fine, Mika," sabi nito at pinapasok ako sa loob ng taxi. Napabuntong hininga na lang ako at pumasok dito. Nagsimula na itong umandar at napatingin na lang ako sa labas. "Thank you again Mika sa pagsama sa akin," sabi ni Kael. Tumingin ako sa kan'ya at ngumiti lang. Naging tahimik na ulit ang paligid at tanging tunog lang ng makina ang naririnig namin. Huminto na ang kotse sa tapat ng bahay kaya naman binuksan ko na ang pintuan. "Bye Mika! See you tomorrow!" Malakas na paalam sa akin ni Kael. Lumingon ako sa kan'ya at kumaway. "Bye." Pagkaalis ng taxi ay tumalikod na ako at pumasok sa loob ng bahay. Humiga ako sa sofa at nilapag sa sahig ang bag. Nakatingin lang ako sa puting tiles. Ipipikit ko sana ang mata ko nang maalala ko ang binigay sa akin kanina ni Chaz. Agad kong kinuha ang bag ko at binuksan ito. Kinuha ko ang paper bag sa loob nito at tinignan kung ano ang laman nito. Napaupo ako sa sofa nang makita ang isang cute na aso na keychain. Agad akong napangiti at pinagmasdan ito. Kulay brown ito at itim ang mga maliliit na mata na parang totoo. Naalala ko tuloy ang aso namin dati ni Kuya Mike. Agad kong nilagay ang keychain sa phone ko. Humiga ako ulit sa sofa at tinaas ang phone ko. Winagagway ko ito at napangiti ako. Ang tagal ko na rin pala hindi naglalagay ng keychain sa phone ko. Dati ay marami ako nito, iba-iba ang design at ang iba pa ay parehas kami ni Kross. Binuksan ko ang phone ko at agad na nag-message kay Chaz. Thank you for the keychain, Chaz. Agad namang tumunog ang phone ko at mas lalong gumanda ang mood ko nang makitang tumatawag si Kross. Mabilis ko itong sinagot at pinatong sa tainga ang phone. "Mikaa!" Tawag nito sa akin sa kabilang linya. "What do you need?" Tanong ko dito. "Are you mad?" Tanong n'ya pero hindi ako sumagot. "Alam ko na! You're sulking. Don't worry, as i promised last time. Pupunta ako d'yan. Hindi pa ngayon dahil busy ako but soon." "Promise?" agad kong tanong dito. "Yup. I promise."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD