CHAPTER NINE

1039 Words
Mikaella's P.O.V. "Good morning, Class," malakas na sabi ni Professor Hanji pagkapasok nito sa classroom. Nagtayuan naman kaming lahat at binati din s'ya, "Good morning, Professor Hanji!" "Maupo na kayo," utos nito sa amin. Nagsiupuan naman na kami at nakita kong nilabas ng iba ang mga books nila. "We have a visitors," sabi sa amin ni Professor Hanji. "Nandito sila para kausapin ang mga teachers, classmate at si Nurse Lia." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi n'ya. Bakit naman kaya kailangan pa ng police? bakit kailangan nilang interview-hin ang mga classmates at teacher ni Nathan? damay rin pati si Nurse Lia. "Nathan tried to kill his self thrice here in the school and 10 times in their house." Narinig kong nagbulungan ang mga classmates ko dahil sa nalaman namin. Kahit ako ay nagulat nang malaman kong sinubukan n'yang patayin ang sarili n'ya ng 13 times. Hindi ba masyado na 'yong madami? "Good thing may bantay si Nathan sa bahay nila. His condition is getting worser day by day. Hindi na muna s'ya papasok." Kinuha na ni Professor Hanji ang libro sa bag n'ya at nilapag ito sa lamesa. "Don't get involved with Nathan, Class. Baka madamay pa kayo." ××× Lunch break at nasa classroom ako ngayon. Ako lang ang tao dito dahil nagpuntahan ang mga classmates ko sa Cafeteria. May baon naman na ako kaya hindi ko na kailangan bumili ng pagkain. Niyaya din ako nina Kael at Cara kumain sa cafeteria pero gusto ko muna mapag-isa. Nilabas ko na sa brown paper bag ang lunch box na bigay sa akin ni Kuya MIke. Nakita ko ang papel na nakadikit dito at binasa ko ito. "Eatwell, Mika," mahinang basa ko at binalik ito sa brown paper bag. Binalik ko ang tingin sa lunch box at agad ko itong binuksan. Nakita ko ang laging niluluto ni mommy sa akin noon. Buttered shrimp, Java rice at omelette. Kinuha ko ang spoon at fork na nakabalot sa tissue at nagsimula nang kumain nang tahimik. Una kong tinikman ang omelette at kalasa nito ang luto ni Mommy. Sumubo ako ng java rice at ganito rin ang lasa ng luto ni Mommy. Sunod kong tinikman ay ang buttered shrimp. Pagkanguya ko dito ay napangiti ako. Medyo iba ang lasa nito. Napadami sa butter ang luto ni Kuya. Pinagmasdan ko ang lunchbox at napahinga na lang ng malalim. Alam kong nage-effort si Kuya sa akin ngayon para bumalik ako sa dati na laging kinakausap s'ya at open sa lahat ng bagay. Umiling na lang ako at nagpatuloy na sa pagkain. Mabuti na lang at lagi akong may baon na tubig. Kung wala ako nito ay sigurado kong nabilaukan na ako at tumatakbo ako ngayon papunta sa cafeteria o di kaya ay nanghihingi ng tubig sa mga estudyante sa labas. Limang minuto lang ako kumain at binalik ko na sa paper bag ang lunch box. Naubos ko na lahat pati ang tubig. Ang dami ng niluto ni kuya kaya naman pakiramdam ko ay busog na busog na ako. Agad akong napatingin sa pintuan nang makita kong bumukas iyon. Nakita kong si Loui Choi ito. Natigilan s'ya saglit nang makita ako. Alam kong nagdadalawang isip s'ya kung tutuloy ba s'ya pumasok o magba-back out. Nanatiling nakatitig lang ako sa kan'ya at nakita kong nag-iwas ito ng tingin. Pumasok na s'ya sa loob at umupo sa pwesto n'ya. Sa bandang harapan ako sa right side, parehas lang kami na right side pero nasa pinakadulo s'ya nito. Tatlong upan ang pagitan namin. Limang row kasi ang upuan sa clasroom namin at may apat na upuan ito. Bente kaming lahat na magkakaklase. Medyo konti kami kaya naman mabilis ko lang rin makabisado ang pangalan at mukha ng mga classmates ko. Nilingon ko si Loui at nakita kong nagbuklat ito ng libro. Naalala ko ang inakto n'ya kahapon sa cafeteria. S'ya na ang tinulungan ni Kael pero s'ya pa ang parang galit. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang reaksyon n'ya. May nangyari kayang masama sa kanila ni Kael? Tumayo ako at dahan-dahan na nagpunta sa kan'ya. Umupo ako sa upuan sa harap n'ya at hinarap ang upuan kaya naman napatingin s'ya sa akin at nakita kong naguguluhan ang mukha nito. "Are you mad at Kael?" diretso kong tanong sa kan'ya. Nakakapagtaka lang dahil mukha namang mabait si Kael. Mukha ring hindi s'ya napapaaway basta-basta lalo na sa mga classmates n'ya. Hindi s'ya nagsalita at binalik n'ya na lang tingin sa librong binabasa. Binend ko ang ulo ko para makita ko kung ano ang binabasa n'ya. Napakunot ang noo ko nang makitang tungkol ito sa mga murder case. "Why are you here?" Sa wakas at narinig ko na ang boses nito. Tinignan n'ya ako at sinara ang binabasang libro. Seryoso lang ang mukha n'ya at mukhang naghihintay ito ng sagot. "Because I want to know kung bakit ganon ang inakto mo kahapon, when Kael helped you with the bullies," sagot k sa kan'ya. Inayos n'ya ang suot n'yang itim at makapal na salamin. "Do you really want to know?" seryoso nitong tanong. Medyo napaatras ako at napasandal sa upuan dahil sa kakaiba at seryoso n'yang vibe. Para bang may malalaman akong hindi maganda sa sasabihin n'ya. Hindi ko alam kung dapat ko bang malaman tuloy ang sagot n'ya. "Yes," direstso ang madiin kong sagot sa kan'ya. Well, bakit ba ako matatakot? Tutal wala rin naman ako magawa ay bakit hindi ko na lang alamin? Isa pa, kailangan kong makilala ang mga estudyante dito. Kailangan kong malaman kung sino talaga sila at kung ano ang totoo nilang mga kulay. "Hindi ka dapat nag-transfer dito, Mika," mahinang sabi ni Loui habang diretso ang tingin sa mga mata ko. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya. "What do you mean?" naguguluhan kong tanong. Bakit hindi ako dapat nag-transfer dito? anong meron at anong alam n'ya? "Because Kael is not the person who you think he is," seryoso nitong sabi at ngumiti. "You can't trust the students here, Mika." Mas lalo akong naguluhan dahil sa sinasabi nito. "Everyone here is wearing a mask. Everyone here is hiding their deepest and dirtiest secret." Hindi ako agad nakasagot at nanatiling tahimik lang ako habang nakatingin sa kan'ya. "You shouldn't have transferred here."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD