CHAPTER TEN

1043 Words
Mikaella's P.O.V. "How was my cooking skill? nagustuhan mo ba 'yung niluto ko?" bungad na tanong ni Kuya pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay. 4 P.M. pa lang at mukhang maaga ang uwi n'ya. 7 P.M. kasi ang uwi n'ya. "It was good," mahina kong sagot at dumiretso sa kitchen para ilagay sa lababo ang lunch box at hugasan ito. Habang hinuhugasan ko ang lunch box ay naramdaman ko namang nakasunod sa akin si Kuya. Sabi ko na nga ba at may gusto itong sabihin sa'kin. "By the way, Mika," simula nito at lumapit sa akin. "Do you want to visit Mom and Dad?" Napatigil ako sa paghuhugas ng pinggan at hinayaan lang na tumulo ang tubig sa gripo. "Actually, I am going to visit them today kaya maaga ako nag-out sa work," sabi nito habang ramdam kong nakatingin s'ya sa akin. "3 hours away tayo sa old City natin and it's already 4 P.M., Ayokong gabihin. You can go alone," mahinang sabi ko at binanlawan na ang lunchbox tapos ay nilagay ito sa lagayan namin ng mga gamit. "How about this coming weekends? Are you free? I want to visit them with you. I'm sure they also want to see you and hear your voice." Tumimgin ako kay kuya ng seryoso, "They can't see me and they will not hear my voice. You know why?" Tanong ko sa kan'ya at napayuko. "Because they are already dead." Hindi agad nakasagot si kuya kaya naman sinamantala ko na ito at agad na akong naglakad papalayo sa kitchen. Napatingin ako sa kulay dark brown na pinto namin papalabas ng bahay nang umuwang ito. Napunta ang tingin ko sa itim kong jacket na nakapatong sa sofa. Agad kong kinuha ito at sinuot. Mabilis akong naglakad papunta sa pinto at lumabas. Mukhang hindi ako nakita o narinig ni kuya. Hindi n'ya kasi ako tinawag. Nakahinga ako ng maluwag at naglakad-lakad na lang dito sa labas. Hindi ko pa totally nae-explore ang MoonBridge Town. Ang alam ko lang ay kilala ang lugar na ito dahil tahimik dito, kokonti ang mga nakatira at fresh ang simoy ng hangin dahil napapalibutan ito ng mga puno. May nag-iisa ding mall dito at hindi pa ito napupuntahan. Puro bahay at Willton's Academy lang kasi ako ngayon. Wala rin naman ako sa mood para gumala at i-enjoy ang buhay. Habang naglalakad ay napatingin ako sa Taxi. Agad kong tinaas ang kamay ko kaya naman lumapit ito sa akin at huminto. Sumakay ako sa loob at agad ako nitong tinignan. "Saan po tayo, Ma'am?" Tanong nito sa akin. Hindi ako agad nakasagot dahil wala akong gustong puntahan na lugar. Hindi ko rin alam kung ano ang mga mayroon dito. Ang alam ko lang ay ibang iba ito sa city o tinitirhan namin nila kuya dati. "Just drive," mahina kong sabi at sinandal ang ulo sa bintana. Tumango naman ang driver at sinimulan na n'yang paandarin ang kotse n'ya. Habang umaandar ay napatingin ako sa bintana. Nakita ko ang mga tahimik na bahay na nadadaanan namin. "Bago ka po ba dito?" Rinig kong tanong ng taxi driver. "Ngayon ko lang po kasi kayo nakita." Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik lang ako. Wala ako sa mood ngayon makipag-usap lalo na sa mga taong hindi ko naman kilala. Nang makitang mapadaan kami sa isang park ay sinubukan kong kuhain ang phone at wallet ko sa bulsa ng palda ko pero agad akong natigilan nang maalalang nilagay ko nga pala ang mga ito sa bag ko. Napakagat ako sa labi ko at tinignan ang taxi driver. Tahimik lang ito at nakatingin sa daan. Mukhang nagfo-focus ito sa pagda-drive. Paano ko sa kan'ya sasabihin ang sitwasyon ko ngayon? Nakakahiya naman. "Uh, I'm sorry," mahina kong sabi. Naramdaman kong huminto ang kotse at tumingin ito sa akin. Hinihintay n'ya ang sasabihin ko. Napayukom ako ng palad at huminga ng malalim. "Hindi ko po dala ang phone at wallet ko," seryoso kong sabi at tinignan ang driver. Narinig kong tumawa ito ng mahina at ngumiti. "Ayun lang ba?" Tanong nito sa akin kaya naman tumango ako. "Huwag kang mag-alala, hindi pa naman tayo gano nakakalayo. Dahil bagong lipat ka din dito sa Moonbridge town, libre ko na sa'yo ang sakay." Hindi ko alam ang isasagot ko dahil sa kabaitan nito. Hindi ko nga alam kung ganito ba talaga s'ya kabait o nagbabaitan lang ito. "Dito na lang po, thank you," sabi ko sa kan'ya at tinignan ang park sa gilid namin. "Okay po," sabi nito at tinabi ang taxi. "Maganda tumambay dito sa Moonbridge Park. Maraming halaman, puno at mga bulaklak d'yan. May mga pagkain din na binebenta." Ngumiti na lang ako dito dahil ang haba na ng sinasabi n'ya. Bakit lagi na lang ako napapalibutan ng mga extrovert o di kaya ay mga madadaldal? "Thank you po ulit!" Sabi ko sa kan'ya. Ngumiti naman s'ya at tumango. Agad na akong lumabas ng taxi n'ya at naramdaman ko ang mapresko at malamig na hangin dito sa park. Narinig kong umalis na ang taxi sa likuran ko at pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Parang kakainin ako ng hiya kanina dahil sa katangahan ko. Bakit ba kasi naiwan ko ang phone at wallet ko? Iyon pa naman ang pinaka kailangan ko lalo na't naliligaw ako. Hindi ko alam ang daan pauwi. Napabuntong hininga na lang ako at nagsimula na akong maglakad dito sa park. Pumasok ako sa isang maliit na gate nito at nakita ko ang mga halaman dito at bulaklak. Marami ring puno sa paligid kaya naman nakaka-relax dito. Habang naglalakad ay may mga nadaanan akong benches at may mga taong nakaupo roon. Ibang iba ang MoonBridge Town sa lugar na kinalakihan ko. Nang makita ang isang bench na walang nakaupo sa sulok ay agad akong lumapit dito at umupo. Walang gaanong tao rito kaya naman sumandal ako at pinikit ang aking mga mata. Gusto kong kalimutan muna ang lahat. Gusto kong makalimutan ang nangyari sa gabing iyon. Sa gabing gumuho ang mundo namin ni Kuya. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya naman agad akong napadilat. Napakunot ang noo ko dahil bakit sa tabi ko pa s'ya umupo. Pagtingin ko dito ay agad na nanlaki ang mata ko nang makita ko ang pulang buhok nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD