CHAPTER SEVENTY EIGHT

1012 Words
Mikaella's P.O.V. "Goodbye, class," paalam sa amin ni Professor Dannica. "Everyone, stand up," utos ni Kael sa amin kaya tumayo naman kaming lahat. "Goodbye, Ms. Dannica!" Paalam namin sa kan'ya sabay bow. "Goodluck on your other exams tomorrow, Class. Study hard, okay?" Paalala nito. "We will do, Professor Dannica!" Sagot ng mga classmate ko. Ngumiti at tumango si Professor Dannica tapos ay naglakad na palabas. "Yes, day one of hell is done!" Rinig kong sabi ni Vivian at nag-unat. Napaupo na lang ako at inayos ang gamit ko para makauwi na. Luckily, nasagutan ko naman lahat. Mas gusto ko pa talaga ang subject ni Professor Dannica keysa sa general math. Matapos kong ibalik ang mga gamit ko sa bag ay tumayo na ako at sinuot ito. "Attention guys!" Napatingin kaming lahat sa pisara nang magsalita doon si Pauline kasama si Vivian. Suot na nila ang mga bag nila. Nakatingin sila sa amin habang nakangiti. "Vivian and I were planning to have an outing after ng midterm exams natin," sabi ni Pauline. "So, what do you think guys?" Tanong ni Vivian. "Of course kasama kami d'yan!" Agad na sagot ng iba. "Anong balak natin na outing?" Tanong ni Krysta. "Since, my 18th birthday got ruined, I was planning na mag-beach tayo. But don't worry, it's not too far. And, free ride!" Masayang sabi ni Vivian at pumalakpak. Hindi na ako magtataka sa free ride. After all, anak s'ya ng president dito sa Moonbridge town. Ano pa nga ba ang aasahan ko? "I'm in!" Sabi ni Vince. "Nice!" Sabi ni Vivian. "How about you, Cara and Kael?" Tanong nito habang nakapatong ang dalawang kamay sa lamesa at tinignan sila Cara. Napatingin naman ang lahat kila Kael. Naging tahimik din sila at inaantay ang sagot nilang dalawa. "Well.." mahinang sabi ni Kael. "Why not?" Ngumiti ito at naghiyawan ang lahat bukod sa akin at kay Loui na nakapwesto sa likuran ko. "Yey! So, lahat ba sasama?" Tanong ni Vivian. Napatingin s'ya sa akin at kay Loui kaya naman napatingin na rin ang lahat sa amin. Napangiwi ako at gusto ko na lang kainin ng lupa o hindi kaya ay maging invisible. "Ms. Mikaella Evergreen and Loui Choi? What's your answer?" Tanong ni Pauline. "Uh," napapikit ako saglit. Kung tatanggi ako, baka marami pa silang itanong sa akin. Pwede ko namang sabihing sasama ako pero hindi ako pupunta sa day na iyon. Tumingin ako kay Vivian at ngumiti ng kaonti. "Sure," sagot ko. "Nice one, baby!" Rinig kong sabi ni Vince. Napatingin ako roon at nakita kong nakatingin ito sa akin. Kumindat pa s'ya sa akin kaya naman napasimangot ako. Gusto kong umirap pero kailangan kong pigilan ang sarili. "I'm in too," rinig kong sagot ni Loui sa likuran ko. Napatingin ako sa kan'ya at naglakad na ito papalabas ng classroom. "That's great!" Pumalakpak si Vivian at lumawak ang ngiti. "Lahat tayo ay kasama." × × × Naglalakad na ako ngayon pababa ng building. Nasa classroom pa ang iba at pinag-uusapan ang outing. Umalis na ako dahil wala naman akong balak na sumama talaga. Pagkababa ko ay saktong nakita ko sila Chase at Earl na kakalabas pa lang sa classroom nila. Napalingon sila sa akin at agad na ngumiti si Earl. "Mika!" Tawag nito sa akin. Wala na rin akong nagawa kung hindi lumapit sa kanila dahil madadaanan ko naman sila. "Yo," bati ko sa kanila at ngumiti ng tipid. "Kamusta exam?" Tanong ni Earl sa akin. "It's fine," sagot ko at tinignan silang dalawa ni Chase. "Kayo ba?" "Nahirapan ako ng slight. Wag mo na tanungin si Chase kasi matalino yan. Ayaw nga ako pakopyahin," humina ang boses nito sa huling sinabi n'ya pero rinig iyon ni Chase kaya sumama ang tingin n'ya kay Earl. Napatawa na lang ako nang mahina dahil sa kulit ni Earl. "Pauwi kana ba?" Tanong ni Earl sa akin. "Yes. I still need to study," sagot ko sa kan'ya. "Sabay kana sa'min," alok ni Earl. "It's fine. Magta-taxi na lang ako," agad kong tanggi. Nakakahiya rin naman. Lagi na lang ako sumasabay sa kanila. "No. Sabay kana sa amin. Let's go," biglang singit ni Chase at naunang maglakad. Napakunot ang noo ko at napatingin kay Earl. Nakita kong nakakunot din ang noo nito at nagtataka sa inaakto ni Chase. "Si Chase ba 'yon?" Tanong ko kay Earl. "I don't know Mika," sagot ni Earl. "I don't know Chase anymore." "Sira," agad kong sabi rito at tumawa lang s'ya. "Joke!" Tumawa s'ya at hinila na ako. "Tara. Baka iwan tayo ni Boss Chase." Sinunadan na lang namin si Chase at habang naglalakad ay napatingin ako sa paligid. Nakita ko ang ibang estudyante na napapatingin sa amin. Alam ko namang sikat ang dalawang ito dahil matangkad sila at may itsura. Nang makalabas na kami sa building ay nakita ko si Jaxe Dean sa labas na nag-sskate board na may kasamang tatlong lalaki. Tumigil sila sa harap ng isang lalaking itim at bagsak ang buhok. "Oy!" Rinig kong tawag ni Jaxe Dean sa lalaki. Huminto silang tatlo at humarap doon. Napahinto rin ako sa paglalakad at napatingin sa kanila. Hindi parin tapos sa pambu-bully ang isang iyon. "Mika," rinig kong tawag sa akin ni Earl. Napalingon ako sa kan'ya at nakita kong nakatingin ito kila Jaxe Dean. Halos lahat naman ng nandito ay nakatingin sa kanila ngayon. "Don't mind them," sabi ni Earl at hinawakan ako sa braso. Tinignan ko si Chase at nakita kong tumigil rin ito habang seryoso lang ang tingin kila Jaxe Dean. Nakarinig ako ng mahinang sigaw kaya napalingon ako roon. Nakita kong napahiga ang lalaki habang nakapatong ang paa ni Jaxe sa dibdib non. "Let's just ignore them. Hindi natin gugustuhing makabangga si Jaxe," sabi pa ni Earl. "Why?" Tanong ko at tinignan s'ya ng seryoso. "Dahil anak s'ya ng Principal at may ari ng school na 'to?" Tanong ko kay Earl. "It's just not that.." mahina nitong sagot at napatingin kay Chase. "Tsk. Fine. We'll helping that loser," walang ganang sabi ni Chase at naunang maglakad papunta kila Jaxe Dean. "Sht," rinig kong mahinang mura ni Earl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD