CHAPTER TWENTY SIX

1209 Words
Mikaella's P.O.V. "I saw one of them." Nakatingin lang ako ng deretso kay Nathan habang nagsasalita ito. I need to pay attention to every little details and focus to collect informations. "Tinanggal n'ya ang mask n'ya kaya nakita ko ang side view ng mukha nito." Napakagat ako sa labi ko at napahawak ng madiin sa suot kong school uniform na palda. Hindi na ako nakapagpalit pa ng damit at dumiretso na ako agad dito. "What's his name?" Agad kong tanong kay Nathan. Hindi s'ya agad sumagot kaya naman nagtanong pa ako dito ulit. "Do you know him?" "Yes," mahina n'yang sabi at tumingin ito sa paligid na para bang may hinahanap s'ya. "Sino s'ya?" Tanong ko at pinatong ang dalawang kamay ko sa lamesa. "Nathan, answer me," madiin kong utos dito. Nakita kong napayuko si Nathan at napapikit ito. Parang may iniisip s'yang malalim. Mukha rin s'yang nababahala. Napayukom ako ng palad ko. "Here's your order ma'am, sir," sabi ng isang waiter at nilapag ang order ni Nathan na black coffee at dalawang s'mores. Napadilat si Nathan at tumango sa waiter. Umalis naman na iyon at tumingin sa akin si Nathan. Alam kong hindi tama ang ginagawa ko ngayon. Alam kong hindi ko s'ya dapat pinipilit. Baka bumalik ang lahat ng naramdaman n'ya nung araw na iyon. Pero hindi ko magawang pigilan ang sarili ko. Gustong gusto ko malaman kung sino ang mga killers na 'yon. Kailangan na nila mahuli at pagbayaran ang kasalanan nila. Nakita kong kinuha ni Nathan ang black coffee n'ya at uminom ito. Marahan n'ya itong nilapag sa lamesa. Tinulak n'ya din ang isang s'mores papunta sa akin pero hindi ko ito pinansin dahil hindi ito ang pakay ko ngayon. "Try their s'mores, it's good," sabi nito at tinuro ang s'mores na binigay n'ya sa akin. "Nathan, answer me first," seryoso kong sabi dito. Napatigil s'ya sa paghiwa sa s'mores dahil sa sinabi ko. Huminga s'ya nang malalim at tinignan ako ng deretso at seryoso. "I can't tell you his name. I can't tell you their names," mahina nitong sabi sa akin. "They will kill me." Natigilan ako nang marinig ang sinabi n'ya. "They might be watching us. Hindi natin alam pero maaring sinusundan nila tayo. Maaring pinapanood nila ang bawat galaw natin." Napalunok ako at napatingin sa coffee ko. Nilalagay ko sa kapahamakan si Nathan dahil sa pagiging selfish ko. "Isa lang ang pwede kong sabihin sa'yo." Huminto saglit si Nathan at sumubo ito ng s'mores. "Estudyante sila ng Willton's Academy. Lahat sila ay nag-aaral sa Academy natin." Sabi ko na nga ba. Malakas ang kutob ko na kaedaran ko lang ang mga ito at nag-aaral rin sila sa Willton's Academy. Tama ang hinala ko. "I'm sorry Nathan," mahina kong sabi. Hindi ko alam kung papaano mag-sorry sa kan'ya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Paano kung s'ya ang isunod ng mga killers dahil sa reckless na actions ko? "Don't worry. It's fine. I'm fine as long as I'll keep their secrets," sagot nito sa akin at ngumiti tapos ay uminom ng coffee n'ya. Napakunot ang noo ko at pinagmasdan si Nathan. Parang hindi ito natatakot. Parang hindi s'ya nababahala na baka may nakakaalam ngayon na magkausap kami. Kinuha ko ang hazelnut coffee ko at inubos na ito. "I need to go home. How about you?" Tanong ko sa kan'ya. "Ubusin ko lang tong inorder ko and I'll go home na din," sagot n'ya sa akin. "By the way, yung s'mores mo. Hindi mo ba kakainin?" Tanong n'ya. Tinignan ko ang s'mores na binigay n'ya sa akin. Nasa maliit na platito ito. Tinapay ito na may marshmallow at chocolate. Matagal na rin simula nung tumigil ako kumain. Nagtitinda din kasi kami nila Mommy nito at isa ang s'mores sa paborito ko sa coffee shop nila Mommy. "Hindi ako mahilig sa matamis," sabi ko dito at tumayo na. Sa totoo lang ay mahilig ako dito pero nasasaktan lang ako tuwing naaalala ko ang mga pagkain na binibigay lagi sa akin ni Mommy. Nami-miss ko na ang mga bine-bake at niluluto n'ya. Nami-miss ko na rin ang laging pagyaya sa akin ni Daddy na gumala. "Okay then. Take care, Mika," sabi ni Nathan sa akin at kumaway. Pagkataas n'ya ng kamay n'ya at pagkakaway nito ay bumaba ang longsleeve na suot n'ya at nakita ko ang maraming laslas dito. Napaiwas na lang ako ng tingin. "You too," mahinang sabi ko at naglakad na papalabas. Habang naglalakad ay nakatingin lang ako sa sapatos at mga tiles na dinadaanan ko. Soft lang ang background music dito sa coffee shop kaya naman naririnig ko ang usapan ng mga ibang customers dito na nadadaanan ko. Nang malapit na ako sa exit ay tinaas ko na ang tingin ko para buksan ang glass door pero agad na tumama ang braso ko sa kung sino. Tinignan ko ito at nakita ang itim na buhok. Agad ko ring nakita ang masungit nitong mukha nang mapatingin s'ya sa akin. Hanggang balikat lang ako nito. "Hindi kaba talaga tumitingin sa dinadaanan mo?" Masungit na tanong nito sa akin habang magkasalubong ang kilay n'ya. Natigilan naman ako dahil sa sinabi nito. Tama naman s'ya. Hindi ako tumitingin sa harapan ko. "How about you? Hindi ka rin naman tumitingin ah? Kung nakatingin ka sa daan, edi sana nakita mo ako at iniwasan mo," agad kong sagot dito. Magso-sorry na lang sana ako sa kan'ya pero hindi ko alam kung bakit ito pa ang lumabas sa bibig ko. Ayoko talagang natatalo ako. "It's because you're small," sabi nito kaya naman napakunot ang noo ko at inis s'yang tinignan. "Hey, hey!" Sabay kaming napalingon sa nagsalita at nakita ko si Earl Seven. Mukhang kanina pa s'ya dito. "You're late, Mr. Chase Javier." Pinanliitan nito ng mata si Chase tapos ay napatingin sa akin. "Ang deja vu naman," komento nito at napatawa ng mahina. Agad kong naalala kung pano ko silang dalawa nakilala. Nakabunggo ko rin pala sila non pero that time ay nakakotse sila. "Sorry," madiin kong sabi at tinignan si Chase. "If that's what you want to hear." "Excuse me? It's your fault in the first place. I was talking with Earl thru phone. Hinahap ko s'ya that's why hindi kita nakita," paliwanag nito. "Okay, okay, enough," sabi ni Earl at tinaas ang kamay. "P'wede bang tumabi muna tayo dahi nakaharang tayo sa daan?" Agad akong napatingin sa paligid at nakitang may mga palabas. Nakatingin rin sa amin ang ibang customer kaya naman napangiwi na lang ako. "Tsk." Tinignan ko nang masama si Chase at umirap ako dito tapos ay naglakad na papalabas. Narinig kong tinawag pa ako ni Earl at pinigilan s'ya ni Chase. Hindi na ako lumingon at lumabas na lang ako ng tuluyan. Agad kong naramdaman ang fresh at malakas na hangin sa mukha ko. Wrong choice ata na pinili ko ang coffee shop na ito. Ang dami kong nakasalubong na kakilala ko sa Willton's Academy. Napabuntong hininga na lang ako at nagpunta sa gilid ng kalsada para maghanap ng taxi. Tinignan kk ang relo ko at nakitang malapit na mag 7 P.M. kailangan ko na umuwi at i-lock ang lahat ng pinto at bintana. Kailangan kong maghanda in case na pumunta na naman sa bahay ang killer na iyon at guluhin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD