CHAPTER SEVENTY NINE

1037 Words
Napatingin si Jaxe Dean at mga kasama n'ya sa likuran nila nang maramdamang may nakatayo doon. Nakita nila si Chase na nakatayo lang at seryoso ang tingin sa kanila habang nakapamulsa ang dalawang kamay nito. Napangisi si Jaxe dahil dito. "Look who's here," nakangising sabi ni Jaxe at pumalakpak. "Chase Javier of Willton's Academy." Nagtawanan ang dalawang lalaking kasama nito. Agad namang lumapit sila Mika at Earl kay Chase. Napatingin ang lahat sa kanila ngayon dahil sa malakas na boses ni Jaxe. Dahil medyo malayo sila sa gate at building ay walang nakakakita sa kanilang mga Professor, school staff o di kaya ay ang mga guard. "Kristopher," tawag ni Chase sa lalaking nakahiga sa sahig. Kilala ito nila Chase. Classmate nila ito. Tahimik lang at walang kaibigan sa paaralan si Kristopher. "You know this loser?" Tanong ni Jaxe at mas diniinan ang pagkakatapak sa dibdib ng lalaki. Napadaing sa sakit si Kristofer at napahawak sa sapatos ni Jaxe para subukang ialis ang pagkatapak nito sa dibdib n'ya pero hindi s'ya nagtagumpay. Hindi n'ya ito maalis dahil masyadong malakas si Jaxe. Ang tanging magagawa n'ya lang ay hawakan ang paahan nito para mabawasan ang sakit na nararamdaman n'ya. "Yes. He's my friend," seryosong sabi ni Chase at humakbang papalapit kay Jaxe. "Now, leave him alone," madiin nitong sabi at tinitigan ng deretso sa mga mata si Jaxe. Lalong lumawak ang ngisi ni Jaxe. Alam n'yang nagsisinungaling ang isang ito. Alam n'yang si Earl lang ang kaibigan nito. Hindi rin basta-basta nangingialam si Chase sa mga business ni Jaxe. Napatingin s'ya sa babaeng kasama nila Chase. Nakita n'ya si Mika na nakatayo sa tabi ni Earl at masama ang tingin sa kan'ya. "Stop lying, Mr. Javier. I know that this loser," huminto saglit si Jaxe sa pagsasalita at mas diniinan pa ang pagkakatapak kay Kristofer. "Is not your friend. You're just saving him because of Mika. Am I right?" tumingin ito kay Chase at ngumiti. Napadaing si Kristofer at naiyukom ni Chase ang mga palad n'ya. Matagal n'ya na ring gustong masuntok ang isang ito. Matagal n'ya nang gustong pigilan ito sa mga pambu-bully n'ya pero pinipigilan n'ya lang ang sarili. Hindi n'ya naman gugustuhin na s'ya naman ang susunod na guguluhin ni Jaxe at ng mga kaibigan nito. "What?" napatingin si Jaxe sa kamao ni Chase at natawa. "Are you going to punch me?" tanong nito. "Go on! and let's see what will happen to you-" Hindi n'ya natapos ang sasabihin nang biglang napadaan ang principal sa kanila. Napatigil s'ya pero hindi nito inalis ang paa na nakatapong sa dibdib ni Kristofer. Napaatras at napayuko naman ang mga kaibigan n'ya habang si Chase ay masama lang ang tingin kay Jaxe at sila Mika ay napatingin sa principal. "What do you think you're doing, Mr. Jaxe Dean?" tanong ng principal sa anak n'ya. "Hi Dad," bati ni Jaxe sa kan'yang Ama at ngumiti. "As you can see, I am having fun right now. Do you want to join me?" Dahil sa sagot ni Jaxe ay mas lalong uminit ang ulo ng Principal. Naiyukom n'ya ang palad n'ya dahil sa sobrang katigasan ng ulo ng anak. Napatingin s'ya sa lalaking nakahiga sa sahig. "Let's talk, Jaxe. Follow me," madiin n'yang utos sa anak. "Now." Inalis naman na ni Jaxe ang paa n'ya sa dibdib ni Kristofer at lumapit sa ama. Tumingin ang Principal sa dalawang lalaking kasama ni Jaxe. "Kayo din. Sumunod kayo sa akin," utos nito sa dalawa. Tumango naman ang dalawa at naglakad na silang apat papasok sa main building. Nagpatuloy naman na sa paglalakad ang mga estudyanteng napahinto at nanonood sa kanila. Nagbubulung-bulungan pa ang mga ito dahil sa nangyari. "That was close, Chase," sabi ni Earl at nilapitan ang kaibigan. Agad namang tumayo si Kristofer at lumapit kila Chase. "Salamat sa pagtulong sa'kin," sabi nito. Hindi sumagot si Chase at nauna na itong maglakad. Napayuko naman ang lalaki kaya lumapit si Chase dito. "Wala lang sa mood si Chase, Kristofer," sabi ni Earl dito. Hindi sumagot si Kristofer at nakayuko parin ito. Napangiwi naman si Earl dahil sa reaksyon nito. Napatingin naman si Mika kay Chase na malayo na at hinabol n'ya ito. "Okay ka lang ba? kung may masakit sa'yo go to the clinic para ma-check ni Nurse Lia," sabi ni Earl at napalingon kila Chase dahil malayo na ang dalawa. "Sorry naabala ata kayo sa pagtulong sa akin," mahinang sabi ni Kristofer at tumingin kay Earl tapos ay ngumiti. "Pasabi na lang kay Chase, salamat. Pupunta pa ako sa principal dahil alam kong ipapatawag din ako non mamaya." Naglakad na ito papalayo kaya naman mas lalong napangiwi na lang si Earl. "Bakit ba hindi marunong magsalita ng you're welcome si Chase?" mahina at nakasimangot na sabi ni Earl. Pagkalingon n'ya kila Mika ay hindi n'ya na makita ang dalawa kaya naman agad na itong tumakbo dahil baka nakalabas na ang dalawa sa gate. "Chase!" tawag ni Mika kay Chase nang makalabas na sila sa gate ng Willton's Academy. Hindi huminto si Chase at dumiretso lang ito hanggang sa makapunta na sila sa parking area na katabi lang ng Willton's Academy. Walang ibang tao dito ngayon at kokonti na lang ang mga naka-park na kotse dahil nakaalis na ang ilang estudyante. Huminto na si Chase nang nasa tapat na s'ya ng kotse n'ya. Bubuksan na n'ya sana ang pinto nang hawakan s'ya ni Mika sa braso. Napahinto s'ya at nakakunot noong nilingon si Mika. "What?" tanong nito sa babae. "What you did was rude," galit na sabi ni Mika. "I don't care. I helped him already. What else do you want?" tanong ni Chase at binuksan na ang pinto. Napatahimik si Mika at napayuko. I told myself na hindi ako mangingialam sa paligid ko but what I'm doing right now is the opposite. Napabitaw s'ya sa braso ni Chase at nag-iwas ng tingin. "I'm sorry. Hindi na dapat ako nangialam. It's none of my business." Tumalikod na ito at naglakad papalayo. Napangiwi s'ya at gusto n'ya na lang umuwi at matulog. Hindi n'ya alam kung ano ang nangyayari sa kan'ya. Hindi n'ya naman close sila Chase at Earl pero ganito ang inaakto n'ya sa dalawa. "I shouldn't trust them," mahinang bulong ni Mika sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD