CHAPTER THIRTY FIVE

2096 Words
Mikaella's P.O.V. "Good morning, everyone!" Masayang bati ni Vivian pagkapasok na pagkapasok nito sa classroom. Napatigil ang lahat sa ginagawa nila at napatingin kay Vivian. May 20 minutes pa bago magsimula ang first subject namin. "Dala ko na yung invitation ko for my 18th birthday!" Tumayo ito sa pisara at nilapag ang puting paper bag sa table ng professors namin. Narinig ko naman ang mga natutuwang response ng mga babae. Kinuha ni Vivian ang mga envelope na kulay gold sa loob ng paper bag na dala n'ya. Ngumiti s'ya at tumingin sa amin. "Lahat kayo ay invited sa birthday ko," sabi nito at isa-isa kaming pinuntahan at inabutan ng invitation card nito. Nang nasa harap ko na s'ya ay tumigil s'ya at inabot sa akin ang kulay gold na invitation. Napatingin ako sa kan'ya at nakita kong nakangiti ito. Bakas din sa mukha n'ya na naeexcite na ito sa birthday n'ya. "Thanks," tinanggap ko na lang ito at mukhang natuwa naman s'ya tapos ay naglakad na ito ulit para bigyan ang mga iba pa naming classmates. Tinignan ko ang envelope na ito at nakita ang pangalan n'ya rito. Vivian's 18th birthday. Binuklat ko ito at nakita ang mga ininvite n'ya. Napabuntong hininga na lang ako naghalumbaba. Pinatong ko na muna sa table ko ito. Hindi na lang siguro ako pupunta. Hindi ko naman s'ya close at sigurado akong magmumukha lang akong dead kid doon. Tinanggap ko na lang itong invitation card n'ya para hindi s'ya ma-offend. Napatingin naman ako sa likuran ko at nakitang wala pa si Loui. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa ni Kael kahapon. Napatingin ako sa table n'ya at nakita kong nag-iwan ng invitation card dito si Vivian. Naalala ko rin ang sinabi ng babaeng katrabaho n'ya, na titigil na si Loui sa pag-aaral sa Wilton's Academy at lilipat na ito ng bahay. Lahat kami ay napatingin sa pintuan nang bumukas iyon. Mabilis na nagsibalikan ang mga classmates ko sa upuan nila dahil baka si Professor Hanji na ito. Nang makita kung sino ang pumasok ay gumulo na ulit ang mga ito dahil si Loui pala ito. Nakatingin lang s'ya sa paahan n'ya at naglakad na ito nang deretso papunta sa upuan n'ya. Napalingon ako dito at nakita kong nakakunot ang noo n'ya habang nakatingin sa invitation card na iniwan ni Vivian sa table n'ya. "18th birthday ni Vivian sa Sunday. All of us were invited," paliwanag ko sa kan'ya. Napatingin naman s'ya sa akin pero hindi ito nagsalita. Kinuha n'ya lang ang invitation card at inipit ito sa libro n'ya tapos ay binaba ang hoodie ng suot n'yang puting jacket. Napa-shrug na lang ako ng shoulder ko at binalik na sa pisara ang atensyon. Bumukas na ulit ang pinto at this time ay si Professor Hanji na nga ito. Mabilis na nagsibalikan ang lahat sa pwesto nila. "What's happening here?" Nakakunot noong tanong ni Professor Hanji at nang ilapag n'ya sa table n'ya ang bag n'ya ay napatingin ito sa envelope na iniwan ni Vivian doon. Kinuha n'ya ito at pinagmasdan. "Ohh, it's almost your 18th birthday, Vivian," nakangiti nitong sabi at tumingin kay Vivian. "Yes po, Professor Hanji. I will invite the other Professor," sagot ni Vivian sa kan'ya. "Thank you for inviting me." Nilagay na ni Professor Hanji sa bag n'ya ang envelope at nilabas ang libro. "Now, let's continue our lesson." ××× Tapos na ang lunch break namin at nandito kami ngayon sa laboratory kasama si Professor Joan. Kakapasok lang namin kaya naman nakatayo pa kaming lahat. Ginala ko ang paningin ko rito at nakita ang mga equipments na nakakamangha. "Everybody, by two ang activity na gagawin natin today," sabi nito at sinuot ang puting rubber gloves. "Go and find your partners." Agad naman akong napatingin sa paligid at nakita kong nakahanap na ng partners ang mga classmate. Nakita ko si Kael na napatingin sa akin at ngumiti. Nang maglalakad ito papalapit sa akin ay agad kong nakita si Loui na mag-isa sa gilid. Mabilis akong lumapit sa kan'ya. "Tutal parehas tayong loner, tayo na lang mag-partner for this activity," sabi ko sa kan'ya. Napatingin naman s'ya sa akin at tumango. Tinignan ko si Kael at nakita kong nagpunta na lang ito kay Cara. "Isang table, isang group," malakas na sabi ni Professor Joan. Naglakad naman na kaming lahat para maghanap ng table. Sa pinakadulo kami pumwesto ni Loui dahil ito na lang ang available at para hindi kami napapansin. "Let's dissect a frog's body," nakangiting sabi ni Professor Joan at naglabas ito ng box sa table n'ya sa pisara. Agad naman akong napatingin sa box na iyon. Ito ang pinakaayaw ko. Ang mag-dissect. "Isa sa group nyo ang pumunta dito at kumuha ng frog," sabi ni Professor Joan sa amin. Napatingin ako kay Loui na nakaupo lang at nakatingin sa pisara. Nagtayuan na ang mga ibang grupo at kumuha ng tig-iisang palaka. Nakita ko namang napatingin sa akin si Loui at mukhang ako ang pinapakuha nito dahil hindi s'ya kumikilos pero mas lalo lang akong umiwas ng tingin sa kan'ya at kunwari ay inaayos ko ang mga gagamitin namin. "Fine, I'll get it," rinig kong sabi nito at sinuot na ang rubber gloves tapos ay tumayo na para kumuha ng palaka kay Professor Joan. Sinuot ko na rin ang puting rubber gloves at pinagmasdan ang kamay ko. Pagkabalik ni Loui ay medyo napaatras ako dahil sa totoo lang ay takot ako sa palaka. Alam kong hindi lang naman ako takot sa palaka, pero bakit parang lahat ng classmate ko ngayon ay hindi takot? "First, we need to paralyze the frog," sabi nito sa akin kaya naman mabilis kong inabot sa kan'ya ang malaking needle. "Kaya mo bang hawakan to?" Tanong n'ya sa akin at kinuha ang palaka. Napatingin ako sa palaka at nakita ang nakakatakot nitong mukha. Mas okay na sa akin ang hawakan s'ya kaysa itusok ang needle sa brain n'ya para madamage ang brain at ma-paralyze. "Yes," sagot ko kay Loui at hinanda ang kamay ko. Dahan-dahan n'yang pinatong ang palaka sa kamay ko. Napakagat ako sa labi ko nang maramdaman kong gumalaw ito. Hinigpitan ko ang pagkakahawak dito kahit na gustong gusto ko s'yang itapon. Kinuha na ni Loui ang malaking needle at nakita ko kung pano nito tinusok ito sa ulo ng palaka. Gumalaw na naman ang palaka kaya naman mas diniinan ko ang pagkakahawak sa kan'ya para hindi makawala. Nang makitang naitusok na ni Loui sa frog ang needle ay napangiwi ako. Nakaramdam ako ng awa pero kailangan kong pigilan dahil kailangan namin itong gawin para sa grades at may matutunan din naman kami. Nang hindi na gumalaw ang palaka ay binawi na ni Loui ang needle. "We need to pinned him," sabi ni Loui sa akin at kinuha ang palaka para ihiga. "I'll hold the frog since mukhang takot ka parin. Get some pins and do your job," utos nito sa akin. Napairap na lang ako at kumuha ng pins tapos ay mabilis na dinikit ang palaka. Pagtapos ay binitawan na ito ni Loui at binalik ko ang mga sobrang pins na nakuha ko. Pinagmasdan ko ang drog at nakita kong nakahiga lang ito. Kitang kita ko ang malakas na paghinga nito dahil naka-exposed ang tyan nito. Hindi s'ya gumagalaw at sa tingin ko ay nase-sense n'ya na ang danger sa paligid n'ya. "Now, open your books. We will Cut open the frog. You guys need to be careful," sabi ni Professor Joan habang naglalakad ito at pinupuntahan kami isa-isa. Napatingin ako kay Loui na binabasa ang libro namin. Binuklat ko rin ang libro ko at nakita ang litrato ng isang palaka na may hiwa sa tyan. "Can you do this?" Tanong ni Loui sa akin at inayos ang itim n'yang salamin. "After opening his tummy, may mga gagawin pa tayo. I know hindi mo kakayanin 'yun. You need to atleast help me and experience this." "Fine," madiin kong sabi at kinuha ang parang forceps na parang tweezers at ang scissor. Umupo na ako at nilapit ng kaonti ang mukha sa palaka. Ginamit ko ang forceps para maitaas ng kaonti ang balat ng palaka at ginamit ko ang scissor para buksan ito. Napatigil ako saglit nang makita ko ang maliit na butas na nagawa ko. "Pakibilisan, Mika," naiinip na utos ni Loui sa akin. Napatingin ako kay Professor Joan na hindi gano kalayo sa amin. Nakatingin s'ya sa amin ni Loui. Kailangan ko talagang gawin to. Kailangan kong tunulong kung gusto ko ng grade. Ginunting ko na ang balat nito at hanggang sa leeg banda at nakita ko ang laman nito. Napalunok ako at agad na binitawan ang forceps at scissor. Kailangan pa naming i-pinned ang balat nito at hiwain ang laman para makita ang mga organs nito. "Ako na magpi-pinned ng skins n'ya," sabi ni Loui at nang matapos n'ya iyong gawin ay kinuha ko naman na ang scalpel. "Marami pa tayong sasagutan dito sa book." Halata kong minamadali n'ya ako. Alam ko ring nararamdaman n'yang natatakot ako sa ginagawa ko. Mahina ako sa mga ganito. Bakit ba kasi kailangan pa namin tong gawin? Huminga ako nang malalim at hiniwa na ang laman ng palaka gamit ang scalpel. Hindi s'ya gaano makalagaw dahil na-paralyzed na namin ito. May mga konting dugo ang tumulo at agad na bumungad sa akin ang mga organs nito. Napalayo ako dito at mabilis na binitawan ang scalpel. Nararamdaman ko ang pawis ko sa noo na tumutulo. Nakabukas naman ang aircon at malamig pero pinagpapawisan ako. "Good," sabi ni Loui sa akin at kinuha ang probe tapos ay ginalaw-galaw at dinessect ang organs ng palaka. "Ako na bahala dito. You can copy my answer after this." ××× Last subject na namin ngayon at kakatapos lang mag-discuss ni Professor Quan. Binigyan n'ya kami ng free time ngayon para mag-review dahil bukas ay may quiz naman kami sa kan'ya. Nakaupo lang s'ya sa pisara at nagbabasa ng libro habang ang mga classmates ko ay halata mong hindi nagre-review. Hiniga ko ang ulo ko sa lamesa at tumingin sa langit. Nakita ko ang mga ibon na lumilipad. Hindi na rin mainit dahil malapit na mag 4 P.M. at nakatago sa ulap ang araw. Napabuntong hininga ako at pinikit ang mga mata. Bigla kong naalala ang dinissect naming palaka. Nang maisip ko ang dugo nito na tumulo ay naalala ko rin ang dugo ni Nathan na kumakalat sa sahig sa infirmary room. Napayukom ako ng palad ko at nang mas lumalim pa ang naiisip ko ay bigla kong nakita ang mukha ng babaeng binaril sa noo ng mga killers na nakasuot ng masks. Agad akong napadilat at napaayos ng upo. Nakita kong napatingin ang iba sa akin at mukhang nagtataka. Nakagawa kasi ako ng ingay pagkaupo ko dahil sa gulat na naramdaman ko. "Mika? Are you okay?" Rinig kong tanong ni Professor Quan sa akin. "I'm okay, Professor Quan," agad kong sagot sa kan'ya. Hindi naman na s'ya nagsalita at tumango lang. Binalik na n'ya ang pansin sa binabasa n'ya at bumalik na rin ang mga classmates ko sa mga ginagawa nila. Pinatong ko ang siko ko sa lamesa at napahawak ako sa ulo ko. Pakiramdam ko ay kinakain ako ng pagkaka-guilty. Hindi ako ang pumatay sa babaeng iyon pero parang ako pa ang nagbabayad sa kasalanan ng mga killers na iyon na walang konsensya. Bakit hanggang ngayon ay hindi pa sila nahuhuli? Bakit pati ang mga police dito sa Moonbridge town ay mga walang kwenta? Narinig kong tumunog na ang bell at tumayo si Professor Quan. "Class dismissed. Goodbye Class!" Paalam nito sa amin matapos n'yang ayusin ang mga gamit n'ya. Tumayo naman kaming lahat at nag-bow sa kan'ya. "Good-bye Professor Quan!" Agad na sagot ng mga classmates ko. Nang makitang umalis na si Professor Quan ay inayos ko na ang gamit ko at sinuot ang bag. Napatingin ako kay Loui at nakita kong nakatingin ito sa akin. "I'm sorry I pushed you earlier sa laboratory," mahinang sabi n'ya. "Gusto ko lang maranasan mo 'yon at hindi kana matakot sa mga ganon." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito. "Why?" Naguguluhan kong tanong dito. Anong ibigsabihin n'ya? Anong gusto n'yang maranasan ko? Ang pumatay ng hayop? At para hindi na matakot? "Dahil mas malala pa d'yan ang mga mangyayari," mahinang sabi nito at agad nang naglakad papalabas ng classroom. Hindi ako agad nakagalaw at pinagmasdan ko lang ang likod n'ya. Pakiramdam ko ay nanghihina ako kaya wala na akong lakas na tawagin s'ya at sundan s'ya. "Anong ibigsabihin mo, Lou?" Mahina kong tanong at hinigpitan ang pagkakahawak sa bag ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD