CHAPTER TWENTY SEVEN

989 Words
Mikaella's P.O.V. Tuesday na ngayon at nasa school na ako. Nagdi-discuss ang Professor namin ngayon at nakatingin lang ako sa bintana sa gilid ko. Hindi ako makapag-focus. Hanggang ngayon ay naiisip ko parin ang pinag-usapan namin ni Nathan. Paulit-ulit ko ring inaalala ang itsura n'ya nung nag-uusap kami. Pakiramdam ko ay may mali. "Ms. Mikella Evergreen?" Agad akong nabalik sa sarili ko at napatingin sa Professor namin na nasa pisara. Nakatingin ito sa akin habang hawak-hawak ang libro n'ya. "Can you answer the question number 5?" Tanong nito sa akin at ngumiti. Napangiwi naman ako at tinignan ang libro ko para hanapin ang sagot pero nakita kong nakasara ito at hindi ko pala binuklat kaya wala akong idea kung anong page na kami ngayon at kung tungkol saan ang tinatanong n'ya. "Professor Nathalie!" Napatingin kami kay Kael nang tumayo ito at tinaas ang kamay. "I think I know the answer," sabi nito habang nakatingin sa Professor namin. "What is it, Mr. Serfin?" Tanong ni Professor Nathalie sa kan'ya. "The answer is Atom," confident na sagot ni Kael. Pumalakpak naman si Professor Nathalie at ngumiti ito. "That is correct," sabi nito habang nakatingin kay Kael. "You may now sit." Napatingin ako sa mga classmates ko at nakita kong nakatingin ang mga ito sa akin. Huminga na lang ako ng malalim at inisip na hindi sila nakatingin sa akin at jinujudge ako ngayon. "Ms. Evergreen, you may now sit too," sabi sa akin ni Professor Nathalie. Napakagat ako sa labi ko at dahan-dahan na umupo. Hindi ko alam kung saan ba ako mahihiya. Kung dahil ba hindi ako nakikinig kaya hindi ako nakasagot o dahil sa pagtulong sa akin ni Kael. Napatingin ako sa kan'ya at nakita kong napalingon ito sa akin. Ngumiti s'ya sa'kin pero agad lang akong nag-iwas ng tingin at nag-focus na kay Professor Nathalie. "Page 45, Ms. Evergreen," rinig kong sabi sa akin ng Professor. Binuklat ko na lang ang libro at hinanap ang pahina na 45. Nang makapunta na ako dito ay nakinig na ako sa lesson. Bakit ba kasi hindi ako nakinig? Pakiramdam ko tuloy ay may utang ako kay Kael. Pakiramdam ko rin ay parang may hihingiin itong pabor sa akin at mahihiya akong tanggihan s'ya dahil tinulungan n'ya ako ngayong araw. ××× Lunch break ngayon at nasa cafeteria ako, kumakain kasama si Kael at Cara. "May meeting pala tayo mamaya," sabi ni Cara kay Kael na katabi n'ya. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay thirdwheel ako sa dalawang ito. Niyaya kasi ako ni Kael na kumain kasama sila para hindi ako mag-isa. Nakikita daw kasi ako ng mga Professor namin lalo na ng moderator namin kaya sinasabihan nila si Kael na isama ako at makipagkaibigan. Naiintindihan ko rin naman s'ya dahil s'ya ang class president. Responsibilidad n'yang sundin ang mga Professor. "May bibilin lang ako," sabi ko sa kanilang dalawa dahil hindi ko rin naman ma-gets ang topic nila. "Sige, we'll wait for you," sabi ni Kael sa akin at nakipag-usap na ito kay Cara tungkol sa meeting ng mga student councils. Tumayo na ako at duniretso ako sa restroom ng girls. Humarap ako sa salamin at tinignan ang itsura ko. Humahaba na ang itim kong buhok. Halos hanggang dibdib ko na ito. Binuksan ko ang gripo at nilagay ko ang dalawa kong kamay dito. Agad kong naramdaman ang malamifg na tubig sa palad ko. Naghilamos ako at tumingin sa salamin. "Alam mo na ba 'yung bagong issue na kumakalat tungkol kay Nathan?" Rinig kong tanong ng isang babae sa kasama n'ya. Kakapasok lang nilang dalawa at humarap sila sa salamin. Dalawang gripo lang ang layo ko sa kanila kaya naman rinig ko ang usapan nito. "Hindi pa. Tungkol saan?" Tanong ng isang babaeng kasama n'ya habang nagsusuklay ito at inaayos ang tali ng buhok. "Stella cheated on him," sagot ng babae. Napatingin ako sa kan'ya at nakita kong naglalagay ito ng red lipstick. "What? Really?" Hindi makapaniwala na tanong nf babae. "Yes. Kahit ako hindi makapaniwala. Sino pa bang magche-cheat kay Nathan non, di'ba? Matalino, gwapo at sikat. Halos nasa kan'ya na rin ang lahat," sabi pa ng babae habang naglalagay ng blush. "I can't believe this. Ang tagal na rin nila. Saan mo nalaman 'yan?" "Narinig ko lang pinag-uusapan sa tabi-tabi." "Well, Now that Stella is dead mas lalong masakit 'yon para kay Nathan." Napatigil sila sa pagkukwentuhan at napatingin sa akin gamit ang salamin. Agad naman akong natauhan at pinatay ang gripo. Napakagat ako sa labi dahil sa kahihiyan. Mabilis na akong naglakad papunta sa pinto. "Yung lalaki pala ni Stella, he's missing." Binuksan ko na ang pinto nang marinig ko pa ang sinabi ng babae. Tuluyan na akong lumabas at napahinto ako saglit. Wala sa aking nakwento si Nathan na ganito. Pero sabagay, sino ba namang may gustong ikwento na naloko sila ng partner nila? Agad akong nabalik sa sarili nang marinig kong tumunog ang bell. Meaning, tapos na ang lunch break at malapit na magsimula ang susunod na klase. "Cr*p," mahina kong sabi nang maalala sila Kael at Cara. Mabilis akong tumakbo papunta sa table namin kanina at nakita kong wala na sila. Napabuntong hininga na lang ako at naglakad na papalabas ng cafeteria. "Ate Mika!" Napalingon ako sa gilid ko nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Pagtingin ko dito ay nakita ko si Chaz na tumatakbo papunta sa akin habang may bitbit na plastic na may lamang.. turon? "Gusto mo?" Tanong nito at ianbutan ako ng isa nito. Agad naman akong umiling at nagpatuloy na sa paglalakad. Kailangan ko na bilisan dahil magsisimula na ang susunod na klase. "Waitt! Ang bilis mo naman maglakad," reklamo nito at sinabayan ako maglakad hanggang sa makalabas na kami sa cafeteria. "Why are you following me?" Nakakunot noo kong tanong at tinignan s'ya. "Friends na tayo, di'ba? That's why," nakangiti nitong sagot. "We're not friends, Chaz," deretso kong sabi sa kan'ya. "I don't need friends."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD